“Parang gusto ng lumubog ni Samara sa kanyang kinatatayuan ng mga oras na ito dahil sa matinding kahihiyan. Kulang na lang ay tawagin na niya ang lahat ng santo sa langit. Napalunok siya ng makita niya ang magkakapatid na Hilton na halos walang tulak kabigin. Pawang mga nakatitig ang asul nilang mga mata sa mukha ng dalaga. Kaya naman pasimpleng hinawi ni Samara ang kulot niyang buhok upang matakpan ang kanyang mukha. “S**t! Na nanaginip ba ako?” Anya isang tinig mula sa kanyang isipan habang palihim na sinisipat ng tingin ang mukha ng mga lalaki sa kanyang harapan. Ngunit ng mapadako ang tingin niya sa mukha ng kanyang boss ay biglang bumalik ang kanyang katinuan. “S-Sorry! Sorry! Hindi ko po sinasadya.” Hinging paumanhin ni Samara habang panay ang yuko ng ulo nito ng hindi binibitawan ang bitbit na malaking kaldero. Mabilis na lumapit si Winter sa kanyang sekretarya, nakatiǐm bagang ito habang ang tingin nito sa dalaga ay wari moy nanggigigil. “What are you doing!? Pwede ba
Napakatahimik ng buong paligid, at ang tanging maririnig mo lang ay ang makabagbagdamdaming musika na siyang humahaplos sa puso ng bawat tao. Mula sa loob ng marangyang bulwagan ng isang mamahaling hotel na pag-aari ng pamilyang Hilton, kasalukuyang ginaganap ang kasal ng ika limang anak ni Mr. Cedric Hilton. Kumalat ang matinding emosyon sa buong paligid, at tanging paghanga at matinding kasiyahan ang makikita sa mukha ng lahat ng mga dumalo sa pinakamahalagang araw na magaganap sa buhay ni Andrade Quiller Hilton at Maurine Kai Ramirez. Halatang ginastusan at pinaghandaang mabuti ang kasal ng dalawa. Dahil ang buong venue ay mala fairytail ang dating. Halos mapuno ng mga sariwang bulaklak ang buong paligid. At mula sa kisame ay nakalutang ang napakaraming silag na lobo, ngunit may ilaw sa loob. Habang nakalawit ang pinaghalong mga kulot na mahabang kulay itim, gold at kremang satin na laso. “Hey, what are you doing there? Para lang sa mga sponsored ang pwesto na ‘yan. Doon k
“Honey!” Halos mapunit ang mga labi ko sa laki ng ngiti ko nang makita ko ang maamong mukha ni Sophia. Kumakaway pa ito sa akin at marahil ay hindi na makapag hintay na makalapit sa akin kaya iniwan na niya ang kanyang maleta at sinugod ako ng yakap. Mahigpit ko siyang ikinulong sa aking mga bisig, binuhat at saka mariin na hinalikan sa kanyang mga labi. “I miss you, Honey…” malambing niyang bulong na kaagad ko namang tinugon ng isang mabining halik. “One week not with you ay para na akong mababaliw. And I miss you more, Honey.” Nakangiti kong sagot. Siya si Sophia Lee isang half Pilipina at half Taiwanese. Siya ang dahilan ng madalas na pag-alis ko ng bansa. Tatlong taon na kaming magkasintahan at ngayong taon ay ikakasal na sana kami. Nagkataon lang na nagkaroon ng isang malaking problema sa side ni Sophia, dahilan kung bakit hindi ito natuloy. “Are you okay?” Nag-aalala kong tanong ng napansin ko ang pagsama ng kanyang mukha. “Y-Yeah! Napagod lang ako sa haba ng biyahe.” Na
“Halos maluha-luha na ako dahil masakit na ang mga paa ko. Ilang oras na akong nakatayo sa lobby ng hotel kung saan ako iniwan ni sir Winter. Natapos na’t lahat ang kasal ay hindi na muling nagpakita sa akin ang boss ko kaya naisipan ko na itong tawagan.Inalok ako ng kapatid nito na si Mr. Zaci Hilton, na sumama sa kanila sa reception pero tumanggi ako. Natatakot kasi ako na mawalan ng trabaho sa oras na suwayin ko ang bilin sa akin ni sir Winter na huwag a-alis sa kung saan niya ako iniwan. Isa pa, natatakot ako na baka doon pa ako magkalat ng mga kapalpakan ko, pag nagkataon ay sobra na talagang nakakahiya. “Thank you! Salamat po!” Paulit-ulit akong nagpasalamat sa tauhan ni Mr. Hilton na siyang naghatid sa akin. Nakangiti lang ito na kumaway sa akin bago tuluyang umandar palayo ang sasakyan nito. “Huh!” Isang mabigat na buntong hininga ang aking pinakawalan. Hinubad ko ang suot kong sapatos at binitbit ito. May tatlong dipâ lang naman ang lalakarin ko mula dito papunta sa apart
