Share

Kabanata 2

Author: Evelyn M.M
last update Last Updated: 2024-05-08 11:31:09
“Kailangan kong umalis, pwede mo bang samahan muna si Noah? Hindi ko alam kung gaano ako katagal doon,” Ang sabi ko ng walang ibang iniisip habang kinuha ko ang handbag ko.

“Sige. Pupunta ako doon sa oras na mapapunta ko ang nanay ko dito para bantayan si Noah,” Ang sagot ni Rowan, ngunit mahina ito dahil sa matining na tunog sa tainga ko.

Wala ako masyadong maintindihan habang nagpaalam ako sa anak ko at umalis. Pumasok ako sa kotse ko at nagsimulang magmaneho patungo sa hospital. Blanko ang aking isipan.

Habang lumalaki, masasabi na pinabayaan ako ng emosyonal. Ako ay isang bata na hindi masyadong pinakialaman ng mga magulang ko. Ang paborito ng tatay ko ay ang ate ko, si Emma. Dati niyang tinatawag si Emma na kanyang baby girl. Ang prinsesa niya. Ang paborito naman ng nanay ko ay ang kuya kong si Travis. Si Travis ang gwapo niyang anak. Walang may paborito sa akin. Ako lang si Ava.

Dati ko pa pakiramdam na walang may gusto sa akin. Hindi welcome. Hindi lang sa mga magulang ko kundi pati sa mga kapatid ko. Anuman ang pagsisikap ko, mabuting grades, sports, school clubs, lagi akong nananataili sa tabi lang. Pakiramdam ko na isang estranghero lang ako. Kahit kailan hindi naging parte ng isang malaki at masayang pamilya.

Pagkatapos ng nangyari noong nakaraang siyam na taon, ang maliit na relasyon ko sa pamilya ko ay tuluyan nang nawala. Halos hindi na ako kinakausap ni Travis at si tatay ay masama pa ang pakikitungo sa akin. Ganito rin si nanay. Kinakausap niya lang ako kapag may sinasabi siyang mahalaga sa akin. Ang babaeng kapatid ko lang ang tanging iba. Hindi pa kami nagkikita o nag uusap ng siyam na taon. Ang huling mga salita na sinabi niya sa akin ay patay ako sa kanya. Na wala na siyang kapatid na babae.

Ngayon ay narito ako. Nagmamaneho patungo sa hospital dahil ang tatay ko ay binaril at manhid lang ako. Kahit na nangyari ang lahat ng ito. Hindi ba’t dapat ay may maramdaman pa ako? Baka kalungkutan?

Ano ang dapat mong maramdaman kapag sinabi sayo na ang tatay mo na itinaboy ka ng buong buhay mo ay nakahiga at may bala sa loob niya? Ano ang dapat kong reaksyon? At kakaiba ba na wala akong nararamdaman?

Ang buong biyahe patungo sa hospital ay nag iisip ako. Iniisip ko ang kabataan ko at parte ng pagtanda ko. Ang sakit ay nandoon pa rin. Sa tingin ko ay ang sakit ng pagtaboy sa akin ng pamilya ko ay hindi mawawala kahit kailan.

Ito ako. Isang babaeng itinaboy. Una ay mula sa pamilya, pagkatapos ay sa asawa at mga biyenan. Ang tanging tumatanggap at nagmamahal sa akin ay si Noah.

Hindi matagal bago ako nakarating sa hospital. May isang main hospital sa lungsod na ito at alam ko na nandoon ang tatay ko.

Pagkatapos magpark, lumabas ako. Ang malamig na hangin ng gabi ay umihip sa buhok ko. Huminga ako ng malalim at tumayo ng diretso bago pumasok ng gusali.

“Hinahanap ko si James Sharp, sa tingin ko ay dinala siya dito dahil nabaril siya,” Ang sabi ko sa receptionist sa oras na dumating ako sa front desk.

