“annyeong, olaenman-igun-yo. nae saeng-gag-en dangsin-i yeogiseo jeulgeoun sigan-eul bonaego issneun geos gat-ayo.” (“Hello, it’s been a while. I think you’re having a good time here.) Ani ng mapanganib na tinig ng isang lalaki mula sa aking harapan. Kasalukuyan akong nakaluhod habang nakatukod ang dalawang kamay sa sahig. Tanging ang itim na sapatos lang nito ang nakikita ko. Dahan-dahan akong nag-angat ng mukha at tumigil ang mga mata ko sa mukha ng lalaking ito. Umangat ang sulok ng bibig ko ng makita ko ang pagmumukha nito. Si Dhoyun, ang kanang kamay ni kumander Myung suk. Isang vigilante na kinatatakutan sa North Korea. Imbes na matakot ay tumigas ang ekspresyon ng mukha ko habang nakapaskil ang isang mapanganib na ngiti sa aking mga labi. “Aenaleul bangmunhal geos-ilaneun sasil-eul na-ege alliji anh-assseubnikka?” ( bakit hindi nyo man lang ako na-inform na may plano pala kayong dalawin ako?)Kalmado kong tanong at akmang tatayo na sana, subalit mabilis na kinapitan ng
Sa isang maliwanag na gabi, ang lahat ay naghihintay para sa pagdating ni Mr. Cedric Hilton. Ngayong araw ng Lunes alas sais ng gabi, nakatakda ang pagbisita nito sa kompanya ng kanyang anak na si Xavien Hilton, ang panganay sa triplets.Naging alerto ang lahat ng mga empleyado na nasa entrance ng kumpanyan ng dumating ang isang itim at nangingintab na mamahaling sasakyan. Napapagitnaanan ito ng apat na itim na sasakyan, dalawa sa unahan at dalawa rin ang nakasunod sa may likuran nito. Nakahilera na pumarada ang mga sasakyan sa harap ng Hilton’s Global Infotechnology Corporation. Ilang sandali pa ay bumaba mula sa apat na sasakyan ang napakaraming bodyguard at mabilis na kumalat ang mga ito sa paligid. Pagkatapos na pumwesto sa kanilang mga posisyon, lumapit ang mga pinagkakatiwalaang security personnel sa magarang sasakyan. Hindi maikakaila na masyadong mahigpit ang seguridad pagdating sa matandang Hilton. Ilang sandali pa ay binuksan ng isa sa mga bodyguard nito ang pinto ng ko
Pagkatapos ng ilang segundo ng pakikipag tagisan ng tingin, ay sabay na umugong ang sasakyan ni Summer at Song-I. Nang mga oras na ito ay parang sasabog na ang dibdib ni Summer dala ng matinding galit. Gusto na niyang tadtarin ng bala ang katawan ng taong ito na nasa kanyang harapan. Hindi niya matanggap na kamuntikan ng mawala ang pinakamamahal niyang ama. Kaya matindi ang determinasyon niya na mahuli ang taong ito at pagbayarin sa ginawa nitong kapangahasan.Mula sa kabilang sasakyan ay nanatiling blanko ang ekspresyon ng mukha ni Song-I, habang mahigpit na nakakapit ang mga kamay sa manibela. “Nae tteusdaeloman hal su issdamyeon, chalali oneul bam-e jugneun ge deo nasgessjiman, geuleol su eobseo. waenyahamyeon geuleon il-i ileonamyeon uli eomeonineun pyeongsaeng jan-inhan Myung suk son-agwieseo noyega doel geoya.” (Kung ako lang ang masusunod ay mas gugustuhin ko pa ang mamatay ngayong gabi, pero hindi pwede. Dahil sa oras na mangyari ‘yun ay habambuhay na magiging alipin an
