““jeongmal gomawoyo…” (thank you so much…) “Maluha-luha na sambit Song-I. Parang dinurog ang puso ko habang pinagmamasdan ang itsura nito. Nagkalat ang dugo sa ilang bahagi ng katawan nito. Ang dating maputing t-shirt nito ay halos nag mukhang basahan na. Dahil sa pinaghalong dumi at natuyong dugo, ni hindi na nga makilala ang mukha nito dahil tinalo pa niya ang taong grasa. Ang kanyang awra ay tila nakasumpong ng pag-asa. Unang napansin ko sa kanya ay ang pasamâ ng mukha nito na halatang may iniindang sakit. Mabilis na inabot ko ang maliit nitong baywang subalit dumaing na ito na tila nasaktan. Kinabahan ako ng bigla siyang nawalan ng malay. Mabilis ang naging reflexes ng katawan ko dahil na hila ko na ito bago pa siya mabuwal mula sa kanyang kinauupuan. Bumagsak siya sa dibdib ko, at doon ko lang nalaman na inaapoy na pala siya ng lagnat. Binalot ng matinding takot ang puso ko ng makita ko ang dugo mula sa aking kamay. Saka ko lang nalaman na may tama pala siya ng baril. “S
“Hmmm…” Nagising ako na nakakulong sa mga bisig ng isang lalaki. Ang init na nagmumula sa kanyang katawan ay naghahatid ng matinding ginhawa sa aking pakiramdam. Para akong isang basang sisiw na nalimliman ng kanyang inahin, at maliban sa masakit ang aking katawan ay nanlalata rin ang aking pakiramdam.Sinubukan kong kumilos, dahilan kung bakit nagising ang aking katabi. Maingat niyang inalis ang braso na nakayakap sa ilalim ng dibdib ko, saka bumangon. “Sweetheart, how are you feeling?” Nag-aalala na tanong sa akin ni Xaven. Ngunit, imbes na sumagot ay inilibot ko ang tingin sa kabuuan ng silid na aming kinaroroonan.“W-Where am I?” Nagtataka kong tanong sa paos na boses. Nanunuyo ang lalamunan ko, marahil matagal akong nawalan ng malay. Pagkatapos sa paligid ng silid ay napako ang mga tama ko sa gwapong mukha ni Xaven. Lumamlam ang ekspresyon ng mukha ko, at parang sasabog ang puso ko dahil sa kakaibang damdamin na bumabalot dito. Sa ilang araw na hindi ko ito nasilayan ay ma
“Alumpihit na ako sa aking kinatatayuan, habang ang nanginginig kong mga kamay ay magkahawak sa aking harapan. Halos kanina ko pa pigil ang aking paghinga. Hindi ko alam kung saan magsisimula at kung ano ang sasabihin ko ng mga oras na ito. Halos wala akong lakas ng loob na magtaas ng tingin, natatakot kasi akong salubungin ang tingin nilang lahat. Ang tanging nakikita ko lamang ay ang apat na pares ng mga paa ng miyembro nang pamilyang Hilton. “So siya pala ang nagtangka sa buhay ni Daddy at ni Xaven?” Ani ng isang lalaki mula sa kanang bahagi ko, hindi ko siya kilala pero kamukha siya ng asawa ko. Kaya naman lihim akong napalunok. Nang mga sandaling ito ay nakapalibot sila sa akin. Lahat sila ay puro mga seryoso ang mukha habang nakatingin sa akin kaya naman mas lalo akong hindi naging kumportable sa paligid ko. Halos mabingi ako sa lakas ng kabôg ng dibdib ko. Isa pa ay hindi ako sanay sa maraming atensyon kaya kulang na lang ay matunaw ako sa harap ng mga ito. Kasalukuya
“Saeng-gagnane. neohui abeojilang sinhon ttae naega geu salam joh-ahaneun yolileul cheoeum hae jwossgeodeun. sasil yolilagoneun jeonhyeo moshaess-eo. geuleonde neohui abeojiga naega mandeun geo da meogneun geoya. geulaeseo nado hanbeon mas-eul bwassneunde, eojjina jjanji! geunal neohui abeoji byeong-won-e sillyeo gassji mwoya.”(Naalala ko pa noong mga panahon na bagong mag-asawa pa lang kami ng tatay mo. Ipinagluto ko siya ng paborito niyang ulam. Sa totoo lang ay hindi naman talaga ako marunong magluto. Pero nagulat ako ng ubusin ng daddy mo ang lahat ng niluto ko. Pero alam mo ba ng tikman ko ang niluto ko? Dun ko lang nalaman na sobrang alat pala nito! At nang araw ding iyon ay isinugod sa hospital ang tatay mo.) Napuno ng tawanan naming mag-ina ang buong kusina dahil sa nakakaaliw na pagbabalik tanaw ng aking ina noong mga panahon na buhay pa ang daddy ko. Sa ilang linggo na paninirahan namin dito sa condo ni Xaven ay unti-unti ng naging maayos ang kondisyon ng aking ina. Medyo
