“Hi, good morning.” Tipid na bati ni Yash sa kanyang asawa ng hindi ito nililingon. Nakatuon lang ang kanyang atensyon sa iniinom niyang gatas. “Good morning, kuya.” Magalang na bati naman ni Otep habang tahimik na kumakain sa tabi ng kanyang kapatid. Isang simpleng tango ang naging tugon ni Timothy sa magkapatid. Dapat ay masaya si Yash dahil ngayon lang sumabay sa kanila sa pagkain ang kanyang asawa. Ngunit, nang mga sandaling ito at tila wala siya sa kanyang sarili. Nanibago naman si Timothy sa pananahimik ng kanyang asawa. Nawala na kasi ang kakulitan nito at maging ang pilyang ngiti na lagi niyang nakikita sa mga labi nito. Habang humihigop ng mainit na kape ay pasimple niyang sinulyapan ang nakatulalang asawa. Napansin niya ang malaking pagbabago ng itsura nito, mas lalo itong gumanda dahil sa bago niyang hairstyle. “Ehem!” Tikhim n’ya upang agawin ang atensyon nito. Nagtagumpay naman siya na pukawin ang atensyon ni Yash. Ngunit, tila nainis siya ng isang tinatamad
Napatda sa kanyang kinatatayuan si Timothy ng mula sa silid nilang mag-asawa ay lumabas si Yash na naka-corporate attire. Bagay sa kanya ang maluwag na black long sleeve na naka tuck in sa light brown nitong slacks. Habang ang wavy nitong buhok ay nakalugay, at sa noo ay may manipis na bangs. She looks like a model of business woman at the same time ay mukha pa rin siyang teenager. What a nice view? Lumalim ang gatla sa noo ni Timothy ng walang salita na nilampasan siya ng kanyang asawa. Kung umakto ito ay parang wala siya sa paligid. Tulad nito ay nakabihis na rin siya ng pang-opisina, pero ngayong araw ay hindi siya papasok sa kanyang opisina. May mahalaga siyang meeting na dadaluhan kaya iyon ang labis niyang ipinagtataka sa asawa. Bakit nakabihis ito gayung nasa usapan nila na hindi ito papasok sa opisina kapag may meeting siya sa labas. “Where are you going?” Seryosong tanong ni Timothy, hindi pa man sumasagot ang kanyang asawa ay tila nahuhulaan na niya kung ano ang b
“Nagkaroon kasi ng emergency kaya ako muna ang magiging representante ng boss ko.” Narinig kong sagot ng lalaki. Aminado ako na gwapo ang isang ito, parang may kaharap akong isang artista. Curious ako sa lalaking ito, dahil may kakaiba akong nararamdaman sa kanilang dalawa. Bakit napaka kaswal ng pagkakabigkas ng asawa ko sa pangalan ng lalaking ito? Iyon bang tipo na matagal na nilang kilala ang isa’t-isa. Narinig ko na nagpakawala ng malalim na buntong hininga si Timmy. Habang ako ay isang nagdududa na tingin ang ipinukol sa aking kaharap. “Hi, I’m Jefferson or you can call me Jeff.” Nakangiti nitong pakilala sa akin sabay lahad ng kanang palad nito sa harap ko. Ngumiti ako dito bago tinanggap ang kamay nito. “Yash.” Tipid kong sagot habang diretsong nakatitig sa mga mata ni Jeff, pilit kong binabasa kung ano ang tumatakbo sa utak nito. Napansin ko na natigilan siya ng mahigpit kong pigain ang kanyang kamay. Sukat dun ay naging makahulugan ang ngiti nito habang nakikipagt
Prologue Halos maligo na ako sa pawis at kulang na lang lumawit ang dila ko dahil sa matinding pagod. Patuloy lang akong naglalakad dito sa kahabaan ng highway kahit hingal kabayo na ako. Ngayong araw ay mukhang sinalo ko na yata ang lahat ng kamalasan. Katatapos lang kasi ng night ship ko sa trabaho, subalit pagdating sa kalagitnaan ng highway ay tumirik ang scooter ko. Pumutok kasi ang mga gulong nito. Kaya heto ako ngayon, ilang metro ang nilalakad habang tulak-tulak ang kulay pink kong scooter. Second hand lang kasi ito nung nabili ko, kaya mababa ang kalidad nito at talagang hindi pangmatagalan. Parang pag-ibig lang ‘yan, eh, walang forever. Sa edad na kinse ay marunong na akong dumiskarte sa buhay. Marami akong alam na raket dahil isa akong working student, kailangan kong magsikap, ikanga para sa ekonomiya. Siguro kung nabubuhay lang ang aking ina ay hindi ko mararanasan ang ganitong klase ng buhay. Baka hanggang ngayon ay buhay prinsesa pa rin ako tulad ng dati.
