♥️
[Kairo]“Sir, Miss Kley is calling again.” Imporma ng kanyang secretary. “Ipapasa ko ba sa inyo ang tawag?”“No, damn it! Tell that woman to stop calling me because I’m busy!” “But, Sir, ilang beses ko nang sinabi iyan, subalit hindi siya tumitigil—““Then block her!” He snapped, his voice thundered around the corner. “Damn that, bitch! Hindi ba niya ako titigilan?“ may usapan sila na huwag itong magparamdam sa kaniya hangga’t wala pa ang resulta ng DNA result. That woman knows how to pissed him! Damn her!“Are you avoiding me?!” He immediately stood up when Kley entered his office, nakasunod sa babae ang namumutla niyang secretary.“S-Sir, i tried to stopped her—““It’s alright, you may go outside,” pilit siyang huminahon ng harapin si Kley, “what is wrong with you, huh?! "I told you to stop pestering me until the DNA result is revealed! Hindi ka dapat nagpunta pa rito sa office ko without my permission—““Bakit natatakot ka na baka maabutan ako dito ng future bride mo?” Nagningas
That bitch!Hinampas ni Kley ang kamao sa manibela, lalo lamang nag init ang ulo ng dalaga ng makita ang babaeng kinababaliwan ni Kairo.Of all people ito pa ang nabangga niya. Pagkakataon nga naman. The report that reached her was indeed correct. Well that woman is beautiful. However, apart from that, she lacks the qualities that Kairo should see. She is simply a low-class woman, with nothing special about her. At iyon ang hindi niya matanggap. Pinagpalit lang siya nito sa isang ‘low class’ na babae.Malinaw pa sa kanyang alaala nang mapahiya ang kanilang pamilya ng umatras ito sa kanilang kasal. Naging tampulan ng usap-usapan sa kanilang pamilya sa society na kinabibilangan nila. And because of that she decided to went on US to move on and give birth to her son. Kung natuloy lang sana ang kanilang kasal ay hindi niya itatago ang anak niya sa ka-fling niya noon, at si Kairo na rin ang kikilalanin nitong ama.Yes, hindi si Kairo ang ama ng kanyang anak. Bukod kay Kairo ay mayro’n pa si
PAGKATAPOS iparada ni Bene ang kanyang motorsiklo ay pumasok na siya sa ospital. Ngayong araw lalabas ang resulta ng DNA test at siya ang inutusan ni Kairo na kunin ang resulta. Sa kabilang banda ay kararating lang din ni Kley sa hospital. “Nasaan na si Doc Tan?” She asked. “Nasa loob ho, sandali lang, ma’am, bawal ho kayong pumasok,” pigil ng nurse, subalit hindi ito pinansin ni Kley. “Oh, Miss Kley, what can I do for you?” Nakangiting tanong ng matandang doktor kay Kley, “Mukhang may mahalaga kang sadya kaya ka narito ngayon. Hmm, let me guess, tungkol ba ito sa DNA result na pinagawa ninyo ni Mr. Han?” Well, the old doctor is really sharp, huh. Tumango si Kley at walang ligoy na sumagot, “Yes, I’m here to negotiate.” Nilapag ni Kley ang sobra ng pera at ilang tseke sa mesa ng doktor, “I want you to fake the DNA test. Sapat na siguro ang 50 million para palabasin mo na positive ang resulta na ama nga ng anak ko si Kairo.” Kley also used her own money, alam niya na hindi ma
