“jaegye jaebeol i ssiui gabjagseuleoun yebang-e jeon segyega nollassda. Xaven Hilton-i bughan jeongbue jeondalhaessseubnida. ssi. Xaven Hilton-eun segyeeseo gajang ganglyeoghan gajog-ui janyeo jung se ssangdung-i jung du beonjjaeibnida. geuligo jigeum-eun bughan chongliwa bigong-gae hoedam-eul gajgo issseubnida. sa-eobga bag ssiui mogjeog-eun mueos-inga? bughan-e hilteun? igeos-eun modeun salam-ui ma-eum sog-e issneun keun jilmun-ibnida.”(Ginulat ng buong mundo ang biglaang pag-courtesy call ni Mr. Xaven Hilton sa gobyerno ng North Korea. Si Mr. Xaven Hilton ang pangalawa sa triplets sa mga anak ni Mr. Cedric Hilton. At ngayon ay kasalukuyang nagaganap ang pribadong pakikipag pulong nito sa prime minister ng bansang North Korea. Ano ang pakay ng negosyanteng si Mr. Hilton sa bansang North Korea? Ito ang malaking katanungan sa isip ng lahat.) Nagimbal ang mamamayan ng North Korea dahil sa pagdating ni Xaven sa kanilang bansa. Ngunit, higit na nagulat ang kanilang lider na ngayon ay
“Ani! Eomma!!!”Nahintakutan kong sigaw na halos mapatid na ang litid sa aking leeg. Nanlalaki ang aking mga mata habang pinapanood kung paanong dakmain ng aking ina ang kamay ng lalaking may hawak ng baril. Nakipag agawan siya ng baril sa tauhan ni Myung Suk na may hawak sa kanya. hanggang sa ito na mismo ang kumalabit ng gatilyo, dahilan kung bakit pumutok ang baril at bumaon ang bala sa katawan ng aking ina.Pakiramdam ko ay para akong sinabugan ng granada. Sandaling tumigil sa pagtibôk ang puso ko. Halos hindi na rin ako humihinga habang ang mukha ko ay namumutla na. Binalot ng matinding takot ang puso ko at nanigas ang aking katawan.“Eomma!!!” Nahintakutan kong sigaw habang tila slow motion na bumagsak sa sahig ang katawan ng aking ina ng bitawan ito ng lalaking may hawak sa kanya. Para na akong tinakasan ng ulirat at wala sa sarili na tinakbo ko ang aking ina. Subalit, hindi ako nagtagumpay na makaalis sa aking pwesto dahil naramdaman ko na lang ang isang kamay ko na pinilipit
““jeongmal gomawoyo…” (thank you so much…) “Maluha-luha na sambit Song-I. Parang dinurog ang puso ko habang pinagmamasdan ang itsura nito. Nagkalat ang dugo sa ilang bahagi ng katawan nito. Ang dating maputing t-shirt nito ay halos nag mukhang basahan na. Dahil sa pinaghalong dumi at natuyong dugo, ni hindi na nga makilala ang mukha nito dahil tinalo pa niya ang taong grasa. Ang kanyang awra ay tila nakasumpong ng pag-asa. Unang napansin ko sa kanya ay ang pasamâ ng mukha nito na halatang may iniindang sakit. Mabilis na inabot ko ang maliit nitong baywang subalit dumaing na ito na tila nasaktan. Kinabahan ako ng bigla siyang nawalan ng malay. Mabilis ang naging reflexes ng katawan ko dahil na hila ko na ito bago pa siya mabuwal mula sa kanyang kinauupuan. Bumagsak siya sa dibdib ko, at doon ko lang nalaman na inaapoy na pala siya ng lagnat. Binalot ng matinding takot ang puso ko ng makita ko ang dugo mula sa aking kamay. Saka ko lang nalaman na may tama pala siya ng baril. “S
“Hmmm…” Nagising ako na nakakulong sa mga bisig ng isang lalaki. Ang init na nagmumula sa kanyang katawan ay naghahatid ng matinding ginhawa sa aking pakiramdam. Para akong isang basang sisiw na nalimliman ng kanyang inahin, at maliban sa masakit ang aking katawan ay nanlalata rin ang aking pakiramdam.Sinubukan kong kumilos, dahilan kung bakit nagising ang aking katabi. Maingat niyang inalis ang braso na nakayakap sa ilalim ng dibdib ko, saka bumangon. “Sweetheart, how are you feeling?” Nag-aalala na tanong sa akin ni Xaven. Ngunit, imbes na sumagot ay inilibot ko ang tingin sa kabuuan ng silid na aming kinaroroonan.“W-Where am I?” Nagtataka kong tanong sa paos na boses. Nanunuyo ang lalamunan ko, marahil matagal akong nawalan ng malay. Pagkatapos sa paligid ng silid ay napako ang mga tama ko sa gwapong mukha ni Xaven. Lumamlam ang ekspresyon ng mukha ko, at parang sasabog ang puso ko dahil sa kakaibang damdamin na bumabalot dito. Sa ilang araw na hindi ko ito nasilayan ay ma
