“Chin, may hindi ka ba sinasabi sa akin?” Seryosong tanong ni Yash. Kasalukuyan silang nandito ngayon sa isang restaurant, dahil lunch break na. “Ahm, Yash, pasensya na kung naglihim ako sayo, hindi ko kasi nagawang sabihin kaagad sayo na nakita ko na ang nanay mo. Honestly, nag-aalinlangan kasi akong sabihin sayo ng malaman ko ang totoong sitwasyon ng nanay mo. Ayoko kasing mapahamak ka, dahil kilala kita. Alam ko na gagawin mo ang lahat para sa mga magulang mo kahit na sabihin pa natin na iresponsable silang magulang.”Matinding kabâ ang naramdaman ni Yash, nang marinig niya ang sinabi ng kanyang kaibigan. Hindi siya umimik, tahimik lang siyang nakinig dahilan kung bakit muling nagpatuloy sa pagsasalita si Chin.“Isang araw, bigla na lang nagpakita sa akin si tita Mila. Humihingi siya ng tulong sa akin habang umiiyak. Gusto niya kayong makita dahil nasasabik na raw siya na mayakap kayong magkapatid. Nagsisisi na raw siya sa kanyang mga nagawa.” Habang sinasabi ito ni Chin ay tahim
Kasalukuyang binabasa ni Timothy ang isang files mula sa kanyang laptop ng marinig niya ang pagpasok ng isang notification mula sa kanyang cellphone. Dinampot niya ang cellphone na nasa gilid ng kanyang laptop. Lumalim ang gatla sa kanyang noo ng mabasa na mula sa isang bangko ang mensahe na dumating. Ipinagbigay alam sa kanya ng bangko ang nangyaring transaction na ginawa ng kanyang asawa, ngayong araw mismo na ‘to. “One million and five hundred thousand pesos?” Basa niya sa amount na nakita niya mula sa report ng bangko. Naging palaisipan sa kanya ang lahat. Bakit nag withdraw ng ganun kalaki ang kanyang asawa? Ano ang gagawin niya sa pera? Gayung sa pagkakatanda niya ay malaki ang savings ng kanyang asawa sa bangko. Kahit busy siya sa kanyang trabaho ay namomonitor pa rin niya ang pinagkakaabalahan ni Yash. Upang masiguro niya na nasa tamang direksyon ito. His wife still young and innocent na kailangan pa rin ng guide. Although, hinahayaan niya ang asawa na gumawa ng
“Tim, thank you so much.” Naluluha kong saad pero wala kong sagot na natanggap mula sa aking asawa. Bagkus ay tinalikuran ako nito. Gusto ko sana siyang habulin pero mas inuna ko munang kausapin ang aking mga magulang.“Anak, patawarin mo ako, maniwala ka pinagsisisihan ko na ang lahat ng nagawa ko.” Umiiyak na sabi ng aking ina, pero parang ayoko ng paniwalaan pa ang sinasabi nito.“Sana naman, sa pagkakataong ito ay panindigan ninyo ang mga pangako n’yo sa amin. Nay, hindi na ba kayo nagsasawa sa ganitong klase ng buhay? Maawa naman kayo, dahil kung hindi ninyo tatalikuran ang bisyo niyong iyan ay wala ring pagbabago na mangyayari sa buhay natin, kahit libong beses pa kayo humingi ng tawad at mangako.”Madamdamin kong sabi sa aking ina na ngayon ay walang tigil sa pag-iyak. Habang ang tatay ko ay tahimik lang na nakatayo sa aking tabi.“Kasalanan ko ang lahat ng ito, ako ang padre de pamilya pero hindi ko na gampanan ang papel kong iyon. Wala akong kwentang ama at asawa.” Malungkot
