Lahat ng Kabanata ng MAFIA BOSS SERIES: THE FIFTH WIFE [Mr. X]: Kabanata 81 - Kabanata 90

315 Kabanata

81.

“Mr. X, ang mga taong ‘yan ang kasali sa death battle.” Kinuha ni Lomer ang isang files kung nasaan ang nakamaskarang lalaki nang kulay pula. “Lahat sa kanila ay may nakakilala at nakakita maliban sa lalaking ito. Ni isa ay walang makapagsabi kung sino ito. Hindi daw tinanggal ng lalaki kahit isang beses ang suot nitong maskara at tanging code name lang ang ibinigay niya.”Hindi pwede magkamali si Xerxes. Ito ang lalaking kumaway sa asawa niya pagkatapos nitong lumaban.“Mr. X, nagpadala na ng mga tauhan ang PDA at nakapwesto na sila mula sa kalayuan para magbantay. Mayro’n tatlo na sasama sa mga personal bodyguards ninyong mag asawa. Ang kailangan nalang natin hintayin ay ang kumilos na ang taong ‘yan. Malalaman natin kung ano ba talaga ang pakay niya sa inyong mag asawa.” Tumango si Xerxes kay Lomer. Narito sila ngayon sa library ng mansion ng kanyang Lolo Axel. Iniwan niya muna habang natutulog ang asawa niya.Pareho ang dalawa napatingin sa humahangos na dumating, si Empong. “M-Mr
Magbasa pa

82.

[Apol]“Gusto kong magpasalamat sa inyong lahat dahil ginawa niyo nang maayos ang trabaho niyo at pinili ninyong manatili rito. Dahil di’yan, bibigyan kayo ng malaking bonus ni Lolo Axel! Yehey!” Aniya na parang bata na tatalon-talon pa. Narito silang lahat ngayon bulwagan ng mansion para lipunin lahat ng tauhan ni Lolo Axel. Ayon kasi sa asawa niya ay nag aalisan na ang mga tauhan ng matanda kaya kinakailangan nilang magsagawa ng ganitong event. Natuwa ang mga tauhan ni Lolo Axel, maging si Butler Cholo ay napapalakpak. “Mrs. Helger, kasama naman ako sa tataasan ang sahod, diba?” Pabiro nitong tanong.“Siyempre, ikaw pa!” Nagkaro’n ng raffle. Ang mapipili ay mag uuwi nang malaking halaga. Gulat na gulat siya nang malaman ang basic salary ng mga tauhan— Tinalo pa ang nag oopisina. Nasa kwarenta pa ang bilang ng mga tauhan sa mansion. Pero dahil sa napakalaki at lawak ng mansion ay nagmistula iyong kakaunti. “Maraming salamat po, Mrs. Helger!” Maluha-luhang pasasalamat ng isang matan
Magbasa pa

83.

Binuksan ni Johnson ang kwarto at naunang pumasok. “Bukod sa kwartong ‘to wala na akong nakitang kahina-hinalang mga bagay sa loob ng mansion. Gano’n din ang sinabi ng mga kasama kong nag inspeksyon.” Imporma ni Johnson kay Xerxes. Ito ang inutos ni Xerxes kay Johnson— Ang mag inspeksyon sa buong mansion at maghanap ng kahina-hinalang bagay nang hindi nalalaman ng lahat ng tauhan nang hindi mabahala ang taong hinahanap nila. Ito ang dahilan kaya inutusan ni Xerxes ang asawa na mag organized ng event para sa lahat ng manggagawa ng mansion.Kumunot ang noo ni Xerxes nang makita ang mga nagkalat na bulaklak sa paligid ng kwarto. Ito ang kwarto ng dating hardinero sa mansion ng kanyang lolo. Ang sabi ni Butler Cholo ay hindi ito kasama sa pinaalis ng kanyang abuelo. Nagpasya daw itong umalis dahil sa katandaan.Niluhod ni Xerxes ang isang tuhod para tingnan ang mga bulaklak kung nababalot ba ito ng dugo. Kapareho ito nang pinapadala kay Apol. Puting rosas na nababalot ng dugo.“Wala ka na
Magbasa pa

84.

