“Hindi maintindihan ni Winter ang sarili kung bakit tila excited siya na umuwi ng bahay. Kulang na lang ay takbuhin nito ang hagdan para mabilis na makarating sa silid na kanyang pakay. Imbes na sa sariling silid ay sa guest room kaagad siya dumiretso. Pinihit niya ang seradura at tila nananabik na tinulak ang dahon ng pinto. Pigil ang hininga na pinagmasdan niya ang magandang mukha ni Samara na kasalukuyang mahimbing na natutulog sa ibabaw ng king size bed. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na nasa harap niya ang magandang babae na ‘to. At hindi lang ‘yun, pag-aari na rin niya ito. He think that he’s so lucky dahil tanging siya lang ang nakakakita ng lahat ng itinatago nito.Marahil kung hindi lang siya busy sa kumpanya buong maghapon, baka mas pinili niya na manatili sa loob ng silid na ‘to kasama ni Samara.Isa-isang hinubad ang lahat ng saplot sa kanyang katawan at hubo’t-hubad na pumasok sa loob ng banyo. Natapos na siya’t lahat sa paliligo ay mahimbing pa rin
“Nay, kumusta na po kayo dito?” Nakangiti kong tanong habang ibinababa ang mga pinamili kong groceries para sa aking ina. Napangiti ako ng tumayo ang aking ina at mabagal na humakbang palapit sa akin. Sobrang hina ng bawat kilos nito pero halatang magaling na sya.“Bakit ngayon ka lang umuwi? Ikaw bata ka marami ka ng inililihim sa akin, ni hindi mo pa naipapaliwanag sa kung paano mo nakuha ang bahay na ‘to?” Seryoso nitong tanong saka ako pinukol ng isang nagdududang tingin.“Nay, w-wala po akong ginagawang masama. Ang totoo nga po niyan ay hindi pa bayad ang bahay na ‘to. Masyadong malaki ang buwanang hulog nito kaya naisip ko na mag-abroad na lang.” Malumanay kong paliwanag. Napansin ko na natigilan ang aking ina at malungkot na tumingin ito sa mukha ko. Parang gusto ko siyang yakapin at umiyak sa dibdib nito habang humihingi ng tawad. Nakokonsensya kasi ako sa pagsisinungaling ko, hindi ko naman kasi ugali na magsinungaling dito ngunit kailangan kong gawin ito.“N-Nay, pasensya
“Excited na pumasok ako sa loob ng silid, nadatnan ko si Samara na inaayos ang higaan. Kusang lumitaw ang ngiti sa mga labi ko ng lumingon siya sa akin. “I’m home.” Malambing kong saad bago lumapit sa aking asawa. Nang makalapit ay kaagad kong hinalikan ang mala rosas niyang mga labi. Sa gigil ko ay bahagya ko pa itong nakagat, pero sinigurado ko na hindi siya masasaktan. Pagkatapos ng isang mapusok na halik ay masuyo kong hinaplos ang impis nitong tiyan. Parang sasabog sa matinding kasiyahan ang puso ko because finally ay natupad na rin ang pagnanais ko na maging-isang ama. Napangiti ako ng mamula ng husto ang mukha ni Samara, she’s so cute. And I love the way kung paano siyang mahiya sa akin. “K-kumain ka na ba?” Nahihiya pa nitong tanong dahil na late ako ng uwi. Isa ito sa ikinaiinis ko sa kanya ang madalas na pagsasalita nito ng pautal-utal sa tuwing nakikipag-usap sa akin. Pakiramdam ko tuloy ay hindi siya masaya na makasama ako. Imbes na sumagot ay walang imik na iniwan ko
