“Natigilan ako ng marinig ko ang huling sinabi ni Winter. Umangat ang kaliwang kamay ko at napahawak ito sa gitnang bahagi ng dibdib ko. Dumiin ang kamay ko dito, at kulang na lang ay pigain ko ang aking dibdib. Ramdam ko kasi ang sakit na bumabalot sa puso ni Samara. Masyadong mabigat sa dibdib at tila nahihirapan na akong huminga. Dapat ikatuwa ko ang narinig ko mula sa lalaking ito, ngunit isang malungkot na ngiti ang lumitaw sa aking mga labi. Ilang sandali pa, naging seryoso ang mukha ni Winter ng mangibabaw ang malakas na halakhak ko sa loob ng opisina nito. Kakaiba ang tawa na kusang lumabas sa bibig ko, iyong tipo na tila nangungutya, na para bang may halong pait at kalaunan ay ramdam mo na ang sakit. “Stop it, Sam!” Saway ni Winter sa akin dahil hindi pa rin ako tumigil sa kakatawa at alam ko na nagmumukha na akong baliw sa paningin nito. Wari moy nainsulto ang kanyang pagkalalaki sa ugali na ipinakita ko sa kanya. Ilang sandali pa biglang nagbago ang awra ko. Nanli
“Damn! I said stop it!” Napipikon ko nang sigaw pero ang asawa ko ayaw pa ring tumigil sa kakasabunot sa buhok ko. Pakiramdam ko ay matatanggal na ang anit ko. Habang nakupo ako dito sa sofa sa loob ng aking opisina ay pasalakang na nakaupo sa kandungan ko si Samara ngunit siya raw si Faith. Dama ko ang panggigigil nito mula sa dalawang kamay niya na nakasabunot sa maikli kong bukok.Tulad ng inaasahan ako ay nagwala ito sa galit ng mag-isa lang akong pumasok sa loob ng opisina. Nagalit ito ng hindi na bumalik ang kapatid ko.“Hmp!” “Ouch! Masakit Sweetheart!” Reklamo ko ng kagatin nito ang balikat ko. Halos magmukhang kamatis na nga ang mukha ko dahil sa ginagawa nito. “I hate you! Ibalik mo sa akin si Xaven ko!” Nanggagalaiti nitong sigaw na kulang na lang ay umiyak. Para itong bata na inagawan ng laruan.“Fine! Dadalhin kita sa kanya kung titigil ka sa pananakit mo sa akin!” Napipikon kong saad na sinundan ng isang marahas na buntong hininga. Tumigil nga ito sa pagwawala pero is
“Hmmm…” naalimpungatan ako ng marinig ko na umungol ang asawa ako tanda na gising na ito. Imbes na magmulat ng aking mga mata ay hinapit ko ang maliit nitong baywang palapit sa akin kaya naramdaman ko ang ng katawan nito. Mabilis na nag-init ang aking pakiramdam lalo na ng lumapat ang malusog niyang dibdib sa bandang dibdib ko. Napangiti ako ng yumakap din siya sa akin. Ngunit, ang hindi ko inaasahan ay ang nakabibinging tiliik nito. “Ahhhh!!!!” Malakas niyang sigaw kaya mabilis kong naimulat ang aking mga mata. Subalit, isang malakas na sampal ang nagpayanig sa aking kamalayan. Tuluyang nawala ang antok ko, at hindi lang ‘yun, pagkatapos ng sampal ay sinundan pa ito ng dalawang magkasunod na tadyak. Kulang na lang ay mahulog ako sa kama. Namimilipit sa sakit na hawak ko ang nasaktang sikmura habang bumabangon. “Ahhhh! Rapist! Please! help me! May rapist na nakapasok sa silid ko!” Nahintakutan na sigaw nito. Isang marahas na buntong hininga ang pinakawalan ko at pilit na hin
“Crash!!!” Ang malakas na tunog ng nabasag na bote ang bumasag sa katahimikan ng silid na kinaroroonan ni Sophia. Nagkalat ang ilang bahagi nito sa kung saan. Maging ang laman nitong likido ay kumapit sa maputi at balahibuhing carpet. Pagkatapos na ibato ang bote ng champagne ay pabasak na umupo siya sa single sofa. Dinampot ang wine glass na may lamang alak at parang tubig na tinungga ito. Makikita sa kanyang mukha na frustrated na ito. “This can’t be! Paano ‘to nagawa sa akin ni Winter? Bigla na lang silang nawala ng hindi ko nalalaman?” Hindi makapaniwala na singhal ni Sophia habang nakapaskil ang isang sarkastikong ngiti sa mga labi nito. Tila hinihingal sa galit habang nakatitig siya sa sahig. Ang kanyang mukha ay kababakasan mo ng matinding sakit. Ilang buwan ang lumipas simula ng alisin ni Winter si Samara at ang mga anak nila sa Villa. Ang tanging nadatnan na lang niya ng araw na umuwi siya galing trabaho ay ang mga katulong na personal na nag-aasikaso sa kanya. Lab
