Share

Kabanata 195

“Nagkaroon kasi ng emergency kaya ako muna ang magiging representante ng boss ko.” Narinig kong sagot ng lalaki. Aminado ako na gwapo ang isang ito, parang may kaharap akong isang artista. Curious ako sa lalaking ito, dahil may kakaiba akong nararamdaman sa kanilang dalawa.

Bakit napaka kaswal ng pagkakabigkas ng asawa ko sa pangalan ng lalaking ito?

Iyon bang tipo na matagal na nilang kilala ang isa’t-isa. Narinig ko na nagpakawala ng malalim na buntong hininga si Timmy. Habang ako ay isang nagdududa na tingin ang ipinukol sa aking kaharap.

“Hi, I’m Jefferson or you can call me Jeff.” Nakangiti nitong pakilala sa akin sabay lahad ng kanang palad nito sa harap ko. Ngumiti ako dito bago tinanggap ang kamay nito.

“Yash.” Tipid kong sagot habang diretsong nakatitig sa mga mata ni Jeff, pilit kong binabasa kung ano ang tumatakbo sa utak nito.

Napansin ko na natigilan siya ng mahigpit kong pigain ang kanyang kamay. Sukat dun ay naging makahulugan ang ngiti nito habang nakikipagt
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Norelyn Deliso Pasion
tagal ng update...
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status