“Sweetheart, aalis ka na kaagad?” Tanong ng nagtataka na si Yash. Sa tingin kasi niya ay masyado pang maaga, pero ang kanyang asawa ay halatang nagmamadali. “Sorry, Sweetheart, pero malilate na ako sa aking meeting. Let’s talk later, maybe aagahan ko na lang ng uwi mamaya.” Si Timothy na ngayon ay katatapos lang isuot ang kanyang black suit. “It’s okay, I understand. Gusto ko lang naman ipakita sayo ‘yung surpresa ko. But since na nagmamadali ka tingnan mo na lang kung kailan ka may time.” Nakangiting sabi ni Yash, sabay silid ng isang box sa bulsa ng slacks nang kanyang asawa. “Thank you, kung hindi lang urgent ang meeting na ‘to mas pipiliin ko na manatili na lang dito sa bahay para makasama ka.” Malambing na sabi ni Timothy sabay hapit sa bewang ng kanyang asawa. Pagkatapos itong yakapin ng mahigpit habang nakabaon ang mukha sa pagitan ng leeg nito ay hinagkan naman niya ito sa labi. Her husband was so sweet na labis na ikinalulugod ng kanyang puso. Kaagad na itong bumitaw sa
“Damn! What is this? Ilayo ninyo ito sa akin!” Irritable na sigaw ng asawa ko habang parang babae na nakatakip pa ang kamay nito sa kanyang ilong. Hindi na rin maipinta ang mukha nito na kulang na lang ay maduwal. Ang aga-aga eh ang init ng ulo nito. Habang ako ay sarap na sarap sa pagkain ng hilaw na mangga na may kasamang alamang. Natataranta naman ang mga katulong na inalis ang bacon na nasa harapan ng aking asawa. Pati ang garlic fried rice ay tinanggal din ng mga ito. “What are you eating?” Nagtataka na tanong niya sa akin. “Alamang, gusto mo?” Alok ko pa sabay kagat sa malutong na mangga, nakaramdam ako ng kasiyahan ng kumalat sa bibig ko ang asim nito. Una kong na pansin ay ang paglunok ni Timmy ng wala sa oras, mukhang naglalaway yata ang isang ito.“I told you, don’t eat that! Mabaho at marumi ang pagkain na ‘yan!” Naiinis niyang sermon sa akin sabay agaw ng plato ko na may lamang mangga. He knows this food, dahil one time na bumili ako nito noong nag-aaral pa lang ako ay
“Wala akong sinayang na sandali, nang araw ding ito ay tumungo ako sa kumpanya ng aking asawa. Upang ipaalam sa kanya ang tungkol sa mga larawan na natanggap ko. Sa totoo lang, parang dinurog ang puso ko at tila niyanig ang buong pagkatao ko. Nagimbal talaga ako at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga natuklasan ko. “Best, kalma lang, bakit ba masyado kang tensionado?” Nagtataka na tanong sa akin ni Chin, habang hinahagod ng palad nito ang likod ko. “Hindi ko rin alam kung bakit, pero kinakabahan talaga ako. Although hindi ako naniniwala sa mga nalaman ko, dahil alam ko sa sarili ko na hindi talaga bakla ang asawa ko. Pero bakit ganun? Bakit parang hindi na yata tumitigil sa malakas na pagkabôg ang puso ko?” Nalilito kong tanong habang nakatingin sa reflection namin mula sa salaming pader ng elevator. “Baka epekto lang ‘yan ng pagbubuntis mo.” Kumento niya na kaagad ko namang sinang-ayunan. Ilang sandali pa ay bumukas ang elevator, nauna akong lumabas, h
“Yakap ang aking mga tuhod habang nakaupo sa puting buhangin. Nandito ako ngayon sa isang resort na pansamantalang tinutuluyan ko. Wala akong ibang kasama dito maliban kay Chin na ngayon ay nag-aayos ng aming mga gamit sa loob ng silid. Ang bait talaga ng kaibigan kong ito, dahil simula kahapon ay hindi niya ako iniwan. Muling naglandas ang mga luha sa pisngi ko ng biglang sumagi sa isip ko ang eksena na naabutan ko sa loob ng opisina ng aking asawa. Ang sakit sa dibdib na malaman ko ang katotohanan na talagang bakla si Timmy. Akala ko sa oras na makuha ko ang kanyang atensyon ay magbabago na s’ya, pero mukhang nagkamali yata ako ng akala. Isang mabigat na buntong hininga ang aking pinakawalan, at ng mga sandaling ito ay talagang magulo ang utak ko. Idinidikta ng utak ko na makipaghiwalay sa aking asawa, habang ang kabilang bahagi nito ay nag-uudyok na huwag pansinin ang aking mga nakita at manatiling martir. Kahit gaano pa kaganda ang tanawin sa harap ko ay hindi ito nakatulon
