“Para akong tuod, ni halos hindi na ako gumagalaw sa aking kinatatayuan habang mahigpit na kipkip ko ang mga bagong libro sa tapat ng aking dibdib. Hindi ko na rin namalayan na kanina ko pa pala pigil ang aking paghinga. Gusto ko ng kumaripas ng takbo dahil sa matinding hiya habang nakatayo dito sa unahan ng classroom. Ang lahat ng atensyon ng nasa benteng estudyante sa aking harapan ay sa akin nakatuôn. Halos hindi na kumukurap ang mata nila na nakatitig sa aking mukha. Dahilan kung bakit hindi ko magawang mag-angat ng tingin at nanatili lang na nakapako ang mga mata ko sa puting marmol ng sahig. “Good morning class! Meron kayong bagong classmate, Ms. Kim, you may introduce yourself.” Napalunok ako ng wala sa oras ng marinig ko ang sinabi ng aming professor. “H-Hi, I’m Kim Song-I. I’m from N-North Korea.” Pagdating sa pagbigkas sa pangalan ng bansang pinagmulan ko ay bahagyang humina ang boses ko. Hindi naman sa ikinakahiya ko ang bansang aking sinilangan, kundi natatakot lang a
“S**t! What happened?” Nag-aalala na tanong ni Xaven ng makita ang hitsura ng kanyang asawa. Masasalamin ang labis na pag-aalala mula sa mukha nito. At the same time ay galit dahil sa isipin na may kumanti sa kanyang asawa. Magulo ang buhok nito, habang ang suot na uniporme na puting long sleeve ay gusot at marumi. Bakas din ang ilang marka ng alikabok sa itim at maikli niyang palda, maging sa itim niyang makapal na stocking. Nahihiya na napakamot sa kanyang ulo si Song-I, kaya nagmukha siyang bata sa paningin ng kanyang asawa. Ni hindi niya maibuka ang bibig dahil hindi niya alam kung paano ipapaliwanag sa asawa ang gulong kinasangkutan. “There was just a little problem at school. But, I’m okay.” Nakangiti na sagot ni Song-I. ““ajigdo byeonham-eobsguna, Song-eya! tto ssawoss-eo?” (Hanggang ngayon ay hindi ka pa rin nagbabago Song-eya! Nakipag-away ka na naman!?) Galit na tanong ng kanyang ina na bigla na lang sumulpot sa likuran ng kanyang asawa. “Eomma, nae jalmos-i ani
”Parang gusto kong bumunghalit ng tawa habang pasimple kong pinagmamasdan ang reaksyon ng aking asawa. Sa talim ng tingin nito sa akin ay parang gusto na ako nitong patayin. Ang lahat ay nakangiti maliban sa asawa ko na hindi na mailarawan ang mukha.”Okay, class, be prepared for our quiz tomorrow. That’s all, you’re dismissed.” Pagtatapos ko sa aming klase ngunit ang mga mata ko ay nakapako sa aking asawa na ngayon ay abala sa kanyang notebook na hindi ko alam kung ano ang sinusulat nito. Nagsimulang magsitayuan ang mga estudyante para sa susunod nilang subject.“Sir, can we take a picture?” Kinikilig na tanong sa akin ng isang estudyante, bahagya pang namumula ang mukha nito dala ng hiya.“Sure.” Nakangiti kong sagot kaya naman marami na rin ang gumaya. Nagsimula na dumugin ako ng mga kababaihan habang ang iba ay halos nakayakap na sa akin. Napakamot na lang tuloy ako sa aking ulo. Mabilis na pumasok sa loob ng classroom ang dalawang bodyguard ko at pinalabas na ang mga estudyante
“bugjoseon-e dasi dol-agagi eolyeoul geoya. myeongseog salyeong-gwan-i sahyeong-eul seongobad-assgo, geuui buhadeuldo machangajiya. jigeum-eun beob jibhaengjadeul-i neol chajgo iss-eo.” (Mahihirapan ka ng makabalik sa North Korea, dahil tuluyan ng sinentensyahan si kumander Myung Suk ng death penalty. Kasama ang kanyang mga tauhan. Sa ngayon ay pinaghahanap ka na ng mga alagad ng batas.) Nagngangalit ang mga bagâng ni Dhoyun ng marinig ang sinabi ng kanyang kasamahan. Kasalukuyan pa rin siyang nanatili sa Pilipinas para dito magtago. Simula ng madakip ang kanyang kumander ay lumiit na rin ang mundong kanyang ginagalawan. “Song-eya sageon-eun eotteohge dwaessnayo?” (Ano ang nangyari sa kaso ni Song-eya?) Tiǐm ang bagâng na tanong nito, habang ang kanyang kalooban ay nagpupuyos sa matinding galit. “Geu yeojaneun mujoe pangyeol-eul bad-assgo, nae sosig-euloneun hilteun jung han myeong-gwa gyeolhonhaessdago deul-eoss-eo.” (Absuwelto ang babaeng ‘yun, at ang balita ko ay asawa n
