“Blag! Crash!” Pagkatapos ibalibag ang bangko ay sunod namang hinagis ni Miles ang isang babasaging flower base. Nagsabog ang bubog nito sa kung saan kaya binalot ng takot ang dibdib ni Xavien dahil nababahala siya na baka masaktan ang kanyang asawa.Hindi pa ito nakuntento at sinubukan pa niyang buhatin ang center table. “Sweetheart, tama na, ano ba! Baka mamaya ay bigla kang duguin, mag-isang buwan ka palang simula ng manganak.” Matigas na saway ni Xavien sa kanyang asawa habang nakikipag agawan dito sa hawak nitong lamesa.“Titigil lang ako sa oras na mapatay ko ang magaling mong kapatid!” Nanggagalaiti na singhal ni Miles sa kanyang asawa.“Ano daw? Hooker ang kapatid ko!? Mga hayop sila! Sa oras na matunton ko ang nagsabi nun, pakakainin ko sya ng bala! Bitawan mo ‘yan!” Galit na sigaw ni Miles sa nag-aalala na si Xavien. Napapa-tiǐm bagang na lang ito dahil sa mga pinaggagawa ng kanyang kapatid. Dahil sa katangahan nito ay nagulo na rin ang tahimik na pagsasama nilang mag-asaw
“Mrs Hilton, ayon sa pag-iimbestiga ko ay walang naging boyfriend ang kapatid mo sa State. Base sa naging sagot ng University na pinasukan ni Ma’am Maurine, hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral. Tanging first semester lang ang ipinasok ni Ma’am Maurine dahil huminto na siya sa kanyang pag-aaral. Napag-alaman ko rin na isang buwan lang nanirahan ang kapatid mo sa bahay ng Tita Celeste mo. Pasensya na, kung wala akong nakuha na anumang impormasyon kung bakit lumayas ang kapatid mo sa poder ng iyong tiyahin. Sapagkat ayaw magbigay ng anumang pahayag ni Mrs. Celeste.” Labis na nagimbal si Miles sa kanyang mga nalaman. Halos pigil na niya ang kanyang hininga. Awang ang bibig habang nakatulala sa mukha ng imbestigador na binayaran niya para mahanap ang ama ng pinagbubuntis ng kanyang kapatid. Pero hindi niya sukat akalain na iba ang kanyang matutuklasan. “A-Ano pa ang mga nalaman mo?” Tiim-bagang na tanong ni Miles na halos hindi na niya maibuka ng maayos ang kanyang bibig. Habang mah
“Look, Ate, I’m sorry, believe me, sinubukan ko namang sundin ang nais mo. Pero may time talaga na kailangan ko ng mag desisyon para sa kinabukasan ng mga anak ko.” Malumanay ang paraan ng pagnanalita ko. Ayokong sabayan ang init ng ulo nito. Nais kong maliwanagan ang isip nito na hindi na ako bata para manduhan at turuan sa mga desisyon ko sa buhay. Marahil, alam na ni ate Miles ang tungkol sa madalas na pagtulog ni Quiller sa kwarto naming mag-ina. Kaya napasugod ito sa Villa ng wala sa oras. Mabuti na lang at nasa hardin si Chiyo kasama ang kanyang Yaya. “Seriously!? Kaya ba inilihim mo sa akin ang pagtigil mo sa pag-aaral mo? Kaya ba lumayas ka sa bahay ni Tita Celeste para lang magawa mo ang lahat ng kalokohan mo!? Ito ba ang gusto mong mangyari? Ang sirain ang buhay mo!” “Zephyr, enough!” Saway ni kuya Xavien kay Ate Miles, ngunit hindi siya nito pinansin bagkus matiim itong nakatitig sa aking mukha. Bigla, nalungkot ako, bumagsak ang mga balikat ko. Natameme ako at hi
“Masyadong masalimuot ang buhay ng isang tao, minsan madadapa ka, babangon, at susubukan na huwag na muling madapâ pa. Ngunit may mga pagkakataon na susubukan ka ng panahon. Magugulat ka na lang at itatanong mo sa sarili mo, paano ako napunta sa ganitong sitwasyon? Ang hirap, masakit, na para bang gusto ko ng sumuko. Minsan iisipin ko na baka hindi ako mahal ng Diyos? Kasi naman, sa dami ng problemang dumarating sa akin at halos wala na itong katapusan. Kung minsan, idinadaan ko na lang sa pagtangis, kasi mabigat, eh. Kasing bigat ng limang hollow blocks na tila nakadagan sa dibdib ko. Ika nga pagkatapos ng bagyo ay magiging payapa ang panahon, mag-iiwan ito ng kalat at isa-isa mong pupulutin at aayusin. Sadyang ang lahat ng bagay dito sa mundo ay paikot-ikot lang kaya kahit kailan at hindi matatapos ang mga problemang dumarating sa buhay ko. Ngunit isa lang ang napagtanto ko, umiikot man ang buhay ng tao subalit may hangganan ito. Kaya hindi mo ito maihahalintulad sa mga bagay na
