Share

Kabanata 6

Author: Evelyn M.M
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56
Rowan:

May bagay na nangyayari sa loob mo kapag nakita mo ang ex-wife mo, ang nanay ng anak mo, na binaril at dumudugo sa lupa ng sementeryo. Isang pakiramdam na hindi ko inaasahan na mararamdaman ko para kay Ava.

Noong makita ko ang mga lalaki na nakatutok ang baril sa amin, hindi ako nag isip. Alam ko na ligtas si Noah sa mga magulang ko, kaya ang katawan ko ay kumilos para tumalon patungo kay Emma. Mamamatay ako para sa kanya at handa akong gawin ito.

Gumaan ang loob ko nang makita ko na ang mga lalaking may baril ay tumakas nang makita ang pulis, ngunit sandali lang ang gaan ng loob ko nang sumigaw ang isa sa mga pulis para tumawag ng ambulansya. Lumingon ako at inisip ko kung sino ang nasaktan, ngunit hindi ko inaasahan na ito ay si Ava, at halos napaluhod ako nang makita ko na nasakatan siya.

Masyadong mabilis ang mga pangyayari. Ang ambulansa ay dumating at ang mga pulis ay hindi pinayagan na umalis si Ava hanggang sa sinigurado niya na si Ava ay ligtas na sa kamay ng doctor.

Nagalit ako dahil ayaw siyang paalisin ng pulis, asawa ko siya, ex-wife pala, pero galit na galit ako sa sarili ko. Naprotekatahan ko sana siya. Kung may mas masamang nangyari kay Ava, paano ko ito ipapaliwanang kay Noah? Paano ko ikakatwiran na nabigo kong protektahan ang nanay niya?

Kaya ngayon, nandito ako at naglalakad ng pabalik-balik sa waiting room. Sobrang nag aalala ako dahil wala pa kaming balita simula noong dinala si Ava sa emergency room. Walang kahit sino ang lumabas para sabihan kami tungkol sa sitwasyon.

“Sana ay maging ayos lang siya,” Ang bulong ng nanay niya, si Kate.

Ito ang unang beses na narinig ko ang kahit anong emosyon sa boses niya tuwing pinag uusapan si Ava. Mukhang ang pagkawala ng asawa niya at halos pagkawala ng anak niya ay nagbigay ng emosyon na ito.

Nandito kaming lahat maliban kay Noah. Nakaupo si Travis sa tabi ni Kate, na siyang nasa tabi ni Emma.

Umupo ako at hindi ko makontrol ang balisa sa loob ko. Kailangan ay maging okay siya para kay Noah. Yun ang pauli-ulit kong sinasabi sa sarili ko.

Hindi ko alam kung gaano katagal kaming maghihintay, pero noong lumingon ako, nakita ko si Ava. Nakita ko na nasa nurse’s station siya at inaasikaso ang mga papeles. Ang kaliwang braso niya ay nasa isang sling habang nilabas niya ang credit card niya at nilagay niya ito sa bag niya.

Hirap niyang nilabas ang phone niya habang hawak niya pa rin ang bag niya. Madaling makita na mahirap itong gawin base sa kunot ng noo niya.

“Ava.” Ang sabi ko sa oras na lalampas na sana siya sa amin. Ang mga mata niya ay nasa phone pa rin.

Lumingon siya. Agad kong napansin na may iba na sa kanya. Hindi ko malaman kung ano ito, pero may iba.

“Ano ang ginagawa mo dito, may iba pa bang nasaktan?” Ang tanong niya. Ang boses niya ay simple at walang emosyon.

“Kamusta ka?” Ang tanong ng nanay niya sa halip na sumagot,

“Malas para sa inyo, hindi pa ako patay.”

Nabigla ang lahat sa sagot niya. Hindi lang dahil sa mga salita niya, kundi dahil malamig ito.

Nagdesisyon akong sumingit. “Saan ka pupunta?”

“Sa bahay.” Ito lang ang sagot niya.

“Nasa isang sling ang kamay mo, hindi ka pwedeng mag drive.” Ang katwiran ko.

“Ito ang rason kaya tumawag ako ng taxi.”

“Ava, kailangan natin mag usap. Ito ay tungkol sa tatay mo,” Ang bulong ni Kate habang tumingin si Ava sa nanay niya.

May bagay na nawawala. Nakikita ko ito sa mga mata niya.

Nakatingin siya ng malamig sa nanay niya. “Hindi ko alam kung ano ang kinalaman nito sa akin, sa pagkakaalam ko, hindi niya ako trinato bilang anak niya.”

Nanginig ang boses ng nanay niya, ngunit hindi rin ito pinansin ni Ava. Ito ay para bang pinatay niya ang lahat ng emosyon niya at parang wala siyang pakialam sa lahat.