“Sweetheart, please talk to me! I’m sorry!” Pagkatapos sabihin ‘yun at napalingon si Xaven sa bagong dating na katulong na may dala ng duplicate key. Pagdating kasi nila sa bahay ay nagkulong na ang kanyang asawa sa loob ng guestroom. Ni ayaw din siya nitong kausapin.Hindi niya kayang ipagpaliban ang panunuyo sa batang asawa, dahil kung patatagalin pa niya ito ay baka mas lalo lang lumala ang sitwasyon. Or worst mas lumaki pa ang galit nito sa kanya.Kaagad na isinuksok ang susi sa susian at saka pinihit ang serradura. Maingat na binuksan ang pintuan, ngunit mabilis niyang naikubli ang sarili sa dahon ng pintuan ng makita ang isang bagay na lumilipad patungo sa kanyang direksyon. Mabilis ang pangyayari, at ang tanging narinig niya ay ang nabasag na vase.“Get out! I don’t want to see your face!” Dama mo sa nanggigigil nitong boses ang matinding galit ng kanyang asawa.“I swear, Sweetheart, I didn’t want those students approaching me either. Besides, the reason I’m there is to protec
“Kasalukuyan kong binabaybay ang kahabaan ng hallway nang NCU academy. Nagtataka ako kung bakit ganito na lang ang atensyon na natatanggap ko mula sa mga kapwa ko estudyante. Kung tingnan ako ng mga ito ay wari moy kay laki ng kasalanan na ginawa ko sa kanila. “Oh, look who’s coming, ang ambisyosang anak ng driver.” Narinig ko ang maarteng pagkakasabi ng isang estudyante na hindi ko naman kilala. Binalewala ko ang sinabi nito at nagpatuloy lang ako sa paglalakad. “OMG, siya pala ‘yun? Well hindi na ako magtataka kung bakit siya ang nagustuhan ni Mr. Hilton. Marahil naging wise lang siya sa paggamit ng kanyang ganda, she’s a smart, para makuha ang isang tycoon upang gumanda ang kanyang buhay.” “Ang sabihin mo, gold digger.” Komento pa ng isa. Marahil, mabilis na kumalat sa buong campus ang ginawang pagtatanggol sa akin ni Xaven mula sa grupo ng mga kalalakihan na nagtangkang mambully sa akin. “Song-I!” Masayang tawag ni Rhea, mula sa malayo. Tumatakbo ito na lumapit sa akin, Na
“Where are we going?” Curious na tanong ni Song-I habang maingat itong inaalalayan ni Xaven pababa ng sasakyan. Parang sasabog na ang puso niya dahil sa matinding excitement. Ngayon lang kasi niya naranasan ang surpresahin, kaya pakiramdam tuloy niya ay para siyang bata na sabik makita ang regalo ng kanyang asawa. “Are you ready, Sweetheart?” “Yup! Kanina pa!” Excited kong sagot na may kasamang kilig kaya naman natawa ang asawa ko. Ilang sandali pa ay tinanggal na niya ang panyo na nakatakip sa mga mata ko. Nang tuluyan niyang alisin ang panyo ay pigil ko ang aking paghinga habang dahan-dahan kong iminumulat ang aking mga mata. Sa pagmulat ng aking mga mata ay tumambad sa aking paningin ang isang malawak na bakanteng lupain. At mula sa aking kinatatayuan ay halos hindi ko na matanaw ang pader na nakapalibot sa malawak na lupaing ito. Pakiramdam ko ay parang nangibabaw ang tunog ng kulisap sa paligid ko na sinamahan ng malamig na simoy ng hangin. Napakatahimik, at ang mga bagay n
“Hi!” Mula sa aking likuran ay narinig ko ang boses ng isang babae. Pamilyar ito sa akin kaya naman hinarap ko ito. “Song-I, right?” Nakangiting bati sa akin ni Irish, habang ako ay nanatili lang na seryoso ang ekspresyon ng mukha. ““I’m sorry for the unpleasantness that happened between us. I learned from Xaven that you two are getting married, which made me realize that there’s no point in holding on to what we had. I accept that you are the one he truly loves. For my peace of mind, I’d like to reconcile with you. I’ve also come to understand that you aren’t to blame, and I need to respect Xaven’s decisions.Your husband is my friend, so can we be friends?” (I’m sorry, sa hindi magandang nangyari sa pagitan nating dalawa. Nalaman ko mula kay Xaven na ikakasal na pala kayo, kaya narealize ko na wala na ring magandang pakikitunguhan ang lahat sa amin ni Xaven. Tanggap ko na ikaw talaga ang mahal n’ya. At para magkaroon ako ng peace of mind ay gusto ko sanang makipag-ayos sayo. Nap