“Tita, kumusta po si Nanay?” Nakangiti kong tanong habang ibinababa sa ibabaw ng aparador ang pagkain na niluto ko ngayong umaga. “Naku, anak, ang sabi ng doktor pwede na raw nating maiuwi ang nanay mo at sa bahay na lang magpagaling. Imbes na matuwa ay nakadama ako ng matinding lungkot. Iniisip ko kasi kung saan ko iuuwi ang aking ina. Hindi naman ito pwedeng ibyahe pauwi ng Cordillera dahil makakasama sa kalagayan nito ang mahabang biyahe. “Mabuti naman, hayaan n’yo po at aayusin ko ang lahat para kaagad na makalabas ng hospital si Nanay. Hindi ko na po aabalahin ang tulog ni Nanay, kailangan ko ng umalis dahil masyadong traffic ng ganitong oras.” Paalam ko sa aking tiyahin. “Sige, anak, mag-ingat ka.” Bilin pa nito, pagkatapos na humalik sa noo ng aking ina ay yumukod muna ako sa aking tiyahin bago tuluyang lumabas ng silid. Kailangan ko munang dumiretso sa kumpanya para magpasa ng resignation letter. Pagkatapos magresign ay plano ko na humanap ng bahay na aming malilipatan.
“Good girl.” Pagkatapos ng huling letra ng aking pirma ay ito ang narinig kong bulong ni Sir Winter sa tapat ng tenga ko. Nagulat ako ng walang hirap na pinihit nito ang katawan ko paharap sa kanya. Napasinghap ako ng sibasibin niya ng halik ang mga labi ko. Habang ako ay parang tuod na napaatras dahil naitu-tulak na ako ng kanyang katawan.Nagpanick ang buong sistema ko ng pumasok ang isang kamay niya sa loob ng naka tuck-in kong polo. Hinimas at pinisil-pisil pa nito ang katawan ko. Ramdam ko na pinanggigigilan niya ang aking pang-upo.“I love your natural scent, smells sweet…” paanas nito ng sandaling lubayan ng mga labi niya ang mga labi ko. Ngunit, bumaba naman ito sa leeg ko. Habang ang ibabang katawan niya ay mas lalo pang idinidiin sa aking katawan. Nasasaktan na ako mula sa pagkakaipit sa pagitan ng kanyang katawan at ng lamesa. Ramdam ko ang paninigas ng kanyang pagkalalaki dahil bahagya pa niya itong ikinikiskis sa aking katawan.“S-Sir, nasasaktan na ako.” Reklamo ko ng m
“Bukas paglabas ng nanay mo mula sa hospital ay dito na sila di-diretso sa condo. Ang mga tauhan ko na ang bahalang maghakôt ng mga gamit mo para dalhin dito sa condo. Nasa bank account mo na rin ang ipinangako ko na five million. Sundin mo lang ang lahat ng gusto kong mangyari para wala tayong maging problema.” Napatingin ako sa mukha ng aking asawa dahil sa mga sinabi nito. “P-Paano mo nalaman na nasa hospital ang nanay ko?” Nasusurpresa na tanong ko dito, pero ni hindi man lang ako nito sinagot kaya nanghahaba na lang ang nguso ko. Napaka suplado talaga ng lalaking ito. “Pwede ba muna akong umuwi sa bahay? may kailangan lang akong ayusin.” Malumanay kong tanong, ngunit nagulat ako ng bigla na lang siyang nagtaas ng boses. “Nakikinig ka ba sa sinasabi ko!?” Napaigtad ako sa aking kinatatayuan at halos mawindang ako sa lakas ng kabôg ng dibdib ko. Napalunok ako ng wala sa oras at bigla akong naduwag kaya mas pinili ko na lang na huwag na lang magsalita. Nandito kami ngayon s
“Hindi maintindihan ni Winter ang sarili kung bakit tila excited siya na umuwi ng bahay. Kulang na lang ay takbuhin nito ang hagdan para mabilis na makarating sa silid na kanyang pakay. Imbes na sa sariling silid ay sa guest room kaagad siya dumiretso. Pinihit niya ang seradura at tila nananabik na tinulak ang dahon ng pinto. Pigil ang hininga na pinagmasdan niya ang magandang mukha ni Samara na kasalukuyang mahimbing na natutulog sa ibabaw ng king size bed. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na nasa harap niya ang magandang babae na ‘to. At hindi lang ‘yun, pag-aari na rin niya ito. He think that he’s so lucky dahil tanging siya lang ang nakakakita ng lahat ng itinatago nito.Marahil kung hindi lang siya busy sa kumpanya buong maghapon, baka mas pinili niya na manatili sa loob ng silid na ‘to kasama ni Samara.Isa-isang hinubad ang lahat ng saplot sa kanyang katawan at hubo’t-hubad na pumasok sa loob ng banyo. Natapos na siya’t lahat sa paliligo ay mahimbing pa rin
