Home / Romance / Ex-Husband's Regret / Kabanata 1 - Kabanata 10

Lahat ng Kabanata ng Ex-Husband's Regret: Kabanata 1 - Kabanata 10

369 Kabanata

Kabanata 1

Bumaba ako ng kotse at mabagal akong naglakad patungo sa mansion. Nanginginig ang mga kamay ko at pawis ang katawan ko.Hindi pa rin ako makapaniwala sa ginawa ko. Na nakipag-divorce na ako sa kanya. Ang patunay nito ay nasa loob ng handbag ko. Nandito ako para dalhin ang final papers sa kanya at para sunduin si Noah.Pagpasok ng bahay, sumunod ako sa mga tunog ng mahinang boses ngunit huminto ako sa paglalakad nang malapit na sa kusina.Naririnig ko sila ng klaro at ang narinig ko ay nagpalamig sa aking kaluluwa.“Hindi ko pa rin po maintindihan kung bakit hindi po kayo pwedeng tumira dito kasama namin ni mommy?” Tinanong ni Noah sa tatay niya.Nilagay ko sa dibdib ko ang nanginginig kong mga kamay. Nabasag ang puso ko sa kalungkutan sa boses niya. Gagawin ko ang lahat para sa kanya, pero hindi maiiwasan ang divorce na ito.Isang pagkakamali ang kasal namin. Ang lahat ng tungkol sa amin ay isang pagkakamali. Natagalan lang ako bago ko nakita ang katotohanan.“Alam mo kung bakit
last updateHuling Na-update : 2024-10-29
Magbasa pa

Kabanata 2

“Kailangan kong umalis, pwede mo bang samahan muna si Noah? Hindi ko alam kung gaano ako katagal doon,” Ang sabi ko ng walang ibang iniisip habang kinuha ko ang handbag ko.“Sige. Pupunta ako doon sa oras na mapapunta ko ang nanay ko dito para bantayan si Noah,” Ang sagot ni Rowan, ngunit mahina ito dahil sa matining na tunog sa tainga ko.Wala ako masyadong maintindihan habang nagpaalam ako sa anak ko at umalis. Pumasok ako sa kotse ko at nagsimulang magmaneho patungo sa hospital. Blanko ang aking isipan.Habang lumalaki, masasabi na pinabayaan ako ng emosyonal. Ako ay isang bata na hindi masyadong pinakialaman ng mga magulang ko. Ang paborito ng tatay ko ay ang ate ko, si Emma. Dati niyang tinatawag si Emma na kanyang baby girl. Ang prinsesa niya. Ang paborito naman ng nanay ko ay ang kuya kong si Travis. Si Travis ang gwapo niyang anak. Walang may paborito sa akin. Ako lang si Ava.Dati ko pa pakiramdam na walang may gusto sa akin. Hindi welcome. Hindi lang sa mga magulang ko ku
last updateHuling Na-update : 2024-10-29
Magbasa pa

Kabanata 3

Umupo ako sa malamig na hospital chair, humihinga ako ng malalim. Umiiyak pa rin si nanay at hindi siya mapatahan. Kumirot ang puso ko para sa kanya. Naiintindihan ko na hindi madali mawala ng hindi inaasahan ang lalaking minahal mo.Nakakagulat pa rin ito. Inaasahan ko na gagaling siya, ngunit ngayon ay patay na siya at wala akong ideya kung ano ang dapat kong maramdaman.Hindi pantay ang tingin namin sa isa’t isa at kahit na kinamumuhian niya ako, mahal ko siya. Tutal, tatay ko siya, kaya paanong hindi ko siya mamahalin?“Ayos ka lang ba?” Ang tanong ni Rowan habang umupo siya sa tabi ko.Dumating siya ng isang oras na ang nakaraan at ito ang unang beses na kinausap niya ako simula noong dumating siya. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa pag aalala na pinapakita niya. Tutal, hindi niya pa naisip ang tungkol sa nararamdaman ko noon.“Oo.” Ang sabi ko.Hindi pa ako lumuluha simula noong sinabi ang balita. Baka ito ay dahil sa pagkagulat o baka naubusan na ako ng mga luha pa
last updateHuling Na-update : 2024-10-29
Magbasa pa