“Congratulations, Miss Lanchester, you’re two weeks pregnant.” Anunsyo ng babaeng doktor. “Po?” Namilog ang mata ni Alena ng narinig ang sinabi ng doktor, sa tuwa ay natuptop pa niya ang bibig. “D-diyos ko…” siguradong natutuwa si Kairo kapag nalaman ito. Narito sila ngayon sa hospital, bigla na lang kasing nawalan nang malay si Alena, kaya naman pala, dahil nagdadalantao na pala siya. Kung narito lang si Kairo sigurado na matutuwa ito dahil madaragdagan na naman ang mga anghel nila. Nagkaroon na naman ng malaking problema si Kairo, kaya nagdesisyon sila na iurong muna ang kanilang kasal. Sa ngayon ay nasa ibang bansa si Kairo, isang linggo nang naroon ang binata para asikasuhin ang business problem nito. Sa loob ng limang buwan pa sila magpapakasal. Gusto kasi ni Kairo na ikasal sila kapag naayos na daw ang gusot na kailangan nitong ayusin. “Naku anak, maagang regalo iyan para sa inyong dalawa ni Kairo. Hay naku, baka kapag nalaman ni Kairo na buntis ka baka magbago ang isip
“Adius, Aimee, please slow down,” suway ni Alena sa kambal ng mabilis itong tumakbo para puntahan ang daddy nila sa office. Napailing na lang si Alena habang napapangiti. Hindi talaga masuway ang kanilang anak lalo na kapag excited pagdating sa kanilang ama. Talagang tatakbo ito para salubungin ang daddy nila. “Daddyyy!!!” Sabik na tawag ni Aimee sa ama. “O-oh, nandito pala kayo.” Gulat na gulat na saad ni Kairo ng makita sila. “Oh my,” namilog ang mata ni Aimee ng makita ang maraming laruan na nagkalata, “Are this toys for us, daddy?” Tanong ni Aimee habang namimilog ang mata sa tuwa, na akala mo ay ngayon lang nakakita ng sandamakmak na laruan. Samantalang sa bahay nila ay napakarami na nitong mga laruan. Parehong nagkatinginan sina Kairo at Bene sa tanong ni Aimee, pero agad din nakabawi si Bene. “A-ah, oo!” Kabadong saad ni Bene, “b-binili talaga lahat iyan ng daddy niyo para sa inyo, marami pa nga sa kotse. Mamaya ay kukunin natin iyon.” “Yeheeeyyyy!!!” Masayang nap
“That bitch really believe na mapapaniwala niya ako,” nilagok ni Kairo ang baso na may laman na alak, narito pa rin silang dalawa sa office, maging si Bene ay ngising-ngisi habang umiinom kasama ni Kairo. Yes, Bene never betrayed Kairo; isa lamang itong palabas para sumakay at mapaniwala nila si Kley na nabilog nito si Kairo, upang maging kampante ito. Nanumbalik sa isip ni Bene ang naging usapan nilang dalawa ng kanyang amo. “That bitch! I knew it, ginagawa niya ito dahil nahaharap sa bankruptcy ang kanilang kumpanya, she is desperate that’s why pati ilaw ay sinubukan niyang silawin sa malaking halaga.” “Ano ang plano mo, Sir? Kailangan kong magbigay ng sagot sa kanya, kung patatagalin ko ay baka maghinala siya na sinabi ko sayo ang totoo.” Tumango-tango si Kairo, Bene is right. Kung lalabas na negative ang resulta ay may hinala ang binata na hindi pa rin titigil si Kley. Sa batas ay siya ang nakalagay na legal na ama ng bata dahil pangalan niya ang nilagay ni Kley sa lahat
Nang magmulat si Alena ng mga mata ay agad niyang kinapa ang kanyang tiyan. Naalala niya na dinugo siya bago nawalan ng malay. ‘My god, please keep my baby safe’ piping pakiusap niya. Nang pumasok ang doktor ay naupo siya at agad na nagtanong. “Doc, kamusta na po ang anak ko?” Kinakabahan na tanong niya. “The baby is fine, Miss Lanchester. Sa ngayon ay kailangan mong magpahinga, iwasan mo rin ang mag isip ng ikasasama ng loob mo dahil kahit makapit ang anak mo ay hindi natin masisiguro ang kaligtasan niya,” saad ng doktor, “eat healthy foods like vegetables and fruits para healthy kayo pareho ni baby.” Nakangiting dugtong pa nito. Nakahinga nang maluwag si Alena sa narinig. “Sige ho, doc, maraming salamat po.” Nang makaalis ang doktor ay saka siya bumaling kay Apol na nakatayo lang sa gilid. Napansin niya na tahimik lang ito at hindi nagsasalita. “Apol, si nanay? Si Kairo?” Naalala ni Alena ang nalaman niya, iyon ang dahilan kaya dinugo siya at narito sa hospital. Dama niya a
