Lahat ng Kabanata ng MAFIA BOSS SERIES: THE FIFTH WIFE [Mr. X]: Kabanata 101 - Kabanata 110

315 Kabanata

101.

[Alena] “Aray ko, Bryle, nasasaktan ako!” Reklamo niya ng hawakan siya nito ng mahigpit sa braso. Nang makita ng lalaki na nakatingin sa kanila si Aimee ay nakangiting binitiwan siya nito bago bumaling sa kanyang anak. “Aimee, pumasok ka muna sa kwarto mo dahil may pag uusapan kami ng mommy mo.” Malambing nitong kausap sa bata. Bumaling ito sa nanny. “Kunin niyo si Aimee at dalhin sa kwarto niya.” “Opo, Sir.” Bumalik si Bryle sa kanya. “Hindi ba’t nag usap na tayo na hindi ka pwedeng lumabas, Amber? Makinig ka naman dahil para sa’yo din ang sinasabi ko! Gusto mo bang mapahamak kayo ng anak mo?” Nagpipigil nang galit na lumapit si Bryle at humawak sa balikat niya ng may diin. “Alam mo naman na hindi para sa akin ang sinasabi ko hindi ba?” Nang makita nito ang pagdaan ng sakit sa mata niya dahil sa madiin na pagkakahawak nito ay bumitiw ang lalaki. “I’m sorry. Ayoko lang naman na masaktan kayo dahil mahalaga kayo sa akin ni Aimee. Masyado na yata ako nanghihimasok sa buhay niyo.”
Magbasa pa

102.

[Alena] “Ma’am, hindi po talaga pwede. Ang bilin po kasi ni Sir Bryle ay huwag kayong payagan o hayaan na lumabas.” Napakamot ang matandang kasambahay sa ulo. “Sigurado na kami ho ang mapapagalitan sa gusto mo.” Malungkot na bumuntong hininga siya. Gusto lang sana niyang lumabas para mamalengke at mamili ng mga pagkain na gusto ni Aimee. Bibili na rin sana siya ng cotton candy dahil iyon ang request ng anak niya. “Ma’am Amber, ilista mo na lang ang mga gusto mong ipabili. Wag kang mag alala, ma’am, dahil wala akong kakalimutan maski isa.” Hinanap ng mata nito ang anak niya. “Para ba lahat ‘to kay Aimee, ma’am? Naku, mas lalo kong hindi dapat kalimutan ang lahat ng ‘to.” Apo na ang turing ng matanda kai Aimee, hindi lang ito kundi lahat ng mga tauhan ni Bryle. Mabait kasi at sweet ang anak niya. “Salamat ho, manang ha.” May lungkot sa boses na wika niya. “Ma’am, hindi ko maintindihan kung bakit iyon ang bilin ni Sir. Pero hindi ba napakahigpit naman yata niya? Wala naman masama
Magbasa pa

103.

[Kairo]“Are you ready, Adius?” Tanong ni Kairo sa anak.Nakangising tumango ito. “Yes, dad, ready na ready na po!” Nakuha pa nilang mag ama na mag-high five. Humawak siya sa balikat nito.“Be good on acting, Adius. Kailangan natin malaman kung ano pa ang plano ng lalaking ‘yon sa mommy mo. Hindi natin siya pwedeng biglain nang gano’n lang. Kailangan natin unti-unting bistuhin siya sa mismong harapan ng mommy mo.” Biglaan lang ang plano nilang ito ng anak niya. Nagngingitngit ang dibdib nila sa galit sa lalaking nag iwan sa anak niya habang natutulog ito sa pinakadulo at madilim na bahagi ng subdivision.Pinatahimik niya ang apat na lalaki na kukuha sana sa anak niya. Umamin agad ang mga ito ng tutukan niya ng baril sa ulo.Utos daw ito ng amo nilang si Bryle. Binalak nitong ipatapon sa ampunan ang kanilang anak ni Alena. Gusto nitong mawala na sa landas ang bata dahil ito nakatulong na makuha ang puso ni Alena, o mas kilala ngayon bilang si Amber.Kumuyom ang kamao niya. Katulad niy
Magbasa pa

104.

