Mula sa Mansion ng mga Hilton ay abalâ ang lahat sa pag-aayos ng kanilang mga sarili. Ang groom na si Xaven ay napaka gwapo sa suot nyang white american suit na may design na brooch lapels sa kwelyo ng kanyang americana. Isa itong disenyo ng bulaklak na gawa sa dark silver na sa gitna ay makikita ang mamahaling bato ng black diamond. At mula sa bulsa na nasa kaliwang bahagi ng kanyang suit may isa pang maliit na lapel pin na may disenyong star. Habang ang nakalawit na dalawang gold chain ay nagko-konekta sa nga nabanggit na dalawang lapel pin. Matinding excitement ang makikita sa mukha ni Xaven, kahit kasal na sila ni Song-I ay iba pa rin sa pakiramdam ang ikasal sila sa harap ng maraming tao. Habang ang kanyang mga magulang ay halatang masaya dahil sa maaliwalas na ekspresyon ng kanilang mga mukha. Masaya sila para sa kanilang anak at dahil sa wakas ay meron na rin itong sariling pamilya. Sa mga lumipas na araw ay naging puspusan ang paghahanda ng lahat para sa kasal nina Xaven at
“Maaliwalas ang panahon, habang ang haring araw ay tila nag mamayabang dahil sa pagsabog ng liwanag nito sa buong paligid. Wari moy nakalutang sa ulap ang aking mga paa habang nakatayo sa harap ng isang malaking standing mirror. Hindi ako makapaniwala sa mga nakikita ko. Isang munting babae sa aking harapan na nakasuot ng pinakamagandang damit sa buong mundo. Nagniningning ang mukha dahil sa magandang make-up na nilagay nila sa mukha ko. Nagmukha tuloy ako na isang mannequin. Mula sa ibabaw ng bangs ko ay nakapaikot ang isang bulaklaking rhinestone patungo sa likod ng nakalugay kong buhok na sinadyang kulutin.Pakiramdam ko ay isa akong diwata mula sa isang fairytale. Lumapit sa akin ang isang babae, bitbit nito ang mahabang extension ng aking gown. Nang ikabit nila ito sa aking baywang ay natakpan ang suot kong fitted na gown, at ngayon ay ganap na akong prinsesa sa aking paningin.Sabay na napasinghap ang lahat dahil sa matinding paghanga ng matapos ang pag-aayos sa aking gown. Su
“Damn! Hindi nyo ba kayang gawan ng paraan ang traffic na ‘yan!?” irritable na tanong ni Storm, namumula na ang buong mukha nito dahil sa sobrang inis. Habang nakatingin sa unahan ng sasakyan, laking dismaya niya ng makita ang mahabang pila ng maraming sasakyan sa kahabaan ng highway. Suot ang mamahaling itim na americana, dahil aattend siya sa kasal ng kanyang bunsong kapatid. Mag-isa lang siya ngayon dahil kabuwanan na ng kanyang asawang si Misaki, dahilan kung bakit siya labis na nagmamadali dahil ayaw niyang mawala ng matagal sa tabi ng kanyang asawa. Isang marahas na buntong hininga ang pinakawalan ni Storm at pilit na hinahabaan pa ang maiksi niyang pasensya, para lang huwag sumabog sa galit. Naisip niya na sa dami ng mga sasakyan sa kanilang unahan ay malabo talaga na makaalis pa sila sa gitna ng traffic. Okay na sana at medyo kumakalma na ang kanyang sarili. Subalit, sinurpresa siya ng isang sasakyan na bigla na lang sumingit sa gilid ng kanyang sasakyan. Dahilan kung
“Oh my god! Sweetheart!” Naibulalas ni Xaven ng makita ako nito sa bungad ng simbahan. Sinalubong ako nito ng mahigpit na yakap bago pinupog ng halik ang buong mukha ko. “Para kong masisiraan ng bait dahil sa labis na pag-aalala sayo, are you okay?” Malambing niyang tanong habang hinahaplos ng hinlalaki nito ang aking pisngi. Naluluha na tumango ako ng paulit-ulit habang nakapaskil sa aking mga labi ang isang matamis na ngiti. Dahil nagmamadali si Storm, ay inihatid lang niya ako sa simbahan. Humingi na rin siya ng dispensa sa akin dahil hindi siya makakadalo sa kasal namin ng kanyang kapatid. Nauunawaan ko naman dahil higit na kailangan siya ng kanyang asawa na kasalukuyan na palang naglalabor. “Sir, magsisimula na po ang kasal.” Ani ng organizer. Mabilis namang lumapit ang sa akin ang mga katulong at kumuha ang mga ito ng wet tissue at kaagad na nilinis ang marumi kong paa. Habang ang ilan sa kanila ay pinunasan ang mukha ko ay kaagad na ni retouch ang aking make-up. Hindi