W-Winter…” Napako siya kinatatayuan ng tawagin ng isang pamilyar na tinig ang kanyang pangalan. Dahil sa matinding kasiyahan na kanyang nararamdaman ay hindi na niya napansin ang paglitaw ng isang babae mula sa bungad ng pintuan. Ilang segundo na naghinang ang kanilang mga mata. At matinding katahimikan nangibabaw sa buong paligid habang nanatiling nakatitig ang dalawa sa mukha ng isa’t-isa.. Nagsimulang lumuha ang mga mata ni Sophia, at masasalamin mula dito ang labis na pagsisisǐ. Marahil, nang dahil sa ginawa niyang pang-iiwan sa kanyang nobyo. Tulad ng kanyang inaasahan ang gulat sa mukha ni Winter ay naging seryoso, na kalaunan ay dumilim ang ekspresyon ng mukha nito. Halatang hindi nito gusto na makita ang kanyang pagmumukha. “What are you doing here!?” Matigas nitong tanong sa kanya bago malaki ang mga hakbang na tinawid ang kanilang pagitan. Nang makalapit, marahas na hinaklit nito ang kanyang braso saka kinaladkad siya palabas ng Villa. “Bakit bumalik ka pa? Umalis ka n
“Pabalik-balik ako ng lakad sa loob ng silid, hindi ako mapakali. Gustuhin ko man na lumabas para puntahan ang aking asawa ay hindi ko magawa.Nag-aalala kasi ako na baka magalit siya sa akin at tuluyan na ako nitong hindi puntahan dito sa silid na kinaroroonan ko. Ilang sandali pa ay bumukas ang pinto, mabilis ang ginawa kong pagharap dito. Ngunit nadismaya lang ako ng si ate Tess ang pumasok mula sa pintuan. May pag-aatubili na lumapit ako kay ate Tess at humawak sa isang braso nito. Inayos ang salamin ko sa mata bago magtanong. “A-Ate, si Winter, dumating na ba?” Nakangiti kong tanong, naron sa tinig ko ang matinding pananabik na masilayan muli ang mukha ng aking asawa. Dalawang araw ko na kasing hindi ito nakikita, kaya ganun na lang ang pagnanais ko na makita ito. Simula kasi ng dumating si Ma’am Sophia ay kailanman hindi na nagawi dito ang aking asawa. Hindi nakaligtas na aki ang lungkot mula sa mga ni ate Tess, bumadha rin sa mukha nito ang matinding awa para sa akin.“H-hi
“Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Naiinis ako pero hindi ko alam kung bakit. Gusto kong umiyak o di kaya ay magwala. Nagdadamdam ako dahil may gusto akong makuha pero hindi ko alam kung ano. Frustrated na ako, kaya naisip ko na lang na maligo at baka sakaling gumaan ang pakiramdam ko. Marahil ay parte ito ng pagbubuntis ko. Ngayon ko lang nalaman na sadya pa lang mahirap ang magbuntis. Halos nagtagal ako sa ilalim ng tubig, nilalasap ang hatid na ginhawa nito sa aking pakiramdam. Pagkatapos ng halos kalahating oras na pagbababad sa maligamgam na tubig ay nakatapis ng tuwalya na lumabas ako ng banyo. Subalit, napatda ako sa aking kinatatayuan ng biglang bumukas ang pinto ng silid ng wala man lang paalam. Ang tangka kong paglapit sana sa closet para kumuha ng damit ay hindi na natuloy.Napahawak ako sa buhol ng tuwalya na nasa tapat ng dibdib ko. Hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan habang nakatitig sa mukha ng bagong pasok na si Ma’am Sophia. Ito ang unang paghaharap nam
Mabilis na lumipas ang mga oras, araw at buwan. Sa ilang buwan na nagdaan ay tulad ng nais ni Winter, nanatili sa loob ng silid si Samara. Naging bilanggo siya ng kanyang asawa, at nagpaparamdam lang sa gabi kapag kailangan ng kaulayaw. Naging masalimuot ang buhay ni Samara. Sapagkat nasaksihan niya kung paanong pahalagahan ng kanyang asawa ang kabit nito na nakatira sa mismong pamamahay nilang mag-asawa, since na kasal naman sila. Sa paningin ni Samara ay wala siyang karapatan na magreklamo sa takbo ng kanilang mga buhay. Subalit ang ilang mga katulong ay hindi pabor sa mga nangyayari sa loob ng Villa. Lalo na ang hindi magandang pakikitungo ni Winter sa kanyang asawa. Isa si Tess na naging saksi ng lahat ng paghihirap ni Samara, kaya masasabi niya na sa magkakapatid na Hilton si Winter na yata ang naiiba sa lahat, dahil sa pagiging bato nito sa inosenteng si Samara. Sapagkat mas pinahahalagahan pa niya ang ibang tao kaysa sa kanyang mag-ina. “Hmp….” Halos mapatid na ang hininga
