“Sweetheart, please talk to me! I’m sorry!” Pagkatapos sabihin ‘yun at napalingon si Xaven sa bagong dating na katulong na may dala ng duplicate key. Pagdating kasi nila sa bahay ay nagkulong na ang kanyang asawa sa loob ng guestroom. Ni ayaw din siya nitong kausapin.Hindi niya kayang ipagpaliban ang panunuyo sa batang asawa, dahil kung patatagalin pa niya ito ay baka mas lalo lang lumala ang sitwasyon. Or worst mas lumaki pa ang galit nito sa kanya.Kaagad na isinuksok ang susi sa susian at saka pinihit ang serradura. Maingat na binuksan ang pintuan, ngunit mabilis niyang naikubli ang sarili sa dahon ng pintuan ng makita ang isang bagay na lumilipad patungo sa kanyang direksyon. Mabilis ang pangyayari, at ang tanging narinig niya ay ang nabasag na vase.“Get out! I don’t want to see your face!” Dama mo sa nanggigigil nitong boses ang matinding galit ng kanyang asawa.“I swear, Sweetheart, I didn’t want those students approaching me either. Besides, the reason I’m there is to protec
“Kasalukuyan kong binabaybay ang kahabaan ng hallway nang NCU academy. Nagtataka ako kung bakit ganito na lang ang atensyon na natatanggap ko mula sa mga kapwa ko estudyante. Kung tingnan ako ng mga ito ay wari moy kay laki ng kasalanan na ginawa ko sa kanila. “Oh, look who’s coming, ang ambisyosang anak ng driver.” Narinig ko ang maarteng pagkakasabi ng isang estudyante na hindi ko naman kilala. Binalewala ko ang sinabi nito at nagpatuloy lang ako sa paglalakad. “OMG, siya pala ‘yun? Well hindi na ako magtataka kung bakit siya ang nagustuhan ni Mr. Hilton. Marahil naging wise lang siya sa paggamit ng kanyang ganda, she’s a smart, para makuha ang isang tycoon upang gumanda ang kanyang buhay.” “Ang sabihin mo, gold digger.” Komento pa ng isa. Marahil, mabilis na kumalat sa buong campus ang ginawang pagtatanggol sa akin ni Xaven mula sa grupo ng mga kalalakihan na nagtangkang mambully sa akin. “Song-I!” Masayang tawag ni Rhea, mula sa malayo. Tumatakbo ito na lumapit sa akin, Na
“Where are we going?” Curious na tanong ni Song-I habang maingat itong inaalalayan ni Xaven pababa ng sasakyan. Parang sasabog na ang puso niya dahil sa matinding excitement. Ngayon lang kasi niya naranasan ang surpresahin, kaya pakiramdam tuloy niya ay para siyang bata na sabik makita ang regalo ng kanyang asawa. “Are you ready, Sweetheart?” “Yup! Kanina pa!” Excited kong sagot na may kasamang kilig kaya naman natawa ang asawa ko. Ilang sandali pa ay tinanggal na niya ang panyo na nakatakip sa mga mata ko. Nang tuluyan niyang alisin ang panyo ay pigil ko ang aking paghinga habang dahan-dahan kong iminumulat ang aking mga mata. Sa pagmulat ng aking mga mata ay tumambad sa aking paningin ang isang malawak na bakanteng lupain. At mula sa aking kinatatayuan ay halos hindi ko na matanaw ang pader na nakapalibot sa malawak na lupaing ito. Pakiramdam ko ay parang nangibabaw ang tunog ng kulisap sa paligid ko na sinamahan ng malamig na simoy ng hangin. Napakatahimik, at ang mga bagay n
“Hi!” Mula sa aking likuran ay narinig ko ang boses ng isang babae. Pamilyar ito sa akin kaya naman hinarap ko ito. “Song-I, right?” Nakangiting bati sa akin ni Irish, habang ako ay nanatili lang na seryoso ang ekspresyon ng mukha. ““I’m sorry for the unpleasantness that happened between us. I learned from Xaven that you two are getting married, which made me realize that there’s no point in holding on to what we had. I accept that you are the one he truly loves. For my peace of mind, I’d like to reconcile with you. I’ve also come to understand that you aren’t to blame, and I need to respect Xaven’s decisions.Your husband is my friend, so can we be friends?” (I’m sorry, sa hindi magandang nangyari sa pagitan nating dalawa. Nalaman ko mula kay Xaven na ikakasal na pala kayo, kaya narealize ko na wala na ring magandang pakikitunguhan ang lahat sa amin ni Xaven. Tanggap ko na ikaw talaga ang mahal n’ya. At para magkaroon ako ng peace of mind ay gusto ko sanang makipag-ayos sayo. Nap
