“Best, sigurado ka ba dito?” Kinakabahan kong tanong habang tinitingnan ang isang itim na nightie’s na nasa kamay ko. Kasalukuyan kong kausap sa kabilang linya ang bestfriend ko. “Yes, best, kailangan mong gawin ‘yan para malaman natin kung totoong bakla talaga ang asawa mo.” Seryoso niyang sagot na sinundan pa nito ng isang mabigat na buntong hininga. Nang marinig ko kasi ang naging usapan ng mga babae nung araw na ‘yun ay kaagad kong sinabi ito kay Chin. Doon ko lang nalaman ang matinding eskandalo na pinagdaanan ng pamilya nang asawa ko. Wala akong muwang sa mga nangyayari dahil hindi naman ako mahilig manood ng balita o kahit na anumang palabas.Sapagkat ang mga libreng oras ko ay inilalaan ko sa aking trabaho. Hindi kasi biro ang pag-eedit ng mga libro na ipinapublish ng kumpanya na pinagtatrabahuhan ko. Ang trabaho at pag-aaral ko ang naging comfort zone ko sa tuwing nakakaramdam ako ng lungkot. Minsan kasi ay inaabot ng ilang araw o linggo na hindi umuwi ang aking asawa. La
“Gusto kong alisin mo sa schedule ko ang kumpanya na ‘yan.” “Yes sir.” Mabilis na sagot ng sekretarya ko habang nakatayo ito sa harapan ng aking lamesa. Hawak nito ang isang lapis at notebook kung saan ay mabilis na isinusulat ang lahat ng mga bilin ko. “And also reschedule mo ang appointment ko sa pamilyang Pittman”- natigil ako sa pagsasalita ng makarinig ako ng ilang mga yabag mula sa labas ng aking opisina. Nangingibabaw ang taguktôk ng takong nito kaya alam ko na babae ang parating. Ilang sandali pa ay biglang lumitaw sa nakabukas na pinto ng aking opisina ang makulit kong asawa. Halos ilang araw ko rin itong iniiwasan kaya nagmukha tuloy akong isang kriminal na nagtatago sa batas. Naningkit ang mga mata ko ng makita ko ang suot nito. My God! Ano ba ang nangyayari sa asawa kong ‘to!? Nakagraduate lang ito ay malaki na ang pinagbago. Para na siyang ibang tao sa paningin ko, hindi tulad noong nag-aaral pa ito na laging libro ang hawak. Pero ngayon, tinalo pa nito ang isang
“How are you, Yash?” Nakangiti na bati ni Summer sa kanyang hipag. Ito ang unang pagkakataon na nakausap niya ito ng sarilinan. Isang magandang ngiti ang lumitaw sa kanyang mga labi habang buong paghanga na sinisipat ng tingin ang maganda niyang hipag. Lihim na napangiti si Summer dahil sa nababasa niyang karakter ng kanyang hipag. For her, she’s like an angel, napakainosente nitong tingnan. Masasabi niyang her brother Timothy was so lucky dahil sa pagkakaroon ng bata at inosenteng asawa. “Ate Sum.” Masayang sambit ni Yash sa pangalan nito. Lumapit si Summer sa kinatatayuan niya, at tumayo ito sa kanyang tabi. Kapwa pinanood ang magandang tanawin mula sa likod ng salaming pader ng kumpanya. “Maayos naman, mabuti naman at naisipan n’yong dumalaw dito. Noon ko pa gustong pumunta sa Mansion, kaya lang naisip ko na lagi kayong out of the country. And besides, naging abala din ako sa pag-aaral.” paliwanag ni Yash, dahil sa loob ng maraming taon bilang asawa ng kapatid nito ay hindi
Halos mabingǐ si Timothy sa malakas na kabôg ng kanyang dibdib habang hawak ang serradura ng pinto nang silid nilang mag-asawa. Maingat na pinihit ito at tila takot na takot siyang gumawa ng anumang kaluskos. Nakakatawa mang isipin ang laki niyang tao pero takot na takot siya sa isang babae lamang, at iyon ay ang kanyang asawa. Marahil, para sa iba ay isa lamang ordinaryong babae si Yashveer pero ang babaeng ito ang gumulo sa nananahimik niyang mundo.Makapigil hininga ang bawat sandali para sa kanya, habang dahan-dahang itinutulak ng isa niyang kamay ang dahon ng pinto. “Huh…” saka lang siya nakahinga ng makita na mahimbing na natutulog ang asawa sa gitna ng kama. Para itong si sleeping beauty habang yakap ang malaki nitong unan. Sinadya niya na umuwi ng alas dose ng gabi para pagdating niya ay tulog na ang makulit niyang asawa. Maingat na isinara ang pinto bago maingat din ang kanyang mga hakbang patungo sa sariling silid. Kahit papaano ay masaya siya sa babaeng pinakasalan, dah
