“Nahinto ang mga paa ko ng mula sa kabilang dulo ng hallway na tinatahak ko ay masayang nag-uusap si Xaven at Irish. Nagtatawanan pa ang mga ito na halatang masaya sa kanilang pinag-uusapan. Parang biglang bumigat ang dibdib ko at tila hindi ko kayang makita ang tanawin na nasa harapan ko. Tama nga ang dalawang nurse na nakasabay ko, bagay silang dalawa. Parehong edukado at mula sa mayamang angkan. Nagdesisyon ako na huwag na lang sirain ang magandang moment ng mga ito. Subalit, nang akmang pipihit na sana ako pabalik ng elevator ay nalipat naman sa akin ang tingin ng aking asawa. “Sweetheart!” Masayang tawag sa akin Xaven, kaagad na iniwan nito si Irish na ngayon ay masama ang tingin sa akin. Hindi ito nakikita ng asawa ko dahil nakatalikod na ito sa kanya.Kaagad na hinagkan niya ang mga labi ko habang mahigpit na nakayakap sa akin ang mga braso nito. “D-Denallhan kita ng lunch.” Alanganin kong sabi na medyo baluktot pa ang pagkakabigkas ko. Hindi ko alam kung anong timbre ng
BLAG! Pagkatapos bumaba ng sasakyan ay ipinasa ni Song-I ang mga dala sa isang katulong na lumapit sa kanya. Walang lingon-likod na pumanhik ng hagdan. “Song-I! What is really the problem? Tell me, did I do something wrong?” Naguguluhan na tanong ni Xaven, habang nakasunod sa likuran ng kanyang asawa.“There’s nothing wrong with you, okay? So could you please leave me alone for a while?” Nag-init na ang bumbunan ni Xaven dahil sa matinding inis, dahilan kung bakit hindi na niya pinalampas ang pagkakataon na ‘to.“I don’t understand you! Just a while ago, we were fine. All of a sudden, you’re angry for no reason? Why won’t you just tell me why you’re acting this way?” Ang nais mangyari ni Song-I, ay hindi nangyari dahil hindi siya tinantanan nito.“Don’t even ask me! Because even I don’t understand myself.” Matigas na sagot ni Song-I sabay pihit paharap sa kanyang asawa, natigil sa paghakbang ang mga paa ni Xaven ng biglang lumapat ang kanang palad ni Song-I sa kanyang dibdib. Ang
“Sweetheart, aren’t you going to come with me? My hospital will be receiving an award today.” Si Xaven na sa huling pagkakataon ay pilit na kinukumbinsi ang asawa na sumama para sa isang mahalagang okasyon. Sapagkat ngayong araw ang National Hilton’s Hospital ay kinilala bilang most outstanding hospital sa buong bansa. Kaya gusto ni Xaven na nasa tabi niya ang kanyang asawa habang tinatanggap ang award.And besides, halos hindi na nga ito lumalabas ng bahay. Lagi na lang itong nasa silid nilang mag-asawa. Ilang beses na ba siyang tinanggihan nito sa tuwing aayain niya ito na magshopping o di kaya at kumain sa labas? Halos hindi na nga niya mabilang sa daliri.“Why do I even need to come along? My presence isn’t important for that event. And besides, no one even knows that you’re already married.” Katwiran pa nito.“Dahil plano ko na i-pakilala ka sa buong mundo.”Gusto sanang kontrahin ni Xaven ang sinasabi ng kanyang asawa para ipaalam ang bagay na ‘to. Subalit hindi niya maisatinig d
Madilim ang mukha ni Xaven ng datnan siya ni Song-I sa bungad ng pintuan. Nakapamewang ito habang nakatitig ang kanyang mga mata sa magandang mukha ng kanyang asawa. Hindi maikakaila ang pagiging closeness ng kanyang asawa sa kanilang driver. Dahilan kung bakit nilamon ng matinding selos ang kanyang dibdib. Nang umalis siya kaninang umaga ay parang wala lang sa asawa niya ang kanyang presensya. Tapos ngayon ay dadatnan niya itong masayang nakikipag-usap sa kanilang driver? Pakiramdam niya ay nainsulto talaga ang kanyang pagkalalaki sa inasal ng kanyang asawa. “Huh? Xav? Have you been here for a while?” Gulat na tanong ni Song-I. Halatang hindi niya inaasahan ang maagang pag-uwi ng kanyang asawa. Naghimagsik ang kalooban ni Xaven ng mapawi ang ngiti sa mga labi nito. Seryoso itong lumapit sa kanya—tumingkayad at humalik sa kanyang pisngi. Mapang angkin na hinapit niya ang maliit na bewang ng kanyang asawa. Habang sa likod nito ay pinukol niya ng isang nagbabantang tingin ang kany
