“Are you really the wife of Mr. Winter Hilton, Ma’am?” Tanong ng isang reporter kay Sam, makikita sa mukha ng lahat ang labis na pagkagulat dahil sa biglang pagsulpot ng babaeng nagpakilala na asawa ng business tycoon na si Mr. Winter Hilton. Para sa mga media na katulad nilang gutom sa impormasyon tungkol sa pamilyang Hilton ay isa itong malaking pribilehiyo. Siguradong pagkakaguluhan ito ng buong mundo dahil sa pagkakahantad sa publiko ng pribadong buhay ng isang Hilton. “Yes, kaya kong patunayan sa lahat na asawa ako ng walang pusong lalaki na ‘yan. I have a marriage contract na magpapatunay na nagkaroon ng isang civil wedding sa pagitan naming dalawa.” Matapang na sagot ni Sam sabay lahad ng kanilang marriage certificate. Di magkandatuto sa pagkuha ng larawan ang lahat habang si Sam ay nanatiling seryoso ang ekspresyon ng mukha. Nakataas ang noo nito at makikita ang katatagan sa kanyang awra. Suot niya ang isang high waisted black pencil skirt na may split sa gilid kaya l
“Natigilan ako ng marinig ko ang huling sinabi ni Winter. Umangat ang kaliwang kamay ko at napahawak ito sa gitnang bahagi ng dibdib ko. Dumiin ang kamay ko dito, at kulang na lang ay pigain ko ang aking dibdib. Ramdam ko kasi ang sakit na bumabalot sa puso ni Samara. Masyadong mabigat sa dibdib at tila nahihirapan na akong huminga. Dapat ikatuwa ko ang narinig ko mula sa lalaking ito, ngunit isang malungkot na ngiti ang lumitaw sa aking mga labi. Ilang sandali pa, naging seryoso ang mukha ni Winter ng mangibabaw ang malakas na halakhak ko sa loob ng opisina nito. Kakaiba ang tawa na kusang lumabas sa bibig ko, iyong tipo na tila nangungutya, na para bang may halong pait at kalaunan ay ramdam mo na ang sakit. “Stop it, Sam!” Saway ni Winter sa akin dahil hindi pa rin ako tumigil sa kakatawa at alam ko na nagmumukha na akong baliw sa paningin nito. Wari moy nainsulto ang kanyang pagkalalaki sa ugali na ipinakita ko sa kanya. Ilang sandali pa biglang nagbago ang awra ko. Nanli
“Damn! I said stop it!” Napipikon ko nang sigaw pero ang asawa ko ayaw pa ring tumigil sa kakasabunot sa buhok ko. Pakiramdam ko ay matatanggal na ang anit ko. Habang nakupo ako dito sa sofa sa loob ng aking opisina ay pasalakang na nakaupo sa kandungan ko si Samara ngunit siya raw si Faith. Dama ko ang panggigigil nito mula sa dalawang kamay niya na nakasabunot sa maikli kong bukok.Tulad ng inaasahan ako ay nagwala ito sa galit ng mag-isa lang akong pumasok sa loob ng opisina. Nagalit ito ng hindi na bumalik ang kapatid ko.“Hmp!” “Ouch! Masakit Sweetheart!” Reklamo ko ng kagatin nito ang balikat ko. Halos magmukhang kamatis na nga ang mukha ko dahil sa ginagawa nito. “I hate you! Ibalik mo sa akin si Xaven ko!” Nanggagalaiti nitong sigaw na kulang na lang ay umiyak. Para itong bata na inagawan ng laruan.“Fine! Dadalhin kita sa kanya kung titigil ka sa pananakit mo sa akin!” Napipikon kong saad na sinundan ng isang marahas na buntong hininga. Tumigil nga ito sa pagwawala pero is