TIMOTHY HILTON [Book 9]“Ang unang rules sa kasunduang ito ay bawal akong mahalin.”- Tim“Paano kung lumabag ako at natutunan kang mahalin ng puso ko?”- Yash“Then leave as soon as possible.”-Tim“Masyadong mahiwaga ang pagkatao ng lalaking ito, pero sinisiguro ko na sa huli kakainin mo ang rules mong ‘yan at darating ang araw na mamahalin mo rin ako.” -TONDO MANILA…“Yashveer! Punyeta kang bata ka, tanghali na nakahilata ka pa d’yan! Ano ka pensyonada? Kailan mo titirahin ang mga labahing ‘yan!? Kapag puti na uwak!?” Ang bunganga ng nanay ko ay tinalo pa ang megaphone sa lakas ng boses nito. Wari moy isang wawang ng ambulansya na walang tigil sa pag-iingay. Siguradong dinig ang mga sinabi nito hanggang sa kabilang kanto. “Nay naman, hindi mo naman kailangang sumigaw dahil nandito lang ako sa harap mo.” Reklamo ko pa habang ang nguso ko ay kulang na lang sumayad na sa sahig. Totoo naman ang sinabi ko, dahil ang inuupahan naming bahay ay katumbas lang ng isang kwarto. Halos dalawang
Nakapatong sa kanang kamay ko ang isang tray na may laman na iba’t-ibang klase ng alak. Habang maingat na inaalok ito sa mga ilang bisita. Nandito ako ngayon sa isang marangyang pagtitipon. Ito ang trabahong inalok sa akin ng kaibigan kong si Chin. Natuwa naman ako, dahil malaki ang kikitain ko sa part time job na ‘to. Bukod kasi sa mababayaran ko na ang upa ng bahay ay may matitira pang panggastos para sa loob ng isang linggo.Kung sana gabi-gabi ako kikita ng ganito kalaking pera ay siguradong mabilis akong makakaipon.Halos malula ako dahil sa mga mayayamang bisita na nakapaligid sa akin. Hindi basta-basta ang mga taong ito, dahil ayon kay Chin ang lahat ng bisita ng kanyang boss ay puro mga bigating negosyante na nagmula pa sa iba’t-ibang panig ng mundo. Obvious naman dahil karamihan sa mga bisita ay puro mga banyaga.Nanlalaki ang aking mga mata sa tuwing nakakakita ako ng mga sikat na artista kung hindi lang kami pinagbawalan na magpa-picture sa mga artista ay baka napuno na a
“Oh, finally! Umuwi din ang asawa kong walang pakiramdam!” Sarkastiko ang pagkakasabi nito ni Lucy, habang ang mga mata ay matalim kung makatingin. Halos hindi na siya na tulog buong magdamag dahil sa kakahintay sa magaling niyang asawa. At ngayon ay alas nuebe na ng umaga ito nakauwi, wala siyang ideya kung saan ito natulog kagabi. Suot pa rin ng kanyang asawa ang pang-ilalim na puting polo na suot nito kagabi. Bakas sa mukha ni Lucy ang matinding sakit, she’s a totally mess and wasted. Isa siyang larawan ng isang asawa na naghahangad ng atensyon mula sa kanyang asawang lalaki. Pero ang lalaking kaharap ay tila walang amor sa kanya. Perhaps it’s a one sided love? Tanging si Lucy lang ang nakakaalam nito. “Not now, Lucy, I'm tired.” Si Timothy na halatang tinatamad pang makipag-usap sa kanyang asawa. Walang buhay ang tinig nito. Pumihit siya patungo sa isang bahagi ng pader, dito sa loob ng silid nilang mag-asawa. “Oh, really? Tired? Saan? Sa babae mo?!” Ngayon ay mataas na ang
Mabilis ang mga hakbang na pumasok sa loob ng bahay na parang akala mo ay may tinatakasan. “Otep, kapag may naghanap sa akin sabihin mo, WALA! TULOG! UMALIS!” “Okay ate!” Mabilis ang pagsasalita ko habang hinahangos. Nang marinig ko ang sagot ng aking kapatid ay tumakbo na ako papasok sa loob ng banyo, para magtago. Medyo hiningal pa ako dahil sa matinding pagod. Ang layo kasi ng nilakad ko, dahil sinubukan kong maghanap ng trabaho pero umuwi akong bigo. Ang hirap talaga ng walang tinapos dahil ang karamihan na trabahong tumatanggap sa akin ay kung hindi tindera sa palengke ay isang kasambahay naman. Aanhin ko ang maliit na sahod na ‘yun? Araw-araw kaming kumakain tapos magbabayad pa ng upa sa bahay. bill pa ng kuryente at tubig. Tapos ang sasahurin ko lang sa loob ng isang buwan ay halos wala pa sa kalahati ng minimum wage ng sahod dito sa NCR. Dahilan kung bakit hindi ako sumuko sa pag-aapply. Lahat na yata ng agency at kumpanya ay pinasahan ko na ng aking resume. Pero ilang