共有

Kabanata 196

“Hmmm…” dumadaing sa sakit ng ulo ng magising si Timothy, nagmulat siya ng kanyang mga mata, at nagtataka na inilibot ang tingin sa kabuuan ng silid na kanyang kinaroroonan.

Sumalubong sa kanyang paningin ang puting kisame maging ang puting pader. Sa kanyang kanang bahagi ay ang malapad na glass wall na mula dito ay makikita ang maaliwalas na panahon. Sa ilalim ng mga ulap ay nakalatag ang malacrystal at asul na karagatan.

Tila gumaan ang kanyang pakiramdam ng malanghap niya ang sariwang hangin na nagmumula sa nakabukas na salamin na pinto ng balkonahe.

Lumalim ang gatla sa kanyang noo, at bumadha ang labis na pagtatakâ sa kanyang mukha.

“Where am I?” Naguguluhan niyang tanong. Bumangon siya habang pilit na inaalala ang mga nangyari kung paano ba siya na punta sa lugar na ‘to.

NAKARAAN…

“Sorry na, huwag ka ng magalit sa akin.” Malambing na sabi ng aking asawa na ngayon ay ka papasok ng library. Bitbit nito ang isang baso ng malamig na juice. Ibinaba niya ito sa harap ko bago umupo
ロックされたチャプター
この本をアプリで読み続ける

関連チャプター

最新チャプター

DMCA.com Protection Status