Share

Kabanata 3

Author: Evelyn M.M
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56
Umupo ako sa malamig na hospital chair, humihinga ako ng malalim. Umiiyak pa rin si nanay at hindi siya mapatahan. Kumirot ang puso ko para sa kanya. Naiintindihan ko na hindi madali mawala ng hindi inaasahan ang lalaking minahal mo.

Nakakagulat pa rin ito. Inaasahan ko na gagaling siya, ngunit ngayon ay patay na siya at wala akong ideya kung ano ang dapat kong maramdaman.

Hindi pantay ang tingin namin sa isa’t isa at kahit na kinamumuhian niya ako, mahal ko siya. Tutal, tatay ko siya, kaya paanong hindi ko siya mamahalin?

“Ayos ka lang ba?” Ang tanong ni Rowan habang umupo siya sa tabi ko.

Dumating siya ng isang oras na ang nakaraan at ito ang unang beses na kinausap niya ako simula noong dumating siya. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa pag aalala na pinapakita niya. Tutal, hindi niya pa naisip ang tungkol sa nararamdaman ko noon.

“Oo.” Ang sabi ko.

Hindi pa ako lumuluha simula noong sinabi ang balita. Baka ito ay dahil sa pagkagulat o baka naubusan na ako ng mga luha para sa kanya. Ngayon, ginagawa ko ang lahat para huminahon dahil ang iba ay umiiyak.

Nakita ko ang mga paa sa sulok ng paningin ko noong lumingon ako at nakita ko na nakatitig sa akin si Travis. Tulad ng dati, walang bahid ng pagmamahal ang mga mata niya kapag nakatingin siya sa akin. Alam ko na mali ang ginawa ko, pero hindi pa ba ako nagbayad para sa gabing yun?

“Ano?” Ang tanong ko sa kanya.

“Tumawag si Mom kay Emma noong binaril si dad, kaya malapit na siyang dumating. Hindi niya pa rin alam na patay na si dad.” Ang sabi niya.

Narinig ko na huminga ng malalim si Rowan. Ito lang ang tanging indikasyon na kailangan ko para malaman na ang pangalan ni Emma ay nakakaapekto pa rin kay Rowan. Ang init na ipinakita niya kanina lang ay naging malamig agad at alam ko na nawala ulit siya sa akin.

“Oo nga.” Ang sabi ko ng mahina dahil wala naman akong ibang masasabi.

Hindi ko pa nakausap si Emma ng maraming taon. Nagdududa ako na gusto niya ako sa paligid niya base sa laki ng galit at poot niya sa akin.

“Inaasahan ko na maging mabait ka at bigyan mo siya ng space,” Ang dagdag ni nanay, pinunasan niya ang luha sa mukha niya.

“Nanay, alam niyo na imposibleng magagawa ko ito.”

“Wala akong pakialam kung ano ang posible o hindi. Umalis ka pagkatapos mo pagtaksilan ang anak ko noong nakaraang siyam na taon. Hindi ko hahayaan na mangyari ulit ito lalo na at wala na ang tatay niyo at kailangan natin ang isa’t isa,” Ang sabi niya habang kagat ang ngipin niya.

Hindi ko gusto na lagi nilang ipinamumukha sa akin ang nakaraan. Hindi pa ba sapat ang pagdurusa ko sa mga ginawa ko noong bata at tanga pa ako? Pero ngayon, lagi pa rin nila akong pinaparusahan.

“Baka nakalimutan niyo na anak niyo rin ako, o baka patay na rin ako para sa inyo?”

Hindi ko siya binigyan ng pagkakataon para sumagot. Tumayo ako at umalis. Kailangan ko ng sariwang hangin. Kailangan ko mag isip.

Noong lumabas ako, lumanghap ako ng sariwang hangin. May mga luha sa mga mata ko, pero pinigilan ko ang pagtulo ng mga ito. Ano ba ang ginagawa ko rito? Bakit siya nag abala na tumawag sa akin kung sa tingin niya ay isa lang ang anak niyang babae?

May parte sa sarili ko na gustong lumayas ngayon at hindi na ako titingin ulit sa likod. Tutal, sa tingin ko ay hindi naman ako parte ng pamilya nila at hindi rin nila ako itinuring na parte nito. Dapat na lang akong umalis at kalimutan ang tungkol sa kanila tulad ng pagkalimot nila sa akin.