Ano ang ginagawa ng babaeng ito rito?! “Daddy, huhuhu!!!” Nanikip ang dibdib niya ng tumakbo ang bata at yumakap sa walang malay na si Kairo. Alam niyang mali… walang kasalanan ang bata, pero gusto niyang itaboy at palayasin ang dalawa. Kinain ng takot ang puso niya… paano kung dumating ang mga anak niya at makita ang mga ito? Hindi!!! “Hindi ka mukhang nagulat ng makita ang anak ko. So you know about us? Sinabi na ba ni Kairo ang tungkol sa amin?” Nakataas pa ang kilay na tanong ni Kley. Hindi siya nakasagot. Lumapit si Kley kay Kairo. Kumuyom ang kamao ni Alena ng makita kung paano nito haplusin ang pisngi ng lalaking mahal niya, halatang sinasadya pa nitong ipakita sa kanya ‘yon, na parang nagsasabi na ‘hindi lang siya ang may karapatan. Nanlaki ang mata niya ng bumaba ang ulo ni Kley. “Layuan mo si Kairo!” Bago pa mahalikan ni Kley si Kairo ay malakas na siyang itinulak ni Alena sa pader. “Ouch!” Napaigik si Kley sa sakit. “Mommy!” Nilapitan ni Art ang ina at
Gusto ko po magpasalamat sa lahat ng readers ko na sumubaybay dito hanggang sa dulo. Thank you po sa old at new readers ko. Hindi ko man kayo ma-mention lahat, kilala ko kayo✨ sa mga nagpadala ng GEMS 💎 at mga nagbigay ng FEEDBACK ♥️ Grabe ang layo ng stories na narating nating lahat. Xerxes and Apol 💟 Kairo and Alena 💟 Johnson and Charlotte 💟 Axel and Serena 💟 and lastly ay sina Adius at Skye💟 Wag po sana kayo magsawa na sumuporta sa mga stories ko. Ang trapped series ko ay hindi ko pa sure kung kailan ko sisimulan. Pero may soon na stories akong ipa-publish soon. Sana po ay magustuhan at suportahan ninyo. May bago po pala akong story, ito po ang title: MAFIA BOSS SERIES2: THE PRETENDING WIFE [MR. KING] Salamat po ulit sa support✅ By author: Seenie ♥️
Pagkatapos ng dinner at pagsapit ng alas otso ay pinaakyat na sila ni Serena para makapag pahinga. Maaga kasi ang kasal nila ni Adius bukas. At si Serena naman ay kapapanganak lang. pagdating sa kwarto niya ay kumunot ang kanyang noo. May nakita kasi siyang bulaklak sa ibabaw ng kama niya. Balak sana niya na balewalain ito pero biglang sumulpot si Queenie sa gilid ng kama niya. “Tita Skye, hindi mo pa ba pupuntahan si tito Adius?” Napabangon siya bigla. “Ha? Nandito ang tito mo?” “Opo, tita… nasa garden po siya! Bigay niya nga po itong rose eh… para daw po sa magandang future misis niya hehe!” Nakabungisngis na sagot pa nito sa kanya. “Shhh lang daw po, tita, baka daw po malaman nila lola na nandito siya.” Bilin pa nito. Halos isang linggo din silang hindi nagkita kaya excited na pumunta siya sa garden para makita ito. Napasimangot siya ng makita na si Kiro ang naroon. Natawa naman ito ng makitang nakasimangot siya. “Bakit parang nalugi ka, Skye. Dati naman ay masaya ka kapa