“Hmmm…” naalimpungatan ako ng marinig ko na umungol ang asawa ako tanda na gising na ito. Imbes na magmulat ng aking mga mata ay hinapit ko ang maliit nitong baywang palapit sa akin kaya naramdaman ko ang ng katawan nito. Mabilis na nag-init ang aking pakiramdam lalo na ng lumapat ang malusog niyang dibdib sa bandang dibdib ko. Napangiti ako ng yumakap din siya sa akin. Ngunit, ang hindi ko inaasahan ay ang nakabibinging tiliik nito. “Ahhhh!!!!” Malakas niyang sigaw kaya mabilis kong naimulat ang aking mga mata. Subalit, isang malakas na sampal ang nagpayanig sa aking kamalayan. Tuluyang nawala ang antok ko, at hindi lang ‘yun, pagkatapos ng sampal ay sinundan pa ito ng dalawang magkasunod na tadyak. Kulang na lang ay mahulog ako sa kama. Namimilipit sa sakit na hawak ko ang nasaktang sikmura habang bumabangon. “Ahhhh! Rapist! Please! help me! May rapist na nakapasok sa silid ko!” Nahintakutan na sigaw nito. Isang marahas na buntong hininga ang pinakawalan ko at pilit na hin
“Crash!!!” Ang malakas na tunog ng nabasag na bote ang bumasag sa katahimikan ng silid na kinaroroonan ni Sophia. Nagkalat ang ilang bahagi nito sa kung saan. Maging ang laman nitong likido ay kumapit sa maputi at balahibuhing carpet. Pagkatapos na ibato ang bote ng champagne ay pabasak na umupo siya sa single sofa. Dinampot ang wine glass na may lamang alak at parang tubig na tinungga ito. Makikita sa kanyang mukha na frustrated na ito. “This can’t be! Paano ‘to nagawa sa akin ni Winter? Bigla na lang silang nawala ng hindi ko nalalaman?” Hindi makapaniwala na singhal ni Sophia habang nakapaskil ang isang sarkastikong ngiti sa mga labi nito. Tila hinihingal sa galit habang nakatitig siya sa sahig. Ang kanyang mukha ay kababakasan mo ng matinding sakit. Ilang buwan ang lumipas simula ng alisin ni Winter si Samara at ang mga anak nila sa Villa. Ang tanging nadatnan na lang niya ng araw na umuwi siya galing trabaho ay ang mga katulong na personal na nag-aasikaso sa kanya. Lab
“What is it, Bro?” Naguguluhan na tanong ni Xaven sa tono na tila hindi makapaniwala. Dahil saktong papasok siya sa pintuan ng opisina ni Winter ay nakasalubong naman niya si Sophia na ngayon ay palabas ng opisina nito. Ang tanong nito ay nasundan ng isang marahas na buntong hininga, dahil tila nauunawaan na niya ang ibig nitong sabihin.“Don’t tell me, patuloy pa rin ang relasyon mo kay Sophia? My God, Winter! Paano si Samara, ang asawa mo!?” Seryosong tanong ni Xaven. Mas concerned siya kay Samara, dahil hindi lang niya ito hipag kundi pasyente rin niya ito. Bilang doktor nito ay tungkulin niya na protektahan ito lalo na at seryoso ang kondiyon ng kanyang hipag. And besides iniisip din niya ang kanyang mga pamangkin. “Samara is the part of Hiltons family, Winter, kaya hindi ako papayag na ipagpatuloy mo ang kalokohan mong ‘yan.” Matigas na saad ni Xaven na may halong banta. Isinantabi muna niya ang pagiging kuya nito sa kanya because for him this is a serious matter.“I’m still
Naalimpungatan si Sam dahil sa walang tigil na pagtunog ng cellphone ni Winter. Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata, sabay suri sa kanyang paligid. Hanggang sa napako ang tingin niya sa nag-iingay na parato na nakapatong sa ibabaw ng side table. Saglit niyang sinulyapan ang naka saradong pintuan ng banyo. Base na rin sa kanyang naririnig na lagaslas ng tubig ay may naliligo sa loob ng banyo. Batid niya na hindi umuwi kagabi ang kanyang asawa. Dahil ni isang gusot ay wala kang makikita sa kabilang bahagi ng kama na kanyang kinahihiligan. Mukhang walang balak na tumigil ang taong tumatawag sa kanyang asawa kaya napilitan na siyang bumangon. Dinampot niya ang aparato. Sandali siyang natigilan ng mabasa ang honey bilang pangalan ng caller. Kinakabahan man ay sinagot pa rin niya ang tawag. “Honey, bakit ang tagal mong sagutin ang tawag ko? You know I cook your favorite food, sabay na tayong mag lunch.” Malambing na saad ni Sophia mula sa kabilang linya na si