“Ano po ang relasyon niyo?” Ang tanong ng receptionist.

“Tatay ko siya.”

Tumang siya. “Sandali lang po.” Huminto siya at nag-type sa kanyang computer, “Okay, nasa ER po siya, naghahanda po para sa surgery. Dumiretso lang po kayo, at sa dulo ay makikita niyo po ang emergency room. Nandoon po ang pamilya niyo.”

“Salamat.”

Tumalikod ako at sumunod ako sa mga utos niya. Mabilis ang tibok ng puso ko sa bawat hakbang.

‘Magiging ayos lang siya. Gagaling din agad siya at babalik siya sa dating sarili niya,’ Ang bulong ko sa sarili ko.

Kahit na may problema kami, gusto ko na maging ayos lang siya. Baka nga hindi maganda ang pakikitungo namin sa isa’t isa, pero mapagmahal pa rin siya kay Noah, at ito lang ang hinihiling ko.

Binuksan ko ang pinto para pumasok. Agad kong nakita si nanay at si Travis na naghihintay sa upuan.

“Nanay, Travis.” Ang sabi ko bilang pagbati.

Pareho silang tumingin sa akin. Ang mga mata ni nanay ay pula mula sa kakaiyak at ang asul na sundress niya ay puno ng dugo. Tuyo ang mga mata ni Travis ngunit makikita mo pa rin na apektado siya dahil dito. Sinsusubukan niyang maging mahinahon para kay nanay.

Umupo ako sa tabi niya. “Ano ang nangyari at kamusta na siya?”

Ang mga tanong na ito ay nagdala ng sariwang mga luha.

“Binaril siya ng dalawang beses habang pabalik mula sa store, sa labas ng bahay natin. Tumawag ako ng ambulansa at agad namin siyang dinala dito. Sinabi ng doctor na ang isa sa mga bala ay tumagos sa baga niya at ang yung isa naman ay sa kidney niya. Naghahanda sila para sa surgery niya.” Pumiyok siya sa dulo.

Tumango ako. Gusto kong pagaanin ang loob niya. Gusto kong yakapin siya, ngunit sa tingin ko ay hindi ako welcome na gawin tio.

“Wag kang mag alala. Si tatay ang pinakamalakas na lalaking kilala ko. Magiging ayos lang siya,” Sinubukan kong palubagin ang loob niya.

Wala siyang sinabi. Nagpatuloy lang siyang umiyak.

Makalipas ang ilang minuto, nilabas si tatay. May suot siyang hospital gown at nakahiga siya sa isang hospital bed. Si Travis at si nanay ay agad na tumayo at lumapit sa tabi ni tatay.

Nanatili akong nakaupo. Sigurado ako na ako huling taong gusto niyang makita. Mas pipiliin niyang makasama si Emma.

Pinanood ko habang umiyak si nanay para kay tatay. Mahina na pinunasan ni tatay ang mga luha ni nanay ngunit patuloy ito sa pagtulo. May sinabi s tatay kay Travis at tumango si Travis. Puno ng determinasyon ang mukha niya. Bago pa nila dalhin paalis si tatay, nakita ko na inabot niya ang isang piraso ng papel kay nanay. Tumulo na naman ang mga luha sa mukha ni nanay dahil dito.

Hinalikan ni nanay si tatay at dinala na nila si tatay paalis. Sina nanay at si Travis ay bumalik sa kanilang upuan. Hindi kami nag salita habang naghihintay ng matagal.

Tumayo ako, naglakad, umupo ulit. Kumuha ako ng kape para sa lahat. Sa bawat lumipas na minuto, mas naging balisa kami. Makalipas ang dalawat kalahating oras, pumunta ang doctor sa waiting area.

Mula sa seryosong tingin sa mukha niya, alam ko na hindi umabot si tatay. Ito rin ang naisip ni nanay dahil mabilis ang paghinga niya.

