“Honey, hindi kasi pwede ngayon.” Nang marinig ko ito mula kay Sophia ay huminto ang mga labi ko sa gitna ng kanyang leeg. Sinundan iyo ng isang marahas na buntong hininga at pabagsak na nahiga sa tabi nito. Napapansin ko na lagi na lang siyang walang gana pagdating sa s*x. Ilang segundo akong nanahimik habang nakatitig sa kisame. “I’m sorry, m-meron kasi ako ngayon.” Nakangiwi niyang sabi, huh? eto na naman kami. Ilang beses na niyang ginagamit sa akin bilang dahilan ang kanyang period. Pero muli, wala na naman akong magawa. Because I love her, kaya uunawain ko pa rin siya kahit na nahihirapan na ako. I’m trying my best para manatiling loyal kay Sophia kahit na may pangangailangan din ako bilang isang lalaki na hindi na niya naibibigay sa akin. “It’s okay, I understand.” Yes, nauunawaan ko siya pero hindi maiwasan na maging malungkot ang tinig ko. Hinarap ko sya at saka dinampian ng masuyong halik ang kanyang mga labi bago tuluyang bumangon. Tanging brief lang ang suot ko na p
“Hi, anong pangalan mo?” Mabilis ang ginawa kong pagsulyap sa babaeng nagtanong sa akin. Very friendly ang ngiti nito maging ang pagkakabati niya sa akin. Ni hindi ko man lang namalayan ang paglapit nito, kaya nagulat ako ng nakatayo siya sa gilid ng office table ko. Natigil sa pagtipâ ang mga daliri ko mula sa keyboard ng computer at mabilis na tumayo. “Hi, Ma’am, good afternoon, I’m Maria. Lourdes Faith Samara Hamsa, but you can call me Samara.” May pag-aatubili kong sagot sabay ngiti. Napansin ko na ang magandang ngiti nito ay naging ngiwi, marahil dahil sa haba ng pangalan ko. Ayon sa isang empleyado na nakausap ko kanina, ang babaeng ito ay fiancee ni Mr. Hilton. At labis ko talagang ikinagulat ang paglapit nito sa akin, hindi ko talaga ito inaasahan. “Hi, Samara, I’m Sophia, can we be friends?” Nakangiti nitong tanong, kaya naman lumapad ang ngiti ko. Natuwa ako sa sinabi nito, hindi naman kasi ako palakaibigang tao dahil gusto ko na tahimik lang ang buhay ko. And besides wa
“Uy, Sam! Naka ilang balik na dito ang dalawang bumbay sa tindahan ko, pasensya na pero hindi ko na kayang tapalan ang mga hulog mo.” Ito kaagad ang bungad sa akin ni Ate Perla, nang makita niya akong paparating galing trabaho. Halatang kanina pa ako nito hinihintay. “Ate Perla, pasensya na po, pati kayo ay nalagay sa alanganin.” Ani ko habang naglalakad kami papasok sa loob ng bahay nito. “Naku wala iyon, Iha, kumusta na ang nanay mo?” Malumanay nitong tanong. Isang malungkot na ngiti ang lumitaw sa mga labi ko at parang maiiyak na naman ako ng maalala ko ang itsura ni nanay habang umiiyak ito dahil sa matinding sakit. “Mag-isang buwan na po si Nanay sa hospital pero hanggang ngayon ay wala pa ring progress sa kondisyon nya.” Naluluha kong sagot sabay punas ng luha ko mula sa ilalim ng makapal kong salamin. “Huwag kang mag-alala, pasasaan ba’t magiging maayos din ang lahat basta magdasal lang tayo.” Malungkot niyang payo sa akin habang hinahagod nito ang likod ko. “Sala
“Ayusin mo naman ang trabaho mo! Hindi mo ba nakikita ‘to? Ilang beses ko bang sasabihin sayo na alisin mo sa schedule ko si Mr. Dominguez. Ilang beses ko bang kailangan na ulit-ulitin sa iyo ‘yan!?” Halos mayanig ang buong pagkatao ko ng sumigaw si sir Hilton, sabay pabagsak na ibinaba sa ibabaw ng lamesa nito ang folder na ipinasa ko kaninang umaga. Makailang ulit akong lumunok bago ko pinuno ng hangin ang dibdib ko, saka ko ito dahan-dahan na pinakawalan. Pilit kong nilalakasan ang aking loob upang masabi ko ang nais kong sabihin. “B-But, S-Sir, you told me yesterday, na i-rescheduled ang meeting kay Mr. Dominguez.” Pautal-utal kong sagot ngunit isang matalim na tingin ang naging tugon nito sa akin. “Y-Yes, Sir , iakakansela ko po kaagad.” May pag-aatubili na sagot ko ngunit ang aking mga mata ay nagsisimula ng lumuha. Parang bata na mabilis kong pinahid ang aking mga luha gamit ang likod ng palad ko. Lumapit ako sa kanyang table upang kunin ang folder sa ibabaw ng lamesa nito.