“Nahinto ang mga paa ko ng mula sa kabilang dulo ng hallway na tinatahak ko ay masayang nag-uusap si Xaven at Irish. Nagtatawanan pa ang mga ito na halatang masaya sa kanilang pinag-uusapan. Parang biglang bumigat ang dibdib ko at tila hindi ko kayang makita ang tanawin na nasa harapan ko. Tama nga ang dalawang nurse na nakasabay ko, bagay silang dalawa. Parehong edukado at mula sa mayamang angkan. Nagdesisyon ako na huwag na lang sirain ang magandang moment ng mga ito. Subalit, nang akmang pipihit na sana ako pabalik ng elevator ay nalipat naman sa akin ang tingin ng aking asawa. “Sweetheart!” Masayang tawag sa akin Xaven, kaagad na iniwan nito si Irish na ngayon ay masama ang tingin sa akin. Hindi ito nakikita ng asawa ko dahil nakatalikod na ito sa kanya.Kaagad na hinagkan niya ang mga labi ko habang mahigpit na nakayakap sa akin ang mga braso nito. “D-Denallhan kita ng lunch.” Alanganin kong sabi na medyo baluktot pa ang pagkakabigkas ko. Hindi ko alam kung anong timbre ng
BLAG! Pagkatapos bumaba ng sasakyan ay ipinasa ni Song-I ang mga dala sa isang katulong na lumapit sa kanya. Walang lingon-likod na pumanhik ng hagdan. “Song-I! What is really the problem? Tell me, did I do something wrong?” Naguguluhan na tanong ni Xaven, habang nakasunod sa likuran ng kanyang asawa.“There’s nothing wrong with you, okay? So could you please leave me alone for a while?” Nag-init na ang bumbunan ni Xaven dahil sa matinding inis, dahilan kung bakit hindi na niya pinalampas ang pagkakataon na ‘to.“I don’t understand you! Just a while ago, we were fine. All of a sudden, you’re angry for no reason? Why won’t you just tell me why you’re acting this way?” Ang nais mangyari ni Song-I, ay hindi nangyari dahil hindi siya tinantanan nito.“Don’t even ask me! Because even I don’t understand myself.” Matigas na sagot ni Song-I sabay pihit paharap sa kanyang asawa, natigil sa paghakbang ang mga paa ni Xaven ng biglang lumapat ang kanang palad ni Song-I sa kanyang dibdib. Ang
“Sweetheart, aren’t you going to come with me? My hospital will be receiving an award today.” Si Xaven na sa huling pagkakataon ay pilit na kinukumbinsi ang asawa na sumama para sa isang mahalagang okasyon. Sapagkat ngayong araw ang National Hilton’s Hospital ay kinilala bilang most outstanding hospital sa buong bansa. Kaya gusto ni Xaven na nasa tabi niya ang kanyang asawa habang tinatanggap ang award.And besides, halos hindi na nga ito lumalabas ng bahay. Lagi na lang itong nasa silid nilang mag-asawa. Ilang beses na ba siyang tinanggihan nito sa tuwing aayain niya ito na magshopping o di kaya at kumain sa labas? Halos hindi na nga niya mabilang sa daliri.“Why do I even need to come along? My presence isn’t important for that event. And besides, no one even knows that you’re already married.” Katwiran pa nito.“Dahil plano ko na i-pakilala ka sa buong mundo.”Gusto sanang kontrahin ni Xaven ang sinasabi ng kanyang asawa para ipaalam ang bagay na ‘to. Subalit hindi niya maisatinig d
Madilim ang mukha ni Xaven ng datnan siya ni Song-I sa bungad ng pintuan. Nakapamewang ito habang nakatitig ang kanyang mga mata sa magandang mukha ng kanyang asawa. Hindi maikakaila ang pagiging closeness ng kanyang asawa sa kanilang driver. Dahilan kung bakit nilamon ng matinding selos ang kanyang dibdib. Nang umalis siya kaninang umaga ay parang wala lang sa asawa niya ang kanyang presensya. Tapos ngayon ay dadatnan niya itong masayang nakikipag-usap sa kanilang driver? Pakiramdam niya ay nainsulto talaga ang kanyang pagkalalaki sa inasal ng kanyang asawa. “Huh? Xav? Have you been here for a while?” Gulat na tanong ni Song-I. Halatang hindi niya inaasahan ang maagang pag-uwi ng kanyang asawa. Naghimagsik ang kalooban ni Xaven ng mapawi ang ngiti sa mga labi nito. Seryoso itong lumapit sa kanya—tumingkayad at humalik sa kanyang pisngi. Mapang angkin na hinapit niya ang maliit na bewang ng kanyang asawa. Habang sa likod nito ay pinukol niya ng isang nagbabantang tingin ang kany