“Huh…” “My God, Yash, kulang na lang ay lumipad na ako sa walang tigil na pagbubugâ mo ng hangin.Akala ko ba may nangyari na sa inyo? Eh, sa timplada ng mukha mo, parang pasan mo ang mundo!?” Naiimbyerna na tanong sa akin ni Chin habang nakatingin ito sa mukha ko mula sa malaking salamin na nasa harapan namin. Kasalukuyan kaming nandito ngayon sa parlor para sa makeover na nais ko sa aking sarili. Syempre kasama ang bestfriend ko.Kailangan kasi na maganda ako sa paningin ng asawa ko para tuluyan ko ng makuha ang atensyon nito. Pero ang malaking problema ko ay pagkatapos ng nangyari sa amin ay mukhang iniiwasan na ako ng magaling na lalaking ‘yun. “O-Oo, pero bigla na lang siyang hindi nagparamdam sa akin, ilang araw na kaming hindi nagkikita. Baka sa ibang bahay niya tumuloy ang lalaking ‘yun.” Nakasimangot ang mukha ko habang malungkot na nakatingin sa salamin. Nagtaka ako ng biglang tumawa si Chin na parang akala mo ay kinikiliti. “Nagsesentiment ako dito tapos tatawanan mo
“Hi, good morning.” Tipid na bati ni Yash sa kanyang asawa ng hindi ito nililingon. Nakatuon lang ang kanyang atensyon sa iniinom niyang gatas. “Good morning, kuya.” Magalang na bati naman ni Otep habang tahimik na kumakain sa tabi ng kanyang kapatid. Isang simpleng tango ang naging tugon ni Timothy sa magkapatid. Dapat ay masaya si Yash dahil ngayon lang sumabay sa kanila sa pagkain ang kanyang asawa. Ngunit, nang mga sandaling ito at tila wala siya sa kanyang sarili. Nanibago naman si Timothy sa pananahimik ng kanyang asawa. Nawala na kasi ang kakulitan nito at maging ang pilyang ngiti na lagi niyang nakikita sa mga labi nito. Habang humihigop ng mainit na kape ay pasimple niyang sinulyapan ang nakatulalang asawa. Napansin niya ang malaking pagbabago ng itsura nito, mas lalo itong gumanda dahil sa bago niyang hairstyle. “Ehem!” Tikhim n’ya upang agawin ang atensyon nito. Nagtagumpay naman siya na pukawin ang atensyon ni Yash. Ngunit, tila nainis siya ng isang tinatamad
Napatda sa kanyang kinatatayuan si Timothy ng mula sa silid nilang mag-asawa ay lumabas si Yash na naka-corporate attire. Bagay sa kanya ang maluwag na black long sleeve na naka tuck in sa light brown nitong slacks. Habang ang wavy nitong buhok ay nakalugay, at sa noo ay may manipis na bangs. She looks like a model of business woman at the same time ay mukha pa rin siyang teenager. What a nice view? Lumalim ang gatla sa noo ni Timothy ng walang salita na nilampasan siya ng kanyang asawa. Kung umakto ito ay parang wala siya sa paligid. Tulad nito ay nakabihis na rin siya ng pang-opisina, pero ngayong araw ay hindi siya papasok sa kanyang opisina. May mahalaga siyang meeting na dadaluhan kaya iyon ang labis niyang ipinagtataka sa asawa. Bakit nakabihis ito gayung nasa usapan nila na hindi ito papasok sa opisina kapag may meeting siya sa labas. “Where are you going?” Seryosong tanong ni Timothy, hindi pa man sumasagot ang kanyang asawa ay tila nahuhulaan na niya kung ano ang b
“Nagkaroon kasi ng emergency kaya ako muna ang magiging representante ng boss ko.” Narinig kong sagot ng lalaki. Aminado ako na gwapo ang isang ito, parang may kaharap akong isang artista. Curious ako sa lalaking ito, dahil may kakaiba akong nararamdaman sa kanilang dalawa. Bakit napaka kaswal ng pagkakabigkas ng asawa ko sa pangalan ng lalaking ito? Iyon bang tipo na matagal na nilang kilala ang isa’t-isa. Narinig ko na nagpakawala ng malalim na buntong hininga si Timmy. Habang ako ay isang nagdududa na tingin ang ipinukol sa aking kaharap. “Hi, I’m Jefferson or you can call me Jeff.” Nakangiti nitong pakilala sa akin sabay lahad ng kanang palad nito sa harap ko. Ngumiti ako dito bago tinanggap ang kamay nito. “Yash.” Tipid kong sagot habang diretsong nakatitig sa mga mata ni Jeff, pilit kong binabasa kung ano ang tumatakbo sa utak nito. Napansin ko na natigilan siya ng mahigpit kong pigain ang kanyang kamay. Sukat dun ay naging makahulugan ang ngiti nito habang nakikipagt