Naglakad siya papunta sa pinto, ngunit tumigil siya. “Nasaan ang anak ko?”

“Nasa bahay ni mom.” Ang sagot ni Travis. Nakatitig siya kay Ava.

Nagbuntong hininga si Ava. “Mukhang makakapag usap pa rin pala tayo.”

“Ako na ang maghahatid sayo.” Ang alok ko.

Kumunot ang noo ni Emma habang nakatingin sa akin, ngunit kailangan niya itong maunawaan. Kahit na hindi maganda ang pakikitungo ko kay Ava, siya pa rin ang nanay ni Noah at nasaktan siya. Asawa ko pa siya.

Ngunit, tumanggi sa akin si Ava. “Hindi na kailangan. Gagamit ako ng taxi tulad ng plano ko at makikipagkita ako sa inyo doon.”

Wala na siyang ibang sinabi, tumalikod siya at umalis. Tumitig kami sa lugar kung saan siya nakatayo kanina. Kadalasan, tinatanggap niya ang anumang pagkakataon para maging malapit sa akin. Kaya nabigla kaming lahat dahil tumanggi siya sa alok ko.

“Umalis na tayo bago pa siya makauwi, baka umalis siya bago pa natin siya makausap,” Ang mahinang sabi ni Kate. Malungkot pa rin ang boses niya.

Nagdrive kami dito ng magkakasama, kaya sumakay kami sa Cadillac Escalade ko at umalis na. Lumagpas kami sa bawat speed limit, dumating kami sa bahay ni Kate at nakita namin si Ava na sinara ang pinto sa likod niya.

Nagpark ako at lumabas. Pumasok ako sa bahay at nakita namin ang mga magulang ko at si Gabe, at hindi sila pinapansin ni Ava. Kakaiba makita ang ganitong ugali ni Ava. Kadalasan ay sinusubukan niyang kausapin ang mga magulang ko kahit na hindi siya pinapansin ng mga ito.

“Pwede bang gawin na natin ito,” Ang sabi niya ng naiirita habang umupo siya.

“Lumapit si James sa akin sa isang business proposal at gusto niyang makipag partner sa akin. Pumayag ako dahil naisip ko na isa itong magandang investment,” Ang sabi ko.

“Pinirmahan namin ang mga dokumento na kailangan at naisip namin na ito ay isang solid na kumpanya. Sa huli ay nalaman namin na ang kumpanya ay mula sa isang criminal gang. Ayaw namin ni James na madamay ang kumpanya namin sa isang bagay na hindi legal. Alam namin na masama ang kalalabasan kapag nagpatuloy kami kasama nila, kaya nakahanap kami ng paraan para i-terminate ang contract, at nireport namin sila sa pulis.”

“Okaaay.” Ang mahabang sabi ni Ava, nakakunot ang noo niya na para bang nalilito siya kung saan papunta ang lahat ng ito.

Nag buntong hininga ako, pagod na dahil sa mga pangyayari ngayong araw. “Sa huli, ang mga gang member ay isa sa mga most wanted, hindi nila tinanggap ng mabuti na sinumbong namin sila, kaya nagtago sila. Akala namin na dahil nadamay ang pulis, didistansya na sila.”

Si Kate na ang nagsalita. “Tinakot nila ang tatay mo. Nangako sila na magbabayad ang tatay mo at pagkatapos ay isusunod ang asawa at mga anak niya. Sinisi nila ang tatay mo dahil siya ang lumapit sa kanila kahit na hindi niya alam na may kinalaman sila sa hindi legal na business. Naisip namin na pananakot lang ito, hanggang sa binaril nila ang tatay mo.”

Sina Travis, Gabe, at mga magulang ko ay alam na ang tungkol dito. Tumingin ako kay Emma at nakita ko na gulat siya dahil dito. Pagkatapos ay tumingin ako kay Ava at malamig pa rin ang ekspresyon sa mukha niya.

“Hindi ko alam kung ano ang kinalaman nito sa akin,” Ang boses niya ay malamig habang nakatingin siya sa amin. Ang mga mata niya ay para bang puno ng yelo.

Tumayo siya. “Kukunin ko na si Noah at aalis na kami.”

“Ava naman, hindi mo ito sineseryoso.” Ang sabi ko habang kagat ang ngipin ko.

Hindi niya ba alam ang ibig sabihin nito? Kung anong panganib ang meron siya? Kung paano ang kalalabasan nito at ang libing niya na ang susunod naming aasikasuhin?

“Sinseseryo ko ito, at tulad ng sinabi ko, sa tingin ko ay wala itong kinalaman sa akin.”

Pareho ang galit na ipinakita ni Travis na tulad sa nararamdaman ko. “Binaril ka ngayong araw… hindi ba’t naiintindihan mo na ito ngayon?”