[Bryle] Kanina pa palakad-lakad si Bryle, hindi ito mapakali habang hinihintay nila ni Amber na magising si Aimee. Paano nakabalik ang batang iyon dito?! Wala itong malay ng dalhin at itapon ang bata. Sigurado si Bryle sa bagay na iyon. Nagngingitngit ang kanyang dibdib sa galit. Mga walang silbing mga tauhan! Malinaw ang instruction niya sa mga ito subalit hindi pa rin nagawa ng tama ang mga trabaho. Sigurado na masisira ang ilang taon niyang pinaghirapan para makuha si Alena. Lumabas ng kwarto si Amber. “N-nagising na ba si Aimee?” Kinakabahang tanong ni Bryle kay Amber. Ang akala ng babae ay nag aalala ito pero ang totoo ay kinakabahan ang lalaki dahil anumang sandali ay pwede itong ibuko ng bata. Siya ang kumuha rito ng sapilitan. Pinatulog niya ang bata para hindi ito makalikha ng anumang ingay, dahil alam niya na maririnig sila ng nanny nito at ni manang, sigurado si Bryle na magsusumbong ito kay Amber. Malapit kasi ang tatlo sa isa’t isa. Pinahid ni Amber ang luha sa mata
Magbasa pa

105.

Kinuha ni Bryle ang pagkakataon na kausapin si Aimee ng umalis si Amber ng kwarto. Nang masiguro ng lalaki na walang makakakita ay hinaklit agad niya ang braso ng bata. “Bakit bumalik ka pa ha? Hindi ba’t sinabi ko sa’yo na hindi ka na kailangan rito?” Galit na tanong ni Bryle, nagpipigil lamang ito na huwag magtaas ng boses. “Sino ka po? Hindi po kasi kita maalala? Saka ano po ang ibig mong sabihin?” Inosenteng tanong ni Aimee. Kumunot ang noo ni Bryle kaya naman lihim na napangisi ang bata. “Sorry po ha, pero ang sabi po sa akin ni mommy ay ikaw po ang daddy ko. Totoo po ba?” Nagulat si Bryle. Kailanman ay alam niyang hindi iyon sinabi ni Alena sa anak nito na siya ang ama nito dahil hindi nito gusto na magsinungaling. Pero ngayon ay mukhang naiba na ang takbo ng utak ni Alena. Bakit bigla nitong sinabi sa anak nito na siya ang ama nito? Napangiti si Bryle. Mukhang natatanggap na siya ni Alena para sa kanilang mag ina. Mabuti naman dahil inip na inip na siya. Walang naaalala si
Magbasa pa

106.

“Sir, tinakot mo naman kasi. Ayan tuloy akala ni Ma’am multo ka.” Tumatawang sabi ni Bene pagkatapos makita na mabilis na kumaripas ng takbo si Alena kasama ang kanilang anak nang makita siya. Sumisigaw pa nang multo si Alena. “Damn! Kasalanan ito nang gag0ng ‘yon!” Pababagsakin niya talaga ang negosyo ng pamilya ng hay0p na iyon dahil sa paglalayo nito sa kanila nang mag ina niya. “Nakausap mo na ba si Mr. Song?” “Yes, Sir. Ibebenta na rin niya ang shares niya sa atin. Lahat ng boto ay nasa atin kaya pwedeng-pwede mo nang ipatapon sa kangkungan ang pamilya ni Bill.” Nagkamali ka ng kinalaban, Bill. Si Sir Kairo pa talaga ang napili mong gag0hin. Iiling-iling na isip-isip ni Bene. Magpasalamat ang pamilya ni Bill dahil ang pakiusap ni Aimee sa kanyang ama ay huwag saktan si Bill. Mabuting bata talaga si Aimee. Sa kabila ng ginawa ni Bill, o mas kilala nitong Bryle ay hindi pa rin nito gustong masaktan ang lalaki. “Sir, saan ka pupunta?!” Tanong ni Bene ng tumalon sa kabilang bak
Magbasa pa

107.

[Alena]Multo! Iyon agad ang pumasok sa isip niya nang magising siya. “Amber, mabuti at gising ka na. Ano ba ang nangyari at bigla ka na lang nawalan ng malay?” Tanong ni Bryle. Bakas ang pag aalala sa mukha ng binata para sa kanya.Kinapa ni Alena ang labi. Hanggang ngayon ay dama niya ang mainit na labi na lumapat sa labi niya. Panaginip ba iyon o hindi? Hindi! Sigurado siya na hindi iyon panaginip.“Nakita ka nila Pina na walang malay sa kusina. Is there anything wrong about your body? Namumutla ka pa rin hanggang ngayon. Mabuti pa ay magpa-check up tayo.”Agad na umiling siya. “Hindi na, ayos na ako, Bryle. M-may nakita lang ako na hindi kapani-paniwala.” Nag iwas siya nang tingin.Marahil ay panaginip nga iyon. Imposible naman na totoong nakita niya ang kapatid ni Bryle. Kung sasabihin niya rito ang nakita niya ay baka pagtawanan siya nito at isipin na nababaliw na.“Ikaw?!” Hindi makapaniwalang bulalas niya nang makita ang lalaking naghatid sa anak niya. Ito pala ang magiging h
Magbasa pa

108.

