“Bakit? May problema ba?” Nag-aalala na tanong ni Andrade habang palipat-lipat ang tingin niya sa mukha ng kanyang mga kapatid at mga magulang. Makikita sa gwapo niyang mukha na labis siyang nalilito sa mga nangyayari. Suot pa niya ang black three piece suit na halatang kagagaling lang nito sa trabaho. Huli na kasi bago pa niya natanggap ang balita na manganganak na si Maurine dahil ng mga sandaling iyon ay nasa kalagitnaan siya ng meeting. Unang tumingin ang mga mata ni Andrade sa mukha ng kanyang Ama, seryoso ang ekspresyon ng mukha nito. Habang ang kanyang Ina na si Mrs. Lexie Hilton ay masama ang tingin na ipinupukol sa kanya. Sumunod ay Si Timothy na tila hindi makapaniwala sa isang bagay habang namamangha na nakatingin sa mukha ni Andrade.At ang sumunod ay si Summer na ang paraan ng tingin niya sa kanyang kapatid ay parang gusto na nitong manakal. Si Xavien na ang ekspresyon ng mukha nito ay kakikitaan ng pinaghalong galit at pangamba habang matiim na nakatitig sa mukha ng
“And I pronounce you Husband and Wife, you may kiss the bride.” Ito ang mga salita na gumising sa aking kamalayan. Nanatiling nakapikit ang aking mga mata ng maramdaman ko ang pagdampi ng mga labi sa aking bibig.Akala ko panaginip lang ang mga narinig ko pero ang halik na ‘yun ang tuluyang gumising na inaantok kong diwa. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata, ngunit hindi ko inaasahan ang mga taong nakatayo sa bandang paanan ng kinahihigaan kong kama. Tuluyan ng nawala ang antok ko at nag palipat-lipat ang tingin sa mukha nilang lahat maging sa seryosong mukha ng aking kapatid. Hanggang sa napako ang tingin ko sa mukha ng lalaking nakatayo sa tabi ko, si Quiller. Sa harap nito ay nakatayo ang isang matandang lalaki. Panot na ang ulo nito habang may suot itong reading glass sa mata. Hawak naman ng kanyang mga kamay ang isang makapal na libro, sa tingin ko ay isa itong bible.“T-Teka? Anong meron?” Naguguluhan kong tanong sa kanilang lahat, subalit nagulantang ako sa kanilang
WINTER HILTON (Book 7)“Kailangang mahalin kita gamit ang utak ko para protektahan ang puso ko, upang hindi ito mawasak. Dahil kung mamahalin kita gamit ang puso ko, baka hindi lang ang puso ko ang mawasak kundi pati ang utak ko.” -SAMARA“Where are you? Bakit ang tagal mo!?” Hindi pa man ako nakakasagot sa tawag ay ito na kaagad ang bungad sa akin ng kapatid kong si Andrade. Simula kahapon ay wala na siyang ginawa kundi ang tawagan ako para lang iremind ang tungkol sa kanyang kasal. Ilang kasal na kasi ng mga kapatid ko ang hindi ko napuntahan dahil sa matagal na pananatili ko sa ibang bansa kasama ang girlfriend kong si Sophia.Hindi kasi biro ang lawak ng mga negosyo ko sa labas ng bansa, dahilan kung bakit madalang akong umuwi ng Pilipinas.Napilitan lang akong bumalik ng bansa dahil ayokong magalit sa akin ang kapatid kong ito. Sa aming magkakapatid ay kami ni Quiller ang malapit sa isa’t-isa. Kaya hindi ako makatanggi dito. But I’m happy for him, dahil natagpuan na niya ang ba
“Hindi magkandamayaw ang pagtanaw ko sa mga nagtataasang gusali na nakapalibot mula sa isang mamahaling hotel na aming kinaroroonan. Masyadong masakit sa mata ang mga nakikita ko, dahil ang lahat ng bagay sa hotel na ito mula sa kisame, salaming pader at sa kahanga-hangang estilo nito, ang lahat ay naghuhumiyaw sa karangyaan. Pagkababâ ko pa nga lang ng kotse ni Sir. Hilton ay parang gusto ko ng umurong at magpaiwan na lang sa loob ng kotse nito. Pero hindi maaari, dahil bukod sa pagiging sekretarya ng aking boss ay naging P.A na rin ako nito (personal assistant). Tama kayo ng narinig, si Ma. Lourdes Faith Samara Hamza ay napromote sa unang araw pa lang ng kanyang trabaho!Sa tuwing naaalala ko ‘yun ay kinikilig pa rin ako. Hindi ko lang pinapahalata dahil masyado akong mahiyain. Sanay kasi ako na nasa isang sulok lang at tahimik na nagtatrabaho, in short, may sarili akong mundo. Biglang namilog ang mga mata ko ng makita ko ang isang sikat na hollywood star na si Mr. Hanz Zimmer. “O