“Hindi ko alam kung ilang oras na akong nakatulala dito sa loob ng aking opisina habang pinapaikot sa mga daliri ang isang mamahaling black ballpen. Naging palaisipan sa akin ang nakita kong kakaibang awra ni Samara kanina. sa totoo lang, labag sa kalooban ko ang iwan ito sa bahay. Pero kailangan kong pumasok sa opisina dahil may nira-rush akong trabaho. Iniisip ko kasi na baka mamaya at sumamâ ang loob nito sa akin dahil sa hindi ko pag-uwi ng bahay. Hindi ko naman intensyon na gawin ang bagay na ‘yun, dahil hindi ko naman alam na may inilagay palang gamot si Sophia sa aking inumin. Dahilan kung bakit nawalan na ako ng pagkakataon na makauwi pa ng bahay. Napabuntong hininga ako ng maisip ko na kung kailan malapit ko ng mapaamo si Sam ay saka pa ito nangyari. Muli isa na namang marahas na buntong hininga ang aking pinakawalan bago ko hinarap ang aking laptop. Subalit, hindi pa man nagsisimulang tumipâ ang mga daliri ko sa keyboard ng laptop ng bigla akong nakatanggap ng
Ako po ay labis na nagpapasalamat sa mga readers na siamahan ako hanggang sa huling yugto ng “The CEO’s Sudden Child” MARAMING 3x SALAMAT PO!!! Sana ay makasama ko kayong muli sa mga susunod ko pang kwento. Lubos akong humihingi ng paumanhin kung hindi ko man naabot ang mataas na expectation n’yo, dahil ito lang ang nakayanan ko. Nasa ibaba po ang susunod na kwento na aabangan ninyo araw-araw. Please follow my page para laging updated sa mga bagong kwento na maibabahagi ko sa inyong lahat. SALAMAT PO! TITLE: His Love from 15th Century BLURB: “You killed me!” - Morzana "I had to do that because I love you, and I can't bear to lose you." - Damian Isang buhay ng pananakop sa tunay na pag-ibig, Kailangang mamatay ng isa alang-alang sa kanilang pag-ibig. Libu-libong taon na ang lumipas, at dumating na ang panahon. Isang makapangyarihang espiritu ng diyosa ang nakulong sa sirkulasyon ng muling pagsilang. Hanggang sa magising siya sa marupok na katawan ng isang piping mor
“Mom, kailangan mong sumamâ sa akin, nakita ko si Daddy may kasamang ibang babae.” Napatayo ng wala sa oras si Lexie ng marinig ang sinabi ng kanyang anak na Xion. “Anong sabi mo!? Ang matandang ‘yun! Sinasabi ko na nga ba at may kinalolokohang babae ang ama mong ‘yan! Hindi na nahiya!” Nanggagalaiti na sabi ni Lexie, naninikip na ang kanyang dibdib. Parang gusto na niyang maglupasay sa sahig at humagulgol ng iyak. Lihim na napalunok ng sarili niyang laway si Xion ng makita ang reaksyon ng kanyang ina. Gumuhit ang matinding pagsisisǐ sa kanyang mukha na para bang gusto na niyang bawiin ang kanyang sinabi.Nagtakâ si Xion ng umalis sa kanyang harapan ang ina, hindi para sumamâ kundi para pumanhik sa hagdan at pumasok sa loob ng silid nilang mag-asawa. “Mom! We need to hurry!” Pigil niya sa kanyang ina pero hindi ito nakinig bagkus ay diretso ito ng pasok sa loob ng silid. Ilang segundo pa ang lumipas ay lumabas ang kanyang ina subalit may dala na itong shotgun.“Patay…” usal ni Xio
