Lahat ng Kabanata ng MAFIA BOSS SERIES: THE FIFTH WIFE [Mr. X]: Kabanata 91 - Kabanata 100

334 Kabanata

91.

[Apol]“Pero ayoko pang mamatay.” Natigilan si Cholo sa narinig. “Patawad, Cholo. Alam ko kung ano ang nararamdaman mo pero hindi pa ako handang mamatay.” Pinahid niya ang luha sa mata. “May karapatan kang magalit, mamuhi, at maghiganti… Pero hindi kami ang may kasalanan sa’yo… oo, kasapi kami ng pamilya pero hindi ibig sabihin no’n ay dapat na rin kaming mamatay!” “Tumahimik ka—““Ikaw ang tumahimik!” Dahan-dahan niyang dinukot ang maliit na bagay na kinuha niya kanina sa kabilang kwarto. “Hindi ako papayag na namatay dito dahil bubuo pa kami ng pamilya ng asawa ko! Magkakaanak pa kami ng marami at mabubuhay ng masaya! Wala kang karapatan kunin lahat ng ‘yon dahil lang sa gusto mo akong idamay sa paghihiganti mo!” Hindi siya papayag na magbayad sa kasalanan ng iba!Nanlaki ang mata ni Cholo nang mabilis niyang inangat ang kamay at binaril ito gamit ang maliit na baril na kinuha niya sa kabilang kwarto.Namutla siya siya nang hindi ito pumutok ang baril. Malakas na humalakhak si Cholo
last updateHuling Na-update : 2024-04-07
Magbasa pa

92.

[Apol]Tama ang asawa niya, kailangan na nilang makaalis sa lugar na ito. Pareho silang natigilan nang makarinig ng kalabog sa gitnang kwarto, ang hindi pa nila napapasok ni Cherry. Malakas na sinipa ni Xerxes ang pintuan. “Mmmp! Mmmp!” Si Charlotte! Mayro’n itong busal sa bibig at tali sa kamay at paa. Nanlaki ang mata nila ni Cherry nang makitang dumudugo ang ulo nito. Agad na inalalayan ni Cherry ang kapatid nito. Maluha-luhang yumakap ito kay Cherry matapos makawala sa pagkakatali. “B-buti nalang dumating kayo. S-si Cholo, siya ang may gawa nito sa akin— ate! M-may tama ka!” Nag aalalang wika nito nang makita ang tama ni Cherry sa hita. “W-walanghiyang Cholo ‘yan! M-magbabayad siya!”“Wala na tayong oras para magalit sa kanya. Kailangan natin makaalis bago pa sumagog ang lugar na ito!” Aniya rito. “S-si lolo! Kailangan natin siyang mailabas ng mansion!” Kahit na may nagawa itong kasalanan ay hindi parin niya gusto itong iwanan. Nagdurusa na ito ngayon at wala nang lunas ang saki
last updateHuling Na-update : 2024-04-08
Magbasa pa

93.

[Apol]Palakad-lakad siya sa harapan ng isang kwarto rito sa Villa habang naghihintay ng balita kung ano ang lagay ng kanyang asawa.Nasa hospital na sina Charlotte at Cherry at do’n ginagamot. Samantalang ang kanyang asawa ay narito sa Villa. Ang nag oopera rito ngayon ay ang bagong doktor na pumalit kay Gervin. May sariling clinic sa lahat ng mga Mansion, Villa, penthouse ang mga Helger. Hindi kasi maaari na magpunta ng hospital ang mga katulad ng asawa niya dahil lubhang delikado. “Anak, mabuti pa ay maupo ka, nahihilo ako sa ginagawa mo.” Wika ng nanay niya. “Huwag kang mag alala dahil sa balikat lang naman ang tama ni Xerxes. Para sa mga katulad niya ay daplis lamang ang gano’ng sugat.” Umupo siya. “Tama ka, nay. Pero hindi kasi maaalis ang pag aalala sa dibdib ko. Kahit daplis lang para sa kanya ang sugat niya para sa akin ay sugat pa rin iyon. Saka natetetano ang sugat, nay,” Nakaingos niyang sagot.Nang makita ng nanay niya ang hawak niyang baril ay napailing-iling ito. Nagda
last updateHuling Na-update : 2024-04-09
Magbasa pa

94.

