Share

Kabanata 92

“Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Naiinis ako pero hindi ko alam kung bakit. Gusto kong umiyak o di kaya ay magwala. Nagdadamdam ako dahil may gusto akong makuha pero hindi ko alam kung ano.

Frustrated na ako, kaya naisip ko na lang na maligo at baka sakaling gumaan ang pakiramdam ko. Marahil ay parte ito ng pagbubuntis ko. Ngayon ko lang nalaman na sadya pa lang mahirap ang magbuntis. Halos nagtagal ako sa ilalim ng tubig, nilalasap ang hatid na ginhawa nito sa aking pakiramdam.

Pagkatapos ng halos kalahating oras na pagbababad sa maligamgam na tubig ay nakatapis ng tuwalya na lumabas ako ng banyo. Subalit, napatda ako sa aking kinatatayuan ng biglang bumukas ang pinto ng silid ng wala man lang paalam. Ang tangka kong paglapit sana sa closet para kumuha ng damit ay hindi na natuloy.

Napahawak ako sa buhol ng tuwalya na nasa tapat ng dibdib ko. Hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan habang nakatitig sa mukha ng bagong pasok na si Ma’am Sophia.

Ito ang unang paghaharap nam
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status