“Honey, hindi kasi pwede ngayon.” Nang marinig ko ito mula kay Sophia ay huminto ang mga labi ko sa gitna ng kanyang leeg. Sinundan iyo ng isang marahas na buntong hininga at pabagsak na nahiga sa tabi nito. Napapansin ko na lagi na lang siyang walang gana pagdating sa s*x. Ilang segundo akong nanahimik habang nakatitig sa kisame. “I’m sorry, m-meron kasi ako ngayon.” Nakangiwi niyang sabi, huh? eto na naman kami. Ilang beses na niyang ginagamit sa akin bilang dahilan ang kanyang period. Pero muli, wala na naman akong magawa. Because I love her, kaya uunawain ko pa rin siya kahit na nahihirapan na ako. I’m trying my best para manatiling loyal kay Sophia kahit na may pangangailangan din ako bilang isang lalaki na hindi na niya naibibigay sa akin. “It’s okay, I understand.” Yes, nauunawaan ko siya pero hindi maiwasan na maging malungkot ang tinig ko. Hinarap ko sya at saka dinampian ng masuyong halik ang kanyang mga labi bago tuluyang bumangon. Tanging brief lang ang suot ko na p
Prologue Halos maligo na ako sa pawis at kulang na lang lumawit ang dila ko dahil sa matinding pagod. Patuloy lang akong naglalakad dito sa kahabaan ng highway kahit hingal kabayo na ako. Ngayong araw ay mukhang sinalo ko na yata ang lahat ng kamalasan. Katatapos lang kasi ng night ship ko sa trabaho, subalit pagdating sa kalagitnaan ng highway ay tumirik ang scooter ko. Pumutok kasi ang mga gulong nito. Kaya heto ako ngayon, ilang metro ang nilalakad habang tulak-tulak ang kulay pink kong scooter. Second hand lang kasi ito nung nabili ko, kaya mababa ang kalidad nito at talagang hindi pangmatagalan. Parang pag-ibig lang ‘yan, eh, walang forever. Sa edad na kinse ay marunong na akong dumiskarte sa buhay. Marami akong alam na raket dahil isa akong working student, kailangan kong magsikap, ikanga para sa ekonomiya. Siguro kung nabubuhay lang ang aking ina ay hindi ko mararanasan ang ganitong klase ng buhay. Baka hanggang ngayon ay buhay prinsesa pa rin ako tulad ng dati.
“Ate, ano ba! For god sake! Pagod na akong maging NPA! Nakakasawa na ang maging alien! My god bitawan niyo ako!” Walang humpay ang kadadakdak ko habang parang tuko na nakayakap sa matabang haligi ng aming bahay, I mean ng inuupahan naming bahay. Ang nakakatawa pa ay suot ko pa ang hello kitty kong pantulog. Ngayong araw ay hindi ko alam na ito na pala ang huling araw na aapak ang mga paa ko sa bahay na ‘to. Paggising ko kasi ngayong umaga ay nagulat na lang ako na wala na ang aming mga gamit. Akala ko ay nilimas na ito ng mga magnanakaw, ‘yun pala ay madaling araw ng magsimulang ipahakot ni ate Miles ang aming mga gamit. Hindi ko na namalayan dahil two thirty na ng madaling araw ako nakauwi. Sa sobrang puyat at pagod ay masyadong napasarap ang tulog ko kaya hindi ko na alam ang mga nangyayari sa paligid ko. At ngayon, tanging ako na lang at ang mga damit ko ang naiwan sa loob ng bahay. Tapos na silang maghakot kaya ako naman ang sunod nilang i-evacuate sa bago naming tirahan.
After three years… “I’m sorry, Roldan, but I think this is not the right time for us.” Very dramatic ang pagkakabigkas ko ng mga salitang ito na siguradong tagos hanggang balunbalunan. With matching luha pa, para maging memorable ang araw na ito. Kahit papaano, this guy will be so lucky dahil nag-effort naman ako. Nandito kami ngayon sa parking lot ng Guardian Angel University of Pasig. Wala ng masyadong estudyante sa paligid dahil nakauwi na ang lahat at tanging kami na lang ni Roldan ang natira dito sa campus. "Actually, this kind of scene is not new to me because I can't count on my fingers how many times I've had a boyfriend. Pero laging nauuwi sa break-up. “Hindi na ba talaga magbabago ang isip mo, Maurine? Kaya kong gawin ang lahat para sayo, I-a-alay ko sayo ang lahat ng meron ako, ibibigay ko ang lahat ng gusto mo. Pakiusap, huwag ka lang makipaghiwalay sa akin.” Pagsusumamo niya, imbes na matuwa ay mas lalo lang akong nabagot sa mga pinagsasabi nito. Kulang na lang ay