“We should to be careful, dahil lumalabas sa pagsusuri ko na tila alam ng kalaban ang bawat galaw ng ating pamilya. May ahas na nakapasok sa bakuran natin.” Matigas na saad ni Ate Summer, habang nakatayo sa magkabilang gilid ng kama na kinahihigaan ni Daddy sina Timothy, Andrade at Xion. Sa bandang paanan ni daddy ay si kuya Zac na seryoso ang mukha. Nandito kami ngayon sa Mansion, at kasalukuyan kong ginagamot ang sugat ng aking ama. “Sa dami ng kalaban natin sa negosyo ay mahirap na matukoy kung sino ang nasa likod nito.” Si Timothy na humakbang palapit sa sofa, at pa-cross leg na umupo ito. “Why don’t you call kuya Storm, I’m sure madali sa kanya na mahuli ang killer na ‘yun. Ouch!” Si Xion sabay daing ng batukan ito ni kuya Andrade. “Bakit ka ba nambabatok!?” asar talo na tanong ni Xion. Nakabusangot ang mukha habang masama ang tingin kay kuya Andrade. “Hindi ka kasi nag-iisip, alam mong may sayad ang kakambal kong ‘yun siya pa talaga ang naisipan mong kumilos para dito.” Se
“Tanging ang hampas ng maliliit na alon na nagmumula sa dalampasigan ang maririnig sa buong paligid. Sinabayan pa ito ng tila umaawit na huni ng mga ibon kaya para akong nakikinig sa isang musika na likha ng kalikasan. Maaliwalas ang panahon, at tanging ang malamlam na liwanag ng buwan ang siyang nagsisilbing liwanag sa madilim na paligid. Ang mga bituin mula sa kalangitan, maging ang magandang hugis ng buwan, bakit tila ngayon ko lang ito napanasin? Bakit ang lahat na lang yata sa paningin ko ngayon ay maganda?Mula sa anino na nakikita ko sa salaming pader ay sinundan ng mga mata ko ang bawat dampi ng mga labi ni Xaven sa aking dibdib. Nagsimula itong gumapang pababa sa aking pusôn, hanggang sa nahigit ko ang aking hininga ng tumigil siya sa tapat ng aking pagkababae. Napasinghap ako ng tuluyang lumapat ang mga labi niya sa pagitan ng aking mga hita. “X-Xaven…” parang nahihirapan kong sambit na may kaakibat na ungol. Napahawak ako sa kanyang buhok habang ang aking katawan ay nag
“Huh? Look at how beautiful it is!” Kumikislap sa matinding kasiyahan ang mga mata ni Leoni ng mula sa ilalim ng tubig nang dagat ay nakita nito ang iba’t-ibang klase ng isda. Para itong bata na tuwang-tuwa sa kanyang mga nasaksihan. Four thirty na ng hapon, at kasalukuyan kaming namamangka dito sa tapat ng aking resthouse. Kanina pa ako naaaliw na pagmasdan ang girlfriend ko. Sa totoo lang pakiramdam ko ay bata itong kasama ko dahil maliban sa pagiging inosente nito ay para itong labanos sa sobrang puti. Namumula ang mga kamay at maging ang talampakan nito. She’s so cute and sexy lalo na at suot niya ang puting t-shirt ko habang ang pang-ibabâ nito ay tanging itim na panty lang.Base sa reaksyon na nakikita ko sa kanyang mukha, marahil ay ito ang unang pagkakataon na naranasan niya na mamangka sa dagat. “Look, Sweetheart, the fish are coming close to my hand!”Bulalas pa nito dahilan kung bakit natawa ako ng malakas. Nagtataka naman na lumingon siya sa akin, habang ang kanyang mga
“Sa loob ng ilang araw na nakasama ko si Xaven ay sandali kong nakalimutan ang lahat ng mga problema ko. Wala na akong ginawa kundi ang ngumiti. Sa sandaling panahon ay naranasan ko rin ang sumaya at tila natuto akong mangarap na balang araw ay magkakaroon din ako ng isang masayang pamilya sa piling ng lalaking mahal ko. At maninirahan sa isang payak at payapang lugar na kung saan ay walang kinatatakutan.Batid ko na suntok sa buwan ang nais kong mangyari, at ang kakapiranggot na pag-asa na lang ang pinanghahawakan ko. Who knows, darating ang panahon na magkaroon ng himala at biglang baguhin ng Diyos ang buhay ko. Sana…Napangiti ako ng malasahan ko ang aking niluto, well hindi ko lang alam kung magugustuhan ito ni Xaven. Maaga kasi akong nagising kaya naisip ko na magluto ng kakainin namin para sa tanghalian bago kami umalis.Nakakalungkot mang isipin ngunit kailangan na naming bumalik sa Siyudad. Nauunawaan ko naman na hindi basta-bastang tao ang boyfriend ko, kaya hindi ko pwedeng
