All Chapters of MAFIA BOSS SERIES: THE FIFTH WIFE [Mr. X]: Chapter 111 - Chapter 120

334 Chapters

111.

May pag aalala na nakatunghay sina Adius at Aimee sa mommy nila habang nakahiga ito. Wala pa rin itong malay magmula ng manggaling sila sa meeting na dinaluhan ng kanilang ama.“Daddy, relax ka lang okay. Hindi po masungit si mommy.” Humahagikhik na wika ni Aimee. Napansin ng paslit na kanina pa paroon at parito si Kairo, bakas ang kaba sa mukha nito ngayon.Maging si Adius ay napangiti sa tinuran ng kanyang kakambal. Ngayon lang niya nakita na kabado ang daddy niya. Wala ang bakas ng katapangan nito na madalas niyang makita noon. Tila isang kabadong bata ang daddy nila ngayon.“Dad, tama si Aimee. Hindi po masungit si mommy. She is the best mom in the world. She is kind just like Aimee.” Napatunayan iyon ni Adius sa maikling panahon na nakasama niya ito. Mahinahon ang mommy nila, hindi ito katulad ng tita Apol niya na maingay at madaldal at masakit sa tenga ang bunganga. May pilyong ngiti na bumaling si Adius sa kapatid, naalala nito ang binilin ni Bene sa kanila. Tila nakakaintindi
last updateLast Updated : 2024-04-25
Read more

112.

“M-mommy, nag aaway po kayo ni daddy?” Tanong ng kapapasok lang sa kwarto na si Aimee.Nakagat niya ang Alena ang labi ng marinig ang boses nang kanyang anak. Agad na pinahid niya ang luha, ngumiti siya sa anak para pagtakpan ang tensyon sa pagitan nila ni Kairo. Nakita niya kung gaano kasaya si Aimee na kumpleto na sila, maging si Adius ay masaya rin. At ayaw niya na masira ang kasiyahan nang dalawa niyang anak.“Aimee, hindi nag aaway sila mommy. They are crying because they happy. Tama po ba, mommy?” Ani ni Adius sa kapatid.Tumingin si Kairo sa kanya nang mayro’ng pagsusumamo sa mata, katulad niya hindi rin nito gusto na masaktan ang anak nila.Nabigla si Kairo nang yumakap siya sa leeg nito. Nanigas pa ang katawan ng binata sa gulat, nag iinit din ang tenga at mukha nito. “H-hindi k-kami nag aaway nang daddy niyo, okay. U-umiiyak kami kasi masaya kaming makita ang isa’t isa.” Kanyang pagdadahilan. Kunwari ay dumiin pa ang yapos ng kanyang braso sa leeg nito. Nang bibitaw na siy
last updateLast Updated : 2024-04-26
Read more

113.

Dalawang araw si Alena nagpanggap na may sakit para iwasan si Kairo. Sa tuwing kakain ay dinadalhan siya nang pagkain sa kwarto ng mga kasambahay. Pati paglabas ng kwarto ay hindi niya ginagawa.Baka mamaya magkasalubong pa sila.Ilang beses siyang napalunok nang laway. Uhaw na uhaw na siya. Ubos na ang laman ng tumbler niya.Tumingin siya sa orasan. Alas dose na nang gabi. Siguro naman ay tulog na si Kairo ng ganitong oras.Marahan niyang binuksan ang pinto. Madilim na sa pasilyo, karamihan nang ilaw ay patay na. Salamat naman!Nanunuyo na talaga ang lalamunan niya dahil sa uhaw. Bago pumunta nang kusina ay dumaan muna siya sa kwarto ng mga anak nila. Nang makapasok siya rito ay nakita niya na mahimbing nang natutulog ang dalawa sa magkatabing kama. Inayos niya ang kumot ng dalawa at saka hinalikan ito sa noo. Pink ang lahat ng kulay ng gamit ni Aimee, samantalang blue naman ang kay Adius.Ang cute ng mga anak niya, kamukhang-kamukha ito ng kanilang ama!Teka. Ibig bang sabihin ay
last updateLast Updated : 2024-04-26
Read more

114.

