“Malayo pa lang ay natatanaw ko na ang aking ina. Madilim na ang paligid. Tanging ang munting bombilya ang nagbibigay liwanag sa aming maliit na bakuran. Ang mabagsik na ekspresyon ng aking mukha ay biglang lumambot, at isang ngiti ang lumitaw sa mga labi ko. Nagpatuloy ako sa paglalakad sa lubak-lubak na lupa palapit sa aking ina na nakaupo sa putol na puno. Hinaplos ng awa ang puso ko ng masilayan ko sa malapitan ang mukha ng aking ina. “Dangsin-eun wae geogie issseubnikka? “yeogi mogiga manh-ayo.” (Why are you there? “There are a lot of mosquitoes here.) Ani ko, seryoso man ang mukha ko ay malambing naman ang tono ng pananalita ko. Tumayo ang aking ina at tulad ng inaasahan ko ay isang hampas sa balikat ang natanggap ko mula sa kanya. Sumamâ ang timplada ng mukha ko, dahil nahahip ng kanyang mga daliri ang bahagi ng likod ko na may latay ng latigo. “ Aya! Apeuda, Eomeoni…” (Ouch! Masakit, Ma…) parang bata na reklamo ko sa kanya bahang hinihimas ang kunway nasaktang balikat.
“Eomeoni, “jeoneun jamsi jalileul biul yejeong-ibnida. momjosimhasigo sigan majchwo sigsahaseyo. na-e daehae jinachige saeng-gaghaji masibsio. musahi dol-aolgeyo, al-assjyo?” (Eomeoni, mawawala ako ng matagal, huwag mong pababayaan ang sarili mo. Kumain ka sa tamang oras. Huwag kang masyadong mag-isip ng kung ano tungkol sa akin, dahil babalik akong ligtas. Hm?) Ani ko sa aking ina sa malumanay na tinig habang sinusuklay ang maikli at kulot nitong buhok. Nang mga oras na ‘to ay tila naninikip ang dibdib ko. Gusto kong umiyak, pero hindi pwede, dahil ayokong makita ng aking ina ang kahinaan ko. “Wae neoneun hangsang naleul dugo tteonalyeogo hae?” (Bakit lagi mo na lang akong iniiwan?) Malungkot na tanong ng aking ina dahilan kung bakit tuluyan ng pumatak ang mga luha ko. Itinigil ko ang pagsusuklay sa buhok ng aking ina. Lumipat ako sa harapan nito saka lumuhod. Ginagap ko ang kanyang mga kamay bago tumitig sa kanyang mga mata. Sa pagkakataong ito ay batid ko na matino ang pag-i
“Anong pangalan mo Iha?” Tanong sa akin ng isang maedad na babae habang sinisipat ng tingin ang kabuuan ko mula ulo hanggang paa. “Leoni.” Tipid kong sagot ng hindi man lang ngumingiti. “Mercy, kaano-ano mo si Leoni?” Curious na tanong nito sa kanilang kusinera na siyang nagpasok sa akin sa Mansion ng mga Hilton. “Girlfriend ‘yan ng anak ko, alam mo namang mahirap ang buhay ngayon kaya gusto niyang magtrabaho para daw makapag-ipon, para sa kasal nila.” Pagsisinungaling ni nanay Mercy, habang ang isa ay tumatango na wari moy sumasang-ayon sa sinabi ni nanay Mercy. Marami pa silang pinag-usapan na hindi ko naman lubos na maunawaan kaya nanatili na lang akong tahimik at nakikiramdam sa aking paligid. Kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag dahil madali lang sa akin na nakapasok sa Mansion ng mga Hilton. Ang kailangan ko na lang gawin ay ang maghintay kung kailan uuwi ang pamilyang Hilton. Ayon sa pagsasaliksik ko ay madalas sa Pilipinas ang mag-asawang Hilton dahil dito
“Parang slow motion ang bawat kilos ko habang ang kanang kamay ko ay hawak ang isang puting basahan at kasalukuyang pinupunasan ang ibabaw ng estante. Ngunit ang mga mata ko ay pailalim kung tumingin sa direksyon ni Dr. Xaven. Ngayon ko lang nalaman na Xaven Charles Hilton pala ang pangalan ng lalaking ito. Kasalukuyan siyang nakaupo sa single sofa habang binabasa ang laman ng hawak nitong folder. Ilang sandali pa ay biglang lumingon sa direksyon ko si Dr. Xaven. Marahil ay ramdam nito ang mga titig ko, kaya naman mabilis na nagbabâ ako ng tingin. Nang hindi ko na naramdaman ang mga titig nito ay muli na naman akong sumulyap sa lalaking ito. Pinag-aaralan ko kasi ang bawat kilos nito. Kung tutuusin madali na sa akin na patayin ang lalaking ito dahil kaming dalawa lang ang tao dito sa salas. Pero hindi ko pwedeng gawin ‘yun hanggat hindi ko pa nakikita ang ama nito na si Cedric Hilton. At isa pa ay nagkalat ang cctv sa paligid ng Mansion. Hindi ako pwedeng magpadalos-dalos dahil