“Siya ay nagkaroon ng cardiac arrest, sinubukan namin ang lahat ng makakaya namin, pero hindi namin siya nagawang iligtas. Patawad sa nangyari.” Ang sabi niya.

Ang tunog ng mga iyak mula sa bibig ng nanay ko ay puno ng sakit at lungkot. Sinalo ni Travis si nanay bago pa matumba si nanay at pareho silang lumuhod. Parehong umiiyak dahil sa nangyari.

Patay na si tatay at at alam ko na ibig sabihin nito, kailangan bumalik ni Emma.

Related chapters

  • Ex-Husband's Regret   Kabanata 3

    Umupo ako sa malamig na hospital chair, humihinga ako ng malalim. Umiiyak pa rin si nanay at hindi siya mapatahan. Kumirot ang puso ko para sa kanya. Naiintindihan ko na hindi madali mawala ng hindi inaasahan ang lalaking minahal mo.Nakakagulat pa rin ito. Inaasahan ko na gagaling siya, ngunit ngayon ay patay na siya at wala akong ideya kung ano ang dapat kong maramdaman.Hindi pantay ang tingin namin sa isa’t isa at kahit na kinamumuhian niya ako, mahal ko siya. Tutal, tatay ko siya, kaya paanong hindi ko siya mamahalin?“Ayos ka lang ba?” Ang tanong ni Rowan habang umupo siya sa tabi ko.Dumating siya ng isang oras na ang nakaraan at ito ang unang beses na kinausap niya ako simula noong dumating siya. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa pag aalala na pinapakita niya. Tutal, hindi niya pa naisip ang tungkol sa nararamdaman ko noon.“Oo.” Ang sabi ko.Hindi pa ako lumuluha simula noong sinabi ang balita. Baka ito ay dahil sa pagkagulat o baka naubusan na ako ng mga luha pa

    Last Updated : 2024-05-08
  • Ex-Husband's Regret   Kabanata 4

    Naramdaman mo na ba na ang puso mo ay pinadaan sa isang mincer? Ito ang pakiramdam ko ngayon at nakatingin ako sa kanila. Na para bang ang puso ko ay nahiwa sa maraming piraso.Kung pwede ko lang itapon ang walang kwentang parte ng katawan na ito, gagawin ko ito. Dahil ang sakit na binibigay nito ay lubos talaga.Gusto kong tumakbo palayo, tumingin palayo, pero hindi ko magawa. Ang mga mata ko ay nakatitig sa kanila at kahit na gusto kong ilayo ang mga mata ko, ito ay parang nakaglue ang mga mata ko sa kanila. Sa eksenang puno ng pag ibig sa harap ko.Pinanood ko habang lumayo sila sa isa’t isa. Malambing ang mga mata ni Rowan habang nakatitig siya sa babaeng mahal niya. Patuloy ako sa panonood habang hinawakan ni Rowan ang mukha ni Emma. Dinala niya ito palapit sa kanya. Hindi niya hinalikan si Emma, dinikit niya lang ang noo niya sa noo nito.Mukha siyang payapa. Na para bang nakauwi na siya makalipas ang mahabang panahon. Na para bang buo na siya sa wakas.‘Namis kita,’ Ang nab

