“Isang mabigat na buntong hininga ang pinakawalan ni Yashveer, habang nakatanaw sa may dalawang palapag ng gusali nang Montes Hotel—hawak ang tali ng kanyang backpack. Naguguluhan siya, bakit sa hotel pa? Pwede naman sa police station mismo iabot ang perang ipapahiram sa kanya ni Sarhento. Sa totoo lang ay nagdadalawang-isip siya kung itutuloy pa ba ang pakikipag kita o aatras na lang sa usapan nila ni Sarhento. Kinakabahan talaga siya, kaya naman ng simulan niyang ihakbang ang mga paa ay tila nahirapan siya dahil parang napakabigat ng mga ito. Lakas-loob na pumasok si Yash sa loob ng hotel at tinanong sa reception ang unit na ibinigay sa kanya ni Sarhento. Kaagad namang itinuro ng empleyado ng hotel ang direksyon. Nanginginig ang kamay na kumatok ng tatlong beses si Yash sa pinto. Bumukas ang pinto at sumalubong sa kanya ang nakangiting mukha ni Sarhento. “Pasok ka, Yashveer.” Nakangiting sabi nito, isang alanganing ngiti ang lumitaw sa mga labi ni Yash. Napipilitan na pumas
“I now pronounce you husband and wife. You may kiss your Wife.”Pagkatapos itong i-announced ng pari na nagkasal sa amin ay iginiya ako ni Sir Timothy paharap sa kanya. Nawindang ako sa paglapat ng kanyang mga labi sa aking mga labi. Ito ang unang pagkakataon na nahalikan ako sa labi ng isang lalaki. Pakiramdam ko ay nagmanhid yata ang mga labi ko na parang nangangapal ito. Kusang pumikit ang aking mga mata dahil sa kakaibang damdamin na lumukôb sa aking pagkatao. Medyo matagal din ang halik at akala ko ay wala na siyang balak na tigilan ito. Nagulat pa ako ng pagkatapos niya itong halikan ay dinampian pa niya ito ng isang pahapyaw na halik bago ngumiti. Kaya naman pakiramdam ko ay nanigas ang aking katawan, at halos mabingi ako sa lakas ng kabog ng dibdib ko.Paano ba humantong ang lahat, na mula sa pagliligtas sa akin ng aking boss ay nauwi sa isang simpleng kasalan? Flashback….“Bakit hindi ka nagsabi sa akin, Yash? Kaya kong alisin ang ina mo sa kulungan. Kung hindi pa ako dumat
“Hindi ako mapakali sa aking kinauupuan, alumpihit na ako habang panay ang pigâ ng kanang kamay ko sa kaliwa kong kamay. Tapos na akong maligo at ngayon ay nakabihis na ako ng ternong pantulog. Hinihintay ko na lang ang pagpasok ng asawa ko dito sa loob ng silid. Talagang nangangapa pa ako sa sitwasyon kong ito dahil estranghero pa rin ako sa lahat ng bagay na nasa paligid ko. Halos mabingi rin ako sa lakas ng kabog ng dibdib ko. Iniisip ko kasi na mula sa araw na ito ay katabi ko ng matulog ang aking asawa. Ang isipin na ‘yun ang siyang nagdudot ng matinding kabâ sa dibdib ko. Ilang sandali pa ay bumukas ang pinto, pumasok si sir Timothy kaya naman bigla akong napatayo at natataranta na humarap sa kanya. “Bakit gising ka pa?” Seryoso niyang tanong sa akin, habang tinatanggal isa-isa ang mga butones ng kanyang polo. “N-Namamahay kasi ako, isa pa hindi ko alam kung saan ako hihiga. Nakakahiya naman kung aagawan kita ng higaan.” tapat kong sagot, sukat tinawanan lang ako ni
Four years later….“Otep, sabihin mo nga sa akin, may girlfriend ka na, no?” Nataas ang kaliwang kilay na tanong ko sa aking kapatid. “Ate naman, eleven years old pa lang ako, girlfriend agad? Luh?” Nakasimangot na sagot niyo sabay subo ng kutsarang may lamang kanin. Ang totoo n’yan ay inaasar ko lang ang kapatid kong ito. “Ate, sigurado ka ba na ayaw mo akong isama?” Tanong niya sa akin sabay subo ng bacon na nakatusok sa kanyang tinidor. “Huwag na, baka magkalat ka lang dun, maiwan ka na lang dito sa bahay. Tulungan mo si ate Susi mo na maglinis.” Ani ko ng hindi nawawala ang ngiti sa mga labi ko, habang nanghahaba naman ang nguso ng kapatid ko. Nakakatuwang isipin na sa lumipas na apat na taon ay malaki na ang pinagbago ng buhay naming magkapatid. Kung noon ay puro kalyo na ang kamay ko dahil sa kakalinis, ngayon ay kasing lambot na ito ng bulak. Ang maputi kong balat ay mas lalong naging mapusyaw at malambot dahil sa mga mamahaling lotion na gamit ko. Maging ang aking talamp