“Dude, are you okay?” Tanong ni Xian sa kanya. Kumunot ang noo nito ng hindi siya sumagot. “Adius, may problema ba?” “H-ha? Wala.. wala…” sagot niya sabay talikod sa kanyang pinsan. Nagkatinginan sila Jansen, Xian at Ax. Lumapit si Xio na kadarating lang at umakbay sa kanya. “Adius, napansin namin na noong nakaraan ka pa wala sa sarili. Sigurado ka ba na wala kang problema? Wag mong sabihin na gusto mong umatras sa kasal niyo ni Skye bukas?” “W-what?! Of course not! Bakit naman ako aatras sa kasa naming dalawa gayong matagal din akong naghintay na ikasal kami?!” Inalis ni Adius ang kamay ni Xio sa kanyang balikat at tumingin sa labas ng bintana kung saang hotel naroon sila. “Kung ganon ano ang problema? Nag-aalala na sila tito Kairo sayo. Tsk. Iniisip tuloy nila na baka napipilitan ka lang na pakasalan si Skye dahil sa bata.” Komento naman ni Axel. Bumuga si Adius ng hangin at seryosong tumingin sa mga ito. Nahihiya man… hindi na siya nakapag pigil. Tumikhim muna siya. “U
Dahan-dahan niyang dinilat ang kanyang mga mata. Ang una niyang nakita ay puting kisame ng silid na kinaroroonan niya. Nauuhaw siya… nanunuyo ang kanyang lalamunan. “A-adius…” paos niyang tawag sa nobyo. Umiiyak na hinawakan niya ang kanyang tiyan… “Adius, ang baby natin!” “Shhh, babe… it’s fine. Wag kang mag-alala ligtas ang anak natin.” Sabi ni Adius habang hawak ang isa niyang kamay. Naluha siya sa sinabi nito. Nang yakapin siya nito ay sinubsob niya ang mukha sa dibdib nito. “B-babe… akala ko hindi ka na darating… akala ko mapapahamak kami ni baby…” nang panahon na hilahin siya nila Hersheys ay napuno na ng takot ang dibdib niya. Inisip niya na hindi na ito darating para iligtas sila. Humagulhol siya ng maalala ang maraming dugo sa pagitan ng mga hita niya. “A-akala ko mawawala na ang baby natin, babe… so-sobra akong natakot… akala ko mapapahamak siya…” Niyakap ni Adius ng mahigpit si Skye. Dama niya takot at ang panginginig nito. “I’m sorry, babe kung nahuli ako.
Pagdating ni Adius sa basement ay sumalubong sa kanya si Xio na may hawak na baseball bat. “Mabuti naman at dumating ka na. Parating na ang mga tauhan ni Axel kasama sila. Magsisimula pa lang ako pero may nag-eenjoy na sa loob.” Sabi nito. “Where is she?” Tanong niya. “Nasa dulo, kasama si Aimee.” Sagot ni Xio, Kumunot ang noo ni Adius. Akala niya ay nasa hospital din ito ngayon kasama sila Axel. Pagdating niya sa pinakadulong kwarto ay nadatnan niya ang kakambal na nakaupo sa couch at nanlilisik ang mga mata na nakatingin kay Hersheys. Nakatali ang dalawang kamay ni Hersheys pataas, sabog ang buhok nito at putok ang labi at duguan ang mukha. Ayon kay Xio ay may nag-eenjoy na dito. Mukhang ang kakambal niya ang tinutukoy nito. Tumayo si Aimee at galit na dinuro si Hersheys. “Adius, hindi ko mapapatawad ang ginawa niya kay Skye at sa pamangkin ko… please, let me kill her now!” Nanlilisik sa galit ang mga mata na sabi ni Aimee. Nanlaki ang mata ni Hersheys sa takot. “Pa-paran
Binalibag ng malakas ni Adius si Hersheys sa sahig bago niya nilapitan ang nobya. “Damn!” Malakas niyang mura ng makita ang nakakaawang kalagayan nito. “B-babe… hold on.” Pinangko niya ito. Kanina ay walang nanaig sa kanya kundi matinding galit. Ang tanging nasa isip niya ay kitilin ang buhay ni Hersheys dahil sa ginawa nito kay Skye. Ngunit ng makita niya ngayon ang kalagayan ng nobya na duguan ay kinain ng takot ang kanyang puso. Nanlalamig ang kanyang katawan sa takot na baka mawala ito o ang kanilang anak. Hindi niya mapapatawad ang kanyang sarili kapag may nangyaring masama sa kanyang mag-ina. “B-babe, come on.. wake up. Don’t fall asleep in my arms, babe…” pakiusap niya sa nobya habang buhat ang walang malay na katawan nito. Tuluyan na itong nawalan ng malay sa kanyang bisig. Malaki ang sugat sa noo ng nobya. Walang patid ang pag-agos ng dugo dito, maging sa pagitan ng hita nito. “Babe, o-open your eyes, please… nandito na ako. U-uuwi na tayo…” Garalgal ang boses na p