[Apol]Binisita niya sina Cherry at Charlotte sa hospital. Hindi niya pinayagan na sumama si Xerxes pero mapilit ito. Hindi daw siya pwedeng umalis ng hindi ito kasama. Baka mapahamak na naman daw siya.Pagdating sa hospital ay naabutan niya sa kwarto ni Charlotte. Bakas ang pagluluksa at lungkot sa mukha nito. Mukhang sinabi na lahat rito ni Charlotte ang lahat. Naiintindihan niya ang nararamdaman nito. Si Lolo Axel kasi ang dahilan kung bakit nakapuslit ang kapatid niya sa kanilang ama para makapag aral. Ang matanda mismo ang nagtuturo rito at nagsilbi nitong guro.Umupo siya sa tabi nito at tinapik ito sa balikat. Pareho silang malungkot para sa sinapit ng matandang naging malapit sa buhay nila. Pero katulad nga nang sinabi ng asawa niya ay parang obligasyon ang pagbabayad ng kasalanan. At iyon ang ginawa ni Lolo Axel.Parang bata na umiyak si Johnson, mayamaya ay narinig na rin nilang umiiyak si Charlotte. Na-ikwento ng asawa niya na malapit talaga ito sa magkapatid kaya talagang m
last updateHuling Na-update : 2024-04-09
Magbasa pa

95.

[Apol]Tatlong araw na silang nagpapabalik-balik pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nila matagpuan ang singsing. Wala na siyang maidadahilan sa kanyang asawa para magtungo sa natupok na lugar. “Ano kaya kung humanap tayo ng kapareho nang singsing habang hindi pa natin ito nahahanap?” Suhestiyon ni Cherry. “Ano sa palagay mo?”“Tama si Ate. Pansamantala mo lang naman gagamitin habang hindi pa natin nahahanap ang singsing mo.” Segunda naman ni Charlotte.Sandali siyang natigilan sa sinabi ng dalawa. “Hindi ba parang sobra na kung gagawin ko iyan? Hindi lang ako magsisinungaling sa kanya, lolokohin ko pa siya.” Nakokonsensya talaga siya. Kung naging maingat lang sana siya ay hindi ito mawawala.“Tama ka, kailangan mo talagang lokohin muna si Kuya habang hindi pa natin nakikita ang singsing. Wala ka naman choice kundi ang gawin iyon. Sa tingin mo ba hindi siya magagalit sa oras na malaman niyang nawala mo ‘yon? Alam mo ba na isa rin sa family heirloom ang singsing na ‘yon? At noon pa ma
last updateHuling Na-update : 2024-04-10
Magbasa pa

96.

[Apol]Walang pagsidlan ang tuwa niya habanh nakatingin sa singsing na nakasuot sa daliri niya. Hanggang ngayon ay nagagawa pa rin siyang gulatin ng asawa niya sa pagpapakita ng pagmamahal sa kanya.Muntik na siyang mapabunghalit ng tawa nang makita ang nakasimangot na mukha ni Johnson. Binasted kasi ito ni Charlotte kanina lang. Ito rin kasing kapatid niya ay nanligaw agad sa dalaga. Kakikilala pa lang pero nanligaw agad. Ayun, binasted tuloy.Magkasama na sila ni Xerxes na inaasikaso ang nalalapit nilang kasal. Hindi talaga ito pumayag na umalis siya sa tabi nito. Gusto nito maniguro na hindi siya mapapahamak.Siniko siya ni Cherry sabay nguso sa asawa niya na nakikipag usap sa mga chef at mga baker, ang mga ito ang mag aasikaso ng pagkain para sa kanilang kasal. Binanggit niya kanina sa asawa na nasusuka siya sa lasa ng white chocolate cake kaya agad nitong pinabago ang recipe ng cake nila para kasal.“Hindi talaga ako makapaniwala na magbabago si Kuya Xerxes. Look at him, he looked
last updateHuling Na-update : 2024-04-11
Magbasa pa

97.

Ni minsan hindi sumagi ni Xerxes na magpapakasal siya sa isang babae dahil sa pagmamahal. Simula ng mamatay ang magulang tanging paghihiganti na lang ang nasa isip niya. Kaya naman naisipan ng kanyang Lolo Axel na magpadala ng mga babae. Naisip nang matanda na baka sakali ay mayro’n siyang magustuhan sa mga ito. Subalit walang nakabihag sa kanyang puso.Nalaman niyang niyang buhay ang anak ni Marjo. Nagplano sila ni Kairo na gumanti at gamitin ang anak ng matanda. Subalit hindi niya akalain na sa kauna-unahang pagkakakilala nila ng babae ay makukuha nito ang atensyon niya. Hindi ito katulad ng ibang babae na handang lumuhod para lang magustuhan niya.Damn. Natakot pa nga ito sa kanya. Sabagay, sino ang hindi matatakot sa isang Xerxes Helger? Nilabanan niya ang sariling nararamdaman. Pinangako na hindi siya bibigay at uunahin ang paghihiganti niya. Nagbitiw pa siya ng salitang hindi niya ito muling pakakasalan subalit kinain niya lahat ng mga sinabi niya. Sa sobrang pagmamahal niya kay
last updateHuling Na-update : 2024-04-12
Magbasa pa

98.