“Nay, kumusta na po kayo dito?” Nakangiti kong tanong habang ibinababa ang mga pinamili kong groceries para sa aking ina. Napangiti ako ng tumayo ang aking ina at mabagal na humakbang palapit sa akin. Sobrang hina ng bawat kilos nito pero halatang magaling na sya.“Bakit ngayon ka lang umuwi? Ikaw bata ka marami ka ng inililihim sa akin, ni hindi mo pa naipapaliwanag sa kung paano mo nakuha ang bahay na ‘to?” Seryoso nitong tanong saka ako pinukol ng isang nagdududang tingin.“Nay, w-wala po akong ginagawang masama. Ang totoo nga po niyan ay hindi pa bayad ang bahay na ‘to. Masyadong malaki ang buwanang hulog nito kaya naisip ko na mag-abroad na lang.” Malumanay kong paliwanag. Napansin ko na natigilan ang aking ina at malungkot na tumingin ito sa mukha ko. Parang gusto ko siyang yakapin at umiyak sa dibdib nito habang humihingi ng tawad. Nakokonsensya kasi ako sa pagsisinungaling ko, hindi ko naman kasi ugali na magsinungaling dito ngunit kailangan kong gawin ito.“N-Nay, pasensya
“Excited na pumasok ako sa loob ng silid, nadatnan ko si Samara na inaayos ang higaan. Kusang lumitaw ang ngiti sa mga labi ko ng lumingon siya sa akin. “I’m home.” Malambing kong saad bago lumapit sa aking asawa. Nang makalapit ay kaagad kong hinalikan ang mala rosas niyang mga labi. Sa gigil ko ay bahagya ko pa itong nakagat, pero sinigurado ko na hindi siya masasaktan. Pagkatapos ng isang mapusok na halik ay masuyo kong hinaplos ang impis nitong tiyan. Parang sasabog sa matinding kasiyahan ang puso ko because finally ay natupad na rin ang pagnanais ko na maging-isang ama. Napangiti ako ng mamula ng husto ang mukha ni Samara, she’s so cute. And I love the way kung paano siyang mahiya sa akin. “K-kumain ka na ba?” Nahihiya pa nitong tanong dahil na late ako ng uwi. Isa ito sa ikinaiinis ko sa kanya ang madalas na pagsasalita nito ng pautal-utal sa tuwing nakikipag-usap sa akin. Pakiramdam ko tuloy ay hindi siya masaya na makasama ako. Imbes na sumagot ay walang imik na iniwan ko
W-Winter…” Napako siya kinatatayuan ng tawagin ng isang pamilyar na tinig ang kanyang pangalan. Dahil sa matinding kasiyahan na kanyang nararamdaman ay hindi na niya napansin ang paglitaw ng isang babae mula sa bungad ng pintuan. Ilang segundo na naghinang ang kanilang mga mata. At matinding katahimikan nangibabaw sa buong paligid habang nanatiling nakatitig ang dalawa sa mukha ng isa’t-isa.. Nagsimulang lumuha ang mga mata ni Sophia, at masasalamin mula dito ang labis na pagsisisǐ. Marahil, nang dahil sa ginawa niyang pang-iiwan sa kanyang nobyo. Tulad ng kanyang inaasahan ang gulat sa mukha ni Winter ay naging seryoso, na kalaunan ay dumilim ang ekspresyon ng mukha nito. Halatang hindi nito gusto na makita ang kanyang pagmumukha. “What are you doing here!?” Matigas nitong tanong sa kanya bago malaki ang mga hakbang na tinawid ang kanilang pagitan. Nang makalapit, marahas na hinaklit nito ang kanyang braso saka kinaladkad siya palabas ng Villa. “Bakit bumalik ka pa? Umalis ka n
“Pabalik-balik ako ng lakad sa loob ng silid, hindi ako mapakali. Gustuhin ko man na lumabas para puntahan ang aking asawa ay hindi ko magawa.Nag-aalala kasi ako na baka magalit siya sa akin at tuluyan na ako nitong hindi puntahan dito sa silid na kinaroroonan ko. Ilang sandali pa ay bumukas ang pinto, mabilis ang ginawa kong pagharap dito. Ngunit nadismaya lang ako ng si ate Tess ang pumasok mula sa pintuan. May pag-aatubili na lumapit ako kay ate Tess at humawak sa isang braso nito. Inayos ang salamin ko sa mata bago magtanong. “A-Ate, si Winter, dumating na ba?” Nakangiti kong tanong, naron sa tinig ko ang matinding pananabik na masilayan muli ang mukha ng aking asawa. Dalawang araw ko na kasing hindi ito nakikita, kaya ganun na lang ang pagnanais ko na makita ito. Simula kasi ng dumating si Ma’am Sophia ay kailanman hindi na nagawi dito ang aking asawa. Hindi nakaligtas na aki ang lungkot mula sa mga ni ate Tess, bumadha rin sa mukha nito ang matinding awa para sa akin.“H-hi