“C-Captain Myung suk?” Nauutal kong bigkas sa pangalan nito. Halos mabingǐ ako sa lakas ng kabôg ng dibdib ko. Napalunok pa nga ako ng wala sa oras. Kasalukuyan siyang nakaupo sa sofa habang naka de kwatro ang isang paa nito. Suot ang itim na polo at maong na pantalon. “Song-eya, geoui han dal man-e bone. bonikka neoneun neoui immuwa ne eomeonie daehae singyeong sseuji anhneun geos gat-a?” (Song-eya, halos isang buwan din tayong hindi nagkita. Sa nakikita ko ay mukha wala ka ng pakialam sa misyon mo at maging sa iyong ina?” Seryoso niyang pahayag habang ang kanyang mga mata ay matiim na nakatitig sa mukha ko. ang paraan ng tingin niya sa akin ay wari moy hinihimay ang pagkatao ko. “Ani, neoneun chaggaghago iss-eo. sasil naneun nae gyehoeg-eul bakkwoss-eo. naneun miseuteo hilteun-ui ttal-ui ma-eum-eul eodgo iss-eo. geugeol haenaemyeon geu gajog-eul eobs-aeneun geos-eun naege swiun il-iya.” (No, nagkakamali ka, ang totoo niyan ay binago ko ang aking mga plano. Kinukuha ko lang
Ako po ay labis na nagpapasalamat sa mga readers na siamahan ako hanggang sa huling yugto ng “The CEO’s Sudden Child” MARAMING 3x SALAMAT PO!!! Sana ay makasama ko kayong muli sa mga susunod ko pang kwento. Lubos akong humihingi ng paumanhin kung hindi ko man naabot ang mataas na expectation n’yo, dahil ito lang ang nakayanan ko. Nasa ibaba po ang susunod na kwento na aabangan ninyo araw-araw. Please follow my page para laging updated sa mga bagong kwento na maibabahagi ko sa inyong lahat. SALAMAT PO! TITLE: His Love from 15th Century BLURB: “You killed me!” - Morzana "I had to do that because I love you, and I can't bear to lose you." - Damian Isang buhay ng pananakop sa tunay na pag-ibig, Kailangang mamatay ng isa alang-alang sa kanilang pag-ibig. Libu-libong taon na ang lumipas, at dumating na ang panahon. Isang makapangyarihang espiritu ng diyosa ang nakulong sa sirkulasyon ng muling pagsilang. Hanggang sa magising siya sa marupok na katawan ng isang piping mor
“Mom, kailangan mong sumamâ sa akin, nakita ko si Daddy may kasamang ibang babae.” Napatayo ng wala sa oras si Lexie ng marinig ang sinabi ng kanyang anak na Xion. “Anong sabi mo!? Ang matandang ‘yun! Sinasabi ko na nga ba at may kinalolokohang babae ang ama mong ‘yan! Hindi na nahiya!” Nanggagalaiti na sabi ni Lexie, naninikip na ang kanyang dibdib. Parang gusto na niyang maglupasay sa sahig at humagulgol ng iyak. Lihim na napalunok ng sarili niyang laway si Xion ng makita ang reaksyon ng kanyang ina. Gumuhit ang matinding pagsisisǐ sa kanyang mukha na para bang gusto na niyang bawiin ang kanyang sinabi.Nagtakâ si Xion ng umalis sa kanyang harapan ang ina, hindi para sumamâ kundi para pumanhik sa hagdan at pumasok sa loob ng silid nilang mag-asawa. “Mom! We need to hurry!” Pigil niya sa kanyang ina pero hindi ito nakinig bagkus ay diretso ito ng pasok sa loob ng silid. Ilang segundo pa ang lumipas ay lumabas ang kanyang ina subalit may dala na itong shotgun.“Patay…” usal ni Xio