Natigil sa pagtipâ ang mga daliri ni Xaven mula sa keyboard ng laptop. Nang mula sa kanyang likuran ay bigla na lang yumakap sa katawan niya ang mga braso ng kanyang asawa. Napangiti siya ng sisirin ng mukha nito ang kanyang leeg. Matinding kiliti ang kumalat sa bawat himaymay ng kanyang laman. Masyadong malambing ngayon ang kanyang asawa na labis niyang ikinatuwa. Mula sa likuran ay marahan niya itong hinila papunta sa kanyang harapan bago maingat na iniurong ang kanyang kinauupuan. Paharap na sumalampak ng upo si Song-I sa kandungan ni Xaven habang ang mga braso nito ay nasa leeg ng kanyang asawa.“Does my baby want something?” Nakangiting tanong ni Xaven sa naglalambing na asawa. “Um, I hope you won’t get mad at me for not telling you about this right away.” Napangiti si Xaven, dahil may ideya na siya kung ano ang sasabihin nito.“What is it, Sweetheart?” Naglalambing na tanong ni Xaven habang masuyong hinahagod ng kanyang mga kamay ang likod ni Song-I.Halatang nagdadalawang-isi
“Para akong tuod, ni halos hindi na ako gumagalaw sa aking kinatatayuan habang mahigpit na kipkip ko ang mga bagong libro sa tapat ng aking dibdib. Hindi ko na rin namalayan na kanina ko pa pala pigil ang aking paghinga. Gusto ko ng kumaripas ng takbo dahil sa matinding hiya habang nakatayo dito sa unahan ng classroom. Ang lahat ng atensyon ng nasa benteng estudyante sa aking harapan ay sa akin nakatuôn. Halos hindi na kumukurap ang mata nila na nakatitig sa aking mukha. Dahilan kung bakit hindi ko magawang mag-angat ng tingin at nanatili lang na nakapako ang mga mata ko sa puting marmol ng sahig. “Good morning class! Meron kayong bagong classmate, Ms. Kim, you may introduce yourself.” Napalunok ako ng wala sa oras ng marinig ko ang sinabi ng aming professor. “H-Hi, I’m Kim Song-I. I’m from N-North Korea.” Pagdating sa pagbigkas sa pangalan ng bansang pinagmulan ko ay bahagyang humina ang boses ko. Hindi naman sa ikinakahiya ko ang bansang aking sinilangan, kundi natatakot lang a
“S**t! What happened?” Nag-aalala na tanong ni Xaven ng makita ang hitsura ng kanyang asawa. Masasalamin ang labis na pag-aalala mula sa mukha nito. At the same time ay galit dahil sa isipin na may kumanti sa kanyang asawa. Magulo ang buhok nito, habang ang suot na uniporme na puting long sleeve ay gusot at marumi. Bakas din ang ilang marka ng alikabok sa itim at maikli niyang palda, maging sa itim niyang makapal na stocking. Nahihiya na napakamot sa kanyang ulo si Song-I, kaya nagmukha siyang bata sa paningin ng kanyang asawa. Ni hindi niya maibuka ang bibig dahil hindi niya alam kung paano ipapaliwanag sa asawa ang gulong kinasangkutan. “There was just a little problem at school. But, I’m okay.” Nakangiti na sagot ni Song-I. ““ajigdo byeonham-eobsguna, Song-eya! tto ssawoss-eo?” (Hanggang ngayon ay hindi ka pa rin nagbabago Song-eya! Nakipag-away ka na naman!?) Galit na tanong ng kanyang ina na bigla na lang sumulpot sa likuran ng kanyang asawa. “Eomma, nae jalmos-i ani
”Parang gusto kong bumunghalit ng tawa habang pasimple kong pinagmamasdan ang reaksyon ng aking asawa. Sa talim ng tingin nito sa akin ay parang gusto na ako nitong patayin. Ang lahat ay nakangiti maliban sa asawa ko na hindi na mailarawan ang mukha.”Okay, class, be prepared for our quiz tomorrow. That’s all, you’re dismissed.” Pagtatapos ko sa aming klase ngunit ang mga mata ko ay nakapako sa aking asawa na ngayon ay abala sa kanyang notebook na hindi ko alam kung ano ang sinusulat nito. Nagsimulang magsitayuan ang mga estudyante para sa susunod nilang subject.“Sir, can we take a picture?” Kinikilig na tanong sa akin ng isang estudyante, bahagya pang namumula ang mukha nito dala ng hiya.“Sure.” Nakangiti kong sagot kaya naman marami na rin ang gumaya. Nagsimula na dumugin ako ng mga kababaihan habang ang iba ay halos nakayakap na sa akin. Napakamot na lang tuloy ako sa aking ulo. Mabilis na pumasok sa loob ng classroom ang dalawang bodyguard ko at pinalabas na ang mga estudyante