Mabilis ang mga hakbang na pumasok sa loob ng bahay na parang akala mo ay may tinatakasan. “Otep, kapag may naghanap sa akin sabihin mo, WALA! TULOG! UMALIS!” “Okay ate!” Mabilis ang pagsasalita ko habang hinahangos. Nang marinig ko ang sagot ng aking kapatid ay tumakbo na ako papasok sa loob ng banyo, para magtago. Medyo hiningal pa ako dahil sa matinding pagod. Ang layo kasi ng nilakad ko, dahil sinubukan kong maghanap ng trabaho pero umuwi akong bigo. Ang hirap talaga ng walang tinapos dahil ang karamihan na trabahong tumatanggap sa akin ay kung hindi tindera sa palengke ay isang kasambahay naman. Aanhin ko ang maliit na sahod na ‘yun? Araw-araw kaming kumakain tapos magbabayad pa ng upa sa bahay. bill pa ng kuryente at tubig. Tapos ang sasahurin ko lang sa loob ng isang buwan ay halos wala pa sa kalahati ng minimum wage ng sahod dito sa NCR. Dahilan kung bakit hindi ako sumuko sa pag-aapply. Lahat na yata ng agency at kumpanya ay pinasahan ko na ng aking resume. Pero ilang
“Oh my God! What is this!?” Bulalas ni Ginang Lexie habang nakatitig sa mga ilang larawan na nasa kanyang mga kamay. Parang bigla siyang nawala sa huwisyo at halos pigil na niya ang kanyang hininga. Habang ang kanyang mga mata ay nanlalaki halatang hindi makapaniwala sa kanyang mga nalaman mula sa larawan. “Mom, are you Okay?” Nagtataka na tanong ni Xion bago humakbang palapit sa sofa na kinauupuan ng kanyang ina. Maging si Summer ay napalingon din sa kanyang ina, kunot ang noo na lumapit din ito. Nandito silang tatlo sa salas ng Mansion at kasalukuyang nanonood ng balita sa tv ng may biglang dumating na sulat para sa kanilang ina. Hindi malaman kung sino ang nagpadala ng sulat dahil wala itong pangalan. Napansin nila na hindi sulat ang laman ng envelope kundi mga larawan na kanina pa tinititigan nang kanilang ina. Nag-alala sila sa naging reaksyon nito dahil bahagya pa itong hinihingal. “Mommy? Manang tubig, bilis!” Nag-aalala na sigaw ni Summer kaya naman natataranta na tu
“Lutang at parang wala ako sa aking sarili. Akala ko, sa oras na magkaroon ako ng trabaho ay solve na ang problema ko. Dahil may inaasahan na akong income buwan-buwan. Pero hindi pala ganun kadali ang lahat, dahil di yata’t mas lalong nadagdagan pa ang problema ko… Kung noon ang problema ko lang ay ang pambili ng pagkain namin at pambayad ng mga bills? Ngayon, problema ko naman kung saan kukuha ng panggastos para sa pamasahe ko araw-araw. Parang gusto ko ng umiyak at maglupasay sa sahig. Bakit ba sa bawat kibot ko ay lagi na lang may kaakibat na problema? “Hayytts! Problema kailan mo ba ako tatantanan!?” Naiimbyerna kong saad na hindi ko alam na isa-tinig ko na pala. Saglit akong tumigil sa paglalampaso ng sahig at wala sa sarili na tumitig sa kawalan. “Mukhang may bumigay ng utak ngayong araw. Well, hindi na ako magtataka kung bukas ay makita na lang kita sa lansangan na nanghuhuli ng langaw.” Ani Chin na sinundan ng tawa. Bigla akong nahimasmasan dahil sa pagsulpot nit
“Kung ano man po ang iniisip mo sa akin, pakiusap, ayoko ng gulo. Ang nais ko lang ay trabaho, marami na po akong problema. Maituturing man na kabastusan, pakiusap, Sir. Huwag n’yo na pong dagdagan.” Diretsahang sagot ni Yash, dahil kinakabahan siya sa patutunguhan ng usapang ito. Akala kasi niya noong una ay isang bahagi lang ng interview ang mga tanong ng kanyang boss kaya naman maayos pa niyang sinasagot. Pero pagdating sa mga ganung usapan ay mabilis na siyang umiiwas. Aminado siya na gwapo ang kanyang boss, at talagang kahit sino ay gugustuhin ang ganitong klaseng lalaki. Pero hangga’t maaari ay ayaw niyang mainvolve sa kahit na kaninong lalaki. Natigilan si Timothy at hindi makapaniwala sa naging sagot sa kanya ng dalaga. Taliwas ito sa kanyang inaasahan. She’s nineteen years old according to her record, pero kung mag-isip ito ay masyadong matured. “Hm, I like her.” Anya ng isang tinig mula sa isip ni Timothy habang pinagmamasdan ang bawat kilos ni Yash. Bitbit ang mop
