Share

Kabanata 198

“Hindi ko na alam kung ilang beses na akong nagpabalik-balik sa harap ng salamin habang nakapaskil ang magandang ngiti sa mga labi ko.

Wala na si Timothy dahil nauna na itong pumasok sa kanyang opisina.

Suot ko ang dark brown na pencil skirt, at tinernuhan ko ito ng white long sleeve na naka tuck in sa aking palda. Mas lalo pa akong tumangkad dahil sa suot kong apricot na pointed shoes na merong tatlong pulgadang taas ng takong. Habang ang aking mga labi ay pinahiran ko ng orange lipstick, dahilan kung bakit mas lalong na enhance ang kaputian ng makinis kong mukha.

Nang makuntento sa hitsura ko ay dinampot ko na ang aking shoulder bag at lumabas na ng silid naming mag-asawa. Simula ng umuwi kami galing Isla ay natutulog na kami sa isang kama, kaya ramdam ko ngayon ang buhay may asawa.

Hindi tulad noon, gigising ako sa umaga na ako lang mag-isa. Pagdating naman sa gabi ay tanging unan ang aking kayakap. Ramdam ko talaga ang kakulangan ko, akala ko tatanda na lang ako ng hindi naka
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status