Lahat ng Kabanata ng MAFIA BOSS SERIES: THE FIFTH WIFE [Mr. X]: Kabanata 121 - Kabanata 130

315 Kabanata

121.

Tuwang-tuwa ang kambal. Napapatalon pa ang mga ito nang sabihin ni Kairo na pupunta sila nang Disneyland next month.Ito ang kauna-unahang mag o-out of town sila na kumpleto ang pamilya. Pinagmasdan nilang dalawa ni Kairo sina Aimee at Adius. Kahit sila napapangiti dahil kitang-kita nila ang labis na kaligayan sa mukha nang dalawa.Pinahid niya ang luha. Naiyak siya. Nagiging emosyonal talaga siya pagdating sa mga anak niya.“Ang saya nang kambal. Mas lalo siguro silang sasaya kapag sinagot mo na ako.” Hirit nito.Hindi niya mapigilan na ikutan ito nang mata. “Wag mo nga akong hiritan di’yan dahil hindi tatalab ‘yan,” biro niya. Halos isang buwan na rin silang lumalabas, at madalas magkasama ni Kairo. Bawat paglipas nang araw ay mas lalong nahuhulog ang loob niya rito. “Sir!” Lumapit si Bene sa kanila. Naka-brush up ang buhok nito, umaalingasaw ang amoy ng pabango nito sa paligid, nakasuot ito ng long sleeve na puti, pants na puti, sapatos na puti, sumbrerong puti.Napangiwi siya. Kun
Magbasa pa

122.

“MR. HAN!!!” Makailang ulit na kinalampag ng may edad na si Mrs. Macaro ang malaking gate na bakal, wala itong tigil sa kakasigaw, nasa boses nito ang pagmamakaawa. “Mr. Han, nakikiusap ako, lumabas ka!!!”Umatras ang ginang nang bumukas ang malaking tarangkahan. Nahintatakutan ito na umatras nang makitang lumabas ang binata kasama ang anim na tauhan.“Nasa iyo na ang kailangan mo, Mr. Han. Kaya bakit mo kami kailangan pahirapan pa nang ganito?!!! Ano ba ang kailangan naming gawin para tigilan mo na ang pamilya namin? Hindi pa ba sapat na pinagmukha mo kaming kaawa-awa sa harapan ng board members sa huling nakaraang pulong natin?”Nagngingitngit ang loob nang ginang. Noong nakaraang araw lamang ay lumuhod silang mag asawa sa harapan ng lalaking ‘to, kasama ang kanilang anak na si Bill. Naging katawa-tawa sila sa harapan ng lahat! Pero wala silang pagpipilian kundi ang gawin iyon kundi ay pupulutin silang mag anak sa putikan. Batid nilang kaya silang itapon ni Mr. Han sa mas mababa pa k
Magbasa pa

123.

[Alena]Panay ang buga niya ng hangin habang nakatingin sa salamin. Kinakabahan siya na kinikilig. Ngayong araw kasi tatapatin na niya si Kairo na mahal din niya ito. Bakit pa niya patatagalin kung pareho naman sila ng nararamdaman.“Relax, Alena okay? Inhale… Exhale…”Siya mismo ang nag alok kay Kairo na kumain sila sa labas. Nagpatulong pa siya kay Apol para magpareserve sa isang maganda at mamahaling restaurant.“Ate Alena, tara na. Baka maunahan tayo ni Kuya Kairo do’n sa resto.” Lumapit sa kanya si Apol at tatawa-tawa na tiningnan siya mukha. “Parang bibitayin ka naman, magdi-date lang naman kayong dalawa. Mukhang harmless naman si kuya Kairo, pero kung mamutla ka parang hindi ka na sisikatan ng araw bukas.” Buska nito.“Tse. Ang ingay mo. Parang hindi ka nanginginig sa takot sa asawa mo noon ah.” Naikwento kasi nito sa kanya ang pinagdaanang takot sa asawa nito. Kung makaasar akala mo naman hindi takot na takot sa asawa noon. Siya naman ang natawa ng ngumuso ito. “Bakit ka nga
Magbasa pa

124.