Tila slow motion ang pagpasok ko sa silid ng aking mag-ina. Kusang lumitaw ang ngiti sa mga labi ko ng makita ko ang aking mga anak. Walang ingay na lumapit ako sa kanila at matamang tinitigan ang mukha ng mga sanggol. Proud ako sa sarili ko bilang isang ama ng mga batang ito. Because finally may mga tagapagmana na ako. Maingat na kinuha ko mula sa higaan ang isa sa aking mga anak at medyo natakot pa ako na baka mapisa ito sa mga bisig ko. Bukod sa sobrang lambot ay napakaliit ng katawan nito kaya nakakatakot itong kargahin. Nakakatuwang pagmasdan ang malasutla nitong balat lalo na ang mala anghel nitong mukha. He’s so cute na kailanman ay hindi ka magsasawa na pagmasdan ito. Kamukha ko man ang anak ko ngunit ang ekspresyon ng mukha nito ay hindi nalalayo sa kanyang ina. Buong pagmamahal na hinagkan ko ang katawan nito, medyo nanggigigil pa nga ako dahil ang puso ko ay tila sasabog na sa matinding kasiyahan. Maingat ko itong ibinalik sa tabi ng kanyang ina, at ang sunod ko namang
Ako po ay labis na nagpapasalamat sa mga readers na siamahan ako hanggang sa huling yugto ng “The CEO’s Sudden Child” MARAMING 3x SALAMAT PO!!! Sana ay makasama ko kayong muli sa mga susunod ko pang kwento. Lubos akong humihingi ng paumanhin kung hindi ko man naabot ang mataas na expectation n’yo, dahil ito lang ang nakayanan ko. Nasa ibaba po ang susunod na kwento na aabangan ninyo araw-araw. Please follow my page para laging updated sa mga bagong kwento na maibabahagi ko sa inyong lahat. SALAMAT PO! TITLE: His Love from 15th Century BLURB: “You killed me!” - Morzana "I had to do that because I love you, and I can't bear to lose you." - Damian Isang buhay ng pananakop sa tunay na pag-ibig, Kailangang mamatay ng isa alang-alang sa kanilang pag-ibig. Libu-libong taon na ang lumipas, at dumating na ang panahon. Isang makapangyarihang espiritu ng diyosa ang nakulong sa sirkulasyon ng muling pagsilang. Hanggang sa magising siya sa marupok na katawan ng isang piping mor
“Mom, kailangan mong sumamâ sa akin, nakita ko si Daddy may kasamang ibang babae.” Napatayo ng wala sa oras si Lexie ng marinig ang sinabi ng kanyang anak na Xion. “Anong sabi mo!? Ang matandang ‘yun! Sinasabi ko na nga ba at may kinalolokohang babae ang ama mong ‘yan! Hindi na nahiya!” Nanggagalaiti na sabi ni Lexie, naninikip na ang kanyang dibdib. Parang gusto na niyang maglupasay sa sahig at humagulgol ng iyak. Lihim na napalunok ng sarili niyang laway si Xion ng makita ang reaksyon ng kanyang ina. Gumuhit ang matinding pagsisisǐ sa kanyang mukha na para bang gusto na niyang bawiin ang kanyang sinabi.Nagtakâ si Xion ng umalis sa kanyang harapan ang ina, hindi para sumamâ kundi para pumanhik sa hagdan at pumasok sa loob ng silid nilang mag-asawa. “Mom! We need to hurry!” Pigil niya sa kanyang ina pero hindi ito nakinig bagkus ay diretso ito ng pasok sa loob ng silid. Ilang segundo pa ang lumipas ay lumabas ang kanyang ina subalit may dala na itong shotgun.“Patay…” usal ni Xio