Halos hindi na maipinta ang mga mukha nila Aubrey, Vernice, Miles, Maurine, Alesha at Yashveer, Alesha at Samara habang nagpapaligsahan sa pagpapakawala ng marahas na buntong hininga.Sa kabilang bahagi namang ng mahabang lamesa ay maganda ang ngiti ni Misaki. Habang sa tabi niya ay si Song-I na seryosong nakatingin sa pawisang baso na may lamang malamig na pineapple juice. Nandito na naman sila para pag-usapan ang mga kaganapan tungkol sa kanilang mga plano, at iyon ay alamin kung ano ang pinagkakaabalahan ng kanilang mga asawa. “Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Lahat ginawa ko na, pero hindi ko pa rin magawang mapaamin ang asawa ko.” Problemadong saad ni Yashveer.Habang si Samara ay inaalala ang namagitan sa kanila ni Winter.NAKARAAN…“Mabigat ang mga hakbang ng mga paa ni Winter, habang nagpapakawala ng marahas na buntong hininga. Niluwagan niya ang kanyang kurbata upang makahinga ng maluwag. Pakiramdam kasi niya ay nasasakal na siya. Makikita din ang matinding pagod s
“Tsuk!” Mabilis na napaatras ng isang hakbang pabalik sa labas ng pintuan si Xaven. Napalunok pa siya ng wala sa oras ng makita ang isang patalim sa hamba ng pintuan. Sa bilis ng mga pangyayari ay tanging ang impak na lang ng hangin ang naramdaman ni Xaven. Napako ang mga mata niya sa kutsilyo na hinagis ng kanyang asawa. Halos gahibla na lang kasi ang layo nito sa kanyang mukha at medyo malalim din ang pagkakabaôn nito.“Sweetheart?” Kinakabahan na sambit ni Xaven, habang nakatitig sa mukha ni Song-I. Ang mga mata nito ay matalim na nakatitig sa kanya, para bang gusto na siyang balatan nito ng buhay. ““bam 12si 30bun, neoui haengdong-i uisimseuleobso. wonlaeneun ileoji anh-assneunde, beolsseo saheuljjae neujge deul-eoogo issso. naleul eotteohge saeng-gaghao? naega gamanhi anj-aseo gidaligil balao? dangsin hago sip-eun daelo hage dugil balao?”wae nalbogo i gyeolhonsaenghwal-e jichyeossdago malhaji anhso?dangsin-eun tteonado johso, animyeon naega dangsin salm-eseo nagagil balaneun
“Sweetie, bakit gising ka pa? 12:30 na ng madaling araw ah?” Kunot ang noo na tanong ni Storm habang hinuhubad ang kanyang black suit. Mabilis na umalis mula sa pagkakasandal sa headboard si Misaki. Ipinatong sa ibabaw ng side table ang hawak na cellphone at nakangiti na lumapit sa kanyang asawa. Tnulungan niya itong maghubad. “Hinihintay talaga kita, Sweetie, hindi kasi ako makatulog.” Naglalambing na sagot ni Misaki, sabay yakap sa baywang ng kanyang asawa. Naipikit pa nga niya ang mga mata ng maramdaman ang init na nagmumula sa katawan nito. Ngunit ang kanyang ilong ay abala sa simpleng pagsinghot sa bawat parte ng katawan ng kanyang asawa. “Una, ayon sa kaibigan ko, natuklasan niya na may babae ang kanyang asawa ng maamoy niya ang pabango ng ibang babae na dumikit sa damit ng kanyang asawa.” Naalala pa ni Misaki ang sinabi ni Maurine, kaya eto siya ngayon parang aso na walang tigil na inaamoy ang katawan ni Storm. Kapag alam niyang may nalampasan ang kanyang ilong ay talagang b
“Huh? Anong problema mo? Bakit nakasimangot ka?” Nagtataka na tanong ni Yashveer kay Alesha, kararating lang nito. Umupo siya sa kabilang panig ng lamesa ng hindi inaalis ang tingin sa mukha ni Alesha. Nanatiling tulala si Alesha mula sa salaming pader na kung saan ay makikita mo dito ang magandang tanawin mula sa labas ng hotel. Nasa huling palapag sila ng gusali na matatagpuan dito sa Makati. Isa ito sa pag-aari ng pamilyang Hilton. “I was confused, why did my husband suddenly change? After he proposed to me ay bigla na lang siyang naging malamig. So sad, pero pakiramdam ko ay parang may kulang sa akin.” Pagkatapos na magsalita ay nagpakawala pa siya ng isang problemado na buntong hininga. Sa itsura niyang ito ay parang pasân na niya ang mundo. Isang buwan na ang lumipas simula ng makabalik silang mag-asawa nang bansa. Itinalaga nilang presidente ng Draconis ang kaibigan niyang si Feliña, habang siya naman ang tumatayong CEO. Ipinagkatiwala niya sa kaibigan ang pamamalakad