“Ma’am, anak po ba kayo ni James Sharp?” Dumating ang isang nurse at nabigla ako.

Tumango ako pagkatapos huminahon ang pagtibok ng puso ko.

“Kailangan po kayo. Tinitingnan po nila ang katawan,” Ang mahinang sabi niya sa akin, baka iniisip niya ang mga nararamdaman ko.

“Sige, sandali lang.”

Umalis siya pagkatapos ako bigyan ng oras para gumawa ng desisyon. Kahit na hindi ako inalagaan ni tatay, binuhay niya pa rin ako, kaya utang ko ito sa kanya. Dahil dito, nakapag desisyon na ako. Bibigyan ko siya ng maayos libing, at pagkatapos ay maghuhugas ako ng kamay para sa kanila.

Pwede sila maging ang perpektong pamilya. Hindi na sila mamomroblema sa akin na tulad ng dati.

Pagbalik sa loob, humingi ako ng direksyon papunta sa morgue. Sa oras na makarating ako doon, tapos na ang lahat sa pagtingin sa katawan.

Tumingin ako kay tatay. Nakahiga sa lugar. Mukha siyang payapa. Tulad ng itusra niya kapag natutulog siya. Iisipin ng kahit sino na nagpapahinga lang siya, sa halip na patay. Ang kaluluwa niya ay matagal nang wala sa katawan niya.

“Paalam, tatay.” Ang sabi ko sa kanya.

Tumingin ako ng isa pang beses bago ako umalis ng malamig na kwarto. Inalis ko ang mabigat na pakiramdam sa puso ko dahil alam ko na hindi lang ako sa kanya magpapaalam. Kahit kailan ay hindi nila ako mamahalin. Oras na para bitawan ang pantasya na ito.

Pumunta ako sa waiting area at umupo sa pinakamalayong upuan. Si nanay ay nag aayos ng mga papeles at bills. Nakatitig si Travis sa pader, mukhang magulo ang isip at mag isa. Hindi makikita sa lugar si Rowan.

Pag upo ko doon, inisip ko ang lahat ng kailangan kong gawin. Halos imposible na iwasan sila, pero determinado pa rin ako. Ito lang tanging paraan na alam ko para protektahan ang kapayapaan ko. Pagod na akong laging nasasaktan. Pagod na ako na ang puso ko ay laging nasusugatan ng mga tao sa paligid ko.

Narinig ko ang mga ingay sa paligid ko at lumingon ako. Sa sandalng yun, nakita ko siya, kasing ganda pa rin ng dati. Mahaba na blonde na buhok, mahabang legs, mukha na may hugis ng puso, at seksi na katawan na kinababaliwan ng mga lalaki.

Yakap siya ni Travis. Bumubulong ng mga salita na pampatahan. Ang isang bagay na hindi ginawa ni Travis para sa akin noong dumating ako. Tulad ng dati, tumama ang sakit at pinigilan ko ito.

Naghiwalay sila at dumating si Rowan. Sa oras na makita ni Rowan ang babae, nanghina ang mga tuhod niya. Nakikita ko na gumalaw ang Adam’s apple niya habang lumunok siya.

“Emma?” Ang namamaos na boses niya habang tinawag niya ang pangalan ni Emma. Maraming emosyon ang nilagay niya sa isang pangalan na yunn.

Lumingon si Emma papunta sa direksyon ni Rowan. Sa oras na magkatinginan sila, naglaho ang lahat ng nasa paligid. Na para bang walang ibang bagay maliban sa kanilang dalawa. Tila mas mabilis kaysa sa pagkilos ng the Flash, magkayakap na sila sa isa’t isa.

Kung masakit na makita na yakapin ni Travis si Emma, wala akong ideya kung paano ito makakasakit ng sobra sa akin. Kung paano ito sisira sa akin.

Bumalik si Emma. Nang makita ko siya sa yakap ni Rowan, wala nang magsabi sa akin ng katotohanan na nasa harap na ng mukha ko. Mahal na mahal pa rin ni Rowan si Emma kahit na lumipas ang lahat ng mga taong ito.