“H-hindi totoo ang mga sinasabi mo… ako ang mahal ni Adius…” nitong nakaraan ay sigurado siya na mahal siya ni Adius. Ngunit ngayon ay nabasag ang kumpiyansa niya. Natatakot siya na baka totoo ang sinabi nito. Maisip palang niya na tama ito ay parang dinudurog na ang puso niya sa sakit. Nahihirapan siyang huminga at parang kinakapos siya sa hangin. “Kung mahal ka niya ay hindi niya ibibigay sa akin ang kontratang ito, Miss Malason, at hindi niya sasabihin sa akin ang tungkol sa panibagong kontratang ito. Gumising ka na sa kahibangan mo at matauhan. Hindi ang katulad mo ang mamahalin ni Adius. Malayong-malayo ka sa babaeng nababagay sa kanya. Kaya nga gumawa siya ng kontrata kagaya ng ganito dahil alam niya na aabot sa ganito. Look at you, nag-aassume ka at nangangarap na papatusin ka talaga niya… gold digger bitch!” Dagdag pa ng babae. Dumaloy ang masaganang luha niya sa kanyang mata. Gold digger naman talaga siya. Pera lang ang mahalaga sa kanya. Tama si Hersheys… kaya gumawa
Dinala si Skye ng mga lalaki sa isang abondonadong resort. Kusang-loob siyang nagpa-akay sa mga ito hanggang sa makarinig siya ng pagbukas ng pinto. “Itali ninyo ang babaeng iyan. Hintayin natin si madam. Mamaya ay darating na iyon,” rinig ni Skye na bilin ng isang lalaki. Kahit wala siyang makita dahil sa kanyang piring sa mata ay alam niya na inupo siya ng mga ito sa isang upuan. Naramdaman niya na tinali siya ng mga ito sa kamay at paa. Ang higpit ng pagkakatali sa kanya, ramdam niya ang hapdi ng paglapat ng lubid sa kanyang balat. “Nakatali na si miss. Hindi na makakatakas ito sa higpit ng pagkakatali ko!” Sabi ng isang lalaki. “Mabuti naman. Sa labas na tayo maghintay. Kakatext lang ni madam, malapit na daw siya. Hoy, ikaw, Esko, lumabas ka! Wala akong tiwala sa’yo!” Narinig niya ang paglabas ng mga ito habang nagrereklamo ang lalaki na tinawag nitong Esko. ‘Diyos ko, wag mo kaming pabayaan ng anak ko!’ Hindi niya mabilang kung ilang beses siyang nagdasal na sana a
Habang lulan ng sasakyan ay napansin niya na panay ang tingin sa kanya ng mga katabi niya. Bigla siyang kinabahan sa klase ng tingin nito. Tinakpan niya ang kanyang leeg gamit ang kamay at umusod palayo. Pero may isa pang lalaki sa kanyang tabi kaya wala na siyang mausuran. “Ang ganda mo pala, miss. Kaya pala pinatulan ka ng mayaman eh… amoy baby ka pa at mukhang mabango!” Kahit hindi nakatingin si Skye sa lalaki ay ramdam niya ang malaswang tingin nito sa kanya. “Hoy, Esko! Wag kang magkakamali na galawin ito, baka mamaya ay hindi tayo makatanggap ng bayad at bonus kay madam! Kung ako sa’yo ay manahimik ka!” Sita ng katabi ng driver. Kinurot ni Skye ang hita. Kung kanina ay kalmado siya at hindi natatakot, ngayon ay nagsimula na siyang makaramdam ng kaba. Mukhang hindi lamang kidnaper ang mga dumukot sa kanya. Mukhang mga manyakis pa at talagang halang ang mga kaluluwa. Napapitlag siya ng biglang umakbay sa kanya ang isang lalaki na katabi niya. “Mukhang hindi natatakot si