Halos hindi na maipinta ang mga mukha nila Aubrey, Vernice, Miles, Maurine, Alesha at Yashveer, Alesha at Samara habang nagpapaligsahan sa pagpapakawala ng marahas na buntong hininga.Sa kabilang bahagi namang ng mahabang lamesa ay maganda ang ngiti ni Misaki. Habang sa tabi niya ay si Song-I na seryosong nakatingin sa pawisang baso na may lamang malamig na pineapple juice. Nandito na naman sila para pag-usapan ang mga kaganapan tungkol sa kanilang mga plano, at iyon ay alamin kung ano ang pinagkakaabalahan ng kanilang mga asawa. “Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Lahat ginawa ko na, pero hindi ko pa rin magawang mapaamin ang asawa ko.” Problemadong saad ni Yashveer.Habang si Samara ay inaalala ang namagitan sa kanila ni Winter.NAKARAAN…“Mabigat ang mga hakbang ng mga paa ni Winter, habang nagpapakawala ng marahas na buntong hininga. Niluwagan niya ang kanyang kurbata upang makahinga ng maluwag. Pakiramdam kasi niya ay nasasakal na siya. Makikita din ang matinding pagod s
“Tsuk!” Mabilis na napaatras ng isang hakbang pabalik sa labas ng pintuan si Xaven. Napalunok pa siya ng wala sa oras ng makita ang isang patalim sa hamba ng pintuan. Sa bilis ng mga pangyayari ay tanging ang impak na lang ng hangin ang naramdaman ni Xaven. Napako ang mga mata niya sa kutsilyo na hinagis ng kanyang asawa. Halos gahibla na lang kasi ang layo nito sa kanyang mukha at medyo malalim din ang pagkakabaôn nito.“Sweetheart?” Kinakabahan na sambit ni Xaven, habang nakatitig sa mukha ni Song-I. Ang mga mata nito ay matalim na nakatitig sa kanya, para bang gusto na siyang balatan nito ng buhay. ““bam 12si 30bun, neoui haengdong-i uisimseuleobso. wonlaeneun ileoji anh-assneunde, beolsseo saheuljjae neujge deul-eoogo issso. naleul eotteohge saeng-gaghao? naega gamanhi anj-aseo gidaligil balao? dangsin hago sip-eun daelo hage dugil balao?”wae nalbogo i gyeolhonsaenghwal-e jichyeossdago malhaji anhso?dangsin-eun tteonado johso, animyeon naega dangsin salm-eseo nagagil balaneun
“Sweetie, bakit gising ka pa? 12:30 na ng madaling araw ah?” Kunot ang noo na tanong ni Storm habang hinuhubad ang kanyang black suit. Mabilis na umalis mula sa pagkakasandal sa headboard si Misaki. Ipinatong sa ibabaw ng side table ang hawak na cellphone at nakangiti na lumapit sa kanyang asawa. Tnulungan niya itong maghubad. “Hinihintay talaga kita, Sweetie, hindi kasi ako makatulog.” Naglalambing na sagot ni Misaki, sabay yakap sa baywang ng kanyang asawa. Naipikit pa nga niya ang mga mata ng maramdaman ang init na nagmumula sa katawan nito. Ngunit ang kanyang ilong ay abala sa simpleng pagsinghot sa bawat parte ng katawan ng kanyang asawa. “Una, ayon sa kaibigan ko, natuklasan niya na may babae ang kanyang asawa ng maamoy niya ang pabango ng ibang babae na dumikit sa damit ng kanyang asawa.” Naalala pa ni Misaki ang sinabi ni Maurine, kaya eto siya ngayon parang aso na walang tigil na inaamoy ang katawan ni Storm. Kapag alam niyang may nalampasan ang kanyang ilong ay talagang b
“Huh? Anong problema mo? Bakit nakasimangot ka?” Nagtataka na tanong ni Yashveer kay Alesha, kararating lang nito. Umupo siya sa kabilang panig ng lamesa ng hindi inaalis ang tingin sa mukha ni Alesha. Nanatiling tulala si Alesha mula sa salaming pader na kung saan ay makikita mo dito ang magandang tanawin mula sa labas ng hotel. Nasa huling palapag sila ng gusali na matatagpuan dito sa Makati. Isa ito sa pag-aari ng pamilyang Hilton. “I was confused, why did my husband suddenly change? After he proposed to me ay bigla na lang siyang naging malamig. So sad, pero pakiramdam ko ay parang may kulang sa akin.” Pagkatapos na magsalita ay nagpakawala pa siya ng isang problemado na buntong hininga. Sa itsura niyang ito ay parang pasân na niya ang mundo. Isang buwan na ang lumipas simula ng makabalik silang mag-asawa nang bansa. Itinalaga nilang presidente ng Draconis ang kaibigan niyang si Feliña, habang siya naman ang tumatayong CEO. Ipinagkatiwala niya sa kaibigan ang pamamalakad