Related chapters

  • Ex-Husband's Regret   Kabanata 4

    Naramdaman mo na ba na ang puso mo ay pinadaan sa isang mincer? Ito ang pakiramdam ko ngayon at nakatingin ako sa kanila. Na para bang ang puso ko ay nahiwa sa maraming piraso.Kung pwede ko lang itapon ang walang kwentang parte ng katawan na ito, gagawin ko ito. Dahil ang sakit na binibigay nito ay lubos talaga.Gusto kong tumakbo palayo, tumingin palayo, pero hindi ko magawa. Ang mga mata ko ay nakatitig sa kanila at kahit na gusto kong ilayo ang mga mata ko, ito ay parang nakaglue ang mga mata ko sa kanila. Sa eksenang puno ng pag ibig sa harap ko.Pinanood ko habang lumayo sila sa isa’t isa. Malambing ang mga mata ni Rowan habang nakatitig siya sa babaeng mahal niya. Patuloy ako sa panonood habang hinawakan ni Rowan ang mukha ni Emma. Dinala niya ito palapit sa kanya. Hindi niya hinalikan si Emma, dinikit niya lang ang noo niya sa noo nito.Mukha siyang payapa. Na para bang nakauwi na siya makalipas ang mahabang panahon. Na para bang buo na siya sa wakas.‘Namis kita,’ Ang nab

  • Ex-Husband's Regret   Kabanata 5

    Walang kahit ano sa araw na ito ang naging masama. Ang araw ay makinang at tila maayos ang lahat habang nag drive ako sa mga pamilyar na daan.Ang chapel ay puno ng tao noong dumating ako. Halos lahat ay pumunta para sa huling bisita nila.Sinuri ko ang lugar at nakuntento na makita ang lahat ay nasa lugar. Walang kahit sino sa iba ang nakatulong pagdating sa paghahanda sa libing. Ako ang sumalo ng lahat.Ngunit, hindi ako nagreklamo. Tinanggap ko ito bilang pagkakataon para bayaran ang ginawa niya para sa akin. Tutal, pinakain niya ako, binigyan niya ako ng damit at kwarto na tirahan.Magsisimula na ang service noong halos lahat ay nakaupo na. Nagdesisyon ako na umupo sa kabilang dulo. Hindi tama ang umupo katabi ng iba. Lalo na at hindi tama ang umupo ako sa tabi ni Emma.“Mommy, bakit po tayo nakaupo dito… hindi po ba’t nakaupo dapat tayo sa tabi ni lola?” Ang tanong ni Noah, tumuro siya kung nasaan ang iba.Syempre, kakaiba ang tingin sa amin ng mga tao, ngunit wala akong pak

  • Ex-Husband's Regret   Kabanata 6

    Rowan:May bagay na nangyayari sa loob mo kapag nakita mo ang ex-wife mo, ang nanay ng anak mo, na binaril at dumudugo sa lupa ng sementeryo. Isang pakiramdam na hindi ko inaasahan na mararamdaman ko para kay Ava.Noong makita ko ang mga lalaki na nakatutok ang baril sa amin, hindi ako nag isip. Alam ko na ligtas si Noah sa mga magulang ko, kaya ang katawan ko ay kumilos para tumalon patungo kay Emma. Mamamatay ako para sa kanya at handa akong gawin ito.Gumaan ang loob ko nang makita ko na ang mga lalaking may baril ay tumakas nang makita ang pulis, ngunit sandali lang ang gaan ng loob ko nang sumigaw ang isa sa mga pulis para tumawag ng ambulansya. Lumingon ako at inisip ko kung sino ang nasaktan, ngunit hindi ko inaasahan na ito ay si Ava, at halos napaluhod ako nang makita ko na nasakatan siya.Masyadong mabilis ang mga pangyayari. Ang ambulansa ay dumating at ang mga pulis ay hindi pinayagan na umalis si Ava hanggang sa sinigurado niya na si Ava ay ligtas na sa kamay ng doctor

  • Ex-Husband's Regret   Kabanata 7

    Ava:Gumising ako habang may masakit na likod at braso. Nasa kama ako kasama si Noah dahil ayaw niya akong iwanan pagkatapos namin manood ng TV. Ngumiti ako nang maalala ko na sinabi niya na sineseryoso niya ang trabaho niya at na siya ang mag aalaga sa akin sa buong gabi.Medyo hirap ko siyang kinilos ng hindi ko siya ginigising. Alas otso na at kailangan ko maghanda ng agahan bago siya gumising.Pagkatapos gawin ang aking morning routine, bumaba ako ng hagdan. Tumayo ako sa labas ng kusina habang iniisip kung paano ako gagawa ng agahan gamit ang isang kamay.Habang hinahanda ko ang mga ingredient para gumawa ng pancakes, napunta ang isip ko sa mga alaala ng kahapon. Ang lahat ng nangyari ay tila panaginip lang at may parte sa isipan ko na iniisip kung nangyari ba talaga ito. Kung hindi lang dahil ang balikat ko ay may bandage at ang braso ko ay nasa isang sling, iisipin ko na isang masamang panaginip ang lahat ng yun.Noong gumising ako sa hospital pagkatapos kong mawalan ng mal