Naghiyawan ang lahat ng buhatin ni Xerxes si Apol. Nang makarating sila sa reception ay marami ang bumati sa kanila.“A-apol, gusto ko lang magpasalamat sa binigay mo sa akin na pagkakataon. S-salamat dahil pinatawad mo ako sa kabila ng pagtatangka ko—““Daniella, wag mo nang banggitin ang tungkol sa bagay na ‘yan. Sapat na sa akin ang isang beses na paghingi mo ng tawad. Aba, wag ka naman araw-araw magpunta sa bahay para patawarin ko.” Araw-araw kasi itong nagpupunta sa bahay nila para humingi ng tawad. Hindi niya kasi ito pinakulong katulad ni Gervin na ngayon ay nakakulong at naghihirap. Si Daniella ay pinatawad niya. Nalaman niya rin ang dahilan nito kung bakit kailangan nito ng maraming pera.“Congratulations sa inyo, Apol! Masaya ako na nagkaayos na kayo.” Bati ni Peter, na asawa na ngayon ni Daniella. Ikinasal ito dalawang linggo na ang nakararaan. Imbitado pa nga siya.“Pedro, este, Peter, congratulations din sa inyo, ha. Masaya din ako para inyo.” Nabibilib siya kay Peter dahi
last updateHuling Na-update : 2024-04-12
Magbasa pa

99. Xerxes & Apol: Special Chapter🖤

Pinaningkitan ni Apol ang dalawang bata nasa kanyang harapan. Palakad-lakad siya sa harapan ng mga ito habang hawak ang isang patpat. Napalunok ang dalawang bata. Sa murang edad ay may mataas na ang paggalang nila sa kanilang mommy. Takot nga ang kanilang daddy rito, sila pa kaya? “Sino ang nagtago ng panty ni yaya?!” Malakas ang boses na tanong ng kanilang ina. “Si Xian po, mommy!” Agad na sagot ni Ax, ang tatlong taon at pangatlo sa magkakapatid. “Xian!” Bumaling si Apol sa pangalawang anak na apat na taong gulang.“Anong kalokohan itong ginawa mo? Bakit ba palagi niyo na lang tinago ang panty ni yaya? Hindi ba’t sinabi ko na sa inyo na hindi dapat kayo nangingialam ng gamit ng iba?” “Mommy,” singit ni Ax, “Kuya Xian didn’t hide ito, he threw it! Butas naman po kasi ang panty ni yaya.” Nagmamalaking tumango si Xian. “Yes, i threw it. Don’t worry, mommy, I already gave yaya’s money to buy a new one. I’m so kind, right?” Natampal ni Apol ang noo. Kung sa panganay niya
last updateHuling Na-update : 2024-04-13
Magbasa pa

100.

Lilinawin ko lang. Ang panahon na ito ay 4 years ago mahigit pagkatapos ng kasal nila Xerxes at Apol. Hindi ko binangggit Special chapter nila Xerxes at Apol ang tungkol kina Kairo at Alena dahil siyempre iba na ang story nilang dalawa♥️ ***** Tandaan niyo po na ang STORY na ito ay kwento na ni KAIRO at ALENA♥️❇️ [Kairo] “Dad, what if mommy is alive?” Iyon ang tanong ng limang taon niyang anak na si Adius habang kumakain silang dalawa. Maingat niyang ibinaba ang utensils saka marahan na pinahid ng napkin ang gilid ng labi. “Stop asking nonsense things, Adius. Hindi na babalik pa ang mommy mo. S-she’s… dead and there’s nothing we can do about it.” Basag ang boses na wika niya. Mag-aanim na taon na buhat nang mawala ito. Pero hanggang ngayon ay dama niya ang sakit, pagsisisi at pangungulila sa kanyang dibdib. Nahulog sa malalim na pag-iisip si Adius, ilang sandali pa ay muli itong nagtanong. “What if I saw someone who looked exactly like me and she’s with a woman exactly
last updateHuling Na-update : 2024-04-13
Magbasa pa
PREV
1
...
89101112
...
34
DMCA.com Protection Status