“We should to be careful, dahil lumalabas sa pagsusuri ko na tila alam ng kalaban ang bawat galaw ng ating pamilya. May ahas na nakapasok sa bakuran natin.” Matigas na saad ni Ate Summer, habang nakatayo sa magkabilang gilid ng kama na kinahihigaan ni Daddy sina Timothy, Andrade at Xion. Sa bandang paanan ni daddy ay si kuya Zac na seryoso ang mukha. Nandito kami ngayon sa Mansion, at kasalukuyan kong ginagamot ang sugat ng aking ama. “Sa dami ng kalaban natin sa negosyo ay mahirap na matukoy kung sino ang nasa likod nito.” Si Timothy na humakbang palapit sa sofa, at pa-cross leg na umupo ito. “Why don’t you call kuya Storm, I’m sure madali sa kanya na mahuli ang killer na ‘yun. Ouch!” Si Xion sabay daing ng batukan ito ni kuya Andrade. “Bakit ka ba nambabatok!?” asar talo na tanong ni Xion. Nakabusangot ang mukha habang masama ang tingin kay kuya Andrade. “Hindi ka kasi nag-iisip, alam mong may sayad ang kakambal kong ‘yun siya pa talaga ang naisipan mong kumilos para dito.” Se
“Tanging ang hampas ng maliliit na alon na nagmumula sa dalampasigan ang maririnig sa buong paligid. Sinabayan pa ito ng tila umaawit na huni ng mga ibon kaya para akong nakikinig sa isang musika na likha ng kalikasan. Maaliwalas ang panahon, at tanging ang malamlam na liwanag ng buwan ang siyang nagsisilbing liwanag sa madilim na paligid. Ang mga bituin mula sa kalangitan, maging ang magandang hugis ng buwan, bakit tila ngayon ko lang ito napanasin? Bakit ang lahat na lang yata sa paningin ko ngayon ay maganda?Mula sa anino na nakikita ko sa salaming pader ay sinundan ng mga mata ko ang bawat dampi ng mga labi ni Xaven sa aking dibdib. Nagsimula itong gumapang pababa sa aking pusôn, hanggang sa nahigit ko ang aking hininga ng tumigil siya sa tapat ng aking pagkababae. Napasinghap ako ng tuluyang lumapat ang mga labi niya sa pagitan ng aking mga hita. “X-Xaven…” parang nahihirapan kong sambit na may kaakibat na ungol. Napahawak ako sa kanyang buhok habang ang aking katawan ay nag
“Huh? Look at how beautiful it is!” Kumikislap sa matinding kasiyahan ang mga mata ni Leoni ng mula sa ilalim ng tubig nang dagat ay nakita nito ang iba’t-ibang klase ng isda. Para itong bata na tuwang-tuwa sa kanyang mga nasaksihan. Four thirty na ng hapon, at kasalukuyan kaming namamangka dito sa tapat ng aking resthouse. Kanina pa ako naaaliw na pagmasdan ang girlfriend ko. Sa totoo lang pakiramdam ko ay bata itong kasama ko dahil maliban sa pagiging inosente nito ay para itong labanos sa sobrang puti. Namumula ang mga kamay at maging ang talampakan nito. She’s so cute and sexy lalo na at suot niya ang puting t-shirt ko habang ang pang-ibabâ nito ay tanging itim na panty lang.Base sa reaksyon na nakikita ko sa kanyang mukha, marahil ay ito ang unang pagkakataon na naranasan niya na mamangka sa dagat. “Look, Sweetheart, the fish are coming close to my hand!”Bulalas pa nito dahilan kung bakit natawa ako ng malakas. Nagtataka naman na lumingon siya sa akin, habang ang kanyang mga
“Sa loob ng ilang araw na nakasama ko si Xaven ay sandali kong nakalimutan ang lahat ng mga problema ko. Wala na akong ginawa kundi ang ngumiti. Sa sandaling panahon ay naranasan ko rin ang sumaya at tila natuto akong mangarap na balang araw ay magkakaroon din ako ng isang masayang pamilya sa piling ng lalaking mahal ko. At maninirahan sa isang payak at payapang lugar na kung saan ay walang kinatatakutan.Batid ko na suntok sa buwan ang nais kong mangyari, at ang kakapiranggot na pag-asa na lang ang pinanghahawakan ko. Who knows, darating ang panahon na magkaroon ng himala at biglang baguhin ng Diyos ang buhay ko. Sana…Napangiti ako ng malasahan ko ang aking niluto, well hindi ko lang alam kung magugustuhan ito ni Xaven. Maaga kasi akong nagising kaya naisip ko na magluto ng kakainin namin para sa tanghalian bago kami umalis.Nakakalungkot mang isipin ngunit kailangan na naming bumalik sa Siyudad. Nauunawaan ko naman na hindi basta-bastang tao ang boyfriend ko, kaya hindi ko pwedeng