  • Ex-Husband's Regret   Kabanata 8

    Rowan:Nakita ko sa oras na pinatay niya ang mga emosyon niya. Ang oras na ang emosyon sa mga mata niya kanina ay agad na naging malamig. Nanlamig din ang pakiramdam ko dahil dito.“Ano ang ginagawa mo dito?” Ang tanong ni Ava habang walang emosyon ang boses niya at pinilit kong pumasok sa bahay niya. Ito ay para bang kausap niya ang isang estranghero. Na para bang isa lang akong piraso ng alikabok at wala nang iba. Tumitig ako sa kanya, hindi ko maisip ang sasabihin ko. Tumira ako ng isang dekada kasama ang babaeng ito at ngayon ay hindi ko mahanap ang tamang mga salita.Tumingin ako sa kamay niyang nasa sling pa rin. Pumunta ako para tingnan ang sitwasyon niya, pati na rin ang sunduin si Noah. Weekend ngayon, kaya oras ko para makasama si Noah.Nang maalala ko ang lalaking umalis, kumunot ang noo ko. Para sa kanya siguro ang ngiti na yun. Dumiin ang kagat ng ngipin ko nang mapagtanto ito.“Ano ang ginagawa niya dito?” Ang tanong ko sa halip na sumagot ako, sinusubukan kong itago

  • Ex-Husband's Regret   Kabanata 9

    “Ano ang gusto mong sabihin ko? Alam mo naman na kahit kailan ay hindi ako nagsinungaling sayo. Alam mo na mahal ko siya noon pa.”Hinagis niya ng galit ang dishtowel. “Hindi yun pumigil sayo para gamitin ang katawan ko, hindi ba? Talaga, I hate you. Hindi ko alam kung ano ba ang nagustuhan ko sayo noong una. Hindi ko alam kung bakit nag aksaya ako ng sobrang daming oras at lakas para sayo.”Kinagat ko ang ngipin ko dahil sa mga sinabi niya. Nagalit ako sa mga salita niya. Oo, sumiping kami sa isa’t isa sa kasal namin, pero ito ay para lang mawala ang kati. Sumumpa kami sa isa’t isa, pero hindi ko siya mahal. Hindi ko sisirain ang mga ito at pagtataksilan siya.“Hindi ako nandito para pag usapan ang nakaraan, nandito ako para pag usapan si Noah,” Ang sabi ko habang binabago ang pinag uusapan.Nakakapagod ang magpaikot ikot. Kailangan ko sabihin kung ano ang balak kong sabihin noong dumating ako dito, pagkatapos ay aalis ako bago ko sabihin o gawin ang pagsisisihan ko.Nakuha ang a

  • Ex-Husband's Regret   Kabanata 10

    Ava:“Hindi ko pa rin po maintindihan kung bakit kailangan ko pong umalis. Bakit hindi po ako pwedeng manatili dito kasama niyo?” Ang reklamo ni Noah. Nakasimangot ang gwapong mukha niya.Masama ang loob niya simula noong sinabi ko sa kanya na aalis siya kasama ang mga lolo at lola niya. Noong una ay sabik siya tungkol dito, ngunit nalungkot siya nang mapagtanto niya na hindi niya kasama ako o ang tatay niya.Nauunawaan ng school niya ang sitwasyon namin. Pumayag pa ang teacher niya na ipadala ang lessons sa nanay upang hindi maiwan sa klase si Noah.“Sinabi ko na sayo, mahal, ito ang bakasyon niyo ng mga lolo at lola mo… ito ay para sa inyo lang ng mga lolo at lola mo.”Pagkatapos kausapin ang chief, siniguro niya sa amin na dadalhin sila sa isang tropikal na lugar.“Pupunta ka sa beach. Hindi ba’t matagal mo nang hinihiling na pumunta sa isang bakasyon?” Ang dagdag ko habang nakangiti.Agad na nakuha ang atensyon niya sa salitang ‘beach’. Ang lahat ng reklamo niya ay wala na.