Tumingin siya ng masama kay Travis. “Ang naiintindihan ko lang ay nasa maling lugar ako sa maling oras.”

“Ava…” Nagsalita si Kate, ngunit sumingiti si Ava.

“Hindi. Kayong tatlo ang puntirya nila, hindi ako. Alam ng lahat sa lungsod na ito na walang kahit sino sa inyo ang itinuturing ako na parte ng pamilyang ito, kaya ano punto ng puntiryahin ang isang tao na hindi pahahalagahan ni tatay kung namatay ang taong yun?”

Naging malamig ang kwarto sa mga salitang yun. Hindi ito tulad ni Ava. Anong nangyari?

Lumingon siya para tumingin sa akin. Ang mga mata niya ay walang emosyon. Ito ay para bang patay na siya sa loob. Hindi maganda ang nararamdaman ko sa paraan ng pag tingin niya sa akin. Ayaw ko na walang kahit anong emosyon sa mga mata niya.

“Kung may dapat kayong dapat alalahanin, ang isang tao na prayoridad niyo dapat ang kaligtasan, ito ay ang babaeng nasa tabi mo. Siya ang mahal na prinsesa ni tatay, kaya wag niyo akong idamay sa anumang gulo na ginawa niya,” Huminto siya para harapin ang iba. Tumitig siya sa bawat isa sa amin.

“Tumigil na kayo sa pekeng pag aalala niyo. Hindi ko ito kailangan, at kung nasa panganib talaga ako, ako na mismo ang haharap dito. Mas gugustuhin ko pang mamatay kaysa tanggapin ang proteksyon niyo,” Ang sabi niya ng may poot at galit.

Nabigla ang nanay niya at tumitig kami ng gulat sa kanya. Hindi namin makilala ang babaeng nakatayo sa harap namin. Si Kate ay tila parang sinampal ni Ava.

Tumayo si Emma at tumitig siya kay Ava, sinusubukan niyang takutin si Ava. Noon, umaatras lang si Ava, ngunit hindi ngayon.

“Wag kang maging pa-importante, lagi mo nalang ginagawang tungkol sayo ang lahat,” Ang galit niyang sinabi at tumawa si Ava.

“Hindi ko alam kung saang butas ka nagtatago, mahal kong kapatid, pero kahit kailan ay hindi naman ito naging tungkol sa akin. Ito ay laging tungkol sayo, pero hindi ito ang pinag uusapan natin ngayon. Nabuhay ako ng wala ang proteksyon ng mga taong ito simula pa noong bata ako, hindi ko alam kung bakit biglang interesado sila sa kaligtasan ko. Peke ito at mas pipiliin ko na walang pekeng tao sa paligid ko… Ngayon, paalam na, kailangan ko nang umuwi.”

Tumalikod siya at hindi niya pinansin si Emma at ang iba sa amin na para bang wala kami sa lugar na ito. Hindi ako makapaniwala sa mga salitang lumabas sa bibig niya. Kinausap niya kami na para bang estranghero kami para sa kanya. Na para bang wala lang kami sa kanya.

“Noah,” Ang tawag niya, at makalipas ang ilang andali, narinig namin ang tunog ng tumatakbong bata. Hindi nagtagal, dumating ang anak ko sa sala.

Nabigla siya habang tumitig siya sa nanay niya, masama ang naramdaman ko dahil dito.

“Mommy, ano po ang nangyari sa braso niyo?” Ang tanong niya at niyakap niya si Ava.

Niyakap siya ni Ava gamit ang isang kamay. “Wala lang, mahal, tumama lang ang braso ko sa pinto at inayos lang ito ng doctor.”

Hinimas niya ng mapagmahal ang pisngi ni Noah. Wala na ang malamig na tingin niya ngayon at nakatitig na siya sa anak namin.

“Masakit po ba?”

“Konti lang, pero ayos lang ako. Tara na, umuwi na tayo para kumain tayo ng ice cream.”

Nagdala ito ng malaking ngiti sa mga labi ni Noah. Napuno ng sigla ang mukha niya dahil sa sinabi ng nanay niya.

Sinubukan ni Ava na buhatin ang bag ni Noah, ngunit pinigilan siya ni Noah.

“Ako na po. Big boy na po ako ngayon. Makikita niyo po, kapag umuwi po tayo, aalagaan ko po kayo at iki-kiss ko po ang sakit niyo para mawala po ito tulad ng ginagawa niyo po para sa akin.”

Ngumiti si Ava. Ang ngiti niya ay bumago sa buong mukha niya. Natunaw ang yelo na na pumapalibot dito. Tumingin kaming lahat sa pag uusap ng mag-ina. Hindi namin mailayo ang mga mata namin sa pagmamahal nila sa isa’t isa.

