Share

Kabanata 186

“Hindi ako mapakali sa aking kinauupuan, alumpihit na ako habang panay ang pigâ ng kanang kamay ko sa kaliwa kong kamay.

Tapos na akong maligo at ngayon ay nakabihis na ako ng ternong pantulog. Hinihintay ko na lang ang pagpasok ng asawa ko dito sa loob ng silid.

Talagang nangangapa pa ako sa sitwasyon kong ito dahil estranghero pa rin ako sa lahat ng bagay na nasa paligid ko. Halos mabingi rin ako sa lakas ng kabog ng dibdib ko. Iniisip ko kasi na mula sa araw na ito ay katabi ko ng matulog ang aking asawa. Ang isipin na ‘yun ang siyang nagdudot ng matinding kabâ sa dibdib ko.

Ilang sandali pa ay bumukas ang pinto, pumasok si sir Timothy kaya naman bigla akong napatayo at natataranta na humarap sa kanya.

“Bakit gising ka pa?” Seryoso niyang tanong sa akin, habang tinatanggal isa-isa ang mga butones ng kanyang polo.

“N-Namamahay kasi ako, isa pa hindi ko alam kung saan ako hihiga. Nakakahiya naman kung aagawan kita ng higaan.” tapat kong sagot, sukat tinawanan lang ako ni
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status