[Alena]“M-masaya ako para sa inyo ni Kairo, anak. Masaya ako na katulad ng kapatid mo ay natagpuan mo na ang lalaki na mamahalin mo at mamahalin ka rin.” “N-nay…” Pati tuloy siya ay naiiyak.Pinahid ng nanay niya ang luha. “Nawala ka man sa amin ng maraming taon, binigay naman ng diyos ang kasiyahan na nararapat sa ‘yo.”Tama ang nanay niya. Kahit na namawalay siya sa pamilya niya ay bawing-bawi naman ang balik na kasiyahan sa kanya.Narito sila ngayon sa isang luxury hotels. Ngayong araw ang engagement party nila ni Kairo. Isang buwan na sumula ng maging official ang relasyon nila. Sa susunod na apat na buwan ay nagpapaplano na silang magpakasal. “Ate, congrats!“ Yumakap sa kanya si Apol, hindi nito mapigilan ang mapahikbi. Pati tuloy nanay nila ay naiyak na naman. “Alam mo, ate, walang araw na hindi kami nagpapasalamat ni nanay kasi bumalik ka… dati kasi noong akala namin na nawala ka, ini-inamgine lang namin na magkakaroon ka ng masayang pamilya, at magiging masaya ka. Hanggang p
Magbasa pa

125.

Nagulat ang lahat ng tauhan ni Bill nang may bigla na lamang may bumangga na sasakyan sa gate.“A-ano po ang kailangan nila?” Nangangatog sa takot na tanong ng bantay. Anumang sandali ay handa ng tumakbo ang lalaki, lalo na at napakaraming kalalakihan ang lumabas sa sasaktan, kasama na sina Kairo at Xerxes.“M-ma’am Amber, ikaw pala ‘yan!” Nabuhayan ng loob ang lalaki pero agad din napaatras sa takot ng tingnan ito ni Kairo ng masama.“She’s not Amber, she is my Alena,” Tinutok ng binata ang baril sa ulo nito. “Nasaan ang amo mo? Ituro mo kung ayaw mong pasabugin ko ang ulo mo!” “Kill them now, Kairo.” Sulsol ni Xerxes. “It’s a waste of time asking someone who couldn’t answer your question. Mukhang nalunok niya ang dila niya… gusto na yata niyang mamatay.” Namumutla na nagsalit-salitan ang tingin ni Alena sa dawalang lalaki. Naguguluhan siya, bakit parang hindi man lang natatakot ang dalawa o nababahala.Kill them daw… gano’n ba kadali sa dalawa ang pumatay?Nang bumaling siya kay Ap
Magbasa pa

126.

“Mr. X, alam na namin kung nasaan ang mga bata!” Imporma ni Lomer. “Nagpadala ng signal sila Adius at Axel kung nasaan sila. Kailangan natin bilisan dahil sa ngayon ay nakalabas na sila ng district!”“Prepare the fastest car, susundan natin sila sa mabilis na paraan.” Utos rito ni Xerxes.Nakasakay na sina Alena at Kairo ng sasakyan. Napaamang si Alena ng may hilahin si Kairo mula sa ilalim.Mga baril?! B-bakit ang daming ganito ni Kairo? Una si Apol binigyan siya ng baril, tapos ngayon si Kairo mayro’n din?Napasinghap siya sa gulat ng biglang humarurot ng napakabilis ang sinasakyan nila. Pakiramdam niya naiwan ang kaluluwa niya sa bilis ng pagpapatakbo ni Bene.Ilang minuto lang ang lumipas at nagsalita si Xerxes sa kabilang linya, rinig nila ang boses ng mag asawa dahil naka-connect sila sa phone ni Kairo.“They’re near…”Malayo pa lang ay huminto na sila para hindi mabulabog ang mga kumuha sa mga bata. Tumingala sila sa abandonadong gusali.“Nasa loob ang mga bata.” Kinasa ni Apo
Magbasa pa

127.

NAGULAT si Mrs. Macaro ng kunin ni Ariel, isa sa tauhan niya ang cellphone na hawak niya.“Ibalik mo sa akin yan, nag uusap pa kami ng anak ko!”“Ma’am, may usapan tayo na hihingi ka ng ransom! Bakit parang umaatras ka na ngayon dahil lang sa tawag ng anak mo! Hindi kami papayag na walang makuhang pera sa magulang ng mga batang ‘yan!!!”“N-nakikiusap ako, i-ibalik na lang natin ang mga bata! Kung gusto mo ay bibigyan kita ng malaking halaga!” Pakiusap ng ginang.“Huh! Saan ka kukuha ng malaking halaga?! Bagsak na ang mga negosyo niyo at wala na kayong mapagkukunan ng pera! Hindi mo ako mauuto!” Singhal ni Ariel. “S-sino kayoo— arghhh!!!!” Natumba ang lalaki dahil sa malakas na sipa ni Bene, ang ibang kasabwat ng ginang ay mabilis na napatumba ng kampo nila Xerxes at Kairo.Mga walang hiya kayo!!! Yari kayo sa akin dahil sa ginawa niyo sa mga alaga ko!!!” Malakas na singhal ni Bene, sabay sipa sa mukha ni Ariel ng paulit-ulit.“Ahhhhhh, t-tama na!!! H-hindi ako ang— ahhh!!!” Sinuntok u
Magbasa pa