  • Ex-Husband's Regret   Kabanata 11

    Pumasok siya sa pamamahay ko kaya direkta ang pag uusap namin. Ang mga mata at ilong niya ay galit. Naging matatag ako. Hindi ko hinayaan na takutin niya ako.“Hindi ako aalis. Ngayon, i-cancel mo ang taxi at pumasok ka sa kotse ko.” Ang sabi niya habang kagat niya ang ngipin niya. May namumuong bagyo sa mga mata niya.Nagalit ako at nagbola ang mga kamay ko. Madalas ay pinipigilan ko ito dahil ayaw ko siyang galitin, ngunit wala na akong pakialam.“Ang tapang mong babae ka… sino ka ba sa tingin mo, hmm? Hindi ako isang tuta na sa tingin mo ay pwede mong utusan.” Ang boses ko ay tumataas na. Naiinis talaga ako.Sa mga taon na inalay ko sa kanya. Sa mga taon na tumahimik ako dahil ayaw kong sirain ang akala kong merson kami. Pero ano ang dinala nito para sa akin? Ano ang ibinigay ng pagpigil ko sa sarili ko? Wala. Wala itong binigay kundi sakit ng puso.“Ava…” Ang sabi niya na parang nagbibigay ng babala.“Nag aaway po ba ulit kayong dalawa?” Sumingit ang boses ni Noah sa tense na

Latest chapter

  • Ex-Husband's Regret   Kabanata 350

    Ava. Bumalik ang mga alaala ko, at ang sabihin na galit ako ay isang understatement. Sobrang galit na galit ako. Galit na galit ako."Sinungaling ka!"Sumigaw ako kay Rowan, ang kamay ko ay tumama sa kanyang dibdib. Parang tumama ako sa pader, pero wala akong pakialam. "Sinungaling ka, gago ka." Sa loob ng ilang buwan. Buwan, RowanAng kaalaman na bumalik na ang aking mga alaala ay sumisikat sa kanya. Takot ang pumuno sa kanyang mga mata, at sa una'y nagulat ako dahil hindi kailanman nagpakita ng takot si Rowan, pero naalala ko na galit ako sa kanya.Kailangan kong umalis. May pupuntahan ako,” sabi ko nang hindi talaga tumitingin sa sinuman.Hinahanap ko ang kwarto, at nang makita ko ang susi ng kotse ko, kinuha ko ito. Nasa gitna na akong umalis nang hawakan ni Rowan ang kamay ko at pinigilan ako."Hindi ka makakaalis." Kailangan kitang dalhin sa ospital; nahimatay ka, Ava. Kailangan mong magpatingin sa doktor.” Malambot ang kanyang mga mata habang nagmamakaawa siya sa akin."B

  • Ex-Husband's Regret   Kabanata 349

    "Nagulat ako, pero humanga rin." sabi ni Reaper, at swear ko, narinig ko ang kasiyahan sa kanyang boses. "Ang lahat ay nagsalita kung gaano mo siya kamahal; hindi ko akalain na masasaktan mo siya, lalo na para kay Ava." "Ang mga tao ay walang alam."Tulad ng sinabi ko, saka lang ako naisipan. Ang pagmamahal ko kay Emma ay tuluyan nang nawala. Patay na ito, at marahil matagal na itong patay. Ang nararamdaman ko para kay Ava ay mas malakas.Sa pagninilay, nahulog ako kay Emma at sa ideya ng pag-ibig. Bukod pa rito, lahat ay nagsasabi na para kami sa isa't isa. Na tayo ay perpekto nang magkasama. Sa tingin ko, pumasok ito sa isip ko. Narinig ko itong sinabi nang napakaraming beses noong bata pa tayo na baka na brainwash ako nito na isipin na ito ang katotohanan.Gusto ng lahat na magkasama kami, pati na rin ang mga ina namin, na pinilit kaming laging magkasama. Paano kung ang akala kong pag-ibig ay wala kundi isang ideya na itinanim sa ating mga isipan ng ating mga ina? Isang pantasy