“Habang nagbabasa ako ng report mula sa aking kumpanya ay naramdaman ko ang mga titig mula sa aking likuran. Pasimple akong nag-angat ng tingin, at mula sa screen ng nakapatay na tv ay kita ko kung paano ako titigan ng isa sa kasambahay namin na may tatlong dipâ ang layo mula sa aking kinauupuan. Kusang lumitaw ang isang ngiti sa mga labi ko na para bang natutuwa sa dalagang ito. “Leoni, Nanay Mercy, call you in the kitchen.” Natigilan ako ng marinig ko ang sinabi ng bagong dating na katulong. “Leoni?” Ani ng isang tinig mula sa isipan ko. At ang isa sa napansin ko ay ang pagsasalita ng English ng aming kasambahay. Hindi na ako nakatiis kaya tumayo na ako at lumapit sa bagong kasambahay. Base sa kulay nito ay masasabi ko na hindi siya isang pinay. Pero ang mga mata ko ay tila hinihigop palapit sa babaeng ito, hanggang sa hindi ko na namalayan na nasa tabi na niya ako at halos isang dangkal lang ang layo mula sa katawan nito. Dahilan kung bakit sa pagharap nito ay nagulat siya
“S**t!” Nahihilo kong sambit, pagkatapos na gawin akong palaman ng taong ito. Gahibla na lang at malapit na akong maipit sa pagitan ng sasakyan ng kalaban at poste ng meralco. Talagang desidido ang taong ito na patayin ako, dahil sa nakikita ko sa kanya ay wala na rin itong pakialam sa sarili niyang buhay. Basag na ang salamin ng aming mga kotse kaya malinaw kong nakikita ang itsura nito. Ngunit, hindi siya makilala dahil sa suot nitong itim na bonet, tanging ang mga mata lang nito ang nakikita ko. Umangat ang isang kamay niya na may hawak na baril at muling tinutok sa direksyon ko. Ngunit nagulat ito ng paulit-ulit na binangga ng mga tauhan ko ang kotse nito. Hanggang sa nagsimula ng magpalitan ang mga ito ng putok. Masasabi kong masyadong matapang ang taong ito na tila hindi natatakot kay kamatayan, habang nakikipagpalitan ng putok sa aking mga tauhan. Kahit nahihirapan ay pinilit kong makalipat sa backseat ng sasakyan. Masama na ang timpla ng mukha ko dahil sa pagkakaham
“Leoni, aren’t you going to work today?” Tanong ni nanay Mercy habang nakasilip ang ulo nito sa pintuan ng silid. “Sorry, but I’m not feeling well because of my period. It might take up to three more days.” Matamlay na sagot ni Leoni habang nanatiling nakahiga sa kama. Nakatalukbong ito ng kumot at halata ang malakas na panginginig ng katawan nito. Nag-aalala na tuluyan ng pumasok sa silid si nana Mercy at lumapit kay Leoni. Sinalat ang noo nito. “Naku bata ka, ang taas ng lagnat mo!” Nagugulumihanan na saad ni nanay Mercy. “This is normal for me whenever my period comes.” Mahina ang boses na sagot ni Leoni. “Sandali at gagawa kita ng mainit na lugaw.” Ani ni nanay Mercy na mukhang nakalimutan ng mag-english. Ngunit natigilan ito ng makita ang maraming gamot sa ibabaw ng maliit na lamesa. Pinagsawalang bahala na lang niya ang mga ito at nagmamadali na lumabas ng silid. “Nay Mercy, bakit hindi yata pumasok ngayon ang manugang mo?” Nagtataka kong tanong sa aming kusinera. H
“Para akong tanga na nakatulala sa kawalan habang iniisip kung ano ba ang nangyayari sa sarili ko. Ilang beses namang nahawakan ng ibang lalaki ang katawan ko noong pagtangkaan akong halayin ng mga ito. Pero, noong mga panahon na hinawakan nila ang balat ko ay wala naman akong naramdaman na anumang kakaiba na tulad ng nararamdaman ko ngayon. Ang lahat ng mga damdamin na naglalaro sa dibdib ko ay bago lahat sa pakiramdam ko. Ang weird talaga.“Leoni.” Bumalik sa reyalidad ang utak ko ng marinig ko ang boses ni nanay Mercy.“Huh?” Parang wala sa sarili na tanong ko dito. Lumalim ang gatla sa kanyang noo na wari mo ay naguguluhan sa nangyayari sa akin.“I’ve called you three times, but you didn’t even hear me when I’m right in front of you?” Di makapaniwala na tanong sa akin ni nanay Mercy. Napahawak ako sa aking batok na wari moy nahihiya.“I asked if you’re really feel well.”“I’m feeling a bit better, but my lower abdomen still hurts.” Pagsisinungaling ko pa habang diretso na nakati