“Sophia!” Ilang beses kong tinawag ang pangalan ng nobya ko ngunit wala akong narinig na sagot mula sa loob ng silid. Nagtataka ako kung bakit maghapon siyang hindi nagparamdam sa akin. Ang paalam lang nito ay dadalaw sa bahay ng kanyang mga magulang. Pero ayon kina tita, hindi daw masyadong nagtagal si Sophia sa kanila at kaagad din itong umalis. Lumalim ang gatla sa noo ko ng sumalubong sa akin ang tahimik na kwarto at bakanteng kama. Iba na ang nararamdaman ko ng mga oras na ‘to dahil ibayong kabâ ang nangingibabaw sa dibdib ko. Dinukot ko ang cellphone mula sa bulsa ng aking pantalon at makailang ulit na tinawagan ang numero ni Sophia., subalit out of coverage na ito. Humakbang ako palapit sa closet at kinakabahan na binuksan ito. Tama nga ang tumatakbo sa utak ko, wala na si Sophia, iniwan na ako nito, dahil kahit isang damit ay walang naiwan sa kabinet na ginagamit nito. Nanlulumo na lumapit ako sa kama at naupo sa gilid nito. “ Sa pagkakatanda ko ay wala naman akong
“Maingat na inihiga ko si Samara sa ibabaw ng aking kama habang nakatitig sa mukha nito. Ngayon, malaya ko ng nakikita ang kanyang mukha. Labis akong nabighani sa maputi at balbon niyang noo. Maging ang natural niyang mga kilay na di tulad ng ibang babae na gumaganda lang dahil sa guhit ng lapis. Iisipin ko na parang sa manika ang makapal, mahaba at namimilantik nitong mga pilik-mata na madalang kong makita sa mga babae. Pati ang tulay ng gitnang ilong nito ay hindi pinalampas ng aking mga mata, hanggang sa tumigil ang tingin ko sa matangos nitong ilong.Hindi ko na napigilan ang aking sarili at dahan-dahang bumaba ang mukha ko at isa-isa kong hinagkan ang lahat ng mga nabanggit ko. Pagkatapos halikan ang dulo ng kanyang ilong ay sunod kong hinagkan ang kanyang mga labi. Pakiramdam ko ay nanggaling ako sa mahabang pagtakbo at uhaw na uhaw sa mga labi nito. Mapusok at puno ng pagsuyo ang paraan ng halik na iginagawad ko sa kanya.“Hmmmm….” Narinig ko na umungol ito, umangat ang kan
“Nagising ako na masakit ang aking katawan. Pakiramdam ko ay para akong tinapakan ng sampung kabayo na halos dumurog sa mga buto ko.A-Ano bang nangyari? Bakit hindi ko na maigalaw ang aking katawan? Sinubukan kong kumilos, subalit natigil ako ng maramdaman ko ang isang mabigat, malaki at mabalahibong hita na kumiskis sa aking mga hita at sa puson ko. Nahigit ko ang aking hininga, nilamon ng matinding pangamba ang puso ko. Sandali akong na tahimik, nakikiramdam habang pigil ang aking hininga. Para akong tinakasan ng kaluluwa ng napagtanto ko ang lahat. Nakahubad ako habang nakayakap sa akin ang isang malaking lalaki na hubo’t-hubad din na tulad ko. Nanghilakbot ako, dala ng matinding takot ay napasigaw ako, sabay mabilis na bumangon. Hindi na alintana ang nananakit na katawan. Pagmulat ng aking mga mata ay tanging malabong imahe lang ang nakita ko. Nagsimulang mangapa ang aking mga kamay at pilit na hinahanap ang salamin ko sa mata. Mula sa malabong paningin ay nakita kong inabot
“Walang tigil ang pagpatak ng luha ko habang nakadapa sa aking kama, simula ng dumating ako sa bahay ay wala na akong ginawa kundi ang umiyak. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari sa akin. Hindi ko rin alam kung paano ko sasabihin sa aking ina na nakuha ng ibang lalaki ang kainosentihan ko. Siguradong magagalit sa akin ang aming tribo dahil nakipagkasundo na ang aking ina sa aming pinuno. Tuliro ang utak ko ngayon at hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin ng mga oras na ito. Makalipas ang ilang minuto, bumangon ako at pumasok sa loob ng banyo. Mas lalo akong nakadama ng lungkot nang makita ko ang maraming pasâ sa aking katawan na nilikha ni Mr. Winter. Wala itong patawad, dahil kahit ang singit ko ay nilagyan nito ng marka. Ang pinakamalalâ, ang aking dibdib na mukhang pinanggigilan talaga nito. Naluluha na pinagmasdan ko ang pribadong bahagi ng aking katawan dahil mukha itong namamaga. Halatang nagpakasasa ito buong magdamag sa aking katawan