Tila slow motion ang pagpasok ko sa silid ng aking mag-ina. Kusang lumitaw ang ngiti sa mga labi ko ng makita ko ang aking mga anak. Walang ingay na lumapit ako sa kanila at matamang tinitigan ang mukha ng mga sanggol. Proud ako sa sarili ko bilang isang ama ng mga batang ito. Because finally may mga tagapagmana na ako. Maingat na kinuha ko mula sa higaan ang isa sa aking mga anak at medyo natakot pa ako na baka mapisa ito sa mga bisig ko. Bukod sa sobrang lambot ay napakaliit ng katawan nito kaya nakakatakot itong kargahin. Nakakatuwang pagmasdan ang malasutla nitong balat lalo na ang mala anghel nitong mukha. He’s so cute na kailanman ay hindi ka magsasawa na pagmasdan ito. Kamukha ko man ang anak ko ngunit ang ekspresyon ng mukha nito ay hindi nalalayo sa kanyang ina. Buong pagmamahal na hinagkan ko ang katawan nito, medyo nanggigigil pa nga ako dahil ang puso ko ay tila sasabog na sa matinding kasiyahan. Maingat ko itong ibinalik sa tabi ng kanyang ina, at ang sunod ko namang
“Katatapos ko lang palitan ng diaper ang aking anak ng bumukas ang pinto ng silid. Mabilis ang ginawa kong paglingon sa pintuan at nakita ko na pumasok si Ate Tess. Malungkot ang maamo nitong mukha habang ang kanyang mga kamay ay nakahawak sa laylayan ng kanyang kulay brown na bestida. Imbes na ngumiti dahil sa presensya ng butihing ginang ay tila nahawaan ako ng ekspresyon ng mukha nito. Tulad nito ay nalungkot din ako, sabay tingin sa mukha ng aking mga anak na tila gustong makipaglaro sa akin. Nang makita ko ang ngiti ng aking mga anak ay isang malungkot na ngiti ang lumitaw sa mga labi ko. Kahit hindi pa man sabihin sa akin ni Ate Tess kung ano ang kanyang pakay ay alam ko na kung ano ang ibig sabihin ng ekspresyon ng mukha nito. Nagsimula na namang manubig ang aking mga mata. Mas lalo akong nasaktan ng pumasok ang dalawang katulong at maingat na binuhat ang aking mga anak. Gusto kong sigawan ang mga ito, at palayasin palabas ng silid, pero hindi ko kaya. Wala akong lakas ng l
“Diyos ko, mahabaging langit! Samara, anak!” Natataranta na sambit ni Tess ng datnan niya na nakahandusay sa sahig si Samara. Maging ang katulong na kasama nito ay halos mamuti na ang mukha dahil sa labis na pag-aalala. Mabilis, ngunit may pag-iingat na ibinaba ni Tess ang sanggol na hawak sa ibabaw ng kama. Habang ang katulong ay nakabatay sa dalawang sanggol. “Samara, anong nangyari sayo?” Naiiyak na tanong ni Tess habang nakaunan sa kanyang mga hita ang ulo nito at patuloy na tinatapǐk ang pisngi ng kanyang alaga. Mabilis na nilagay ni Tess ang daliri sa tapat ng ilong nito, nakahinga naman siya ng maluwag ng malaman na buhay pa ito.“Bilis! Humingi ka ng tulong sa babâ.” Natataranta na utos ni Tess sa kasama nitong katulong. Iniisip niya na hindi niya kayang buhatin ang kanyang alaga dahil kahit na may kapayatan ang katawan ni Samara ay malaking babae pa rin ito.“O-Opo!” Natataranta na sagot ng katulong. Subalit bago pa man ito makalapit sa pintuan ay biglang umungol si Samara
“Pinatawag ko kayo para sabihin sa inyong lahat na walang sinuman ang papasok sa silid ng mga anak ko. Ni hawakan ay huwag na huwag ninyong gagawin. Selosa akong tao, kapag sinuway n’yo ako, kayo rin, baka magsisi kayo.” Mataray kong pahayag na magkasamang banta. “Si Ma’am Sophia lang ang sinusunod namin dito, dahil iyon ang bilin sa amin ni Sir Winter.” Matapang na sagot ng isa sa kanila at tinaasan pa ako nito ng kilay., Umangat ang sulok ng bibig ko bago nagsimulang humakbang ang aking mga paa palapit dito. PAK! Isang malutong na sampal ang nagpayanig sa pagkatao ng kasambahay na labis na ikinagulat ng lahat. Umawang pa ang kanilang mga bibig habang ang ilan ay napa-atras pa. “Opps, sorry, nakalimutan kong sabihin na hindi ako tumatanggap ng rejection.” Anya na sinundan ng isang matalim na ngiti, sabay tikwas ng kaliwang kilay ko. “Do you know who I am? I’m the owner of this house, I’m your boss, or gusto n’yo na palayasin ko kayong lahat dito ay maghahired ako ng mga bag