[Apol]Dahil hindi makatulog si Apol ay pinuntahan niya muna si lolo Axel sa kwarto nito. Nakitang niyang bukas ang pintuan ng kwarto nito at nasa loob si Butler Cholo.“Huwag kang mag alala dahil malapit ng matapos ang paghihirap mo.” Napakaseryoso nito habang nakatayo at nakatingin sa matandang natutulog.Ang ibig bang sabihin nito ay gagaling na si lolo sa paghihirap nito sa sakit?Nang itulak niya ang pinto ay awtomatikong lumingon ito sa kanya nang walang kahit anong bahid ng emosyon ang mukha.“Hello, Butler Cholo!” Bati niya rito. Nakakabilib naman ito. Alas tres na nang madaling araw pero gising parin ito para imonitor ang lagay ni lolo Axel. “Alam mo ang swerte ni lolo Axel dahil may taong kagaya mo na tapat at tunay na nag aalala sa kanya.” Hindi man lang niya nakitang nagpahinga ito simula nang magkasakit si lolo. Sa tuwing inaalagaan niya ang matanda ay palagi niya itong kaagapay. “Kailangan, Mrs. Helger. Gusto ko kasing nasa tabi niya ako sa oras na… gumaling.” May kakaib
Magbasa pa

85.

[Apol]Nagugulumihan na sinundan ito nang tingin ni Apol. Ano kaya ang problema ni Butler Cholo? Nitong nakaraan ay napansin niya na madalas itong seryoso at madalas na parang seryoso. May problema nga siguro ito.“Ano ang ginagawa niyo ni Cholo dito nang dis oras nang madaling araw?!”Muntik na siyang mapatalon sa gulat nang biglang sumulpot si Charlotte. “Pwede ba? Huwag ka naman manggulat.” Nakakatakot naman ang babaeng ‘to, bigla nalang sumusulpot.“Nagulat ka kasi may ginagawa kang kababalaghan kasama si Cholo?” Humalukipkip ito habang nakatingin sa kanya nang masama. “Apol, asawa mo na ang kuya Xerxes ko. Tanggap ko na ang isang basurang gaya mo ang napangasawa niya. Pero ang landiin mo si Cholo— Oh my god!” Napasinghap ito nang itapon niya sa mukha nito ang natitirang gatas na laman ng baso niya. “What do you think are you doing?!” “Opps, sorry ha. Dumulas kasi ang kamay ko.” Ayos lang sa kanya na tawagin siya nitong basura. Pero ang pagbintangan siyang nakikipaglandian sa iba
Magbasa pa

86.

[Apol]“So, ibig mong sabihin nakita mo na magkausap si manang at si Butler Cholo nang gabing ‘yon? Sigurado ka ba? Baka naman namamalikmata ka lang.” “Mrs. Helger, matanda man ako pero hindi pa malabo ang mata ko.” Sagot nang matandang si Aling Inday. “Napansin ko na parang galit na galit pa nga si Butler Cholo nang mga sandaling ‘yon. Pinapagalitan niya yata si Aling Saling, iyon ang pagkakatanda ko.” Mahina pang bulong nang matanda para walang makarinig sa sinasabi nito.Napatango-tango siya. “Sa tingin mo ba may relasyon silang dalawa?” Hindi mapigilan ang bunganga na tanong niya. Marahas tuloy itong napatingin sa kanya at binigyan siya nang tingin na parang ‘nababaliw ka na bang bata ka?’Napakamot siya sa ulo. “H-hehe, biro lang ho.” Aniya.“Mrs. Helger, imposible ang sinasabi niyo. Si Butler Cholo, mukha siyang palakaibigan pagdating sa’yo, o sa mga Helger. Pero pagdating sa amin, o sa kahit sinong mga tauhan ng mansion na ito ay hindi palakibigan. Hindi siya nakikihalubilo sa
Magbasa pa

87.

Hindi makapali si Xerxes habang palakad-lakad sa kanilang kwarto ng asawa niya. Narinig niya ang pinag uusapan ng kanyang asawa at ng mga matatandang tauhan ng lolo niya. Masyadong natuon ang atensyon niya sa paghahanap sa taong nagbibigay ng threats sa kanilang mag asawa kaya hindi niya napagtuunan nang pansin ang maliit na bagay.If Cholo really killed the old woman. He’s sure that there’s a reason behind it.Kinuha niya ang cellphone at tinawagan ang kapatid ni Apol. “Johnson, I want you to dig more about Cholo. Ang tungkol muna sa kanya ang alamin mo… kahit maliit na detalye ay huwag mong palalampasin.” “Si Butler Cholo? But why? Wala naman siya sa list nang pinapa-imbestigahan mo? Pero sige, uunahin ko ang tungkol sa kanya. Tatawagan kita agad kapag nakakuha na ako ng impormasyon tungkol sa kanya.” Pagkatapos nang kanilang pag uusap ni Johnson ay masamang balita ang natanggap niyang tawag mula sa grupo nila Lomer.“Mr. X, lahat ng doktor ay patay na naman!” Kumuyom ang kanyang
Magbasa pa

88.

