“W-Why?” Halos mautal sa pagsasalita si Xaven dahil sa labis na pagkabigla, pakiramdam niya ay para siyang sinasakal habang ang kanyang utak ay pilit na itinataboy ang hindi magandang isipin na tumatakbo sa kanyang isipan. Pagkatapos ng ilang pakikipagtitigan, tumigas ang ekspresyon ng mukha ni Xaven. Dahil imbes na sumagot si Song-I sa tanong niya ay umangat sa ere ang kamay nito na may hawak na baril. Wala ni anumang ekspresyon na makikita mula sa mukha nito. Nag-igting ang mga bagâng ni Xaven, humigpit din ang pagkakakuyôm ng kanyang mga kamay habang nakatitig sa baril na nakatutok sa kanya. “You fooled me, didn’t you? You never really loved me. It was all in just an act so you could have a chance to kill my family.” Hindi siya nang-aakusa kundi kino-confirm nito na tama ang tumatakbo sa kanyang isip.Nagsimulang manubig ang mga mata ni Song-I, pero sinikap niya na pigilan ang nagbabadyang mga luha.Natigilan si Xaven, hanggang sa unti-unting lumambot ang ekspresyon ng kanyang m
“S**t!” Napamura ako ng wala sa oras ng daplisan ako ng bala sa balikat. Mas dinoble ng kasama ko ang bilis ng motor dahilan kung bakit madali sa amin ang makalayo mula sa mga tauhan ni Hilton. Ilang sandali pa, mula sa malayo ay nakita ko na biglang nawala ang mga humahabol sa amin. Dahilan kung bakit malaya kaming nakarating sa isang bahay na tinutuluyan ng taong nagda-drive ng motor. Hindi ko siya kilala, dahil nagpapakita lang ito sa akin sa tuwing magsasagawa ako ng isang misyon. Nang tumigil ang motor sa tapat ng isang munting bahay ay saka pa lang ako bumaba ng motor. Dumiretso kaagad ako sa loob ng bahay at mabilis na hinubad ang suot kong black leather jacket. Mula sa aking likuran ay sumulpot ang kasamahan ko na may dalang medicine kit. Ibinaba niya ito sa center table na nasa harap ko. Umupo siya sa tabi ko at tinulungan ako na gamutin ang sugat ko. “Jigeum museun gyehwaegiya?”(Anong plano mo ngayon?) Walang emosyon na tanong niya sa akin habang nililinis ang sugat
“Paglabas pa lang ng airport ay tila kay bigat ng ambience ng paligid para sa akin. Kalmado man akong tingnan ay nanatili pa ring alerto ang aking pakiramdam. Ramdam ko ang mga matang nakatitig sa akin at hindi ko alam kung nasaan sila. Mabigat, at talagang matinding tensyon ang nararamdaman ko ng mga oras na ito. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad, hindi alintana ang mga matang nakasu-baybay sa bawat kilos ko. Pumara ako ng taxi, at tahimik na sumakay. “Naega neoramyeon, yeogi dasi doraoji anneun ge joheul geoya.” (Kung ako sayo, dapat hindi ka na bumalik dito.” Mahinang sabi ng driver habang seryoso na nakatutok ang mga mata nito sa unahan ng sasakyan. Samantalang ako ay walang pakialam na nagmamasid sa tanawin na nasa labas ng bintana. kahit sino ay hindi iisipin na nag-uusap kaming dalawa. “Nan sanggwan eopseo, geudeuri dureopji ana.” (Wala akong pakialam, hindi ako natatakot sa kanila.) Walang emosyon kong sagot. Narinig ko na nagpakawala siya ng isang marahas na buntong h
“Mr. Cedric Hilton was found dead yesterday, after his son’s wedding. According to his family, the business tycoon Mr. Cedric was discovered lifeless in his room. The victim sustained three gunshot wounds, which immediately caused his death.” Ang buong mundo ay labis na nagulantang sa pagkalat ng balitang ito mula sa iba’t-ibang platform. Subalit ni isa sa miyembro ng pamilya ay walang tumanggap ng interview. “Daddy!!” Malakas na sigaw ni Summer ang bumulabog sa buong mansion dahilan kung bakit mabilis na lumabas mula sa silid ang mag-asawa Cedric at Lexie. “Ano bang problema mo, Iha, at tinalo pa ng wawang ang bibig mo?” Nakasimangot na tanong ni Ginang Lexie. Habang si Cedric ay nanatili lang na kalmado. “Anong problema ko? My gosh! Look naman, sinong hindi manggagalaiti nito kung ang Mansion ay halos mapuno na ng mga condolence flowers!? Tell me, Dad. Anong kalokohan na naman ito!?” Naiimbyernang pahayag ni Summer, ang mukha nito ay parang gusto ng pumatay ng tao. Pagkatap