Halos hindi na maipinta ang mga mukha nila Aubrey, Vernice, Miles, Maurine, Alesha at Yashveer, Alesha at Samara habang nagpapaligsahan sa pagpapakawala ng marahas na buntong hininga.Sa kabilang bahagi namang ng mahabang lamesa ay maganda ang ngiti ni Misaki. Habang sa tabi niya ay si Song-I na seryosong nakatingin sa pawisang baso na may lamang malamig na pineapple juice. Nandito na naman sila para pag-usapan ang mga kaganapan tungkol sa kanilang mga plano, at iyon ay alamin kung ano ang pinagkakaabalahan ng kanilang mga asawa. “Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Lahat ginawa ko na, pero hindi ko pa rin magawang mapaamin ang asawa ko.” Problemadong saad ni Yashveer.Habang si Samara ay inaalala ang namagitan sa kanila ni Winter.NAKARAAN…“Mabigat ang mga hakbang ng mga paa ni Winter, habang nagpapakawala ng marahas na buntong hininga. Niluwagan niya ang kanyang kurbata upang makahinga ng maluwag. Pakiramdam kasi niya ay nasasakal na siya. Makikita din ang matinding pagod s
“Tsuk!” Mabilis na napaatras ng isang hakbang pabalik sa labas ng pintuan si Xaven. Napalunok pa siya ng wala sa oras ng makita ang isang patalim sa hamba ng pintuan. Sa bilis ng mga pangyayari ay tanging ang impak na lang ng hangin ang naramdaman ni Xaven. Napako ang mga mata niya sa kutsilyo na hinagis ng kanyang asawa. Halos gahibla na lang kasi ang layo nito sa kanyang mukha at medyo malalim din ang pagkakabaôn nito.“Sweetheart?” Kinakabahan na sambit ni Xaven, habang nakatitig sa mukha ni Song-I. Ang mga mata nito ay matalim na nakatitig sa kanya, para bang gusto na siyang balatan nito ng buhay. ““bam 12si 30bun, neoui haengdong-i uisimseuleobso. wonlaeneun ileoji anh-assneunde, beolsseo saheuljjae neujge deul-eoogo issso. naleul eotteohge saeng-gaghao? naega gamanhi anj-aseo gidaligil balao? dangsin hago sip-eun daelo hage dugil balao?”wae nalbogo i gyeolhonsaenghwal-e jichyeossdago malhaji anhso?dangsin-eun tteonado johso, animyeon naega dangsin salm-eseo nagagil balaneun
“Sweetie, bakit gising ka pa? 12:30 na ng madaling araw ah?” Kunot ang noo na tanong ni Storm habang hinuhubad ang kanyang black suit. Mabilis na umalis mula sa pagkakasandal sa headboard si Misaki. Ipinatong sa ibabaw ng side table ang hawak na cellphone at nakangiti na lumapit sa kanyang asawa. Tnulungan niya itong maghubad. “Hinihintay talaga kita, Sweetie, hindi kasi ako makatulog.” Naglalambing na sagot ni Misaki, sabay yakap sa baywang ng kanyang asawa. Naipikit pa nga niya ang mga mata ng maramdaman ang init na nagmumula sa katawan nito. Ngunit ang kanyang ilong ay abala sa simpleng pagsinghot sa bawat parte ng katawan ng kanyang asawa. “Una, ayon sa kaibigan ko, natuklasan niya na may babae ang kanyang asawa ng maamoy niya ang pabango ng ibang babae na dumikit sa damit ng kanyang asawa.” Naalala pa ni Misaki ang sinabi ni Maurine, kaya eto siya ngayon parang aso na walang tigil na inaamoy ang katawan ni Storm. Kapag alam niyang may nalampasan ang kanyang ilong ay talagang b
“Huh? Anong problema mo? Bakit nakasimangot ka?” Nagtataka na tanong ni Yashveer kay Alesha, kararating lang nito. Umupo siya sa kabilang panig ng lamesa ng hindi inaalis ang tingin sa mukha ni Alesha. Nanatiling tulala si Alesha mula sa salaming pader na kung saan ay makikita mo dito ang magandang tanawin mula sa labas ng hotel. Nasa huling palapag sila ng gusali na matatagpuan dito sa Makati. Isa ito sa pag-aari ng pamilyang Hilton. “I was confused, why did my husband suddenly change? After he proposed to me ay bigla na lang siyang naging malamig. So sad, pero pakiramdam ko ay parang may kulang sa akin.” Pagkatapos na magsalita ay nagpakawala pa siya ng isang problemado na buntong hininga. Sa itsura niyang ito ay parang pasân na niya ang mundo. Isang buwan na ang lumipas simula ng makabalik silang mag-asawa nang bansa. Itinalaga nilang presidente ng Draconis ang kaibigan niyang si Feliña, habang siya naman ang tumatayong CEO. Ipinagkatiwala niya sa kaibigan ang pamamalakad
