“Ma’am, hindi ka talaga pwedeng lumabas. Baka mapagalitan kami ni Sir.” Awat kay skye ni manang. Ngayong araw kasi ay pupunta siya sa opisina para dalhan si Adius ng lunch. Simula kasi ng mabuntis siya ay palagi nalang ito umuuwi para makasabay siyang kumain. “Manang, wag po kayong mag-alala, hindi magagalit si Adius sa inyo. Mag-iingat naman ako, at saka kasama ko naman ang mga kaibigan ko.” Laglag ang balikat na umiling-iling ito. “Bweno, mukhang wala na akong magagawa para pigilan kayo. Mag-iingat na lang kayo, sabihin mo sa kaibigan mo na hinay-hinay sa pagmamaneho dahil baka matagtag ang tiyan mo.” Bilin pa nito bago siya umalis. “Sige ho, manang, aalis na ho ako.” Aniya bago lumabas dala ang mga baunan na may mga pagkain. Nang makita siya ni Jolina ay kinuha agad nito sa kanyang kamay ang mga dala niya. “Ano ka ba, buntis lang ako pero hindi ako baldado.” Tumatawang ani niya. “Maganda na ‘yung sigurado noh. Tara na, kanina pa kami naghihintay sayo, ang bagal mo.” Pagd
Huling Na-update : 2025-01-02 Magbasa pa