Halos ang lahat ay sabay-sabay na tumayo ng tuwid at mabilis na sumaludo ng dumating si Kumander Myung Suk. Wari moy hari na naglakad ito sa gitna ng mga kapulisan na nakatayo sa magkabilang panig ng hallway. Tanging ang tunog ng kanyang mga yabag ang maririnig sa buong paligid, habang ang lahat ay nanatiling tahimik lamang. Nang lampasan niya ang mga ito ay saka pa lang nila ibinaba ang kanilang mga kamay. Subalit, hindi lingid sa kaalaman nilang lahat na isa ni Song-I sa mga pulis na naka sunod sa likuran ni Myung Suk. Suot ang pang pulis na uniporme habang ang mukha ay natatakpan ng kanyang sumbrero. Huminto si Myung Suk sa tapat ng kanyang opisina dahilan kung bakit huminto at kaagad na sumaludo ang ilang mga kapulisan na nakasunod sa kanyang likuran. Nang tuluyan siyang nakapasok sa loob ng opisina ay saka palang umalis sa kanilang mga pwesto ang mga tauhan nito. Pasimpleng sinulyapan ni Song-I ang kanyang paligid at nang makita niya na walang tao sa paligid ay mabilis niya
“jaegye jaebeol i ssiui gabjagseuleoun yebang-e jeon segyega nollassda. Xaven Hilton-i bughan jeongbue jeondalhaessseubnida. ssi. Xaven Hilton-eun segyeeseo gajang ganglyeoghan gajog-ui janyeo jung se ssangdung-i jung du beonjjaeibnida. geuligo jigeum-eun bughan chongliwa bigong-gae hoedam-eul gajgo issseubnida. sa-eobga bag ssiui mogjeog-eun mueos-inga? bughan-e hilteun? igeos-eun modeun salam-ui ma-eum sog-e issneun keun jilmun-ibnida.”(Ginulat ng buong mundo ang biglaang pag-courtesy call ni Mr. Xaven Hilton sa gobyerno ng North Korea. Si Mr. Xaven Hilton ang pangalawa sa triplets sa mga anak ni Mr. Cedric Hilton. At ngayon ay kasalukuyang nagaganap ang pribadong pakikipag pulong nito sa prime minister ng bansang North Korea. Ano ang pakay ng negosyanteng si Mr. Hilton sa bansang North Korea? Ito ang malaking katanungan sa isip ng lahat.) Nagimbal ang mamamayan ng North Korea dahil sa pagdating ni Xaven sa kanilang bansa. Ngunit, higit na nagulat ang kanilang lider na ngayon ay
“Ani! Eomma!!!”Nahintakutan kong sigaw na halos mapatid na ang litid sa aking leeg. Nanlalaki ang aking mga mata habang pinapanood kung paanong dakmain ng aking ina ang kamay ng lalaking may hawak ng baril. Nakipag agawan siya ng baril sa tauhan ni Myung Suk na may hawak sa kanya. hanggang sa ito na mismo ang kumalabit ng gatilyo, dahilan kung bakit pumutok ang baril at bumaon ang bala sa katawan ng aking ina.Pakiramdam ko ay para akong sinabugan ng granada. Sandaling tumigil sa pagtibôk ang puso ko. Halos hindi na rin ako humihinga habang ang mukha ko ay namumutla na. Binalot ng matinding takot ang puso ko at nanigas ang aking katawan.“Eomma!!!” Nahintakutan kong sigaw habang tila slow motion na bumagsak sa sahig ang katawan ng aking ina ng bitawan ito ng lalaking may hawak sa kanya. Para na akong tinakasan ng ulirat at wala sa sarili na tinakbo ko ang aking ina. Subalit, hindi ako nagtagumpay na makaalis sa aking pwesto dahil naramdaman ko na lang ang isang kamay ko na pinilipit
““jeongmal gomawoyo…” (thank you so much…) “Maluha-luha na sambit Song-I. Parang dinurog ang puso ko habang pinagmamasdan ang itsura nito. Nagkalat ang dugo sa ilang bahagi ng katawan nito. Ang dating maputing t-shirt nito ay halos nag mukhang basahan na. Dahil sa pinaghalong dumi at natuyong dugo, ni hindi na nga makilala ang mukha nito dahil tinalo pa niya ang taong grasa. Ang kanyang awra ay tila nakasumpong ng pag-asa. Unang napansin ko sa kanya ay ang pasamâ ng mukha nito na halatang may iniindang sakit. Mabilis na inabot ko ang maliit nitong baywang subalit dumaing na ito na tila nasaktan. Kinabahan ako ng bigla siyang nawalan ng malay. Mabilis ang naging reflexes ng katawan ko dahil na hila ko na ito bago pa siya mabuwal mula sa kanyang kinauupuan. Bumagsak siya sa dibdib ko, at doon ko lang nalaman na inaapoy na pala siya ng lagnat. Binalot ng matinding takot ang puso ko ng makita ko ang dugo mula sa aking kamay. Saka ko lang nalaman na may tama pala siya ng baril. “S