[Apol]“Hubby, sige na please… payagan mo na kami. Promise, hindi kami magtatagal nila Cherry. May bibilhin lang kami.” Pamimilit niya kay Xerxes. Pupuntahan kasi nila ang binibilhan ng mask at bulaklak ni Butler Cholo. Baka doon ay may malaman pa silang tatlo. Tatlong araw na ang nakakalipas pero wala na silang nalaman pa tungkol sa lalaki. “My answer is NO.” Mariing tanggi nito. “Mas ligtas ka sa dito sa mansion… sa tabi ko.” Kinuha nito ang cellphone nang tumunog ito. “That’s good, Lomer. Dalhin mo na siya agad dito sa lalong madaling panahon.” Bumaling sa kanya si Xerxes nang nakangiti. “Baka bukas ay darating na ang doktor na gagamot kay Lolo.”“Talaga, hubby! Mabuti naman!” Tuwang-tuwa na yumakap siya sa leeg nito. Salamat naman at magagamot na si lolo Axel. Siguradong matutuwa sila Cherry at Charlotte kapag nalaman nila ang balitang ‘to.Nakangiting nagpaalam siya sa asawa. Sasabihin niya ang magandang balita sa dalawa. “Cherry!” Tawag niya nang makita ito. “May good news ako!”
Magbasa pa

89.

[Apol]“Sinong lalaki, Apol?” Tanong ni Cherry na hindi niya pinagtuunan nang pansin dahil nasa ibaba ang atensyon niya.Hindi lang maskara ang narito… pati kulay pulang rosas. Umupo siya at dumampot ng isang rosas.Napangiwi siya nang makaramdam ng malapot at nakaamoy din siya nang malansa. Dali-dali niyang binitiwan ang hawak na bulaklak— Hindi ito kulay pula! Kundi nababalot ito nang dugo.Sobrang lakas ng tibok ng dibdib niya dahil sa kaba. Kung gano’n ay pwedeng si Butler Cholo ang lalaking lumaban noon sa death battle match? Pero bakit binigyan siya nito ng rosas na binalot sa dugo? Kaya pala malansa ang bulaklak na binibigay nito dahil sa dugo.“Apol!” Pangungulit sa kanya ni Cherry. Natigil ito sa pag alog sa balikat niya nang tumunog ang cellphone nito. “Hello, doc. Ano ang resulta nang pinasuri ko sa’yo?”Napatingin siya kay Cherry nang mabitawan nito ang hawak na cellphone.“B-bakit, Cherry?” Kung kanina ay kinakabahan siya, ngayon ay natatakot na siya sa nakikita niyang re
Magbasa pa

90.

[Apol]Hindi siya makapaniwala sa mga nalaman niya. Si Butler Cholo na inakala niya na isang mabuting kaibigan ay hindi pala. Ito pala ang dahilan kung bakit naghihirap si Lolo Axel.“Hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niya kay Lolo! Magbabayad siya!” Galit at lumuluhang saad ni Cherry. Hindi niya ito masisisi. Dahil katulad nito ay nakaramdam siya ng galit kay Cholo. Pinagkatiwalaan ito ni Lolo Axel pero nagawa nitong magtraydor sa matanda. “Kailangan natin itong ipaalam sa kanila, Cherry. Kailangan managot ni Cholo sa mga ginawa niya.” Inalalayan niyang tuwayo ang dalawa. Pero hindi pa sila nakakarating nang pinto nang biglaa itong bumukas.Napaatras sila sa magkahalong gulat at takot nang makita si Cholo na nakasandal sa pintuan.“B-Butler Cholo…” Ang palakaibigan na ngiti ng lalaki noon ay wala na. Lumabas na ang totoong kulay nito ngayon… nakakatakot ang ngiting nakapaskil sa labi nito. “Magaling!” Pumalakpak ito. “Hindi ko inaasahan na malalaman niyo ang sikreto ko.”Niyakap
Magbasa pa
PREV
1
...
7891011
...
32
DMCA.com Protection Status