“Sir, umalis po si Ma’am Samara, gamit ang BMW mong sasakyan. Bukod pa run ay binangga niya ang gilid ng bahay, pati rin ang gate kaya nawasak ang mga ito.” “What?” Hindi makapaniwala na sambit ko, ngunit sa pag-angat ng aking mukha ay sumalubong sa paningin ko ang isang babae na rumarampa sa gitna ng pulang carpet. Nanlaki ang mga mata ko ng makilala ko kung sino ang babaeng ito. Kahit wala na siyang suot na salamin sa mata, hindi pa rin nagbabago ang pagtingin ko dito dahil tanging ako lang ang nakakaalam ng mukha nito sa likod ng makapal na salamin nito. “S**t! What my wife’s doing here!?” Ang naibulalas ko ngunit sa pabulong na paraan. Iniiwasan ko pa rin na may makarinig sa sinabi ko. Kulang na lang ay sumabog ang ulo ko dahil sa matinding galit habang nakatitig sa magandang mukha ng aking asawa. Hindi ako makapaniwala na lumabas ito ng bahay na ganito ang suot na damit. Kita na ang makinis nitong tiyan pati ang buong pusod nito. Maging ang makinis at mala porselana nitong
“Where are you going!?” Nanggigigil na tanong sa akin ni Winter sabay haklit sa braso ko. Sumamâ ang timplada ng mukha ko dahil nasasaktan ako sa mahigpit na pagkakahawak niya sa braso ko. Halos bumaon na ang mga daliri nito sa malambot kong balat. “Excuse me! Could you please let me go!?” Mataray kong singhal dito habang pilit binabawi ang braso ko mula sa kanya. “Umuwi na tayo.” Matigas niyang saad bago ako nito hinatak palabas ng gusali. “Anong uuwi? Umuwi kang mag-isa mo!” Galit kong sabi at sinubukan kong pumalag. Wala na kaming pakialam sa mga taong nag-uusisa. “Let see kung hanggang saan ang pagmamatigas mo sa akin, wifey.” Nagbabanta niyang bulong sa akin. Nagtaka ako ng hubarin niya ang kanyang suit ng hindi binibitawan ang braso ko. Excuse me, hindi ako ang asawa mo. Nagkakamali ka ng pagkakaintindi sakin, hindi ako si Samara, okay? Ako si Faith.” Ani ko na pilit ipinapaunawa dito ang lahat. “S**t! Put me down!” Galit kong sigaw dahil ang magaling na lalaking ito
“Oh my god,” naibulalas ni Winter ng makita ang malaking pinsala na iniwan ng kanyang asawa. Napatiǐm bagang siya habang pinagmamasdan ang nawasak na bahagi ng kanyang Villa. Bukod pa run ay kasalukuyan ng hinihila ng truck mula sa kumpanya ang bago niyang sasakyan na BMW na siyang ginamit ni Samara. Sira na kasi ito at kailangan ng palitan ang buong parts nng sasakyan para magmukhang bago ulit. Natuklasan din niya na hindi lang ang kanyang Villa ang naperwisyo ng kanyang asawa. Dahil marami pang sasakyan ang nabangga nito, kaya ngayon ay kasalukuyan siyang nakikipag-usap sa mga pulis. Habang sa bungad ng pintuan ay tahimik lang na nagmamasid si Sophia. Mabilis na natunton ng mga pulis at ng mga taong naperwisyo ni Faith ang bahay ni Winter dahil sa plaka ng kanyang sasakyan. Sa loob lang ng isang araw ay gumastos siya ng halos six million dahil sa laki ng pinsala na nilikha ng kanyang asawa. Biglang sumakit ang kanyang ulo ng maalala na naman ito, dahil alas onse na ng gabi,
Blag! Pabalibag na isinara ni Winter ang pintuan pagkatapos na marahas na bitawan ang braso ni Faith. Nanlilisik sa matinding galit ang mga mata nito na halos mag-tunugan ang kanyang mga bagang dahil sa matinding panggagalaiti. Ngunit, walang pakialam si Faith dahil ang higit na mahalaga sa kanya ng mga sandaling ito ay si Xaven. Ang lalaking kinababaliwan nito. “Ang lakas ng loob mo na lokohin ako? Huh? At talagang ang kapatid ko pa ang pinili mo? Ito ba ang paraan mo para makaganti sa akin?” Hinihingal sa galit na tanong ni Winter. Subalit tila hindi ito naririnig ni Faith. Nagulat pa si Winter ng sa unang pagkakataon ay lumuhod sa kanyang harapan ang asawa. Habang ang nanginginig nitong mga kamay ay magkalapat at patuloy na pinagkikiskis. “Pakiusap, nagmamakaawa ako sayo, h-huwag mo akong ilayo kay Xaven! Hm? P-Parang awa mo na, I love him… s-siya lang ang lalaking minahal ko ng ganito. Believe me, hindi talaga ako si Samara, maniwala ka. So, please! Please! I beg you…” Natulos