“Parang gusto ng lumubog ni Samara sa kanyang kinatatayuan ng mga oras na ito dahil sa matinding kahihiyan. Kulang na lang ay tawagin na niya ang lahat ng santo sa langit. Napalunok siya ng makita niya ang magkakapatid na Hilton na halos walang tulak kabigin. Pawang mga nakatitig ang asul nilang mga mata sa mukha ng dalaga. Kaya naman pasimpleng hinawi ni Samara ang kulot niyang buhok upang matakpan ang kanyang mukha. “S**t! Na nanaginip ba ako?” Anya isang tinig mula sa kanyang isipan habang palihim na sinisipat ng tingin ang mukha ng mga lalaki sa kanyang harapan. Ngunit ng mapadako ang tingin niya sa mukha ng kanyang boss ay biglang bumalik ang kanyang katinuan. “S-Sorry! Sorry! Hindi ko po sinasadya.” Hinging paumanhin ni Samara habang panay ang yuko ng ulo nito ng hindi binibitawan ang bitbit na malaking kaldero. Mabilis na lumapit si Winter sa kanyang sekretarya, nakatiǐm bagang ito habang ang tingin nito sa dalaga ay wari moy nanggigigil. “What are you doing!? Pwede ba
Napakatahimik ng buong paligid, at ang tanging maririnig mo lang ay ang makabagbagdamdaming musika na siyang humahaplos sa puso ng bawat tao. Mula sa loob ng marangyang bulwagan ng isang mamahaling hotel na pag-aari ng pamilyang Hilton, kasalukuyang ginaganap ang kasal ng ika limang anak ni Mr. Cedric Hilton. Kumalat ang matinding emosyon sa buong paligid, at tanging paghanga at matinding kasiyahan ang makikita sa mukha ng lahat ng mga dumalo sa pinakamahalagang araw na magaganap sa buhay ni Andrade Quiller Hilton at Maurine Kai Ramirez. Halatang ginastusan at pinaghandaang mabuti ang kasal ng dalawa. Dahil ang buong venue ay mala fairytail ang dating. Halos mapuno ng mga sariwang bulaklak ang buong paligid. At mula sa kisame ay nakalutang ang napakaraming silag na lobo, ngunit may ilaw sa loob. Habang nakalawit ang pinaghalong mga kulot na mahabang kulay itim, gold at kremang satin na laso. “Hey, what are you doing there? Para lang sa mga sponsored ang pwesto na ‘yan. Doon k
“Honey!” Halos mapunit ang mga labi ko sa laki ng ngiti ko nang makita ko ang maamong mukha ni Sophia. Kumakaway pa ito sa akin at marahil ay hindi na makapag hintay na makalapit sa akin kaya iniwan na niya ang kanyang maleta at sinugod ako ng yakap. Mahigpit ko siyang ikinulong sa aking mga bisig, binuhat at saka mariin na hinalikan sa kanyang mga labi. “I miss you, Honey…” malambing niyang bulong na kaagad ko namang tinugon ng isang mabining halik. “One week not with you ay para na akong mababaliw. And I miss you more, Honey.” Nakangiti kong sagot. Siya si Sophia Lee isang half Pilipina at half Taiwanese. Siya ang dahilan ng madalas na pag-alis ko ng bansa. Tatlong taon na kaming magkasintahan at ngayong taon ay ikakasal na sana kami. Nagkataon lang na nagkaroon ng isang malaking problema sa side ni Sophia, dahilan kung bakit hindi ito natuloy. “Are you okay?” Nag-aalala kong tanong ng napansin ko ang pagsama ng kanyang mukha. “Y-Yeah! Napagod lang ako sa haba ng biyahe.” Na
“Halos maluha-luha na ako dahil masakit na ang mga paa ko. Ilang oras na akong nakatayo sa lobby ng hotel kung saan ako iniwan ni sir Winter. Natapos na’t lahat ang kasal ay hindi na muling nagpakita sa akin ang boss ko kaya naisipan ko na itong tawagan.Inalok ako ng kapatid nito na si Mr. Zaci Hilton, na sumama sa kanila sa reception pero tumanggi ako. Natatakot kasi ako na mawalan ng trabaho sa oras na suwayin ko ang bilin sa akin ni sir Winter na huwag a-alis sa kung saan niya ako iniwan. Isa pa, natatakot ako na baka doon pa ako magkalat ng mga kapalpakan ko, pag nagkataon ay sobra na talagang nakakahiya. “Thank you! Salamat po!” Paulit-ulit akong nagpasalamat sa tauhan ni Mr. Hilton na siyang naghatid sa akin. Nakangiti lang ito na kumaway sa akin bago tuluyang umandar palayo ang sasakyan nito. “Huh!” Isang mabigat na buntong hininga ang aking pinakawalan. Hinubad ko ang suot kong sapatos at binitbit ito. May tatlong dipâ lang naman ang lalakarin ko mula dito papunta sa apart