  • Ex-Husband's Regret   Kabanata 348

    Rowan. Tinititigan ko ang blangkong screen ng laptop ko, hindi talaga ako nasa mood magtrabaho. Naglalaro si Noah ng video games, at natutulog si Iris. Matagal na mula nang umalis si Ava para ihatid si Gunner; dapat nandito na siya ngayon.Mula nang mag-shootout siya, palagi na akong nag-aalala para sa kanya. Hindi ko maalis ang takot na bumabalot sa akin tuwing nasa labas siya. Hindi ko maalis-alis ang takot na baka mawala ko siya sa kamatayan. Halos nagawa ko na noon, at nag-iwan ito ng marka sa akin.Gagawin ko ang lahat para masiguro na siya ay ligtas. Kasama na rito ang pagpapadala sa taong nanakit sa kanya sa isang lugar kung saan hindi na siya makakapagpahirap kay Ava muli.Bumubuntong-hininga ako at tumayo. Ang isa pang bagay na ikinabahala ko ay ang pahayag ni Ava ngayon. Hindi ko maintindihan kung bakit at paano niya pinaniniwalaan na inosente si Emma. Na-realize ko na lang ito nang huli, pero si Emma ay matagal nang sumusunod kay Ava simula nang mapansin niyang nagbago

  • Ex-Husband's Regret   Kabanata 347

    "Magandang umaga," bati ko, nakatayo sa pintuan ng kusina. Si Gunner ay nagmamadali at niyayakap ang kanyang ama habang sinasabi ang tungkol sa magandang oras na kanilang pinagsaluhan ni Noah sa aming bahay.“Magandang Umaga, Ava.”Tinutukso ko ang sarili ko. Sinusubukan niyang mag-multitask. Inaalagaan niya ako habang nakikinig sa kanyang anak at sinisikap pa ring gawin ang kanyang trabaho."Maaga pa ba ito?"Tinanong ko siya. “Maaari akong bumalik sa kanya para makapagpatuloy ka sa iyong trabaho nang walang abala.”"Hindi, ayos lang, pero salamat." Malapit na akong matapos,” sagot niya. "Plus, ngayon ay Linggo; may ginagawa kami tuwing Linggo."Ngumiti ako at tumango. Nasa isip ko nang humingi ng paumanhin nang muling makuha ng bahay sa tabi ang aking atensyon. Ang kusina ni Calvin ay nakaharap sa likod-bahay ng bahay."Calvin?" tawag ko, at tumingin siya pataas."Oo?""Sino ang may-ari ng bahay na iyon? Hindi ko maintindihan kung bakit ako naaakit dito."Pinaikot niya ang

  • Ex-Husband's Regret   Kabanata 346

    "Hindi ako sigurado, pero magtiwala ka sa akin," sagot ko sa kanya. "Ang mga instinct ko ay hindi kailanman nagkakamali." Mukhang hindi siya sigurado sa simula hanggang sa punasan niya ang kanyang mga tampok, at alisin ang ekspresyon mula sa kanyang mukha. Pagkatapos, tumayo siya at lumapit upang tumayo sa tabi ko. Bago ko pa maunawaan kung ano ang ginagawa niya, binigyan niya ako ng mabilis na halik at agad na humiwalay."Sige," simula niya. "Pagkakatiwalaan kita, pero kung mali ka, pagbabayarin ko siya sa pananakit niya sa iyo."May pinal na tono siya, na sinasamahan ng isang bagay na lubos na mapanganib.Tinatanggap ko ang kompromiso. "Sige, pero makikita mo na hindi ako nagkakamali dito."Wala siyang sinasabi; hinahalikan lang niya ang aking noo at pagkatapos ay bumalik sa kanyang kape. Nag-usap pa kami nang kaunti. Walang partikular na mahalaga, pero masarap ang pakiramdam.Makipag-usap sa kanya at makasama siya, ang lahat ay tila maganda. Para bang nasa bahay ako pagkatapo

  • Ex-Husband's Regret   Kabanata 345

    Hindi ako nakatulog nang maayos kagabi, at kitang-kita ito sa hitsura ko ngayong umaga. Pagod na pagod ako, pareho sa isip at katawan. Si Rowan at ako ay hindi na natulog sa parehong kama mula noong gabi ng aming date. Sa unang pagkakataon mula noon, naisipan kong imbitahan siya pagkatapos naming umuwi mula sa istasyon ng pulis. Mabagal akong naglalakad papuntang kusina. Maaga pa, at malamang ako lang ang gising. Kailangan ko ng kape agad kasi kailangan kong ibalik si Gunner. Sinabi ni Calvin na magiging abala siya at baka hindi niya makuha siya, kaya't inalok ko na ihatid siya.Nagiingat, tinatawid ko ang threshold papuntang kusina pero bigla akong natigilan. Naupo si Rowan sa kitchen island na may mainit na tasa.Lumingon siya nang marinig ako, at nagtagpo ang aming mga mata."Hindi ka makatulog?""tanong niya, tumatayo."Tumango na lang ako habang pinapanood siyang buksan ang aparador para kumuha ng isa pang tasa. Nang hindi ko siya tinanong, nagbuhos siya sa akin ng kape mula

