Home / Romance / Ex-Husband's Regret / Chapter 31 - Chapter 40

All Chapters of Ex-Husband's Regret: Chapter 31 - Chapter 40

503 Chapters

Kabanata 31

“Ang pangalan ko po ay Lydia, Ms. Sharp.” Ang sabi ng nurse, nakangiti pa rin siya.Sinuri ko siya. Ang mga mata ko ay inaaral siya. Lumingon ako para tumingin kay Letty, na siyang ganito rin ang ginagawa.“Hindi ako kumuha nurse.” Ang sabi ko sa kanila. “Gusto ko sabihin na maling bahay ang pinuntahan mo, pero malabo dahil alam mo ang pangalan ko, kaya posible lang na may ibang taong nag-hire sayo o isang panloloko ito.”Maganda talaga kung may nurse na mag aasikaso ng mga kailangan ko sa mga susunod na araw o linggo, pero kakaiba ito.Ibinaba ni Lydia ang kanyang bago bago siya tumalikod para harapin ako. “Pinili po ako ni Mr. Wood at sinabi niya po na magsimula po agad ako.”’Nainis ako. Nabigla at naiinis ako ng sabay na gagawin ito ni Rowan. Sa oras na magdesisyon ako na hindi ko kailangan ang tulong niya, doon siya nagdesisyon na maging isang bayani. Nasaan siya sa mga panahon ng kasal namin noong kailangan ko siya? Hindi niya ako pinapansin noon at trinato niya na parang wa
Read more

Kabanata 32

Binati rin siya ni Letty at tumitig lang ako sa kanilang dalawa. Mukhang ako lang ang hindi alam na may girlfriend ang kapatid ko. Iniisip ko kung malalaman ko ba ito kung hindi nagdesisyon si Letty na makipagkita mismo sa akin.Tumayo ako ng mabagal at lumingon para tumingin kay Rowan. “Nagpapasalamat ako sa sinusubukan mong gawin dahil ako ang nanay ng anak mo, pero hindi mo ito kailangan gawin. Ako na ang bahala sa lahat.”Sa loob looban ko, alam ko na ito ang rason kung bakit ginagawa niya ang mga ito. Hindi dahil mahalaga ako sa kanya, kundi dahil nanay ako ni Noah. Tutal, hindi lang isa o dalawang beses niya itong pinaalala sa akin.Kumunot ang noo ng gwapong mukha niya. “Hindi yun ang rason kung bakit…”“Hindi ko talaga kailangan ng tulong mo, kaya pwede bang sabihin mo sa kanya na ibalik ang kotse at i-terminate ang services niya?” Sumingit ako bago pa siya matapos magsalita, tumuro ako sa lalaki at pagkatapos ay tumuro ako kay Lydia.“Talaga, hindi mo kailangan ng tulong
Read more

Kabanata 33

Dumilim ang ekspresyon niya at lumapit siya. “Maging makatwiran ka naman kahit minsan, Ava.”“Makatwiran naman ako. Hindi ko kailangan ng tulong mo. Humingi ako ng divorce para mawala ka na sa buhay ko… bakit biglang interesado ka ngayon na tumulong sa akin, noon naman ay walang pakialam sa akin?”“Syempre, nanay ka ni Noah kaya may pakialam ako. At kung nakakalimutan mo, hindi ako pwedeng umalis sa buhay mo dahil may anak tayo, kaya may koneksyon talaga ang mga buhay natin.” Ang galit niyang sinabi, puno ng apoy ang mga mata niya.“Sa susunod lang na sampung taon, at maliban sa pagiging parte ng buhay ni Noah, hindi ibig sabihin nito ay kailangan mo maging parte ng buhay ko, o ako ang maging parte ng buhay mo.” Ang katwiran ko.Napapagod na ako, kaya umupo ako sa barstool. Napaka bigat ng pakiramdam ng ulo ko. Gusto ko lang humiga.“Tanggapin mo ang kotse.” Ang utos niya ulit.“Bakit hindi mo ito kunin at ipasok mo sa pwet mo.” Ang sagot ko, pakiramdam ko na umabot na ako sa han
Read more