Ako po ay labis na humihingi ng malawak na pang-unawa kung bakit paisa-isa na lang ang update ng “The CEO’s Sudden Childs” dahil pinaghahandaan ko ang susunod na story ko, since na ilang chapter na lang ang kailangan bago matapos ang TCSC. Nasa ibaba po ang susunod na kwento na aabangan ninyo araw-araw. Please follow my page para laging updated sa mga bagong kwento na maibabahagi ko sa inyong lahat. SALAMAT PO! TITLE: His Love from 15th Century BLURB: “You killed me!” - Morzana "I had to do that because I love you, and I can't bear to lose you." - Damian Isang buhay ng pananakop sa tunay na pag-ibig, Kailangang mamatay ng isa alang-alang sa kanilang pag-ibig. Libu-libong taon na ang lumipas, at dumating na ang panahon. Isang makapangyarihang espiritu ng diyosa ang nakulong sa sirkulasyon ng muling pagsilang. Hanggang sa magising siya sa marupok na katawan ng isang piping mortal na babae, walang kapangyarihan, ngunit hinihimok ng nagniningas na pagnanasang maghigant
““Si haces lo que quiero, te prometo un alto puesto. Ya me conoces, con la amplitud de mi influencia, todo lo que parece imposible se convierte en posible para mí.” (Kapag nagawa mo ang gusto ko ay pinapangako ko sayo ang mataas na posisyon. You know me, sa lawak ng impluwensya ko ang lahat ng hindi imposible ay nagiging posible sa akin.) Si Señôr Steiñar, sabay hithit sa kanyang matabang tobacco.“No te preocupes, yo me encargo. Tengo el control del ejército. Mientras esté en el cargo, todos tus negocios estarán a salvo.” (Huwag kang mag-alala ako ang bahala, nasa akin ang kontrol ng militar. Hangga’t nasa posisyon ako ay mananatiling ligtas ang lahat ng mga negosyo mo.) Kumpiyansa sa sarili na sagot naman ni Major. Kasalukuyang nag-iinuman pa ang mga ito habang nakapaskil ang ngiting tagumpay sa kanilang bibig. Ito ang isa sa mga video na nagleak mula sa mga ebidensya na gagamitin sa matanda. Walang ibang laman ang lahat ng tv network sa buong Espña kundi ang mga video tungkol sa
(Sagitsit ng sasakyan…) Mula sa harap ng kumpanya na pag-aari ni Señor Steiñar, ang lahat ng tao sa paligid ay nagambala, dahil sa biglaang pagdating ng limang sasakyan. Halos sabay sila na napalingon sa mga bagong dating na sasakyan. Napako ang tingin ng lahat sa isang mamahalin at itim na kotse na napapagitnaanan ng apat pang sasakyan. Isang malaking katanungan ang naglalaro sa kanilang isipan kung sino ang taong sakay nito. Bumaba ang may nasa labing anim na kalalakihan na pawang mga nakasuot ng black suit. Sa kanang tenga ng mga ito ay isang black earphone. Pawang mga seryoso ang ekspresyon ng kanilang mga mukha, na kung titingnan mo ay wari moy mga galit. Pinalibutan nila ang nasa gitnang sasakyan, kay higpit ng seguridad para sa taong lulan nito. Ilang sandali pa, bumukas ang pinto. Tumapak sa sementadong lapag ang isang makintab at itim na patilus na sapatos. Hanggang sa tuluyan ng bumaba ng sasakyan si Storm, madilim ang awra nito. Ang ekspresyon ng kanyang mukha a