William Xion Hilton [BOOK-10]“Hmmm…” isang mahabang halinghing ang umalpas mula sa bibig ng babaeng walang malay na nakahiga sa malambot na kama. Madilim ang buong silid, at tanging ang malamlam na liwanag ng buwan ang nagsisilbing ilaw sa loob ng silid. Umihip ang panggabing hangin at inilipad nito ang manipis na puting kurtina na nagsisilbing tabing sa nakabukas na bintana. Mula sa puting pader ay makikita ang isang anino ng malaking bulto ng lalaki na nakapatong sa ibabaw ng walang malay na babae. Kapwa hubo’t-hubad habang ang malusog na dibdib ng dalaga ay walang sawang pinagpapala ng mga labi ng estrangherong lalaki. Naglandas ang namamasa niyang dila sa pagitan ng dibdib ng dalaga bago nanggigigil na sinipsip ang balat nito. Hindi pa nakuntento nilamas pa ng kanyang kamay ang tila monay nitong dede. Halinhinan itong sipsip at kinagat-kagat. Walang magawa ang pobreng dalaga kundi ang umungol. Sa inaantok na diwa ay pilit na inaalam kung ano ba ang nangyayari sa kanyang pal
Ako po ay labis na nagpapasalamat sa mga readers na siamahan ako hanggang sa huling yugto ng “The CEO’s Sudden Child” MARAMING 3x SALAMAT PO!!! Sana ay makasama ko kayong muli sa mga susunod ko pang kwento. Lubos akong humihingi ng paumanhin kung hindi ko man naabot ang mataas na expectation n’yo, dahil ito lang ang nakayanan ko. Nasa ibaba po ang susunod na kwento na aabangan ninyo araw-araw. Please follow my page para laging updated sa mga bagong kwento na maibabahagi ko sa inyong lahat. SALAMAT PO! TITLE: His Love from 15th Century BLURB: “You killed me!” - Morzana "I had to do that because I love you, and I can't bear to lose you." - Damian Isang buhay ng pananakop sa tunay na pag-ibig, Kailangang mamatay ng isa alang-alang sa kanilang pag-ibig. Libu-libong taon na ang lumipas, at dumating na ang panahon. Isang makapangyarihang espiritu ng diyosa ang nakulong sa sirkulasyon ng muling pagsilang. Hanggang sa magising siya sa marupok na katawan ng isang piping mor
“Mom, kailangan mong sumamâ sa akin, nakita ko si Daddy may kasamang ibang babae.” Napatayo ng wala sa oras si Lexie ng marinig ang sinabi ng kanyang anak na Xion. “Anong sabi mo!? Ang matandang ‘yun! Sinasabi ko na nga ba at may kinalolokohang babae ang ama mong ‘yan! Hindi na nahiya!” Nanggagalaiti na sabi ni Lexie, naninikip na ang kanyang dibdib. Parang gusto na niyang maglupasay sa sahig at humagulgol ng iyak. Lihim na napalunok ng sarili niyang laway si Xion ng makita ang reaksyon ng kanyang ina. Gumuhit ang matinding pagsisisǐ sa kanyang mukha na para bang gusto na niyang bawiin ang kanyang sinabi.Nagtakâ si Xion ng umalis sa kanyang harapan ang ina, hindi para sumamâ kundi para pumanhik sa hagdan at pumasok sa loob ng silid nilang mag-asawa. “Mom! We need to hurry!” Pigil niya sa kanyang ina pero hindi ito nakinig bagkus ay diretso ito ng pasok sa loob ng silid. Ilang segundo pa ang lumipas ay lumabas ang kanyang ina subalit may dala na itong shotgun.“Patay…” usal ni Xio
