“Ms. Sharp, mabuti at gising ka na… nag aalala kami kanina.” Ngumiti siya. “Ngayon, alam mo ba kung nasaan ka at kung ano ang nangyari sayo?”Tumango ako. “Sa hospital… may pwersa na tumulak sa akin noong binuksan ko ang kotse ko. Tumama ang ulo ko mula sa impact.”Sinubukan kong kalimutan ang nangyari sa akin simula noong gumising ako. Natatakot na tanggapin ang katotohanan na muntik na akong mamatay.“Tama, ang kotse mo ay sumabog at ang pwersa nito ay nagpatalsik sayo paatras,” Huminto siya. “At anong taon na ngayon?”Sinabi ko sa kanya at sinulat ko ito. Mahigpit ang hawak ni Rowan sa kamay ko at tumingin ako sa kanya ng saglit. May emosyon sa mga mata niya, ngunit nawala na ito bago ko pa ito malaman.Nabigla ako. Hindi ko inaasahan na ang kotse ko ay may bomba. Sa stress ng lahat ng bagay, pakiramdam ko na bumabalik ang sakit ng ulo at katawan ko.“Dahil alam mo ang taon, ang pangalan mo, at kung sino si Mr. Wood, maganda ito. Kailangan pa natin ng ilang test, para masiguro
Read more