    Last Updated : 2024-05-08
  • Ex-Husband's Regret   Kabanata 5

    Walang kahit ano sa araw na ito ang naging masama. Ang araw ay makinang at tila maayos ang lahat habang nag drive ako sa mga pamilyar na daan.Ang chapel ay puno ng tao noong dumating ako. Halos lahat ay pumunta para sa huling bisita nila.Sinuri ko ang lugar at nakuntento na makita ang lahat ay nasa lugar. Walang kahit sino sa iba ang nakatulong pagdating sa paghahanda sa libing. Ako ang sumalo ng lahat.Ngunit, hindi ako nagreklamo. Tinanggap ko ito bilang pagkakataon para bayaran ang ginawa niya para sa akin. Tutal, pinakain niya ako, binigyan niya ako ng damit at kwarto na tirahan.Magsisimula na ang service noong halos lahat ay nakaupo na. Nagdesisyon ako na umupo sa kabilang dulo. Hindi tama ang umupo katabi ng iba. Lalo na at hindi tama ang umupo ako sa tabi ni Emma.“Mommy, bakit po tayo nakaupo dito… hindi po ba’t nakaupo dapat tayo sa tabi ni lola?” Ang tanong ni Noah, tumuro siya kung nasaan ang iba.Syempre, kakaiba ang tingin sa amin ng mga tao, ngunit wala akong pak

    Last Updated : 2024-05-08
  • Ex-Husband's Regret   Kabanata 6

    Rowan:May bagay na nangyayari sa loob mo kapag nakita mo ang ex-wife mo, ang nanay ng anak mo, na binaril at dumudugo sa lupa ng sementeryo. Isang pakiramdam na hindi ko inaasahan na mararamdaman ko para kay Ava.Noong makita ko ang mga lalaki na nakatutok ang baril sa amin, hindi ako nag isip. Alam ko na ligtas si Noah sa mga magulang ko, kaya ang katawan ko ay kumilos para tumalon patungo kay Emma. Mamamatay ako para sa kanya at handa akong gawin ito.Gumaan ang loob ko nang makita ko na ang mga lalaking may baril ay tumakas nang makita ang pulis, ngunit sandali lang ang gaan ng loob ko nang sumigaw ang isa sa mga pulis para tumawag ng ambulansya. Lumingon ako at inisip ko kung sino ang nasaktan, ngunit hindi ko inaasahan na ito ay si Ava, at halos napaluhod ako nang makita ko na nasakatan siya.Masyadong mabilis ang mga pangyayari. Ang ambulansa ay dumating at ang mga pulis ay hindi pinayagan na umalis si Ava hanggang sa sinigurado niya na si Ava ay ligtas na sa kamay ng doctor

    Last Updated : 2024-05-08
  • Ex-Husband's Regret   Kabanata 7

    Ava:Gumising ako habang may masakit na likod at braso. Nasa kama ako kasama si Noah dahil ayaw niya akong iwanan pagkatapos namin manood ng TV. Ngumiti ako nang maalala ko na sinabi niya na sineseryoso niya ang trabaho niya at na siya ang mag aalaga sa akin sa buong gabi.Medyo hirap ko siyang kinilos ng hindi ko siya ginigising. Alas otso na at kailangan ko maghanda ng agahan bago siya gumising.Pagkatapos gawin ang aking morning routine, bumaba ako ng hagdan. Tumayo ako sa labas ng kusina habang iniisip kung paano ako gagawa ng agahan gamit ang isang kamay.Habang hinahanda ko ang mga ingredient para gumawa ng pancakes, napunta ang isip ko sa mga alaala ng kahapon. Ang lahat ng nangyari ay tila panaginip lang at may parte sa isipan ko na iniisip kung nangyari ba talaga ito. Kung hindi lang dahil ang balikat ko ay may bandage at ang braso ko ay nasa isang sling, iisipin ko na isang masamang panaginip ang lahat ng yun.Noong gumising ako sa hospital pagkatapos kong mawalan ng mal