  • Ex-Husband's Regret   Kabanata 344

    Nakarating kami sa istasyon, at tumaas ang aking pagkabahala. Naging sobrang nerbiyoso ako, hindi ko talaga alam kung gusto kong marinig ang sasabihin ni Brian. Ano ang gagawin ko kung siya talaga ang nasa likod ng aking tangkang pagpatay?Sige, hindi kami magkasundo, pero kilala ko na siya simula pagkabata ko. Magkasama kaming lumaki, at para sa akin, siya ang aking kapatid. Nakatira kami sa parehong bahay hanggang sa siya ay magtapos at lumipat sa kolehiyo."Okay ka lang?""Tanong ni Rowan, ang kanyang pag-aalala ay nakikita sa kanyang mukha.""Medyo kinakabahan lang."Hawak niya ang kamay ko bago niya ako hinagkan nang malumanay. Hindi ako tumitigil dahil kailangan ko ito. Kailangan ko siya."Okay lang ang lahat; huwag kang mag-alala." Pinatibay niya ako pagkatapos humiwalay.Tumango ako, at lumabas kami ng kotse. Hawak pa rin ang kamay ko sa kanya, naglakad kami patungo sa istasyon at pumasok. Ang iba ay sumunod din sa amin, at kami ay dinala sa opisina ng hepe ng pulis."Sal

  • Ex-Husband's Regret   Kabanata 343

    Tumango ako, nauunawaan kung bakit siya kinakabahan sa tawag. Gusto kong magmadali roon nang mabilis hangga't maaari, pero may mga bisita rin kami, at abala pa rin ang kaarawan ni Noah."Tapusin muna natin ang party ni Noah, saka tayo makikipagkita kay Brian," sabi ko sa kanila habang tumatayo.Sang-ayon kaming lahat doon at bumalik kami sa party.Tama ako; iniwan ni Rowan si Iris sa mga magulang ko. Pumunta ako sa mga kaibigan ko na may mga nag-aalalang ekspresyon sa kanilang mga mukha.Ano'ng nangyayari? At nasaan sina Emma, Trevor, at Kate?Ang mga mata ni Letty ay nag-iikot sa paligid, marahil ay hinahanap ang kanyang kasintahan."Naaresto si Emma, kaya sinundan siya nina Trevor at Kate papunta sa istasyon."Ano?Ang kanilang gulat na sigaw ay nagulat sa ilang mga bata na naglalaro malapit sa amin. Pinatahimik ko sila at saka ko sinabi sa kanila ang lahat ng nangyari. Si Calvin ay may malamig at walang pakialam na hitsura, samantalang si Corrine at Letty ay mukhang naguguluha

  • Ex-Husband's Regret   Kabanata 342

    Patuloy akong nakatitig sa mga opisyal sa pagkabigla. Lahat tayo. Parang lahat kami ay natigilan, hindi makapaniwala sa nangyayari.Hindi hanggang matapos nilang ikulong siya at sinimulan na siyang hilahin, doon lamang nagising si Trevor at Kate at kumilos."Anong nangyayari?" Mali ang tao na napuntahan mo!Sumigaw si Trevor, pero tiningnan lang siya ng mga pulis nang masama.Tumigil sila at humarap upang tingnan siya. Parang nasa panaginip si Emma. Parang nalayo siya somehow, at may ekspresyon ng hindi makapaniwala sa kanyang mukha."Siyempre, hindi natin ginawa," sagot ng blonde. "Sabi niya mismo na siya si Emma Sharp at siya ang ipinadala naming arestuhin."Hindi kumilos si Emma, at hindi siya lumaban. Nakatayo siya nang parang estatwa, ang kanyang mga mata ay nawawala at nalilito. Naiintindihan ko siya, though. Nalito rin ako nang husto. Bakit nila siya arestuhin? Bakit nila iisipin na siya ang may kasalanan sa aking sinadyang pagpatay?"Dapat may pagkakamali." Hindi susubukan

DMCA.com Protection Status