128. ‼️SPG‼️

[Alena]Kanina pa sila magkatitigan ni Kairo, kahit na araw-araw silang magkatabi ay medyo naiilang pa rin siya. Ang lagkit kasi ng tingin nito palagi, mukhang natatakam na ewan.Tatlong araw na simula ng mabawi nila ang mga bata. Akala niya no’ng una ay matu-trauma ang mga ‘to pero mali siya. Mukhang ang saya pa nila na akala mo ay galing lang sa pamamasyal at adventure.“Daddy, mommy, doon po kami matutulog sa kwarto ni Lola ngayon, mukhang nando’n po kasi si manong—“ agad na tinakpan ni Adius ang bibig ni Aimee, nagkatinginan tuloy sila ni Kairo.“Mom, dad, magpi-play kasi kami do’n, kaya do’n po muna kami.” Paalam ni Adius.Tumikhim si Kairo. “Sigurado kayo?” Seryosong tanong nito kunwari, pero kita sa mukha nito ang pagkasabik, mukhang hindi na ito makapaghintay na mapagsolo silang dalawa. “Alright, kayo ang bahala.” Bago lumabas ay humalik pa ang kambal sa pisngi nilang dalawa. “I love you po, mommy, daddy!” Bibong saad ni Aimee.“Me too, dad, mom, i love you,” nginuso ni Adius
Magbasa pa

129.

[Alena]“Grabe, ate, ayaw na talaga ni kuya Kairo na pakawalan ka. Biruin mo next month gusto na niyang ikasal kayo agad.”Biglaan na lang kasing nagdesisyon si Kairo na madaliin ang kasal nila.“Siyempre, mahal na mahal yata ni Sir si ma’am!” Bilglang singit ni Bene na kadarating lang, buhat-buhat pa nito si Aimee. “Siya nga pala, ma’am, aalis ako ngayon, dadalhin ko ‘to kay Sir,” bumaling ito sa anak niya, “Aimee, kay mommy ka muna dahil aalis ako.”“No!!!” Tili nito at mas lalo pang kumapit kay Bene, kaya napakamot na lang ito.“Bene, ako na lang ang magdadala ni’yan kay Kairo. Sige na, iwan mo na lang sa akin yan.” Aniya. Sigurado kasi na iiyak si Aimee kapag umalis si Bene. Close na close talaga ang mga anak niya rito. Napakamot ang matanda sa ulo. “Sige ho, ma’am. Hindi na talaga ako secretary ngayon, mas mukha na akong yaya.” Bubulong-bulong na sabi nito habang palayo.Pagkatapos magpaalam sa kapatid ay nagpahatid siya sa office ni Kairo. Agad naman siyang binati ng mga empleya
Magbasa pa

130.

[Kairo]“Sir, mas mabuti siguro na sabihin niyo na kay Ma’am Alena habang maaga pa. Hindi mo matatago sa kanya habang buhay ‘yan.” Suhestiyon ni Bene, sinabi kasi niya rito ang tungkol sa pagsulpot ni Kley, ang ex-fiance niya noon.Napasabunot siya sa buhok. “Damn!” Mura niya. “All this time, bakit ngayon pa kung kailan malapit na kaming ikasal ni Alena? Damn that bitch! Gusto ba niyang gumanti sa akin dahil sa ginawa ko sa kanya noon?!” Bago pa niya minahal si Alena noon ay fiance niya si Kley. When he fell in love with Alena, he called off their engagement. Hindi naman talaga niya mahal si Kley, nagkasundo lang sila na magpakasal para sa businesses nila. Merging their company will help them to expand their business. He still remember how furious Kley’s family that time. Pinahiya daw niya ang angkan nito. “Sa tingin ko nga, Sir, gumaganti si Miss Kley. Kasi kung hindi ay noon pa sana niya sinabi sa inyo na may anak kayo. Paano na ‘yan, Sir, kapag lumabas sa DNA result na anak mo nga
Magbasa pa
PREV
1
...
1112131415
...
32
DMCA.com Protection Status