    Last Updated : 2024-05-08
  • Ex-Husband's Regret   Kabanata 8

    Rowan:Nakita ko sa oras na pinatay niya ang mga emosyon niya. Ang oras na ang emosyon sa mga mata niya kanina ay agad na naging malamig. Nanlamig din ang pakiramdam ko dahil dito.“Ano ang ginagawa mo dito?” Ang tanong ni Ava habang walang emosyon ang boses niya at pinilit kong pumasok sa bahay niya. Ito ay para bang kausap niya ang isang estranghero. Na para bang isa lang akong piraso ng alikabok at wala nang iba. Tumitig ako sa kanya, hindi ko maisip ang sasabihin ko. Tumira ako ng isang dekada kasama ang babaeng ito at ngayon ay hindi ko mahanap ang tamang mga salita.Tumingin ako sa kamay niyang nasa sling pa rin. Pumunta ako para tingnan ang sitwasyon niya, pati na rin ang sunduin si Noah. Weekend ngayon, kaya oras ko para makasama si Noah.Nang maalala ko ang lalaking umalis, kumunot ang noo ko. Para sa kanya siguro ang ngiti na yun. Dumiin ang kagat ng ngipin ko nang mapagtanto ito.“Ano ang ginagawa niya dito?” Ang tanong ko sa halip na sumagot ako, sinusubukan kong itago

    Last Updated : 2024-05-08
  • Ex-Husband's Regret   Kabanata 9

    “Ano ang gusto mong sabihin ko? Alam mo naman na kahit kailan ay hindi ako nagsinungaling sayo. Alam mo na mahal ko siya noon pa.”Hinagis niya ng galit ang dishtowel. “Hindi yun pumigil sayo para gamitin ang katawan ko, hindi ba? Talaga, I hate you. Hindi ko alam kung ano ba ang nagustuhan ko sayo noong una. Hindi ko alam kung bakit nag aksaya ako ng sobrang daming oras at lakas para sayo.”Kinagat ko ang ngipin ko dahil sa mga sinabi niya. Nagalit ako sa mga salita niya. Oo, sumiping kami sa isa’t isa sa kasal namin, pero ito ay para lang mawala ang kati. Sumumpa kami sa isa’t isa, pero hindi ko siya mahal. Hindi ko sisirain ang mga ito at pagtataksilan siya.“Hindi ako nandito para pag usapan ang nakaraan, nandito ako para pag usapan si Noah,” Ang sabi ko habang binabago ang pinag uusapan.Nakakapagod ang magpaikot ikot. Kailangan ko sabihin kung ano ang balak kong sabihin noong dumating ako dito, pagkatapos ay aalis ako bago ko sabihin o gawin ang pagsisisihan ko.Nakuha ang a

    Last Updated : 2024-05-08
  • Ex-Husband's Regret   Kabanata 10

    Ava:“Hindi ko pa rin po maintindihan kung bakit kailangan ko pong umalis. Bakit hindi po ako pwedeng manatili dito kasama niyo?” Ang reklamo ni Noah. Nakasimangot ang gwapong mukha niya.Masama ang loob niya simula noong sinabi ko sa kanya na aalis siya kasama ang mga lolo at lola niya. Noong una ay sabik siya tungkol dito, ngunit nalungkot siya nang mapagtanto niya na hindi niya kasama ako o ang tatay niya.Nauunawaan ng school niya ang sitwasyon namin. Pumayag pa ang teacher niya na ipadala ang lessons sa nanay upang hindi maiwan sa klase si Noah.“Sinabi ko na sayo, mahal, ito ang bakasyon niyo ng mga lolo at lola mo… ito ay para sa inyo lang ng mga lolo at lola mo.”Pagkatapos kausapin ang chief, siniguro niya sa amin na dadalhin sila sa isang tropikal na lugar.“Pupunta ka sa beach. Hindi ba’t matagal mo nang hinihiling na pumunta sa isang bakasyon?” Ang dagdag ko habang nakangiti.Agad na nakuha ang atensyon niya sa salitang ‘beach’. Ang lahat ng reklamo niya ay wala na.