“Ate, ano ba! For god sake! Pagod na akong maging NPA! Nakakasawa na ang maging alien! My god bitawan niyo ako!” Walang humpay ang kadadakdak ko habang parang tuko na nakayakap sa matabang haligi ng aming bahay, I mean ng inuupahan naming bahay. Ang nakakatawa pa ay suot ko pa ang hello kitty kong pantulog. Ngayong araw ay hindi ko alam na ito na pala ang huling araw na aapak ang mga paa ko sa bahay na ‘to. Paggising ko kasi ngayong umaga ay nagulat na lang ako na wala na ang aming mga gamit. Akala ko ay nilimas na ito ng mga magnanakaw, ‘yun pala ay madaling araw ng magsimulang ipahakot ni ate Miles ang aming mga gamit. Hindi ko na namalayan dahil two thirty na ng madaling araw ako nakauwi. Sa sobrang puyat at pagod ay masyadong napasarap ang tulog ko kaya hindi ko na alam ang mga nangyayari sa paligid ko. At ngayon, tanging ako na lang at ang mga damit ko ang naiwan sa loob ng bahay. Tapos na silang maghakot kaya ako naman ang sunod nilang i-evacuate sa bago naming tirahan.
After three years… “I’m sorry, Roldan, but I think this is not the right time for us.” Very dramatic ang pagkakabigkas ko ng mga salitang ito na siguradong tagos hanggang balunbalunan. With matching luha pa, para maging memorable ang araw na ito. Kahit papaano, this guy will be so lucky dahil nag-effort naman ako. Nandito kami ngayon sa parking lot ng Guardian Angel University of Pasig. Wala ng masyadong estudyante sa paligid dahil nakauwi na ang lahat at tanging kami na lang ni Roldan ang natira dito sa campus. "Actually, this kind of scene is not new to me because I can't count on my fingers how many times I've had a boyfriend. Pero laging nauuwi sa break-up. “Hindi na ba talaga magbabago ang isip mo, Maurine? Kaya kong gawin ang lahat para sayo, I-a-alay ko sayo ang lahat ng meron ako, ibibigay ko ang lahat ng gusto mo. Pakiusap, huwag ka lang makipaghiwalay sa akin.” Pagsusumamo niya, imbes na matuwa ay mas lalo lang akong nabagot sa mga pinagsasabi nito. Kulang na lang ay
“Para akong pinitpit na luya sa isang tabi habang tahimik na nakaupo at nagmamasid sa mga nangyayari sa paligid ko. Nandito kami ngayon sa presinto. At ngayon, kasalukuyang nakikipagtalo si ate Miles sa mga ilang pulis."My sister is innocent! She's a victim here. Why are you punishing her instead of helping her? This is a grave injustice!"” Nanggagalaiti na pahayag ni ate Miles sa isang pulis habang sa tabi nito ay si kuya Harold na sinisikap pakalmahin ang aking kapatid. Base na rin sa panginginig ng katawan ni Ate Miles ay nanggagalaiti ito sa matinding galit.“Bro, relax baka pati tayo ay makulong sa ginagawa mong ‘yan.” Halos pabulong na sabi ni kuya Harold. Halata sa mukha nito na kinakabahan siya sa mga nangyayari. Kung anong ikinalakas ng loob ni ate Miles ay siya namang ikinahina ng loob ni kuya Harold. Dahil sa pagkakalam ko ay may phobia ito sa mga pulis.Humugot ng isang malalim na buntong hininga si ate Miles. Bigla, napalunok ako ng wala sa oras, dahil sa biglaang paglin
Click! Click! Click! “Nice one, Maurine!” Anya ng photographer na walang humpay ang pagkuha sa akin ng litrato. Kasalukuyan akong nakaupo sa isang upuan at ibinibigay ang lahat ng makakaya upang maging maganda at kaakit-akit sa mga larawan. Suot ko ang isang red two piece habang panay ang pose ko ng iba’t-ibang posisyon. “Wow, pare ang ganda n’yan.” Narinig kong sabi ng isang lalaki pero hindi ko na ito pinansin pa basta patuloy lang ako sa pagpopose. Maya-maya ay biglang lumapit sa akin ang kaibigan kong si Pauline at inabot sa akin ang isang roba. “Mukhang type ka ni boss Felix ah, mag-iingat ka.” Pabulong na sabi nito sa akin habang tinutulungan ako nitong maisuot sa akin ang roba. “Excuse me noh? he’s not my type, I’m here para magtrabaho hindi para pumatol sa isang matandang uhugin na.” Natatawa kong sagot kaya natawa rin sa akin ang kaibigan kong ito. Si Pauline ang tumatayo bilang assistant ko, siya ang dahilan kung bakit ako nakapasok sa trabahong ito. Bukod sa kaibigan ay