Halos hindi na maipinta ang mga mukha nila Aubrey, Vernice, Miles, Maurine, Alesha at Yashveer, Alesha at Samara habang nagpapaligsahan sa pagpapakawala ng marahas na buntong hininga.Sa kabilang bahagi namang ng mahabang lamesa ay maganda ang ngiti ni Misaki. Habang sa tabi niya ay si Song-I na seryosong nakatingin sa pawisang baso na may lamang malamig na pineapple juice. Nandito na naman sila para pag-usapan ang mga kaganapan tungkol sa kanilang mga plano, at iyon ay alamin kung ano ang pinagkakaabalahan ng kanilang mga asawa. “Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Lahat ginawa ko na, pero hindi ko pa rin magawang mapaamin ang asawa ko.” Problemadong saad ni Yashveer.Habang si Samara ay inaalala ang namagitan sa kanila ni Winter.NAKARAAN…“Mabigat ang mga hakbang ng mga paa ni Winter, habang nagpapakawala ng marahas na buntong hininga. Niluwagan niya ang kanyang kurbata upang makahinga ng maluwag. Pakiramdam kasi niya ay nasasakal na siya. Makikita din ang matinding pagod s
“Tsuk!” Mabilis na napaatras ng isang hakbang pabalik sa labas ng pintuan si Xaven. Napalunok pa siya ng wala sa oras ng makita ang isang patalim sa hamba ng pintuan. Sa bilis ng mga pangyayari ay tanging ang impak na lang ng hangin ang naramdaman ni Xaven. Napako ang mga mata niya sa kutsilyo na hinagis ng kanyang asawa. Halos gahibla na lang kasi ang layo nito sa kanyang mukha at medyo malalim din ang pagkakabaôn nito.“Sweetheart?” Kinakabahan na sambit ni Xaven, habang nakatitig sa mukha ni Song-I. Ang mga mata nito ay matalim na nakatitig sa kanya, para bang gusto na siyang balatan nito ng buhay. ““bam 12si 30bun, neoui haengdong-i uisimseuleobso. wonlaeneun ileoji anh-assneunde, beolsseo saheuljjae neujge deul-eoogo issso. naleul eotteohge saeng-gaghao? naega gamanhi anj-aseo gidaligil balao? dangsin hago sip-eun daelo hage dugil balao?”wae nalbogo i gyeolhonsaenghwal-e jichyeossdago malhaji anhso?dangsin-eun tteonado johso, animyeon naega dangsin salm-eseo nagagil balaneun
“Sweetie, bakit gising ka pa? 12:30 na ng madaling araw ah?” Kunot ang noo na tanong ni Storm habang hinuhubad ang kanyang black suit. Mabilis na umalis mula sa pagkakasandal sa headboard si Misaki. Ipinatong sa ibabaw ng side table ang hawak na cellphone at nakangiti na lumapit sa kanyang asawa. Tnulungan niya itong maghubad. “Hinihintay talaga kita, Sweetie, hindi kasi ako makatulog.” Naglalambing na sagot ni Misaki, sabay yakap sa baywang ng kanyang asawa. Naipikit pa nga niya ang mga mata ng maramdaman ang init na nagmumula sa katawan nito. Ngunit ang kanyang ilong ay abala sa simpleng pagsinghot sa bawat parte ng katawan ng kanyang asawa. “Una, ayon sa kaibigan ko, natuklasan niya na may babae ang kanyang asawa ng maamoy niya ang pabango ng ibang babae na dumikit sa damit ng kanyang asawa.” Naalala pa ni Misaki ang sinabi ni Maurine, kaya eto siya ngayon parang aso na walang tigil na inaamoy ang katawan ni Storm. Kapag alam niyang may nalampasan ang kanyang ilong ay talagang b
“Huh? Anong problema mo? Bakit nakasimangot ka?” Nagtataka na tanong ni Yashveer kay Alesha, kararating lang nito. Umupo siya sa kabilang panig ng lamesa ng hindi inaalis ang tingin sa mukha ni Alesha. Nanatiling tulala si Alesha mula sa salaming pader na kung saan ay makikita mo dito ang magandang tanawin mula sa labas ng hotel. Nasa huling palapag sila ng gusali na matatagpuan dito sa Makati. Isa ito sa pag-aari ng pamilyang Hilton. “I was confused, why did my husband suddenly change? After he proposed to me ay bigla na lang siyang naging malamig. So sad, pero pakiramdam ko ay parang may kulang sa akin.” Pagkatapos na magsalita ay nagpakawala pa siya ng isang problemado na buntong hininga. Sa itsura niyang ito ay parang pasân na niya ang mundo. Isang buwan na ang lumipas simula ng makabalik silang mag-asawa nang bansa. Itinalaga nilang presidente ng Draconis ang kaibigan niyang si Feliña, habang siya naman ang tumatayong CEO. Ipinagkatiwala niya sa kaibigan ang pamamalakad