Mula sa Mansion ng mga Hilton ay abalâ ang lahat sa pag-aayos ng kanilang mga sarili. Ang groom na si Xaven ay napaka gwapo sa suot nyang white american suit na may design na brooch lapels sa kwelyo ng kanyang americana. Isa itong disenyo ng bulaklak na gawa sa dark silver na sa gitna ay makikita ang mamahaling bato ng black diamond. At mula sa bulsa na nasa kaliwang bahagi ng kanyang suit may isa pang maliit na lapel pin na may disenyong star. Habang ang nakalawit na dalawang gold chain ay nagko-konekta sa nga nabanggit na dalawang lapel pin. Matinding excitement ang makikita sa mukha ni Xaven, kahit kasal na sila ni Song-I ay iba pa rin sa pakiramdam ang ikasal sila sa harap ng maraming tao. Habang ang kanyang mga magulang ay halatang masaya dahil sa maaliwalas na ekspresyon ng kanilang mga mukha. Masaya sila para sa kanilang anak at dahil sa wakas ay meron na rin itong sariling pamilya. Sa mga lumipas na araw ay naging puspusan ang paghahanda ng lahat para sa kasal nina Xaven at
“Maaliwalas ang panahon, habang ang haring araw ay tila nag mamayabang dahil sa pagsabog ng liwanag nito sa buong paligid. Wari moy nakalutang sa ulap ang aking mga paa habang nakatayo sa harap ng isang malaking standing mirror. Hindi ako makapaniwala sa mga nakikita ko. Isang munting babae sa aking harapan na nakasuot ng pinakamagandang damit sa buong mundo. Nagniningning ang mukha dahil sa magandang make-up na nilagay nila sa mukha ko. Nagmukha tuloy ako na isang mannequin. Mula sa ibabaw ng bangs ko ay nakapaikot ang isang bulaklaking rhinestone patungo sa likod ng nakalugay kong buhok na sinadyang kulutin.Pakiramdam ko ay isa akong diwata mula sa isang fairytale. Lumapit sa akin ang isang babae, bitbit nito ang mahabang extension ng aking gown. Nang ikabit nila ito sa aking baywang ay natakpan ang suot kong fitted na gown, at ngayon ay ganap na akong prinsesa sa aking paningin.Sabay na napasinghap ang lahat dahil sa matinding paghanga ng matapos ang pag-aayos sa aking gown. Su
“Damn! Hindi nyo ba kayang gawan ng paraan ang traffic na ‘yan!?” irritable na tanong ni Storm, namumula na ang buong mukha nito dahil sa sobrang inis. Habang nakatingin sa unahan ng sasakyan, laking dismaya niya ng makita ang mahabang pila ng maraming sasakyan sa kahabaan ng highway. Suot ang mamahaling itim na americana, dahil aattend siya sa kasal ng kanyang bunsong kapatid. Mag-isa lang siya ngayon dahil kabuwanan na ng kanyang asawang si Misaki, dahilan kung bakit siya labis na nagmamadali dahil ayaw niyang mawala ng matagal sa tabi ng kanyang asawa. Isang marahas na buntong hininga ang pinakawalan ni Storm at pilit na hinahabaan pa ang maiksi niyang pasensya, para lang huwag sumabog sa galit. Naisip niya na sa dami ng mga sasakyan sa kanilang unahan ay malabo talaga na makaalis pa sila sa gitna ng traffic. Okay na sana at medyo kumakalma na ang kanyang sarili. Subalit, sinurpresa siya ng isang sasakyan na bigla na lang sumingit sa gilid ng kanyang sasakyan. Dahilan kung
“Oh my god! Sweetheart!” Naibulalas ni Xaven ng makita ako nito sa bungad ng simbahan. Sinalubong ako nito ng mahigpit na yakap bago pinupog ng halik ang buong mukha ko. “Para kong masisiraan ng bait dahil sa labis na pag-aalala sayo, are you okay?” Malambing niyang tanong habang hinahaplos ng hinlalaki nito ang aking pisngi. Naluluha na tumango ako ng paulit-ulit habang nakapaskil sa aking mga labi ang isang matamis na ngiti. Dahil nagmamadali si Storm, ay inihatid lang niya ako sa simbahan. Humingi na rin siya ng dispensa sa akin dahil hindi siya makakadalo sa kasal namin ng kanyang kapatid. Nauunawaan ko naman dahil higit na kailangan siya ng kanyang asawa na kasalukuyan na palang naglalabor. “Sir, magsisimula na po ang kasal.” Ani ng organizer. Mabilis namang lumapit ang sa akin ang mga katulong at kumuha ang mga ito ng wet tissue at kaagad na nilinis ang marumi kong paa. Habang ang ilan sa kanila ay pinunasan ang mukha ko ay kaagad na ni retouch ang aking make-up. Hindi