“Kapatid niyo po ba ang babaeng yun?” Tumingin ng may interes si Noah kay Emma.

“Hindi. Wala akong kapatid.” Ang sagot ni Ava, pagkatapos ay may sinabi niya ng mahina. “At wala rin akong pamilya.”

Sa tingin ko ay hindi namin ito dapat marinig. Tumingin ako kay Noah, iniisip kung narinig niya ang sinabi ni Ava, ngunit tila hindi niya ito narinig dahil kumakaway siya sa akin.

“Bye, daddy.”

“Bye, anak.” Ang sagot ko ng namamaos.

Nagpaalam siya sa iba at pagkatapos ay umalis na sila.

Naiwan kaming tahimik at ang bawat isa sa amin ay malalim ang iniisip. Nagpatuloy ako sa pagtitig sa pinto, nalilito sa kung ano ang nangyari. Ang malamig na pakikitungo ay rason at may hindi magandang pakiramdam sa loob ko. May mga hindi malamang emosyon sa loob ko.

Ito ang ugali ni Ava na hindi ko pa nakikita. Ang isang ugali na wala akong alam at hindi ko ito gusto.

Kaugnay na kabanata

  • Ex-Husband's Regret   Kabanata 7

    Ava:Gumising ako habang may masakit na likod at braso. Nasa kama ako kasama si Noah dahil ayaw niya akong iwanan pagkatapos namin manood ng TV. Ngumiti ako nang maalala ko na sinabi niya na sineseryoso niya ang trabaho niya at na siya ang mag aalaga sa akin sa buong gabi.Medyo hirap ko siyang kinilos ng hindi ko siya ginigising. Alas otso na at kailangan ko maghanda ng agahan bago siya gumising.Pagkatapos gawin ang aking morning routine, bumaba ako ng hagdan. Tumayo ako sa labas ng kusina habang iniisip kung paano ako gagawa ng agahan gamit ang isang kamay.Habang hinahanda ko ang mga ingredient para gumawa ng pancakes, napunta ang isip ko sa mga alaala ng kahapon. Ang lahat ng nangyari ay tila panaginip lang at may parte sa isipan ko na iniisip kung nangyari ba talaga ito. Kung hindi lang dahil ang balikat ko ay may bandage at ang braso ko ay nasa isang sling, iisipin ko na isang masamang panaginip ang lahat ng yun.Noong gumising ako sa hospital pagkatapos kong mawalan ng mal

    Huling Na-update : 2024-10-29
  • Ex-Husband's Regret   Kabanata 8

    Rowan:Nakita ko sa oras na pinatay niya ang mga emosyon niya. Ang oras na ang emosyon sa mga mata niya kanina ay agad na naging malamig. Nanlamig din ang pakiramdam ko dahil dito.“Ano ang ginagawa mo dito?” Ang tanong ni Ava habang walang emosyon ang boses niya at pinilit kong pumasok sa bahay niya. Ito ay para bang kausap niya ang isang estranghero. Na para bang isa lang akong piraso ng alikabok at wala nang iba. Tumitig ako sa kanya, hindi ko maisip ang sasabihin ko. Tumira ako ng isang dekada kasama ang babaeng ito at ngayon ay hindi ko mahanap ang tamang mga salita.Tumingin ako sa kamay niyang nasa sling pa rin. Pumunta ako para tingnan ang sitwasyon niya, pati na rin ang sunduin si Noah. Weekend ngayon, kaya oras ko para makasama si Noah.Nang maalala ko ang lalaking umalis, kumunot ang noo ko. Para sa kanya siguro ang ngiti na yun. Dumiin ang kagat ng ngipin ko nang mapagtanto ito.“Ano ang ginagawa niya dito?” Ang tanong ko sa halip na sumagot ako, sinusubukan kong itago

    Huling Na-update : 2024-10-29
  • Ex-Husband's Regret   Kabanata 9

    “Ano ang gusto mong sabihin ko? Alam mo naman na kahit kailan ay hindi ako nagsinungaling sayo. Alam mo na mahal ko siya noon pa.”Hinagis niya ng galit ang dishtowel. “Hindi yun pumigil sayo para gamitin ang katawan ko, hindi ba? Talaga, I hate you. Hindi ko alam kung ano ba ang nagustuhan ko sayo noong una. Hindi ko alam kung bakit nag aksaya ako ng sobrang daming oras at lakas para sayo.”Kinagat ko ang ngipin ko dahil sa mga sinabi niya. Nagalit ako sa mga salita niya. Oo, sumiping kami sa isa’t isa sa kasal namin, pero ito ay para lang mawala ang kati. Sumumpa kami sa isa’t isa, pero hindi ko siya mahal. Hindi ko sisirain ang mga ito at pagtataksilan siya.“Hindi ako nandito para pag usapan ang nakaraan, nandito ako para pag usapan si Noah,” Ang sabi ko habang binabago ang pinag uusapan.Nakakapagod ang magpaikot ikot. Kailangan ko sabihin kung ano ang balak kong sabihin noong dumating ako dito, pagkatapos ay aalis ako bago ko sabihin o gawin ang pagsisisihan ko.Nakuha ang a