Ang lamig!Hindi niya natandaan na nilakasan niya ang aircon kaya bakit ang lamig naman yata?Kinapa niya ang kumot, pero agad na kumunot ang noo niya dahil matigas na bagay ang nakapa niya. Nang dumilat siya ay nanlaki ang mata niya. Kaya pala matigas ang nahawakan niya dahik dibdib ito ni Kairo!“Waaahhh!!!!” Kinuha niya ang unan at hinampas ang pupungas-pungas na si Kairo. “Mapagsamantala ka talagang lalaki ka—“Natigil sa ere ang kamay niya nang mapansin na nakatayo sa bandang pintuan ang kambal.“Mommy? Daddy? Are you two playing po?” Inosenteng tanong ni Aimee.“Yes.”“A-ah, eh… p-parang gano’n na nga anak.”Magkasabay na sagot nila.“Sali po kami, mommy!” Sabik na sabik na kumuha ng unan si Aimee, gano’n din si Adius.Pinaghahampas nang dalawa si Kairo. Tiningnan niya ang hawak na unan. Laro pala, ha!Buong lakas na pinaghahampas niya si Kairo nang unan sa mukha, hindi lang isang beses, kundu paulit-ulit. Binuhos niya rito ang lahat ng inis at gigil niya.Ang natatandaan niya a
last updateLast Updated : 2024-04-26
Read more

115.

Nanlalalim ang mata ni Alena. Hindi siya nakatulog nang maayos dahil sa nalaman niya.Mahal daw siya ni Kairo!Inaantok na yata ito kagabi kaya kung ano-ano na ang sinasabi. Isang gabi lang naman may nangyari sa kanina, tapos wala pa siyang maalala. Tapos matagal ulit sila bago nagkita. Kaya imposible naman yata iyon.Bumukas ang pinto at pumasok ang kambal niyang anak. “Mommy, bakit po hindi ka lumalabas? Ang sabi po ni Manong Bene magaling ka na daw po. Please po, mommy, sabayan niyo po kami ni daddy sa pagkain.” Napangiwi siya. Kaya nga siya nagkukulong uli sa kwarto para iwasan si Kairo. “Sige na po, mommy.” Maging si Adius ay nakiusap na rin.Paano naman siya tatanggi sa mga anak niya. “A-ahm, sige bababa na ako. Maliligo lang ako.” Nang makalabas ang anak mga anak niya ay saka siya naligo. Kailangan niya maligo para magising ang diwa niya. Inaantok pa kasi siya.Agad na tumayo si Kairo nang makita siya, pinaghila pa siya nito nang upuan. Habang kumakain sila ay panay ang dald
last updateLast Updated : 2024-04-27
Read more

116.

[Alena]Ang awkward. Sa buong buhay niya ay ngayon lang siya nailang nang ganito. Nasa gitna naman ang dalawa nilang anak subalit naiilang pa rin siya. Paano ay magkaharap ang pwesto nilang dalawa.Narito silang apat ngayon sa kwarto ni Kairo. Katulad nang gusto nang kanilang anak ay magkakatabi silang matulog ngayong apat. Katabi niya si Adius, samantalang ito ay katabi naman si Aimee. Malaki ang kwarto nang binata. Parang ginawa talaga ito para sa kanilang pamilya.Pamilya?Napaunok siya sa naisip niya. Pamilya ba ang tawag sa kanila? Sila nga ang magulang nang kambal pero wala naman silang relasyob bukod sa pagiging ina at ina ng mga ito.Nagkatinginan sila ni Kairo nang kunin ni Aimee ang kamay nila at paghawakin. “Daddy, mommy, dapat po lagi kayo magkahawak nang kamay. Iyon po kasi ang sabi ni tita Apol para daw po magkaroon ng baby brother.”Pakiramdam niya ay nakakain siya nang napakaraming sili. Sobrang pula nang mukha niya. Loko-loko talaga ang kapatid niya! Kung ano-ano na
last updateLast Updated : 2024-04-28
Read more

117.

[Alena]Kailangan ba talaga na magtabi pa silang mamayang gabi?“Alena anak, ayos ka lang ba?”Wag na lang kaya? Pero ano naman ang idadahilan niya sa mga anak nila? Hindi naman pwede na sabihin niya na naiilang lang siya. Masyado pang mga bata ang kambal kaya tiyak na hindi siya maiintindihan ng dalawa.“Alena!” Malakas na siyang tinampal sa mukha nang nanay niya. “Kanina ka pa namin tinatanong ni Apol kung ayos ka lang ba. Aba pulang-pula ang mukha mo. Masama ba ang pakiramdam mo?”Napahawak siya sa mukha. Siya namumula? Wala naman siyang iniisip maliban kay Kairo.“Umuwi na lang tayo kung masama ang pakiramdam mo, Ate. May next time pa naman.” Ani Apol.Narito sila ngayon sa isang department store. Gusto kasing bumawi ng mga ito sa kanya dahil matagal siyang nawala. Lahat daw ng gusto niya ay bibilhin ni nanay at Apol. Hindi na siya tumanggi dahil ang totoo ay namiss niya rin ang ganito, ang magkakasama silang tatlo.“Ate, mukhang bagay ‘to sayo. Sigurado na hindi ka titigilan ni Ku
last updateLast Updated : 2024-04-30
Read more

118.