Kabanata 4

Naramdaman mo na ba na ang puso mo ay pinadaan sa isang mincer? Ito ang pakiramdam ko ngayon at nakatingin ako sa kanila. Na para bang ang puso ko ay nahiwa sa maraming piraso.Kung pwede ko lang itapon ang walang kwentang parte ng katawan na ito, gagawin ko ito. Dahil ang sakit na binibigay nito ay lubos talaga.Gusto kong tumakbo palayo, tumingin palayo, pero hindi ko magawa. Ang mga mata ko ay nakatitig sa kanila at kahit na gusto kong ilayo ang mga mata ko, ito ay parang nakaglue ang mga mata ko sa kanila. Sa eksenang puno ng pag ibig sa harap ko.Pinanood ko habang lumayo sila sa isa’t isa. Malambing ang mga mata ni Rowan habang nakatitig siya sa babaeng mahal niya. Patuloy ako sa panonood habang hinawakan ni Rowan ang mukha ni Emma. Dinala niya ito palapit sa kanya. Hindi niya hinalikan si Emma, dinikit niya lang ang noo niya sa noo nito.Mukha siyang payapa. Na para bang nakauwi na siya makalipas ang mahabang panahon. Na para bang buo na siya sa wakas.‘Namis kita,’ Ang nab
last updateHuling Na-update : 2024-10-29
Magbasa pa

Kabanata 5

Walang kahit ano sa araw na ito ang naging masama. Ang araw ay makinang at tila maayos ang lahat habang nag drive ako sa mga pamilyar na daan.Ang chapel ay puno ng tao noong dumating ako. Halos lahat ay pumunta para sa huling bisita nila.Sinuri ko ang lugar at nakuntento na makita ang lahat ay nasa lugar. Walang kahit sino sa iba ang nakatulong pagdating sa paghahanda sa libing. Ako ang sumalo ng lahat.Ngunit, hindi ako nagreklamo. Tinanggap ko ito bilang pagkakataon para bayaran ang ginawa niya para sa akin. Tutal, pinakain niya ako, binigyan niya ako ng damit at kwarto na tirahan.Magsisimula na ang service noong halos lahat ay nakaupo na. Nagdesisyon ako na umupo sa kabilang dulo. Hindi tama ang umupo katabi ng iba. Lalo na at hindi tama ang umupo ako sa tabi ni Emma.“Mommy, bakit po tayo nakaupo dito… hindi po ba’t nakaupo dapat tayo sa tabi ni lola?” Ang tanong ni Noah, tumuro siya kung nasaan ang iba.Syempre, kakaiba ang tingin sa amin ng mga tao, ngunit wala akong pak
last updateHuling Na-update : 2024-10-29
Magbasa pa

Kabanata 6

Rowan:May bagay na nangyayari sa loob mo kapag nakita mo ang ex-wife mo, ang nanay ng anak mo, na binaril at dumudugo sa lupa ng sementeryo. Isang pakiramdam na hindi ko inaasahan na mararamdaman ko para kay Ava.Noong makita ko ang mga lalaki na nakatutok ang baril sa amin, hindi ako nag isip. Alam ko na ligtas si Noah sa mga magulang ko, kaya ang katawan ko ay kumilos para tumalon patungo kay Emma. Mamamatay ako para sa kanya at handa akong gawin ito.Gumaan ang loob ko nang makita ko na ang mga lalaking may baril ay tumakas nang makita ang pulis, ngunit sandali lang ang gaan ng loob ko nang sumigaw ang isa sa mga pulis para tumawag ng ambulansya. Lumingon ako at inisip ko kung sino ang nasaktan, ngunit hindi ko inaasahan na ito ay si Ava, at halos napaluhod ako nang makita ko na nasakatan siya.Masyadong mabilis ang mga pangyayari. Ang ambulansa ay dumating at ang mga pulis ay hindi pinayagan na umalis si Ava hanggang sa sinigurado niya na si Ava ay ligtas na sa kamay ng doctor
last updateHuling Na-update : 2024-10-29
Magbasa pa

Kabanata 7

Ava:Gumising ako habang may masakit na likod at braso. Nasa kama ako kasama si Noah dahil ayaw niya akong iwanan pagkatapos namin manood ng TV. Ngumiti ako nang maalala ko na sinabi niya na sineseryoso niya ang trabaho niya at na siya ang mag aalaga sa akin sa buong gabi.Medyo hirap ko siyang kinilos ng hindi ko siya ginigising. Alas otso na at kailangan ko maghanda ng agahan bago siya gumising.Pagkatapos gawin ang aking morning routine, bumaba ako ng hagdan. Tumayo ako sa labas ng kusina habang iniisip kung paano ako gagawa ng agahan gamit ang isang kamay.Habang hinahanda ko ang mga ingredient para gumawa ng pancakes, napunta ang isip ko sa mga alaala ng kahapon. Ang lahat ng nangyari ay tila panaginip lang at may parte sa isipan ko na iniisip kung nangyari ba talaga ito. Kung hindi lang dahil ang balikat ko ay may bandage at ang braso ko ay nasa isang sling, iisipin ko na isang masamang panaginip ang lahat ng yun.Noong gumising ako sa hospital pagkatapos kong mawalan ng mal
last updateHuling Na-update : 2024-10-29
Magbasa pa

