Madilim ang mukha ni Xaven ng datnan siya ni Song-I sa bungad ng pintuan. Nakapamewang ito habang nakatitig ang kanyang mga mata sa magandang mukha ng kanyang asawa. Hindi maikakaila ang pagiging closeness ng kanyang asawa sa kanilang driver. Dahilan kung bakit nilamon ng matinding selos ang kanyang dibdib. Nang umalis siya kaninang umaga ay parang wala lang sa asawa niya ang kanyang presensya. Tapos ngayon ay dadatnan niya itong masayang nakikipag-usap sa kanilang driver? Pakiramdam niya ay nainsulto talaga ang kanyang pagkalalaki sa inasal ng kanyang asawa. “Huh? Xav? Have you been here for a while?” Gulat na tanong ni Song-I. Halatang hindi niya inaasahan ang maagang pag-uwi ng kanyang asawa. Naghimagsik ang kalooban ni Xaven ng mapawi ang ngiti sa mga labi nito. Seryoso itong lumapit sa kanya—tumingkayad at humalik sa kanyang pisngi. Mapang angkin na hinapit niya ang maliit na bewang ng kanyang asawa. Habang sa likod nito ay pinukol niya ng isang nagbabantang tingin ang kany
Natigil sa pagtipâ ang mga daliri ni Xaven mula sa keyboard ng laptop. Nang mula sa kanyang likuran ay bigla na lang yumakap sa katawan niya ang mga braso ng kanyang asawa. Napangiti siya ng sisirin ng mukha nito ang kanyang leeg. Matinding kiliti ang kumalat sa bawat himaymay ng kanyang laman. Masyadong malambing ngayon ang kanyang asawa na labis niyang ikinatuwa. Mula sa likuran ay marahan niya itong hinila papunta sa kanyang harapan bago maingat na iniurong ang kanyang kinauupuan. Paharap na sumalampak ng upo si Song-I sa kandungan ni Xaven habang ang mga braso nito ay nasa leeg ng kanyang asawa.“Does my baby want something?” Nakangiting tanong ni Xaven sa naglalambing na asawa. “Um, I hope you won’t get mad at me for not telling you about this right away.” Napangiti si Xaven, dahil may ideya na siya kung ano ang sasabihin nito.“What is it, Sweetheart?” Naglalambing na tanong ni Xaven habang masuyong hinahagod ng kanyang mga kamay ang likod ni Song-I.Halatang nagdadalawang-isi
“Para akong tuod, ni halos hindi na ako gumagalaw sa aking kinatatayuan habang mahigpit na kipkip ko ang mga bagong libro sa tapat ng aking dibdib. Hindi ko na rin namalayan na kanina ko pa pala pigil ang aking paghinga. Gusto ko ng kumaripas ng takbo dahil sa matinding hiya habang nakatayo dito sa unahan ng classroom. Ang lahat ng atensyon ng nasa benteng estudyante sa aking harapan ay sa akin nakatuôn. Halos hindi na kumukurap ang mata nila na nakatitig sa aking mukha. Dahilan kung bakit hindi ko magawang mag-angat ng tingin at nanatili lang na nakapako ang mga mata ko sa puting marmol ng sahig. “Good morning class! Meron kayong bagong classmate, Ms. Kim, you may introduce yourself.” Napalunok ako ng wala sa oras ng marinig ko ang sinabi ng aming professor. “H-Hi, I’m Kim Song-I. I’m from N-North Korea.” Pagdating sa pagbigkas sa pangalan ng bansang pinagmulan ko ay bahagyang humina ang boses ko. Hindi naman sa ikinakahiya ko ang bansang aking sinilangan, kundi natatakot lang a
“S**t! What happened?” Nag-aalala na tanong ni Xaven ng makita ang hitsura ng kanyang asawa. Masasalamin ang labis na pag-aalala mula sa mukha nito. At the same time ay galit dahil sa isipin na may kumanti sa kanyang asawa. Magulo ang buhok nito, habang ang suot na uniporme na puting long sleeve ay gusot at marumi. Bakas din ang ilang marka ng alikabok sa itim at maikli niyang palda, maging sa itim niyang makapal na stocking. Nahihiya na napakamot sa kanyang ulo si Song-I, kaya nagmukha siyang bata sa paningin ng kanyang asawa. Ni hindi niya maibuka ang bibig dahil hindi niya alam kung paano ipapaliwanag sa asawa ang gulong kinasangkutan. “There was just a little problem at school. But, I’m okay.” Nakangiti na sagot ni Song-I. ““ajigdo byeonham-eobsguna, Song-eya! tto ssawoss-eo?” (Hanggang ngayon ay hindi ka pa rin nagbabago Song-eya! Nakipag-away ka na naman!?) Galit na tanong ng kanyang ina na bigla na lang sumulpot sa likuran ng kanyang asawa. “Eomma, nae jalmos-i ani