Kabanata 34

Inayos ko ang hoodie ko upang maging presentable ako sa halip na mukha akong malapit nang mamatay.“Bakit po kayo may suot na isang beanie, mommy?” Tumingin sa akin si Noah ng naghihinala.Nag-skype kami pagkatapos ko itong i-postpone ng maraming beses. Ito ay dahil hirap akong dujmilat ng higit sa limang minuto. Ngunit ngayon, mas maganda na ang pakiramdam ko.Sumandal ako sa headboard. Ang beanine ay para itago ang bandage. Hindi pa rin alam ni Noah ang nangyari sa akin at sisiguraduhin ko na hindi niya ito malaman.“Medyo malamig at giniginaw ako.” Ang sinungaling ko.Nakokonsensya ako at nagsisinungaling ako sa kanya, pero alam ko na ito ay para sa kanya. “May heater po tayo, mommy. Buksan niyo na lang po yun.”“Hindi gumagana yun at nakalimutan ko na ipaayos ito.”Lintik, ayaw kong nagsisinungaling sa kanya. May parte sa sarili ko na pakiramdam na isa akong masamang nanay dahil tila wala akong ginawa kundi ang magsinungaling sa kanya simula noong namatay si tatay. Ngunit m
Read more

Kabanata 35

May kumatok sa pinto at napalingon ako.“May naghahanap sa inyo, Ava.” Ang sabi ni Lydia.Nakumbinsi ko na siya na tawagin ako sa pangalan ko sa halip na madam. Nagpapasalamat ako at kinumbinsi ako ni Letty na hayaan si Lydia na manatili, dahil isang malaking tulong si Lydia. Gumagawa pa siya ng ilang gawaing bahay para sa akin. Hindi ko alam kung paano ako mabubuhay ng wala siya.“Sino po yun, mommy?”Sinabi ko kay Lydia na papasukin ang kung sinuman ang naghahanap sa akin bago ako lumingon sa mahal na anak ko.“Isa siyang mabait na babae na may pangalang Lydia. Nandito siya para tumulong sa gawaing bahay.” Ang sagot ko sa kanya. Ang isip ko ay kung sino ang bumisita.Kung tama ang hula ko, ito ay si Letty o si Ethan. Pareho silang bumisita ng ilang beses para kamustahin ako.“Bakit niyo po kailangan ng tulong? Hindi niyo naman po kailangan ng tulong noon, kayo po ang super Mom.” Tumingin siya sa akin ng naghihinala.Siyempre, tama siya. Lagi kong ginagawa ang lahat ng mag isa
Read more

Kabanata 36

Rowan:Umupo ako sa harap ng mesa ko at binasa ko ang ilang mga papel na kailangan ng atensyon ko. Sinubukan kong magpokus, pero hindi ko kaya. Ang isip ko ay tungkol pa rin sa hindi pagpansin ni Ava sa tawag ko. Kung hindi lang sa pagkuha ko kay Lydia, nagdududa ako na malalaman ko ang kondisyon ni Ava.Hindi pa rin ako makapaniwala sa laki ng pagbabago niya. Masasabi na ang Ava na kilala ko ay matagal nang wala at pinalitan na siya ng isang taong hindi ko kilala.Noong magdesisyon si Emma na babalik siya dito, natakot ako na gagawa ng mga problema si Ava. Na magiging problema siya na tulad noong teenager siya. Pero pinatunayan niya na mali ako.Dapat ay masaya ako na dumidistansya siya. Na hindi siya gumagawa ng gulo para sa akin, pero may parte sa sarili ko na ayaw ito. Kakaiba talaga na namomroblema ako at hindi ko gusto na lagi siyang nasa isipan ko.Sa huli, sumuko ako sa pag pokus at tumayo ako. Kumilos ako papunta sa mga bintana, tumitig ako sa labas, sinusubukan kong ikar
Read more

Kabanata 37

Alam ko na iniisip niya siguro kung ano ang nangyayari. Alam ng lahat na wala akong pakialam kay Ava. Pero kinasal kami. May impluwensya ako at maraming kalaban, pero hindi ako nag-assign ng isang bodyguard kay Ava, habang si Noah ay may dalawa.Tinanong pa mismo sa akin ni Ava kung ano ang problema ko. Bakit bigla akong naging interesado sa kaligtasan niya. Pwede rin makisama ang iba dahil nalilito rin ako kung bakit bigla siyang mahalaga sa akin.Nag buntong hininga ako, parang pagod.Tumingin ako sa relo ko, napagtanto ko na alas sais na. Dapat akong makipagkita kay Travis at Gabe para uminom ng six thirty bago umuwi.Dinala ko ang mga files, umalis ako ng opisina. Nasa isang mood ako na walang kahit sino sa mga empleyado ko ang may lakas ng loob na bumati sa akin ng good evening.Pumunta ako sa club at agad akong pumunta sa private room. Ito ang isa sa mga exclusive club na pagmamay ari ni Gabe.“Nandito ka na rin… pwede bang harapin mo siya dahil hindi ko matiis ang pagiging
Read more