    Huling Na-update : 2024-10-29
  • Ex-Husband's Regret   Kabanata 10

    Ava:“Hindi ko pa rin po maintindihan kung bakit kailangan ko pong umalis. Bakit hindi po ako pwedeng manatili dito kasama niyo?” Ang reklamo ni Noah. Nakasimangot ang gwapong mukha niya.Masama ang loob niya simula noong sinabi ko sa kanya na aalis siya kasama ang mga lolo at lola niya. Noong una ay sabik siya tungkol dito, ngunit nalungkot siya nang mapagtanto niya na hindi niya kasama ako o ang tatay niya.Nauunawaan ng school niya ang sitwasyon namin. Pumayag pa ang teacher niya na ipadala ang lessons sa nanay upang hindi maiwan sa klase si Noah.“Sinabi ko na sayo, mahal, ito ang bakasyon niyo ng mga lolo at lola mo… ito ay para sa inyo lang ng mga lolo at lola mo.”Pagkatapos kausapin ang chief, siniguro niya sa amin na dadalhin sila sa isang tropikal na lugar.“Pupunta ka sa beach. Hindi ba’t matagal mo nang hinihiling na pumunta sa isang bakasyon?” Ang dagdag ko habang nakangiti.Agad na nakuha ang atensyon niya sa salitang ‘beach’. Ang lahat ng reklamo niya ay wala na.

    Huling Na-update : 2024-10-29
  • Ex-Husband's Regret   Kabanata 11

    Pumasok siya sa pamamahay ko kaya direkta ang pag uusap namin. Ang mga mata at ilong niya ay galit. Naging matatag ako. Hindi ko hinayaan na takutin niya ako.“Hindi ako aalis. Ngayon, i-cancel mo ang taxi at pumasok ka sa kotse ko.” Ang sabi niya habang kagat niya ang ngipin niya. May namumuong bagyo sa mga mata niya.Nagalit ako at nagbola ang mga kamay ko. Madalas ay pinipigilan ko ito dahil ayaw ko siyang galitin, ngunit wala na akong pakialam.“Ang tapang mong babae ka… sino ka ba sa tingin mo, hmm? Hindi ako isang tuta na sa tingin mo ay pwede mong utusan.” Ang boses ko ay tumataas na. Naiinis talaga ako.Sa mga taon na inalay ko sa kanya. Sa mga taon na tumahimik ako dahil ayaw kong sirain ang akala kong merson kami. Pero ano ang dinala nito para sa akin? Ano ang ibinigay ng pagpigil ko sa sarili ko? Wala. Wala itong binigay kundi sakit ng puso.“Ava…” Ang sabi niya na parang nagbibigay ng babala.“Nag aaway po ba ulit kayong dalawa?” Sumingit ang boses ni Noah sa tense na

    Huling Na-update : 2024-10-29
  • Ex-Husband's Regret   Kabanata 12

    “Hinahanap ka ng nanay mo, hindi mo pa ba siya kinausap nitong nakaraan?”Naiinis ako. “Madaldal ka ngayon at naiinis na ako, Rowan. Pwede bang wag mo na akong pansinin at magpanggap ka na lang na wala ako tulad ng ginagawa mo noon?”Humigpit ang hawak niya sa manibela. Nakita ko na kinagat niya ang ngipin niya. Naiinis na siya. Baka dahil hindi ako kumikilos ng mabait na tulad ng dati. Bumaliktad na ang sitwasyon at hindi niya ito gusto.Dati ay ginagawa ko ang lahat para maging masaya siya. Sinusubukan ko maging ang taong gusto niya. Sinusubukan ko maging si Emma. Ginawa ko ang lahat upang maging ang asawa na pwede niyang mahalin. Ngayon, inalis ko na ang ugaling ito at hindi niya ito gusto na hindi ako sumusunod sa kanya na parang isang aso. Ngumiti ako dahil dito. Gumaan ang loob ko dahil sa pagkainis niya.Simula noon, naging tahimik ang drive. Pareho kaming nakaupo at naiinis habang si Noah ay tumatawa habang nanonood ng cartoons. Makalipas ang isang oras, dumating kami sa ai

