Share

Kabanata 164

“Para akong tuod, ni halos hindi na ako gumagalaw sa aking kinatatayuan habang mahigpit na kipkip ko ang mga bagong libro sa tapat ng aking dibdib. Hindi ko na rin namalayan na kanina ko pa pala pigil ang aking paghinga.

Gusto ko ng kumaripas ng takbo dahil sa matinding hiya habang nakatayo dito sa unahan ng classroom. Ang lahat ng atensyon ng nasa benteng estudyante sa aking harapan ay sa akin nakatuôn. Halos hindi na kumukurap ang mata nila na nakatitig sa aking mukha. Dahilan kung bakit hindi ko magawang mag-angat ng tingin at nanatili lang na nakapako ang mga mata ko sa puting marmol ng sahig.

“Good morning class! Meron kayong bagong classmate, Ms. Kim, you may introduce yourself.” Napalunok ako ng wala sa oras ng marinig ko ang sinabi ng aming professor.

“H-Hi, I’m Kim Song-I. I’m from N-North Korea.” Pagdating sa pagbigkas sa pangalan ng bansang pinagmulan ko ay bahagyang humina ang boses ko. Hindi naman sa ikinakahiya ko ang bansang aking sinilangan, kundi natatakot lang a
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status