Ako po ay labis na humihingi ng malawak na pang-unawa kung bakit paisa-isa na lang ang update ng “The CEO’s Sudden Childs” dahil pinaghahandaan ko ang susunod na story ko, since na ilang chapter na lang ang kailangan bago matapos ang TCSC. Nasa ibaba po ang susunod na kwento na aabangan ninyo araw-araw. Please follow my page para laging updated sa mga bagong kwento na maibabahagi ko sa inyong lahat. SALAMAT PO! TITLE: His Love from 15th Century BLURB: “You killed me!” - Morzana "I had to do that because I love you, and I can't bear to lose you." - Damian Isang buhay ng pananakop sa tunay na pag-ibig, Kailangang mamatay ng isa alang-alang sa kanilang pag-ibig. Libu-libong taon na ang lumipas, at dumating na ang panahon. Isang makapangyarihang espiritu ng diyosa ang nakulong sa sirkulasyon ng muling pagsilang. Hanggang sa magising siya sa marupok na katawan ng isang piping mortal na babae, walang kapangyarihan, ngunit hinihimok ng nagniningas na pagnanasang maghigant
““Si haces lo que quiero, te prometo un alto puesto. Ya me conoces, con la amplitud de mi influencia, todo lo que parece imposible se convierte en posible para mí.” (Kapag nagawa mo ang gusto ko ay pinapangako ko sayo ang mataas na posisyon. You know me, sa lawak ng impluwensya ko ang lahat ng hindi imposible ay nagiging posible sa akin.) Si Señôr Steiñar, sabay hithit sa kanyang matabang tobacco.“No te preocupes, yo me encargo. Tengo el control del ejército. Mientras esté en el cargo, todos tus negocios estarán a salvo.” (Huwag kang mag-alala ako ang bahala, nasa akin ang kontrol ng militar. Hangga’t nasa posisyon ako ay mananatiling ligtas ang lahat ng mga negosyo mo.) Kumpiyansa sa sarili na sagot naman ni Major. Kasalukuyang nag-iinuman pa ang mga ito habang nakapaskil ang ngiting tagumpay sa kanilang bibig. Ito ang isa sa mga video na nagleak mula sa mga ebidensya na gagamitin sa matanda. Walang ibang laman ang lahat ng tv network sa buong Espña kundi ang mga video tungkol sa
(Sagitsit ng sasakyan…) Mula sa harap ng kumpanya na pag-aari ni Señor Steiñar, ang lahat ng tao sa paligid ay nagambala, dahil sa biglaang pagdating ng limang sasakyan. Halos sabay sila na napalingon sa mga bagong dating na sasakyan. Napako ang tingin ng lahat sa isang mamahalin at itim na kotse na napapagitnaanan ng apat pang sasakyan. Isang malaking katanungan ang naglalaro sa kanilang isipan kung sino ang taong sakay nito. Bumaba ang may nasa labing anim na kalalakihan na pawang mga nakasuot ng black suit. Sa kanang tenga ng mga ito ay isang black earphone. Pawang mga seryoso ang ekspresyon ng kanilang mga mukha, na kung titingnan mo ay wari moy mga galit. Pinalibutan nila ang nasa gitnang sasakyan, kay higpit ng seguridad para sa taong lulan nito. Ilang sandali pa, bumukas ang pinto. Tumapak sa sementadong lapag ang isang makintab at itim na patilus na sapatos. Hanggang sa tuluyan ng bumaba ng sasakyan si Storm, madilim ang awra nito. Ang ekspresyon ng kanyang mukha a