“Masyadong masalimuot ang buhay ng isang tao, minsan madadapa ka, babangon, at susubukan na huwag na muling madapâ pa. Ngunit may mga pagkakataon na susubukan ka ng panahon. Magugulat ka na lang at itatanong mo sa sarili mo, paano ako napunta sa ganitong sitwasyon? Ang hirap, masakit, na para bang gusto ko ng sumuko. Minsan iisipin ko na baka hindi ako mahal ng Diyos? Kasi naman, sa dami ng problemang dumarating sa akin at halos wala na itong katapusan. Kung minsan, idinadaan ko na lang sa pagtangis, kasi mabigat, eh. Kasing bigat ng limang hollow blocks na tila nakadagan sa dibdib ko. Ika nga pagkatapos ng bagyo ay magiging payapa ang panahon, mag-iiwan ito ng kalat at isa-isa mong pupulutin at aayusin. Sadyang ang lahat ng bagay dito sa mundo ay paikot-ikot lang kaya kahit kailan at hindi matatapos ang mga problemang dumarating sa buhay ko. Ngunit isa lang ang napagtanto ko, umiikot man ang buhay ng tao subalit may hangganan ito. Kaya hindi mo ito maihahalintulad sa mga bagay na
Huling Na-update : 2024-09-11 Magbasa pa