[Alena]Pagkauwi ay agad na hinanap niya si Kairo. Napahinto siya sa paglapit nang makita niya na naglalaro ito kasama ang kambal.“Checkmate, daddy!” Masayang turan ni Adius.“Daddy, ayoko ng ganyang laro! Hindi ko ma-gets, eh! Mas gusto ko po ang mga dolls!” Reklamo ni Aimee.“I don’t like dolls! Pambabae lang ‘yon, eh!” Nang makita ni Adius na namumula ang mata ni Aimee ay agad itong tumayo. “C’mon. Let’s play dolls with manong Bene!”“Hoy teka! Bakit nadamay ako?!” Reklamo ni Bene na umiinom ng juice sa isang gilid. “Matanda na ako para maglaro ng manika— sir, pigilan mo ‘tong dalawa! May date ako mamaya!” Walang nagawa si Bene kundi ang magpahila sa kambal.Tinakpan niya ang labi para pigilan ang tawa. Pero nakita na siya ni Kairo kaya agad na tumayo ito at nilapitan siya.“Nag enjoy ka sa lakad ninyo?” Tumango siya. Ewan ba niya pero hindi niya mapigilan ang tumingin sa mata ng binata, at gano’n din ito sa kanya. “Ahm, wag mo nga akong tingnan.” Kunwari ay sita niya.Pulang-pu
last updateLast Updated : 2024-05-01
Read more

119.

[Alena]Kanina pa siya palakad-lakad habang hinihintay ang kapatid niya at ang nanay niya. Dapat may date sila ni Kairo kahapon pero nakiusap siya na ipagpaliban.“Pasok!” Aniya nang makarinig ng katok sa pinto. Humahangos na pumasok si Apol at ang nanay niya. “Kailangan ko nang tulong niyo!” “Bakit, anak? Buntis ka na ba? Naglilihi ka na?”“Ano ang gusto mong kainin na hindi mabili ni Kairo?” Natampal niya ang noo. “Hindi ako buntis, okay? Saka lalong hindi ako naglilihi.” Ano bang pinagsasabi nang dalawang ‘to.Nagkatinginan ang dalawa. “Eh ang sabi mo sa amin sa tawag kailangan na kailangan mo nang tulog, nagmamadali tuloy kami na pumunta dito ni nanay.” Bumuntong hininga siya. “Ganito kasi ‘yon… May date kasi kami ni Kairo ngayon, kaya kailangan ko nang tulong niyo.”“Ano? Pinapunta mo lang kami ni Apol rito dahil may date ka kay Kairo?” Hindi makapaniwalang bulalas ng nanay nila. “Akala ko naman ay napakabigat ng problema mo.” “Oo nga naman, ate. Nagmamadali pa akong pumunta r
last updateLast Updated : 2024-05-02
Read more

120.

[Alena]Natigilan si Kairo nang makita siya, agad na bumalatay ang pag aalala sa gwapo nitong mukha. “You cried?” Lumapit ito sa kanya ay sinapo ang mukha niya. “Hindi mo ba gustong umalis ngayon? Masama ba ang pakiramdam mo?”Sinupil niya ang ngiti sa labi. ‘Kalma, Alena, mamaya ka na kiligin!’ Inalis niya ang kamay nito sa mukha niya. “Hindi masama ang pakiramdam ko.” Napasimangot siya nang maalala na palpak ang tulong ng nanay at kapatid niya. “Pasensya ka na ha, natagalan ako sa pagbaba. Nagpatulong pa kasi ako kay nanay at kay Apol para lalong gumanda—“ Natuptop niya ang bibig. “A-ah, ibig kong sabihin… nagpatulong ako para mag ayos.”Ano bang klaseng bibig ‘to? Binubuking siya!Hindi mapigilan ni Kairo ang pagsilay ng simpatikong ngiti sa labi. “Hmm, kaya pala ang tagal mong bumaba.” Hinawakan nito ang kamay niya at iginiya siya paalabas ng parking lot. “Didn't I tell you that you’re beautiful enough to capture my heart and my eyes as well. Hindi mo kailangan magpaganda pa dahil
last updateLast Updated : 2024-05-02
Read more
PREV
1
...
1011121314
...
34
DMCA.com Protection Status