“Best, sigurado ka ba dito?” Kinakabahan kong tanong habang tinitingnan ang isang itim na nightie’s na nasa kamay ko. Kasalukuyan kong kausap sa kabilang linya ang bestfriend ko. “Yes, best, kailangan mong gawin ‘yan para malaman natin kung totoong bakla talaga ang asawa mo.” Seryoso niyang sagot na sinundan pa nito ng isang mabigat na buntong hininga. Nang marinig ko kasi ang naging usapan ng mga babae nung araw na ‘yun ay kaagad kong sinabi ito kay Chin. Doon ko lang nalaman ang matinding eskandalo na pinagdaanan ng pamilya nang asawa ko. Wala akong muwang sa mga nangyayari dahil hindi naman ako mahilig manood ng balita o kahit na anumang palabas.Sapagkat ang mga libreng oras ko ay inilalaan ko sa aking trabaho. Hindi kasi biro ang pag-eedit ng mga libro na ipinapublish ng kumpanya na pinagtatrabahuhan ko. Ang trabaho at pag-aaral ko ang naging comfort zone ko sa tuwing nakakaramdam ako ng lungkot. Minsan kasi ay inaabot ng ilang araw o linggo na hindi umuwi ang aking asawa. La
“Gusto kong alisin mo sa schedule ko ang kumpanya na ‘yan.” “Yes sir.” Mabilis na sagot ng sekretarya ko habang nakatayo ito sa harapan ng aking lamesa. Hawak nito ang isang lapis at notebook kung saan ay mabilis na isinusulat ang lahat ng mga bilin ko. “And also reschedule mo ang appointment ko sa pamilyang Pittman”- natigil ako sa pagsasalita ng makarinig ako ng ilang mga yabag mula sa labas ng aking opisina. Nangingibabaw ang taguktôk ng takong nito kaya alam ko na babae ang parating. Ilang sandali pa ay biglang lumitaw sa nakabukas na pinto ng aking opisina ang makulit kong asawa. Halos ilang araw ko rin itong iniiwasan kaya nagmukha tuloy akong isang kriminal na nagtatago sa batas. Naningkit ang mga mata ko ng makita ko ang suot nito. My God! Ano ba ang nangyayari sa asawa kong ‘to!? Nakagraduate lang ito ay malaki na ang pinagbago. Para na siyang ibang tao sa paningin ko, hindi tulad noong nag-aaral pa ito na laging libro ang hawak. Pero ngayon, tinalo pa nito ang isang
“How are you, Yash?” Nakangiti na bati ni Summer sa kanyang hipag. Ito ang unang pagkakataon na nakausap niya ito ng sarilinan. Isang magandang ngiti ang lumitaw sa kanyang mga labi habang buong paghanga na sinisipat ng tingin ang maganda niyang hipag. Lihim na napangiti si Summer dahil sa nababasa niyang karakter ng kanyang hipag. For her, she’s like an angel, napakainosente nitong tingnan. Masasabi niyang her brother Timothy was so lucky dahil sa pagkakaroon ng bata at inosenteng asawa. “Ate Sum.” Masayang sambit ni Yash sa pangalan nito. Lumapit si Summer sa kinatatayuan niya, at tumayo ito sa kanyang tabi. Kapwa pinanood ang magandang tanawin mula sa likod ng salaming pader ng kumpanya. “Maayos naman, mabuti naman at naisipan n’yong dumalaw dito. Noon ko pa gustong pumunta sa Mansion, kaya lang naisip ko na lagi kayong out of the country. And besides, naging abala din ako sa pag-aaral.” paliwanag ni Yash, dahil sa loob ng maraming taon bilang asawa ng kapatid nito ay hindi
Halos mabingǐ si Timothy sa malakas na kabôg ng kanyang dibdib habang hawak ang serradura ng pinto nang silid nilang mag-asawa. Maingat na pinihit ito at tila takot na takot siyang gumawa ng anumang kaluskos. Nakakatawa mang isipin ang laki niyang tao pero takot na takot siya sa isang babae lamang, at iyon ay ang kanyang asawa. Marahil, para sa iba ay isa lamang ordinaryong babae si Yashveer pero ang babaeng ito ang gumulo sa nananahimik niyang mundo.Makapigil hininga ang bawat sandali para sa kanya, habang dahan-dahang itinutulak ng isa niyang kamay ang dahon ng pinto. “Huh…” saka lang siya nakahinga ng makita na mahimbing na natutulog ang asawa sa gitna ng kama. Para itong si sleeping beauty habang yakap ang malaki nitong unan. Sinadya niya na umuwi ng alas dose ng gabi para pagdating niya ay tulog na ang makulit niyang asawa. Maingat na isinara ang pinto bago maingat din ang kanyang mga hakbang patungo sa sariling silid. Kahit papaano ay masaya siya sa babaeng pinakasalan, dah