“Alumpihit na ako sa aking kinatatayuan, habang ang nanginginig kong mga kamay ay magkahawak sa aking harapan. Halos kanina ko pa pigil ang aking paghinga. Hindi ko alam kung saan magsisimula at kung ano ang sasabihin ko ng mga oras na ito. Halos wala akong lakas ng loob na magtaas ng tingin, natatakot kasi akong salubungin ang tingin nilang lahat. Ang tanging nakikita ko lamang ay ang apat na pares ng mga paa ng miyembro nang pamilyang Hilton. “So siya pala ang nagtangka sa buhay ni Daddy at ni Xaven?” Ani ng isang lalaki mula sa kanang bahagi ko, hindi ko siya kilala pero kamukha siya ng asawa ko. Kaya naman lihim akong napalunok. Nang mga sandaling ito ay nakapalibot sila sa akin. Lahat sila ay puro mga seryoso ang mukha habang nakatingin sa akin kaya naman mas lalo akong hindi naging kumportable sa paligid ko. Halos mabingi ako sa lakas ng kabôg ng dibdib ko. Isa pa ay hindi ako sanay sa maraming atensyon kaya kulang na lang ay matunaw ako sa harap ng mga ito. Kasalukuya
“Saeng-gagnane. neohui abeojilang sinhon ttae naega geu salam joh-ahaneun yolileul cheoeum hae jwossgeodeun. sasil yolilagoneun jeonhyeo moshaess-eo. geuleonde neohui abeojiga naega mandeun geo da meogneun geoya. geulaeseo nado hanbeon mas-eul bwassneunde, eojjina jjanji! geunal neohui abeoji byeong-won-e sillyeo gassji mwoya.”(Naalala ko pa noong mga panahon na bagong mag-asawa pa lang kami ng tatay mo. Ipinagluto ko siya ng paborito niyang ulam. Sa totoo lang ay hindi naman talaga ako marunong magluto. Pero nagulat ako ng ubusin ng daddy mo ang lahat ng niluto ko. Pero alam mo ba ng tikman ko ang niluto ko? Dun ko lang nalaman na sobrang alat pala nito! At nang araw ding iyon ay isinugod sa hospital ang tatay mo.) Napuno ng tawanan naming mag-ina ang buong kusina dahil sa nakakaaliw na pagbabalik tanaw ng aking ina noong mga panahon na buhay pa ang daddy ko. Sa ilang linggo na paninirahan namin dito sa condo ni Xaven ay unti-unti ng naging maayos ang kondisyon ng aking ina. Medyo
“Nahinto ang mga paa ko ng mula sa kabilang dulo ng hallway na tinatahak ko ay masayang nag-uusap si Xaven at Irish. Nagtatawanan pa ang mga ito na halatang masaya sa kanilang pinag-uusapan. Parang biglang bumigat ang dibdib ko at tila hindi ko kayang makita ang tanawin na nasa harapan ko. Tama nga ang dalawang nurse na nakasabay ko, bagay silang dalawa. Parehong edukado at mula sa mayamang angkan. Nagdesisyon ako na huwag na lang sirain ang magandang moment ng mga ito. Subalit, nang akmang pipihit na sana ako pabalik ng elevator ay nalipat naman sa akin ang tingin ng aking asawa. “Sweetheart!” Masayang tawag sa akin Xaven, kaagad na iniwan nito si Irish na ngayon ay masama ang tingin sa akin. Hindi ito nakikita ng asawa ko dahil nakatalikod na ito sa kanya.Kaagad na hinagkan niya ang mga labi ko habang mahigpit na nakayakap sa akin ang mga braso nito. “D-Denallhan kita ng lunch.” Alanganin kong sabi na medyo baluktot pa ang pagkakabigkas ko. Hindi ko alam kung anong timbre ng
BLAG! Pagkatapos bumaba ng sasakyan ay ipinasa ni Song-I ang mga dala sa isang katulong na lumapit sa kanya. Walang lingon-likod na pumanhik ng hagdan. “Song-I! What is really the problem? Tell me, did I do something wrong?” Naguguluhan na tanong ni Xaven, habang nakasunod sa likuran ng kanyang asawa.“There’s nothing wrong with you, okay? So could you please leave me alone for a while?” Nag-init na ang bumbunan ni Xaven dahil sa matinding inis, dahilan kung bakit hindi na niya pinalampas ang pagkakataon na ‘to.“I don’t understand you! Just a while ago, we were fine. All of a sudden, you’re angry for no reason? Why won’t you just tell me why you’re acting this way?” Ang nais mangyari ni Song-I, ay hindi nangyari dahil hindi siya tinantanan nito.“Don’t even ask me! Because even I don’t understand myself.” Matigas na sagot ni Song-I sabay pihit paharap sa kanyang asawa, natigil sa paghakbang ang mga paa ni Xaven ng biglang lumapat ang kanang palad ni Song-I sa kanyang dibdib. Ang