Ako po ay labis na humihingi ng malawak na pang-unawa kung bakit paisa-isa na lang ang update ng “The CEO’s Sudden Childs” dahil pinaghahandaan ko ang susunod na story ko, since na ilang chapter na lang ang kailangan bago matapos ang TCSC. Nasa ibaba po ang susunod na kwento na aabangan ninyo araw-araw. Please follow my page para laging updated sa mga bagong kwento na maibabahagi ko sa inyong lahat. SALAMAT PO! TITLE: His Love from 15th Century BLURB: “You killed me!” - Morzana "I had to do that because I love you, and I can't bear to lose you." - Damian Isang buhay ng pananakop sa tunay na pag-ibig, Kailangang mamatay ng isa alang-alang sa kanilang pag-ibig. Libu-libong taon na ang lumipas, at dumating na ang panahon. Isang makapangyarihang espiritu ng diyosa ang nakulong sa sirkulasyon ng muling pagsilang. Hanggang sa magising siya sa marupok na katawan ng isang piping mortal na babae, walang kapangyarihan, ngunit hinihimok ng nagniningas na pagnanasang maghigant
““Si haces lo que quiero, te prometo un alto puesto. Ya me conoces, con la amplitud de mi influencia, todo lo que parece imposible se convierte en posible para mí.” (Kapag nagawa mo ang gusto ko ay pinapangako ko sayo ang mataas na posisyon. You know me, sa lawak ng impluwensya ko ang lahat ng hindi imposible ay nagiging posible sa akin.) Si Señôr Steiñar, sabay hithit sa kanyang matabang tobacco.“No te preocupes, yo me encargo. Tengo el control del ejército. Mientras esté en el cargo, todos tus negocios estarán a salvo.” (Huwag kang mag-alala ako ang bahala, nasa akin ang kontrol ng militar. Hangga’t nasa posisyon ako ay mananatiling ligtas ang lahat ng mga negosyo mo.) Kumpiyansa sa sarili na sagot naman ni Major. Kasalukuyang nag-iinuman pa ang mga ito habang nakapaskil ang ngiting tagumpay sa kanilang bibig. Ito ang isa sa mga video na nagleak mula sa mga ebidensya na gagamitin sa matanda. Walang ibang laman ang lahat ng tv network sa buong Espña kundi ang mga video tungkol sa
(Sagitsit ng sasakyan…) Mula sa harap ng kumpanya na pag-aari ni Señor Steiñar, ang lahat ng tao sa paligid ay nagambala, dahil sa biglaang pagdating ng limang sasakyan. Halos sabay sila na napalingon sa mga bagong dating na sasakyan. Napako ang tingin ng lahat sa isang mamahalin at itim na kotse na napapagitnaanan ng apat pang sasakyan. Isang malaking katanungan ang naglalaro sa kanilang isipan kung sino ang taong sakay nito. Bumaba ang may nasa labing anim na kalalakihan na pawang mga nakasuot ng black suit. Sa kanang tenga ng mga ito ay isang black earphone. Pawang mga seryoso ang ekspresyon ng kanilang mga mukha, na kung titingnan mo ay wari moy mga galit. Pinalibutan nila ang nasa gitnang sasakyan, kay higpit ng seguridad para sa taong lulan nito. Ilang sandali pa, bumukas ang pinto. Tumapak sa sementadong lapag ang isang makintab at itim na patilus na sapatos. Hanggang sa tuluyan ng bumaba ng sasakyan si Storm, madilim ang awra nito. Ang ekspresyon ng kanyang mukha a