    Last Updated : 2024-05-08

Latest chapter

  • Ex-Husband's Regret   Kabanata 417

    Gabriel."Magiging okay ba kayong dalawa ngayong gabi?" Tanong ko habang binubuksan ang pinto ng sasakyan kina Harper at Lilly."Oo" Sagot niya at iniwas ang tingin sa akin. "Huwag kang magalala, baka makatulog na kaming dalawa pagpasok namin sa loob.""Okay", Umabante ako at hinalikan si Lilly sa pisngi. Mukhang handa na siyang bumaba. “Magandang gabi sweetheart.”"Goodnight daddy" Bulong niya.Bwisit. Sa tingin ko hindi ako masasanay na tinatawag niya ako ng ganoon. Gaya nga ng sinabi ko kanina, nung nalaman ko si Lilly, balak ko na gamitin siya bilang huling alas para makuha ang gusto ko mula kay Harper. Ngayon bagaman, ito ay isang ganap na naiibang kwento.Sa tuwing tinatawag niya akong ganyan, ngayon, kumikibo ang puso ko. Nakaramdam ako ng kung anong init na bumabalot sa loob ko. Kakaiba talaga. Wala akong naranasan dati.Sa isang maliit na alon at isang magandang gabi mula kay Harper, tumalikod sila at umalis. Matapos masigurado na ligtas na sila sa loob ng gusali, tumal

  • Ex-Husband's Regret   Kabanata 416

    "Hi" Para sa kakaibang dahilan, nasabi ko ang salitang iyon.Ang pagharap kay Ava ay parang pagharap sa lihim mong crush. Bigla akong pinagpawisan at kinabahan.Sa halip na sumagot ay hinila niya ako ng mahigpit. Isang mainit na yakap iyon. Parang nakayakap sa malambot at malambot na teddy bear.“Natutuwa akong opisyal na makilala ka, Harper. Welcome sa pamilya.” Bulong niya kaagad bago siya humakbang palayo.Dinala ako ni Gabriel sa out-door setup na maraming pagkain sa mesa. Ginalaw niya ako kaya umupo ako sa tabi niya.Nakuha ba niya na kinaiinisan ko ang kalapitan niya ng may dahilan?Sa loob ng ilang segundo, lahat ay naghuhukay."Kung gayon, Harper, anong trabaho mo?" Tanong ng mom ni Gabriel.Napalunok ako, ng lumingon ang lahat. Naiinis ako kapag nakatuon ang atensyon sa akin."Ako’y isang interior designer," Sagot ko, habang sinusubukang panatilihin ang eye contact.Kung mayroong isang bagay na itinuro sa akin ng aking mom, ito ay ang pakikipag ugnay sa mata ay mahal

  • Ex-Husband's Regret   Kabanata 415

    "Kasal siya kay Ava?" Tanong ko na lubos at lubos na nabigla."Oo" Sagot niya tapos nanliit ang mata niya. "Bakit parang gulat na gulat ka sa balitang iyan?"Nagkibit balikat na sagot ko. "Marahil dahil gulat pa din ako."At ako nga. Hindi ko kailanman nakita ang pagdating nito. Wala kahit kaunti. Tulad ng sinabi ko, kinasusuklaman ni Rowan si Ava, kaya paano siya napunta sa kanya? Paano ang mga bagay nagbago ng sobra na siya ngayon ay masaya at kung ano pa man?Ang Rowan na naalala ko ay moody, galit, bitter at may chip na kasing laki ng isang buong galaxy sa balikat. Panay ang pagsimangot niya sa mukha at bihira siyang ngumiti. Nangyari ang lahat ng pagbabagong iyon pagkatapos niyang matulog kay Ava at makipaghiwalay kay Emma.Itong bagong version niya ang nagpaalala sa akin noong kasama pa niya si Emma. Dati ay nagliliwanag ang mukha nito sa tuwing nakikita siya o malapit sa kanya. Panay ang ngiti niya na para bang ang presensya lang ni Emma sa buhay niya ang nagpapasaya sa kan