“What is it, Bro?” Naguguluhan na tanong ni Xaven sa tono na tila hindi makapaniwala. Dahil saktong papasok siya sa pintuan ng opisina ni Winter ay nakasalubong naman niya si Sophia na ngayon ay palabas ng opisina nito. Ang tanong nito ay nasundan ng isang marahas na buntong hininga, dahil tila nauunawaan na niya ang ibig nitong sabihin.“Don’t tell me, patuloy pa rin ang relasyon mo kay Sophia? My God, Winter! Paano si Samara, ang asawa mo!?” Seryosong tanong ni Xaven. Mas concerned siya kay Samara, dahil hindi lang niya ito hipag kundi pasyente rin niya ito. Bilang doktor nito ay tungkulin niya na protektahan ito lalo na at seryoso ang kondiyon ng kanyang hipag. And besides iniisip din niya ang kanyang mga pamangkin. “Samara is the part of Hiltons family, Winter, kaya hindi ako papayag na ipagpatuloy mo ang kalokohan mong ‘yan.” Matigas na saad ni Xaven na may halong banta. Isinantabi muna niya ang pagiging kuya nito sa kanya because for him this is a serious matter.“I’m still
Naalimpungatan si Sam dahil sa walang tigil na pagtunog ng cellphone ni Winter. Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata, sabay suri sa kanyang paligid. Hanggang sa napako ang tingin niya sa nag-iingay na parato na nakapatong sa ibabaw ng side table. Saglit niyang sinulyapan ang naka saradong pintuan ng banyo. Base na rin sa kanyang naririnig na lagaslas ng tubig ay may naliligo sa loob ng banyo. Batid niya na hindi umuwi kagabi ang kanyang asawa. Dahil ni isang gusot ay wala kang makikita sa kabilang bahagi ng kama na kanyang kinahihiligan. Mukhang walang balak na tumigil ang taong tumatawag sa kanyang asawa kaya napilitan na siyang bumangon. Dinampot niya ang aparato. Sandali siyang natigilan ng mabasa ang honey bilang pangalan ng caller. Kinakabahan man ay sinagot pa rin niya ang tawag. “Honey, bakit ang tagal mong sagutin ang tawag ko? You know I cook your favorite food, sabay na tayong mag lunch.” Malambing na saad ni Sophia mula sa kabilang linya na si
“Hindi ko alam kung ilang oras na akong nakatulala dito sa loob ng aking opisina habang pinapaikot sa mga daliri ang isang mamahaling black ballpen. Naging palaisipan sa akin ang nakita kong kakaibang awra ni Samara kanina. sa totoo lang, labag sa kalooban ko ang iwan ito sa bahay. Pero kailangan kong pumasok sa opisina dahil may nira-rush akong trabaho. Iniisip ko kasi na baka mamaya at sumamâ ang loob nito sa akin dahil sa hindi ko pag-uwi ng bahay. Hindi ko naman intensyon na gawin ang bagay na ‘yun, dahil hindi ko naman alam na may inilagay palang gamot si Sophia sa aking inumin. Dahilan kung bakit nawalan na ako ng pagkakataon na makauwi pa ng bahay. Napabuntong hininga ako ng maisip ko na kung kailan malapit ko ng mapaamo si Sam ay saka pa ito nangyari. Muli isa na namang marahas na buntong hininga ang aking pinakawalan bago ko hinarap ang aking laptop. Subalit, hindi pa man nagsisimulang tumipâ ang mga daliri ko sa keyboard ng laptop ng bigla akong nakatanggap ng
Two years later…. Nasisilaw na nagmulat ng kanyang mga mata si Sophie,. Nag-inat muna ito ng kanyang mga braso bago matamis na ngumiti. Pakiramdam niya ay para siyang nakalutang sa alapaap. Magaan ang pakiramdam na bumangon siya at pumasok sa loob ng banyo upang gawin ang kanyang daily routine. Pagkatapos ng ilang minuto na pagbababad sa bathtub ay mabilis na siyang nagbanlaw. Suot ang roba na lumabas siya ng banyo. Pinili niya ang damit na sa kanyang tingin ay siyang pinaka maganda sa lahat. Isang red mini dress na hanggang kalahating hita ang tabas nito. Lumitaw ang isang nang-aakit na ngiti sa kanyang mga labi ng masilayan niya ang magandang hubog ng kanyang katawan. Lalo na ang malusog niyang dibdib na mas lalong tumingkad ang kaputian dahil sa kulay ng kanyang damit. Ilang sandali pa ay nakarinig siya ng ilang katok mula sa pintuan. Kasunod nito ay ang pagpasok ng kanyang assistant. Kaagad na inihanda nito ang dalang makeup kit at sinimulan na nitong ayusan ang kanyang