    Huling Na-update : 2024-10-29
  • Ex-Husband's Regret   Kabanata 13

    Isa linggo na simula noong umalis si Noah, at hindi ko mahanap ang isang pattern na mabuhay ng wala siya. Ito ang pinakamahabang linggo na magkalayo kami, at hindi ako nahihiyang sabihin na hindi ko ito tinanggap ng maayos.Si Noah ay ang anchor ko, at kung wala siya, naliligaw ako. Para bang lumulutang lang ako sa buhay na parang isang ligaw na barko sa dagat. Araw-araw, hinihintay ko ang mga tawag niya dahil ito ang nagpapa kalma sa akin. Ang mga tawag niya at ang matamis na boses niya ang nagpapa hinahon sa akin.Wala pa akong nababalitaan mula kay Rowan simula noong araw na yun sa airport. May parte ng puso ko na hinahangad pa rin siya, ngunit alam ko na makakabuti itong desisyon ko. Walang kinabukasan sa pagitan namin at hindi ko kayang mabuhay kasama ang isang lalaking hindi ko mahal.Naging tahimik lang ang lahat. Hindi naman sa may taong nagbibigay ng balita sa akin. Dahil walang naganap na mga shootout o mga taong namamatay, ligtas na sabihin na nagtago ang mga kriminal na

    Huling Na-update : 2024-10-29
  • Ex-Husband's Regret   Kabanata 14

    Tumayo lang kami pagkatapos nun. Nililipat ko ang bigat ko sa magkabilang paa at medyo awkward ako. Tumitig siya sa akin, ang asul na mga mata niya ay nakatingin sa kaluluwa ko. Lumayo ako ng tingin para umiwas sa malalim na tingin niya.“Ethan.” May taong tumawag at lumingon ako para makita ang isang pulis na sumesenyas sa kanya.“Papunta na,” Ang sigaw ni Ethan bago siya lumingon papunta sa akin. “Masaya ako at nakita kita, beautiful. Sa susunod na lang, okay?”“Sige.” Ang mahina kong sinabi.Pagkatapos, hindi ko inaasahan na yakapin niya ako bago siya naglalakad palayo. Iniisip ko kung ano ba ang nangyari.Inalis ko ang sarili ko sa pagkatulala makalipas ang ilang sandali at naglakad na ulit ako. Kailangan ko bumili ng groceries at dahil hindi malayo sa school ang store, nagdesisyon akong maglakad.Ang sling ay tinanggal na at kahit na ang balikat ko ay masakit minsan, kaya ko pa rin kumilos. Inisip ko ang lahat ng kailangan kong bilhin ngunit ang nangingibabaw ay ang pag uusa

    Huling Na-update : 2024-10-29

Pinakabagong kabanata

  • Ex-Husband's Regret   Kabanata 369

    Hindi iyon ang aking lugar. Si Rowan ang namamahala sa pagsasama at pagkuha ng mga bagong negosyo. Magaling siya noon, ngunit sa ngayon ay wala siya sa posisyon na gumawa ng anuman para sa bagay na iyon.Twenty two na taong gulang pa lang, nangunguna na kami sa larangan namin. Hindi ako nagyayabang, ngunit alam ng lahat sa aming industriya ang Wood twins. Maayos ang takbo ng lahat hanggang sa nasira ni Ava ang lahat. Ang asong iyon ang dahilan kung bakit nabaliw ang kapatid ko."Alam ko iyon, ngunit hindi ito ang dahilan kung bakit ako nandito," Nanlalamig niyang sabi sa akin.Kailangan ko siyang palakpakan. Kung kinuha niya ang negosyo kanina, baka nailigtas niya ang kumpanya nila, dahil nakikita ko sa likod ng kanyang berdeng mga mata. Si Andrew ay kasing tuso niya."Kung gayon ano ang gusto mo?"Alam ko kung ano ang ginagawa niya. Pinananatili niya akong suspense. Isang bagay na hindi ko talaga pinahahalagahan."Simple lang ito, talaga," Huminto siya at parang gusto ko siyang

  • Ex-Husband's Regret   Kabanata 368

    Gabe. Nandito ako sa opisina ko, ang gulo ng isip ko. Kinakain ako ng pag aalala para sa aking kapatid araw at gabi. Ilang buwan na simula ng ang lahat ay nagkagulo kay Emma at simula ng sabihan niya kami na pinakasalan niya si Ava dahil sa nabuntis niya ito.Simula noon, simula ng mawala sa kanya si Emma, ​​hindi na siya naging tulad ng dati. Parang may nabasag sa loob niya. Parang kalahati lang ang nabubuhay niya. Sinabi sa akin ni Travis na si Emma ay hindi gumagawa ng mas mahusay, ngunit hangga't pinapahalagahan ko siya, hindi siya ang aking pangunahing alalahanin. Ang aking katapatan ay palaging namamalagi kay Rowan, anuman ang kanyang gawin.Binuksan ko ang drawer ko at kinuha ang isang pakete ng sigarilyo. Sinindihan ang isa, humigop ako, naramdaman ko ang sarili kong kalmado ng kaunti. Alam kong masama itong ugali, pero hindi ko lang mapigilan. Hindi kapag ito ang tanging bagay bukod sa sex na nakakapagpapahinga sa akin.Tumayo ako mula sa aking upuan, tiningnan ko ang aki