[Kairo]Nasa sulok ng boutique si Kairo habang tahimik na nakamasid. Suot ang itim na hoddie jacket, black pants, black cap and face mask ay hindi siya makikilala nang dalawa. “Bryle, what is the meaning of this? Ang sabi mo sa akin ay may bibilhin lang tayo! Eh ano ito?” Hawak ni Alena ang isang wedding dress na pinapasukat rito ng lalaki. Nagpipigil sa galit na inilibot ni Bryle ang tingin sa paligid bago ibinaling kay Alena ang tingin. “Huwag mo akong ipahiya rito, Amber—““I told you, huwag mo na ako tatawaging Amber!” “Fine!” Pigil ni Bryle na huwag magtaas ng boses upang hindi makaagaw ng atensyon. “Ang sabi mo sa akin noon ay gagawin mo ang lahat para makabayad ka nang utang na loob. This is what I want, Alena. I want you to marry me! Tumupad ka sa pinag usapan natin noon, Alena!”Napatiimbagang si Kairo habang nakikinig sa dalawa. Hindi nakaligtas sa kanyang mata ang pamumula ng mata ni Alena. Nasukol ito at tila wala nang magawa. “B-bryle, h-hindi naman kasama ang kasal sa
Magbasa pa

109.

[Alena]Patuloy sa pag agos ang luha niya habang nakaupo sa gilid ng kama. Hindi niya akalain na kasal ang gusto na maging kapalit ng pagtulong ni Bryle sa kanilang mag ina.“Mommy, umiiyak ka po?” Tanong ni Aimee bago yumakap sa bewang ng ina.Pinahid ni Alena ang luha. “N-no, baby. Matulog ka na. Gusto mo bang kantahan kita?” Malambing niyang tanong sa anak.“Sige po, mommy!” Pagkaraan ng bente minuto ay agad na nakatulog ang anak niya. Tumayo siya at nagtungo sa hardin. Wala siyang makapang takot ngayon. Ano naman kung may multo rito. Mas nanaig ang sakit sa dibdib niya at takot na maikasal kay Bryle. Kahit malaki ang utang na loob niya sa binata ay hindi sapat ang ginawa nito para pagtuunan niya ng pansin ang damdamin nito.Pinahid niya ang luha at nagpalinga-linga sa paligid. Ramdam niya na mayro’ng taong nakamasid sa kanya.Naalala niya ang multong humalik sa kanya— shit naman! Marahil ay panaginip ang naaalala niya. May multo ba na marunong humalik?Pinilig niya ang ulo.Inabot
Magbasa pa

110.

Nanginginig ang kamay na bumitiw si Bryle sa payat na braso ni Alena. Malamig sa silid dahil sa aircon subalit pawisan ito ngayon.“Why don’t we start the meeting and deal with the issue of this company?” Wika ni Kairo, subalit nakatuon lamang ang mata nito kay Alena na nakatulala habang nakatingala sa kanya, haplos nito ang braso na nasaktan dahil sa mahigpit na pagkakahawak ni Bryle. “Umupo tayo, Alena.” Anyaya ni Kairo. Pinaghila nito ng upuan ang dalaga subalit bakas ang pag aatubili sa mukha nito, lalo pa at narinig nito ang tikhim ni Bryle.Tumiim ang bagang ni Kairo ng umupo si Alena sa kinauupuan kanina, sa tabi ni Bryle.‘Damn!’ Nagtitimpi lamang si Kairo na huwag lapitan ang dalaga at ibalik sa tabi niya. Kung gagawin niya iyon ay tiyak na magtataka ito at matatakot. Ang alam nito ay kapatid niya si Bill, o mas kilala nitong si Bryle.He had to restrain himself so that she wouldn’t be afraid of him. Pasasaan ba at makukuha niya rin ang babaeng mahal na mahal niya.“I own the
Magbasa pa
PREV
1
...
910111213
...
32
DMCA.com Protection Status