Kabanata 8

Rowan:Nakita ko sa oras na pinatay niya ang mga emosyon niya. Ang oras na ang emosyon sa mga mata niya kanina ay agad na naging malamig. Nanlamig din ang pakiramdam ko dahil dito.“Ano ang ginagawa mo dito?” Ang tanong ni Ava habang walang emosyon ang boses niya at pinilit kong pumasok sa bahay niya. Ito ay para bang kausap niya ang isang estranghero. Na para bang isa lang akong piraso ng alikabok at wala nang iba. Tumitig ako sa kanya, hindi ko maisip ang sasabihin ko. Tumira ako ng isang dekada kasama ang babaeng ito at ngayon ay hindi ko mahanap ang tamang mga salita.Tumingin ako sa kamay niyang nasa sling pa rin. Pumunta ako para tingnan ang sitwasyon niya, pati na rin ang sunduin si Noah. Weekend ngayon, kaya oras ko para makasama si Noah.Nang maalala ko ang lalaking umalis, kumunot ang noo ko. Para sa kanya siguro ang ngiti na yun. Dumiin ang kagat ng ngipin ko nang mapagtanto ito.“Ano ang ginagawa niya dito?” Ang tanong ko sa halip na sumagot ako, sinusubukan kong itago
last updateHuling Na-update : 2024-10-29
Magbasa pa

Kabanata 9

“Ano ang gusto mong sabihin ko? Alam mo naman na kahit kailan ay hindi ako nagsinungaling sayo. Alam mo na mahal ko siya noon pa.”Hinagis niya ng galit ang dishtowel. “Hindi yun pumigil sayo para gamitin ang katawan ko, hindi ba? Talaga, I hate you. Hindi ko alam kung ano ba ang nagustuhan ko sayo noong una. Hindi ko alam kung bakit nag aksaya ako ng sobrang daming oras at lakas para sayo.”Kinagat ko ang ngipin ko dahil sa mga sinabi niya. Nagalit ako sa mga salita niya. Oo, sumiping kami sa isa’t isa sa kasal namin, pero ito ay para lang mawala ang kati. Sumumpa kami sa isa’t isa, pero hindi ko siya mahal. Hindi ko sisirain ang mga ito at pagtataksilan siya.“Hindi ako nandito para pag usapan ang nakaraan, nandito ako para pag usapan si Noah,” Ang sabi ko habang binabago ang pinag uusapan.Nakakapagod ang magpaikot ikot. Kailangan ko sabihin kung ano ang balak kong sabihin noong dumating ako dito, pagkatapos ay aalis ako bago ko sabihin o gawin ang pagsisisihan ko.Nakuha ang a
last updateHuling Na-update : 2024-10-29
Magbasa pa

Kabanata 10

Ava:“Hindi ko pa rin po maintindihan kung bakit kailangan ko pong umalis. Bakit hindi po ako pwedeng manatili dito kasama niyo?” Ang reklamo ni Noah. Nakasimangot ang gwapong mukha niya.Masama ang loob niya simula noong sinabi ko sa kanya na aalis siya kasama ang mga lolo at lola niya. Noong una ay sabik siya tungkol dito, ngunit nalungkot siya nang mapagtanto niya na hindi niya kasama ako o ang tatay niya.Nauunawaan ng school niya ang sitwasyon namin. Pumayag pa ang teacher niya na ipadala ang lessons sa nanay upang hindi maiwan sa klase si Noah.“Sinabi ko na sayo, mahal, ito ang bakasyon niyo ng mga lolo at lola mo… ito ay para sa inyo lang ng mga lolo at lola mo.”Pagkatapos kausapin ang chief, siniguro niya sa amin na dadalhin sila sa isang tropikal na lugar.“Pupunta ka sa beach. Hindi ba’t matagal mo nang hinihiling na pumunta sa isang bakasyon?” Ang dagdag ko habang nakangiti.Agad na nakuha ang atensyon niya sa salitang ‘beach’. Ang lahat ng reklamo niya ay wala na.
last updateHuling Na-update : 2024-10-29
Magbasa pa
PREV
123456
...
37
DMCA.com Protection Status