  • Ex-Husband's Regret   Kabanata 367

    “Oo, tama ang sinabi ni uncle Gabe... Hindi tatakbo si Mom. Masaya na siyang pakasalan ka ulit. Ang kanyang kaligayahan ay napakatamis, sapat na upang bigyan ang isang tao ng isang sugar rush."Ngumiti siya sa akin, isang sobrang kahawig ng sa akin at ng kay Gabe.Magsasalita pa sana ako nang magsimula ang martsa ng kasal. Nakatayo ng tuwid kaysa sa isang pamalo, nakaharap ako sa pasukan.Ang unang pumasok ay si Corrine. Ang kulay na pinili niya ay mukhang nagliliwanag, ngunit wala akong pakialam sa kanya o kay Letty, na susunod na pumasok. Gusto ko lang makita ang anak ko at ang magiging asawa ko.Sa wakas ay pumasok si Iris na may dalang maliit na basket ng bulaklak, na naghagis ng mga talulot sa lupa. Siya ngayon ay dalawa at kalahating taong gulang, dahil ang aming pakikipag ugnayan ay tumagal ng isang taon at kalahati. Lumakas ang puso ko sa sobrang pagmamahal.Nakatingin ako, nakangiti, habang sinusubukan niyang mag-focus sa kanyang gawain. Sa kalagitnaan ng pasilyo ay tumin

  • Ex-Husband's Regret   Kabanata 366

    Rowan. T*ngina, kinakabahan ako. Ang puso ko ay biglang tumibok at halos hindi ko mapigilan ang panginginig sa aking mga kamay. Noong huling ginawa namin ito, pareho kaming bata at wala ni isa sa amin ang may gusto nito.Sinusubukan niyang tumakas mula sa akin kasama ang aking anak at nagalit ako sa buong universe dahil sa katotohanang kailangan kong pakasalan ang isang babaeng kinasusuklaman ko. Nagtataka pa rin ang ilang bahagi sa akin kung ano kaya ang mangyayari kung nakatakas si Ava. Syempre magagalit sana ako ng tumakas siya at pinagkaitan ako ng pagkakataong makilala ang anak ko, pero makakahanap pa ba kami ng daan pabalik sa isa't isa?Hindi ko ito nakita noon, ngunit talagang naniniwala ako na si Ava ang aking soulmate. Nagtagal bago makita iyon, upang mapagtanto iyon, ngunit mas mahusay na huli kaysa hindi kailanman."Bababa ka ba?" Ungol ni Gabe sa tabi ko.Huminga ako ng malalim, sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko, pero walang nangyari. I guess hindi ako matatahi

  • Ex-Husband's Regret   Kabanata 365

    I glance down sa kung saan ang aking titi ay poised sa kanyang pasukan at panoorin habang dumudulas ako bawat solong pulgada sa na may isang makinis, slow motion."P*ta, Ava." Malalim akong umungol habang sumisigaw siya sa comforter.Mahigpit siyang nakakapit sa akin, nakakapagtaka na hindi ako nilabasan sa sandaling pumasok ako. Parang heaven and hell yung feeling na nakayakap siya sa akin, mainit at malambot. Isa ito sa pinakamatamis na bagay na naramdaman ko, at alam kong ito lang ang pagkakataong mararamdaman ko ito.Hinila ko pabalik ang balakang ko hanggang dulo na lang ang natira sa loob. Nakikita ko ang kanyang pagkabasa na kumikinang sa aking titi ay nagpakagat ako sa likod ng isang daing at nakikipaglaban sa salpok na bayuhin ang fuck out sa kanya. Dahan dahan akong dumausdos pabalik sa loob at pinigilan ang sarili ko, hinayaan siyang umayos sa laki ko. Ng maramdaman ko ang pagre relax niya, hinawakan ko ang balakang niya at humampas paharap. Sabay hila ko sa kanya pabalik