“C-Captain Myung suk?” Nauutal kong bigkas sa pangalan nito. Halos mabingǐ ako sa lakas ng kabôg ng dibdib ko. Napalunok pa nga ako ng wala sa oras. Kasalukuyan siyang nakaupo sa sofa habang naka de kwatro ang isang paa nito. Suot ang itim na polo at maong na pantalon. “Song-eya, geoui han dal man-e bone. bonikka neoneun neoui immuwa ne eomeonie daehae singyeong sseuji anhneun geos gat-a?” (Song-eya, halos isang buwan din tayong hindi nagkita. Sa nakikita ko ay mukha wala ka ng pakialam sa misyon mo at maging sa iyong ina?” Seryoso niyang pahayag habang ang kanyang mga mata ay matiim na nakatitig sa mukha ko. ang paraan ng tingin niya sa akin ay wari moy hinihimay ang pagkatao ko. “Ani, neoneun chaggaghago iss-eo. sasil naneun nae gyehoeg-eul bakkwoss-eo. naneun miseuteo hilteun-ui ttal-ui ma-eum-eul eodgo iss-eo. geugeol haenaemyeon geu gajog-eul eobs-aeneun geos-eun naege swiun il-iya.” (No, nagkakamali ka, ang totoo niyan ay binago ko ang aking mga plano. Kinukuha ko lang
Sa ilalim ng bukas na langit, nakalatag ang magandang tanawin sa hardin ng mga Hilton. Ang paligid ay napapalamutian ng magagandang bulaklak. Habang sa magkabilang panig ay maayos na nakahilera ang mga bangko na nababalot ng malinis at puting tela na may kulay kremang laso sa sandalan nito. Sa pagitan ng mga bangko ay nakalatag ang isang makapal at balahibuhin na puting carpet. Habang sa unahan ay makikita ang munting altar na sinadya para sa magsing-irog. Ang mga kababaihan na nasusuotan ng mamahaling puting baro’t saya na may malaking laso sa bandang dibdib ( alampay). Habang ang mga kalalakihan ay pawang mga nakasuot ng puting barong. Kung iyong titingnan ang buong paligid ay wari moy nabuhay ka sa ika-labing siyam na dantaon sa panahon ng mga kastila. Elegante at masyadong magarbo ang kasal na ‘to, dahil sa araw na ito ay magaganap ang pag-i-isang dibdib ng CEO nang LYNCON Network Company na si Mr. Winter Hilton at ng modelong si Samara Hamsa. Dahilan kung bakit nagkalat ang
“Tsug! Tsug! Tsug!” Tahimik ngunit malinaw na naunawaan ni Ginang Lexie kung ano ang ibig sabihin ng mga ingay na ‘yun. Nagsimulang manginig ang kanyang mga kamay, naalog ang bitbit niyang tray na may lamang herbal tea na hinanda niya sa kanyang asawa. “Crash!” Hanggang sa tuluyan na niya itong nabitawan. Nagkalat ang mainit na likido nito sa sahig, maging ang mga bubog ng tasa. “C-Cedric…” nauutal niyang bigkas bago mabilis na lumapit sa pintuan. Mas lalong hinampas ng matinding kabâ ang kanyang dibdib ng hindi niya mabuksan ang pinto. Dahil nakalock ito sa loob. “No, please! Cedric!” Nahintakutang sigaw ni Ginang Lexie, Malakas na hinampas ng kamay ang dahon ng pinto habang paulit-ulit na tinatawag ang pangalan ng kanyang asawa. “Mom? What happened!?” Nag-aalala na tanong ni Zac ng makita niya ang kanyang ina na umiiyak habang pilit na binubuksan ang pinto. Sa likod nito at nakasunod si Andrade, Xion at Xaven. Maging sila ay nagtataka. “Anak ang daddy mo! May narinig akong
“W-Why?” Halos mautal sa pagsasalita si Xaven dahil sa labis na pagkabigla, pakiramdam niya ay para siyang sinasakal habang ang kanyang utak ay pilit na itinataboy ang hindi magandang isipin na tumatakbo sa kanyang isipan. Pagkatapos ng ilang pakikipagtitigan, tumigas ang ekspresyon ng mukha ni Xaven. Dahil imbes na sumagot si Song-I sa tanong niya ay umangat sa ere ang kamay nito na may hawak na baril. Wala ni anumang ekspresyon na makikita mula sa mukha nito. Nag-igting ang mga bagâng ni Xaven, humigpit din ang pagkakakuyôm ng kanyang mga kamay habang nakatitig sa baril na nakatutok sa kanya. “You fooled me, didn’t you? You never really loved me. It was all in just an act so you could have a chance to kill my family.” Hindi siya nang-aakusa kundi kino-confirm nito na tama ang tumatakbo sa kanyang isip.Nagsimulang manubig ang mga mata ni Song-I, pero sinikap niya na pigilan ang nagbabadyang mga luha.Natigilan si Xaven, hanggang sa unti-unting lumambot ang ekspresyon ng kanyang m