Ako po ay labis na humihingi ng malawak na pang-unawa kung bakit paisa-isa na lang ang update ng “The CEO’s Sudden Childs” dahil pinaghahandaan ko ang susunod na story ko, since na ilang chapter na lang ang kailangan bago matapos ang TCSC. Nasa ibaba po ang susunod na kwento na aabangan ninyo araw-araw. Please follow my page para laging updated sa mga bagong kwento na maibabahagi ko sa inyong lahat. SALAMAT PO! TITLE: His Love from 15th Century BLURB: “You killed me!” - Morzana "I had to do that because I love you, and I can't bear to lose you." - Damian Isang buhay ng pananakop sa tunay na pag-ibig, Kailangang mamatay ng isa alang-alang sa kanilang pag-ibig. Libu-libong taon na ang lumipas, at dumating na ang panahon. Isang makapangyarihang espiritu ng diyosa ang nakulong sa sirkulasyon ng muling pagsilang. Hanggang sa magising siya sa marupok na katawan ng isang piping mortal na babae, walang kapangyarihan, ngunit hinihimok ng nagniningas na pagnanasang maghigant
““Si haces lo que quiero, te prometo un alto puesto. Ya me conoces, con la amplitud de mi influencia, todo lo que parece imposible se convierte en posible para mí.” (Kapag nagawa mo ang gusto ko ay pinapangako ko sayo ang mataas na posisyon. You know me, sa lawak ng impluwensya ko ang lahat ng hindi imposible ay nagiging posible sa akin.) Si Señôr Steiñar, sabay hithit sa kanyang matabang tobacco.“No te preocupes, yo me encargo. Tengo el control del ejército. Mientras esté en el cargo, todos tus negocios estarán a salvo.” (Huwag kang mag-alala ako ang bahala, nasa akin ang kontrol ng militar. Hangga’t nasa posisyon ako ay mananatiling ligtas ang lahat ng mga negosyo mo.) Kumpiyansa sa sarili na sagot naman ni Major. Kasalukuyang nag-iinuman pa ang mga ito habang nakapaskil ang ngiting tagumpay sa kanilang bibig. Ito ang isa sa mga video na nagleak mula sa mga ebidensya na gagamitin sa matanda. Walang ibang laman ang lahat ng tv network sa buong Espña kundi ang mga video tungkol sa
(Sagitsit ng sasakyan…) Mula sa harap ng kumpanya na pag-aari ni Señor Steiñar, ang lahat ng tao sa paligid ay nagambala, dahil sa biglaang pagdating ng limang sasakyan. Halos sabay sila na napalingon sa mga bagong dating na sasakyan. Napako ang tingin ng lahat sa isang mamahalin at itim na kotse na napapagitnaanan ng apat pang sasakyan. Isang malaking katanungan ang naglalaro sa kanilang isipan kung sino ang taong sakay nito. Bumaba ang may nasa labing anim na kalalakihan na pawang mga nakasuot ng black suit. Sa kanang tenga ng mga ito ay isang black earphone. Pawang mga seryoso ang ekspresyon ng kanilang mga mukha, na kung titingnan mo ay wari moy mga galit. Pinalibutan nila ang nasa gitnang sasakyan, kay higpit ng seguridad para sa taong lulan nito. Ilang sandali pa, bumukas ang pinto. Tumapak sa sementadong lapag ang isang makintab at itim na patilus na sapatos. Hanggang sa tuluyan ng bumaba ng sasakyan si Storm, madilim ang awra nito. Ang ekspresyon ng kanyang mukha a