“Nay, bakit mo ginawa ‘yun? Paano kung naka-patay ka?” Galit kong tanong sa aking ina, halos pabulong lang ang pagsasalita ko dahil maraming tao sa paligid. Dinalaw ko ngayon ang aking ina dito sa loob ng kulungan. Ayon sa kapitbahay namin na nakausap ko ay pwede ko naman siyang piyansahan para makalabas. Ang problema lang, wala ako ni singkong duling dito sa bulsa ko. Ultimong kinain namin ni Otep kaninang umaga ay inutang ko pa sa tindihan. Matinding pakiusapan pa nga ang nangyari bago ako pinagbigyan ni aling Rosing dahil ang pangpara ko ay ang aking trabaho na wala naman na akong sasahurin. Bukod kasi sa bumale na ako ay nakalaan na ito pambayad ng utang. Huh, talagang nabubuhay na lang ako sa utang… “Dapat nga tinuluyan ko ang babaeng ‘yun! Ang kapal ng mukha nila para tumira sa bahay!?” “Nay, ano ba? Lalo mo lang ipapahamak ang sarili mo. Maaaring hindi ka na makalabas dito.” Paalala ko pa sa kanya dahil kulang na lang ay ipagmalaki pa nito ang kanyang ginawa. Marahil,
“Isang mabigat na buntong hininga ang pinakawalan ni Yashveer, habang nakatanaw sa may dalawang palapag ng gusali nang Montes Hotel—hawak ang tali ng kanyang backpack. Naguguluhan siya, bakit sa hotel pa? Pwede naman sa police station mismo iabot ang perang ipapahiram sa kanya ni Sarhento. Sa totoo lang ay nagdadalawang-isip siya kung itutuloy pa ba ang pakikipag kita o aatras na lang sa usapan nila ni Sarhento. Kinakabahan talaga siya, kaya naman ng simulan niyang ihakbang ang mga paa ay tila nahirapan siya dahil parang napakabigat ng mga ito. Lakas-loob na pumasok si Yash sa loob ng hotel at tinanong sa reception ang unit na ibinigay sa kanya ni Sarhento. Kaagad namang itinuro ng empleyado ng hotel ang direksyon. Nanginginig ang kamay na kumatok ng tatlong beses si Yash sa pinto. Bumukas ang pinto at sumalubong sa kanya ang nakangiting mukha ni Sarhento. “Pasok ka, Yashveer.” Nakangiting sabi nito, isang alanganing ngiti ang lumitaw sa mga labi ni Yash. Napipilitan na pumas
“I now pronounce you husband and wife. You may kiss your Wife.”Pagkatapos itong i-announced ng pari na nagkasal sa amin ay iginiya ako ni Sir Timothy paharap sa kanya. Nawindang ako sa paglapat ng kanyang mga labi sa aking mga labi. Ito ang unang pagkakataon na nahalikan ako sa labi ng isang lalaki. Pakiramdam ko ay nagmanhid yata ang mga labi ko na parang nangangapal ito. Kusang pumikit ang aking mga mata dahil sa kakaibang damdamin na lumukôb sa aking pagkatao. Medyo matagal din ang halik at akala ko ay wala na siyang balak na tigilan ito. Nagulat pa ako ng pagkatapos niya itong halikan ay dinampian pa niya ito ng isang pahapyaw na halik bago ngumiti. Kaya naman pakiramdam ko ay nanigas ang aking katawan, at halos mabingi ako sa lakas ng kabog ng dibdib ko.Paano ba humantong ang lahat, na mula sa pagliligtas sa akin ng aking boss ay nauwi sa isang simpleng kasalan? Flashback….“Bakit hindi ka nagsabi sa akin, Yash? Kaya kong alisin ang ina mo sa kulungan. Kung hindi pa ako dumat
“Hindi ako mapakali sa aking kinauupuan, alumpihit na ako habang panay ang pigâ ng kanang kamay ko sa kaliwa kong kamay. Tapos na akong maligo at ngayon ay nakabihis na ako ng ternong pantulog. Hinihintay ko na lang ang pagpasok ng asawa ko dito sa loob ng silid. Talagang nangangapa pa ako sa sitwasyon kong ito dahil estranghero pa rin ako sa lahat ng bagay na nasa paligid ko. Halos mabingi rin ako sa lakas ng kabog ng dibdib ko. Iniisip ko kasi na mula sa araw na ito ay katabi ko ng matulog ang aking asawa. Ang isipin na ‘yun ang siyang nagdudot ng matinding kabâ sa dibdib ko. Ilang sandali pa ay bumukas ang pinto, pumasok si sir Timothy kaya naman bigla akong napatayo at natataranta na humarap sa kanya. “Bakit gising ka pa?” Seryoso niyang tanong sa akin, habang tinatanggal isa-isa ang mga butones ng kanyang polo. “N-Namamahay kasi ako, isa pa hindi ko alam kung saan ako hihiga. Nakakahiya naman kung aagawan kita ng higaan.” tapat kong sagot, sukat tinawanan lang ako ni