“Bakit? May problema ba?” Nag-aalala na tanong ni Andrade habang palipat-lipat ang tingin niya sa mukha ng kanyang mga kapatid at mga magulang. Makikita sa gwapo niyang mukha na labis siyang nalilito sa mga nangyayari. Suot pa niya ang black three piece suit na halatang kagagaling lang nito sa trabaho. Huli na kasi bago pa niya natanggap ang balita na manganganak na si Maurine dahil ng mga sandaling iyon ay nasa kalagitnaan siya ng meeting. Unang tumingin ang mga mata ni Andrade sa mukha ng kanyang Ama, seryoso ang ekspresyon ng mukha nito. Habang ang kanyang Ina na si Mrs. Lexie Hilton ay masama ang tingin na ipinupukol sa kanya. Sumunod ay Si Timothy na tila hindi makapaniwala sa isang bagay habang namamangha na nakatingin sa mukha ni Andrade.At ang sumunod ay si Summer na ang paraan ng tingin niya sa kanyang kapatid ay parang gusto na nitong manakal. Si Xavien na ang ekspresyon ng mukha nito ay kakikitaan ng pinaghalong galit at pangamba habang matiim na nakatitig sa mukha ng
“And I pronounce you Husband and Wife, you may kiss the bride.” Ito ang mga salita na gumising sa aking kamalayan. Nanatiling nakapikit ang aking mga mata ng maramdaman ko ang pagdampi ng mga labi sa aking bibig.Akala ko panaginip lang ang mga narinig ko pero ang halik na ‘yun ang tuluyang gumising na inaantok kong diwa. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata, ngunit hindi ko inaasahan ang mga taong nakatayo sa bandang paanan ng kinahihigaan kong kama. Tuluyan ng nawala ang antok ko at nag palipat-lipat ang tingin sa mukha nilang lahat maging sa seryosong mukha ng aking kapatid. Hanggang sa napako ang tingin ko sa mukha ng lalaking nakatayo sa tabi ko, si Quiller. Sa harap nito ay nakatayo ang isang matandang lalaki. Panot na ang ulo nito habang may suot itong reading glass sa mata. Hawak naman ng kanyang mga kamay ang isang makapal na libro, sa tingin ko ay isa itong bible.“T-Teka? Anong meron?” Naguguluhan kong tanong sa kanilang lahat, subalit nagulantang ako sa kanilang
WINTER HILTON (Book 7)“Kailangang mahalin kita gamit ang utak ko para protektahan ang puso ko, upang hindi ito mawasak. Dahil kung mamahalin kita gamit ang puso ko, baka hindi lang ang puso ko ang mawasak kundi pati ang utak ko.” -SAMARA“Where are you? Bakit ang tagal mo!?” Hindi pa man ako nakakasagot sa tawag ay ito na kaagad ang bungad sa akin ng kapatid kong si Andrade. Simula kahapon ay wala na siyang ginawa kundi ang tawagan ako para lang iremind ang tungkol sa kanyang kasal. Ilang kasal na kasi ng mga kapatid ko ang hindi ko napuntahan dahil sa matagal na pananatili ko sa ibang bansa kasama ang girlfriend kong si Sophia.Hindi kasi biro ang lawak ng mga negosyo ko sa labas ng bansa, dahilan kung bakit madalang akong umuwi ng Pilipinas.Napilitan lang akong bumalik ng bansa dahil ayokong magalit sa akin ang kapatid kong ito. Sa aming magkakapatid ay kami ni Quiller ang malapit sa isa’t-isa. Kaya hindi ako makatanggi dito. But I’m happy for him, dahil natagpuan na niya ang ba
“Hindi magkandamayaw ang pagtanaw ko sa mga nagtataasang gusali na nakapalibot mula sa isang mamahaling hotel na aming kinaroroonan. Masyadong masakit sa mata ang mga nakikita ko, dahil ang lahat ng bagay sa hotel na ito mula sa kisame, salaming pader at sa kahanga-hangang estilo nito, ang lahat ay naghuhumiyaw sa karangyaan. Pagkababâ ko pa nga lang ng kotse ni Sir. Hilton ay parang gusto ko ng umurong at magpaiwan na lang sa loob ng kotse nito. Pero hindi maaari, dahil bukod sa pagiging sekretarya ng aking boss ay naging P.A na rin ako nito (personal assistant). Tama kayo ng narinig, si Ma. Lourdes Faith Samara Hamza ay napromote sa unang araw pa lang ng kanyang trabaho!Sa tuwing naaalala ko ‘yun ay kinikilig pa rin ako. Hindi ko lang pinapahalata dahil masyado akong mahiyain. Sanay kasi ako na nasa isang sulok lang at tahimik na nagtatrabaho, in short, may sarili akong mundo. Biglang namilog ang mga mata ko ng makita ko ang isang sikat na hollywood star na si Mr. Hanz Zimmer. “O