  • Ex-Husband's Regret   Kabanata 414

    Mukhang masaya si Rowan ngayon, kaya gaya ng sinabi ko, iniisip ko na nagkabalikan sila ni Emma. Iyon lang ang posibleng senaryo. Mula sa sinabi sa akin noon ni Gabriel, galit na galit si Rowan kay Ava, tulad ng pagkamuhi sa akin ni Gabriel.Lumipat ang mata ko sa batang babae. Medyo pamilyar siya, pero hindi ko mailagay ang mukha niya. Marahil siya ay anak nina Rowan at Emma kahit na hindi siya katulad ng Emma na naalala ko. At muli, ang mga gene ay maaaring maging kakaiba kung minsan."At ang batang babae?""Ang pangalan niya ay Iris" Sagot niya, ang kanyang proximity ay gumagawa ng ilang mga kakaibang bagay sa akin.Paalis na, sinubukan kong panatilihing kaunti ang distansya sa pagitan namin.Pinagpatuloy ko ang panonood kay Iris, na isang bola ng enerhiya. Meron itong magandang asul na mga mata na nakikita kong kumikinang hanggang sa kinatatayuan ko. Hindi siya kamukha ni Emma, ​​ngunit kung tama ang pagkakaalala ko, si Emma ay may asul na mga mata, kaya malamang na nakuha ito

  • Ex-Husband's Regret   Kabanata 413

    Harper.Hindi ko na napigilan ang kaba kahit na sinundan namin ni Gabriel ang mga magulang niya. Sa totoo lang, naging mas maganda ang usapan sa opisina kaysa sa inaasahan ko. Hindi ko alam kung ano ang inaasahan ko, ngunit hindi ito ang kanilang kalmado, o marahil ito ay ang kalmado bago ang bagyo?Hindi ko rin maintindihan kung bakit hindi sinabi ni Gabriel sa kanila na kasal na kami noon. Sa kabila kung paano natapos ang aming kasal, ito ang pinaka makatuwirang gawin. Hindi ko ginusto na itinatago niya ang mga ito sa dilim.“Okay ka lang ba?” Hinila ako ng boses niya pabalik sa kasalukuyan.Tumingala ako sa kanya para lang makita ang kanyang mata na nakatitig sa akin ng seryoso. Sobrang tumatagos ang mga ito, parang binabasa niya ako hanggang sa kaluluwa ko. Iniwas ko ang mga mata ko sa kanya, tumutok ako sa harapan."Oo, medyo kinakabahan pa rin ako, hindi ko alam kung bakit," Totoo kong sagot.Ang pinakamasamang bahagi ay tapos na, kaya hindi ko alam kung bakit ako nababalis

  • Ex-Husband's Regret   Kabanata 412

    Salamat sa kanyang kapatid, alam kong gusto niya ako at ito ang nagbigay sa akin ng pinakamahusay na sandata laban sa kanya. Gusto ko siyang saktan, sirain at maging sanhi ng sakit para sa pagkuha ng kalayaan mula sa akin. Hindi kailangan ng isang henyo na malaman ang pangangaliwa sa kanya ay makakasakit sa kanya at kung kaya ginawa ko ito at sinigurado na alam niya ito. Gusto kong pagsisihan niya ang naisip niyang bitag ako. Gumana ito at bawat beses na nakita ko siya, nakita ko ang kirot sa kanyang mga mata. Alam kong nagiging halimaw ako, pero nasisiyahan akong makita ang sakit doon."At paano kayo nagkita ulit after years?" Nagpatuloy si mom ng hindi ako nagkomento sa obserbasyon ni dad."Pinahanap ko siya," Nagkibit balikat ko. "Gusto ng board na magpakasal ako at manirahan kasama nito at kaya ko ginawa."Lumipat ang mga mata ng aking ina kay Harper. "At pumayag kang pakasalan siya sa kabila ng kasuklam suklam na pakikitungo niya sayo?"Napangiwi ako sa sinabi ni mom. Ayaw kon