Kabanata 38

Ava:Kabadong kabado ako habang naghahanda ako para sa date ko kasama si Ethan. Dalawang linggo na simula noong nakalabas ako sa hospital at mabuti na ang pakiramdam ko. Sinabi ng doctor na ayos na ako at bumalik na ako sa trabaho nitong nakaraang mga araw.Sa loob ng dalawang linggo, maraming nagbago. Kami ni Letty ay naging malapit sa isa’t isa, pati na rin kami ni Ethan. Niyaya niya ako nitong nakaraang mga araw. Pumayag ako ng buong puso.Mabuti si Ethan para sa ego ko. Pinapatawa at relax niya ako. Magaan ang loob ko kasama siya. Kapag kasama ko siya, nakakalimutan ko si Rowan. Nakakalimutan ko ang basag na puso ko.“Hair up o down?” Ang tanong ko kay Letty.Kami ay nasa isang video chat at tinutulungan niya akong maghanda.Kung sa totoo lang, ito ang unang beses na pumunta ako sa isang date. Tulad ng binanggit ko noon, hindi ako ang tipo ng babae na niyayaya ng mga lalaki noon.Noong kinasal ako, hindi ako dinala si Rowan para magdate. Kahit kailan ay hindi namin ginawa an
Read more

Kabanata 39

Inamoy ko ang mga bulaklak. Kahit kailan ay hindi ako binilhan ni Rowan ng mga bulaklak. Kahit kailan ay hindi niya ako trinato na mahalaga ako sa kanya. Sa isipan niya, isang abala lang ako na nagbigay ng anak sa kanya.“Ilalagay ko lang muna ito tubig, pagkatapos ay pwede na tayong umalis.” Tumalikod ako at dumiretso sa kusina. Pagkatapos ilagay ang mga bulaklak sa vase, umalis kami.Pareho akong kinakabahan at sabik. Hindi ko alam kung ano ang gagawin o sasabihin ko. Ano ba ang ginagawa sa mga date? Ano ang pinag uusapan? At sino ang dapat magsimula ng pag uusap? Wala akong alam at natatakot ako na magkamali.“Kakaiba ba na takot na takot ako, kahit na marami na akong mga date na napuntahan?” Ang tanong ni Ethan, nawala ang katahimikan.Tumawa ako. Gumaan ang loob. Naglaho ang pagkabalisa na kumulong sa akin.“Hindi naman… kahit ako, mabilis ang paghinga. Buong araw akong kinakabahan.” Ang amin ko. “Naging mahirap mag focus sa mga klase ko.”Kahit na ang mga estudyante ko ay m
Read more

Kabanata 40

“So, ano ang pinaka-exciting na bagay sa trabaho mo?” Binago ko ang pinag uusapan.Nagkaroon ng ngiti sa mukha niya habang sinabi niya sa akin ang tungkol sa trabaho niya. Hindi nagtagal, dumating ang pagkain at kumain na kami.Sinubukan kong mag pokus, ngunit habang mas maraming tao ang dumating, mas lalo akong kinabahan. Sinubukan kong mag relax at magpokus kay Ethan, ngunit hindi ko ito magawa.“Ayos ka lang ba, Ava? Parang kinakabahan ka ata?” Ang tanong niya na para bang napansin niya na hindi ako komportable.“Kinakabahan?” Ang hirap kong sinabi.“Oo, hindi ka mapakali at paiba-iba ang tingin mo.” Ang sabi niya sa akin. “Hindi ka ba nage-enjoy?”Naku! Nakokonsensya ako ngayon. Dapat kong sabihin sa kanya ang katotohanan, kung hindi ay masisira ang lahat ng nabubuo sa pagitan namin. Ang pinaka-ayaw ko ang isipin niya na wala akong utang na loob.“Pwede mong sabihin sa akin. Pangako, hindi ako magagalit.” Tumingin siya sa mga mata ko. Ito ay para bang nakita niya ang paglala
Read more
PREV
123456
...
51
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status