  • Ex-Husband's Regret   Kabanata 364

    T*ngina nababaliw ako sa kanya.Nanatiling naka lock ang aking mga mata sa kanyang puke at pwet habang naglalakad ako papunta sa kanya. Kapag nakatayo ako na ilang pulgada lang ang naghihiwalay sa titi ko na natatakpan ng maong mula sa kanyang makinis, ipinatong ko ang isang kamay ko sa maliit na likod niya at itinaas ito sa kanyang gulugod. Nakapatong siya sa kanyang mga kamay at tuhod, ngunit gusto kong ang kanyang dibdib ay nasa kama.Bumibigat ang hininga niya sa unang haplos ko.Inabot ko ang base ng leeg niya at nag pressure. Naiintindihan niya ang gusto ko at ibinaba niya ang kanyang sarili hanggang sa siya ay nasa kanyang mga siko habang ang kanyang pisngi sa comforter."Ibuka mo pa ang iyong mga binti," Sabi ko sa kanya, itinulak pababa ang kanyang ibabang likod.Ginagawa niya ang sinabi niya, ngunit hindi sapat.“Higit pa.” Ngumuso ako sa kanya at diniinan pa.Mas lalo niyang ibinuka ang kanyang mga binti. Pinipigilan ko siya kapag nasa perpektong antas na siya para ku

  • Ex-Husband's Regret   Kabanata 363

    Umabot siya pabalik at hinawakan ang aking puwet, hinila ako papasok sa kanya. “Pakiusap huwag tumigil. Gusto ko ito, Rowan," Daing niya.Iginalaw ko ang aking mga kamay at hinila ang kanyang camisole pataas, inilantad ang kanyang mga suso. Mula sa kanyang balikat, nakikita ko ang kanyang maliliit na kulay rosas na utong. Para silang mga seresa, at gusto kong dilaan, sipsipin, at lamunin. Kinurot at pinipihit ko sila hanggang sa maging matigas na maliliit na nubs.Itinaas niya ang kanyang ulo, para lamang ilapat sa balikat ko.Hinawakan ko ang isang dakot ng kanyang buhok na nasa batok pa rin ng kanyang leeg at pinaikot ang kanyang ulo sa gilid para mahiga at dilaan ko ang kanyang leeg. Hindi ako mapakali sa panlasa niya. Ang sarap niya kasing amoy niya. Hinawakan ko ang magkabilang tite niya sa mga kamay ko at pinisil. Itinulak niya ang kanyang dibdib at ibinalik ang kanyang pwet sa aking singit, halos sirain ang aking kontrol.Umatras ako ng isang hakbang sa kanya at masungit na

  • Ex-Husband's Regret   Kabanata 362

    Pinutol ko ang halik, sinandal ko ang ulo ko sa kanya. "Pakisabi sa akin na gusto mo ito," Pakiusap ko na may tiyak na desperasyon.Matagal na, at ang aking katawan ay naghihingalo upang ibaon ang aking sarili sa kanyang mainit na puki."Talagang," Huminga siya habang hinihimas ang sarili sa katigasan ko.Ang mga salita ay halos hindi umalis sa kanyang mga labi ng tumayo ako at hinawakan ang kanyang kamay, hilahin siya hanggang sa kanyang kwarto.Hindi ako tumitigil pagdating ko sa pinto ng kwarto niya na halos sarado. Ginagamit ko na lang ang paa ko para sipain ito hanggang bukas. Napasandal ito sa pader dahilan para mapatalon si Ava.Ang aking katawan ay nakaabang at handa na, at ako ay naiinip. Walang bagay na pipigil sa akin na makuha siya ngayon, maliban kung sinabi niya sa akin na huminto. Ngunit may isang bagay na dapat kong linawin munaHumarap ako sa kanya, hinila ang shirt niya pababa sa mga braso niya at hinayaan itong mahulog sa sahig. Tumingala siya sa akin, ang kayu

  • Ex-Husband's Regret   Kabanata 361

    Mature na ako ngayon para mas maunawaan si Rowan at ang kanyang mga aksyon. Nawala ang babaeng akala niya ay makakasama niya habang buhay. Kung ako ang nasa kalagayan niya, ganoon din ang magiging reaksyon ko. Ilalabas ko sana ang galit ko sa taong may pananagutan sa sakit ko, tulad ng sinubukan kong ilabas ang galit ko sa kanya pagkatapos ng hiwalayan namin sa pamamagitan ng pagtrato sa kanya ng walang iba kundi poot at pait."Pasensya na kung natagalan ako para makita kung gaano kita nasaktan noon" Bulong ko, nakaramdam ako ng labis. “Sa tagal kong naging bitter. Lalo na nang bumalik si Emma at napagtanto ko na hinding hindi ako maaaring maging kung ano ang gusto o gusto mo. Nagtagal ako at marahil kung hindi, ikaw at si Emma ay nagkaroon ng pagkakataon sa isang buhay na magkasama. Sorry talaga. Hindi mo malalaman kung gaano ako nagsisisi."Napaatras ako nang maramdaman ko ang malalakas na kamay sa braso ko. Nagulat ako nang makitang tumawid siya sa gilid ko at ngayon ay nakaupo sa

DMCA.com Protection Status