  • Ex-Husband's Regret   Kabanata 411

    Alam kong magiging pasabog ang magiging reaksyon nila. Hindi araw araw na sinasabi sayo na mayroon kang manugang at apo na hindi mo alam.Ang aking dad ay nagsimulang maglakad at alam ko kung ano ang iniisip niya. Sinanay ni Dad ako at si Rowan. Lagi nating alam kung ano ang iniisip niya dahil pareho tayo ng iniisip.Marahil ay nagtataka siya kung paano nangyari ito. Nag iisip kung kumuha ako ng paternity test para masiguradong anak ko nga si Lilly. Iniisip din niya kung nagawa ni Harper kahit papaano na lokohin ako, bitag ako. Siya ay nasa mode ng pag iisip, sinusubukang gawin ang lahat ng mga anggulo.“P-Paano nangyari ito? Paano ka nagkaroon ng asawa at anak na babae ng biglaan?" Nauutal na sabi ni mom, sinusubukang buuin ang mga salita.Bakas pa rin sa mukha niya ang gulat. Lumipat ang mga mata niya mula sa akin kay Harper na tahimik na nakatingin sa sahig. Kinakabahan siya. Nagpanic sa loob. May malakas na tulak para hawakan siya. Upang bigyan siya ng katiyakan sa pamamagitan

  • Ex-Husband's Regret   Kabanata 410

    Gabe.“Mom!” Sigaw ko at sumugod sa kanya.Nakahandusay siya sa sahig. Walang dapat magsabi sa akin na ang gulat ng makita si Lilly ang naging dahilan ng pagkahimatay niya. Tulad ng sa akin, kailangan lang niyang tingnan ang kulay abong mga mata upang malaman na si Lilly ay isang Kahoy.Marahan kong sinampal ang pisngi niya, pero wala itong nagawa para magising siya. Idinausdos ko ang isang kamay sa ilalim ng kanyang mga balikat at ang isa sa ilalim ng kanyang mga tuhod, binuhat ko siya sa aking mga kamay at dinala sa pinakamalapit na sofa.“Dad! Rowan!” Sigaw ko sa kanila, natatakot na iwan ang aking ina.“Okay lang ba siya?” Tanong ni Lilly sa maliit at mahinang boses. “May nagawa ba akong mali? Wala ba siyang malay dahil sa akin?"Ang mga luhang lumalangoy sa kanyang mga mata ay ang aking pagwawakas. Sa ganoong kaikling panahon, napako na siya sa mismong hibla ng aking pagkatao. Nasasaktan ako ng makita siyang umiiyak. Sa totoo lang hindi ko iniisip na minahal ko ang isang tao

  • Ex-Husband's Regret   Kabanata 409

    Ang tawag ni Gabriel ay nagpalipat sa akin mula sa parehong lugar kung saan iniwan ako ni Lilly. Hindi pa rin ako makapaniwala na sasabihin niya iyon sa akin. Noong nabubuhay pa si Liam, tila hindi siya nag abala na wala siyang mga kapatid. Hindi siya kailanman humiling ng ganito, kaya nagtataka ako kung saan nanggaling yung biglaang pagbabago.Ngayon alam kong nagtataka kayo kung bakit hindi kami nagkaanak ni Liam sa kabila ng matagal ng kasal. Ang totoo, sinubukan namin. Laging gusto ni Liam ang isang pamilya, mga anak ng kanyang sarili. Alam kong mahal niya si Lilly tulad ng sarili niya, pero gusto rin niya ang sarili niyang dugo.Gusto kong ibigay sa kanya iyon. Gusto kong magpasalamat sa kanya dahil nandiyan siya para sa akin noong wala akong kasama. Para sa pagpapakasal sa akin at pagbibigay ng pamilya kay Lilly. Ang pagkakaroon ng kanyang sanggol ay hindi gaanong hinihiling at wala akong nakitang problema dito.Gaya nga ng sabi ko, sinubukan namin, pero walang nangyari. Hangg

DMCA.com Protection Status