”Parang gusto kong bumunghalit ng tawa habang pasimple kong pinagmamasdan ang reaksyon ng aking asawa. Sa talim ng tingin nito sa akin ay parang gusto na ako nitong patayin. Ang lahat ay nakangiti maliban sa asawa ko na hindi na mailarawan ang mukha.”Okay, class, be prepared for our quiz tomorrow. That’s all, you’re dismissed.” Pagtatapos ko sa aming klase ngunit ang mga mata ko ay nakapako sa aking asawa na ngayon ay abala sa kanyang notebook na hindi ko alam kung ano ang sinusulat nito. Nagsimulang magsitayuan ang mga estudyante para sa susunod nilang subject.“Sir, can we take a picture?” Kinikilig na tanong sa akin ng isang estudyante, bahagya pang namumula ang mukha nito dala ng hiya.“Sure.” Nakangiti kong sagot kaya naman marami na rin ang gumaya. Nagsimula na dumugin ako ng mga kababaihan habang ang iba ay halos nakayakap na sa akin. Napakamot na lang tuloy ako sa aking ulo. Mabilis na pumasok sa loob ng classroom ang dalawang bodyguard ko at pinalabas na ang mga estudyante
“bugjoseon-e dasi dol-agagi eolyeoul geoya. myeongseog salyeong-gwan-i sahyeong-eul seongobad-assgo, geuui buhadeuldo machangajiya. jigeum-eun beob jibhaengjadeul-i neol chajgo iss-eo.” (Mahihirapan ka ng makabalik sa North Korea, dahil tuluyan ng sinentensyahan si kumander Myung Suk ng death penalty. Kasama ang kanyang mga tauhan. Sa ngayon ay pinaghahanap ka na ng mga alagad ng batas.) Nagngangalit ang mga bagâng ni Dhoyun ng marinig ang sinabi ng kanyang kasamahan. Kasalukuyan pa rin siyang nanatili sa Pilipinas para dito magtago. Simula ng madakip ang kanyang kumander ay lumiit na rin ang mundong kanyang ginagalawan. “Song-eya sageon-eun eotteohge dwaessnayo?” (Ano ang nangyari sa kaso ni Song-eya?) Tiǐm ang bagâng na tanong nito, habang ang kanyang kalooban ay nagpupuyos sa matinding galit. “Geu yeojaneun mujoe pangyeol-eul bad-assgo, nae sosig-euloneun hilteun jung han myeong-gwa gyeolhonhaessdago deul-eoss-eo.” (Absuwelto ang babaeng ‘yun, at ang balita ko ay asawa n
“Sweetheart, please talk to me! I’m sorry!” Pagkatapos sabihin ‘yun at napalingon si Xaven sa bagong dating na katulong na may dala ng duplicate key. Pagdating kasi nila sa bahay ay nagkulong na ang kanyang asawa sa loob ng guestroom. Ni ayaw din siya nitong kausapin.Hindi niya kayang ipagpaliban ang panunuyo sa batang asawa, dahil kung patatagalin pa niya ito ay baka mas lalo lang lumala ang sitwasyon. Or worst mas lumaki pa ang galit nito sa kanya.Kaagad na isinuksok ang susi sa susian at saka pinihit ang serradura. Maingat na binuksan ang pintuan, ngunit mabilis niyang naikubli ang sarili sa dahon ng pintuan ng makita ang isang bagay na lumilipad patungo sa kanyang direksyon. Mabilis ang pangyayari, at ang tanging narinig niya ay ang nabasag na vase.“Get out! I don’t want to see your face!” Dama mo sa nanggigigil nitong boses ang matinding galit ng kanyang asawa.“I swear, Sweetheart, I didn’t want those students approaching me either. Besides, the reason I’m there is to protec
“Kasalukuyan kong binabaybay ang kahabaan ng hallway nang NCU academy. Nagtataka ako kung bakit ganito na lang ang atensyon na natatanggap ko mula sa mga kapwa ko estudyante. Kung tingnan ako ng mga ito ay wari moy kay laki ng kasalanan na ginawa ko sa kanila. “Oh, look who’s coming, ang ambisyosang anak ng driver.” Narinig ko ang maarteng pagkakasabi ng isang estudyante na hindi ko naman kilala. Binalewala ko ang sinabi nito at nagpatuloy lang ako sa paglalakad. “OMG, siya pala ‘yun? Well hindi na ako magtataka kung bakit siya ang nagustuhan ni Mr. Hilton. Marahil naging wise lang siya sa paggamit ng kanyang ganda, she’s a smart, para makuha ang isang tycoon upang gumanda ang kanyang buhay.” “Ang sabihin mo, gold digger.” Komento pa ng isa. Marahil, mabilis na kumalat sa buong campus ang ginawang pagtatanggol sa akin ni Xaven mula sa grupo ng mga kalalakihan na nagtangkang mambully sa akin. “Song-I!” Masayang tawag ni Rhea, mula sa malayo. Tumatakbo ito na lumapit sa akin, Na