Thank you po sa pagsuporta🥰
[Apol]“Sinong lalaki, Apol?” Tanong ni Cherry na hindi niya pinagtuunan nang pansin dahil nasa ibaba ang atensyon niya.Hindi lang maskara ang narito… pati kulay pulang rosas. Umupo siya at dumampot ng isang rosas.Napangiwi siya nang makaramdam ng malapot at nakaamoy din siya nang malansa. Dali-dali niyang binitiwan ang hawak na bulaklak— Hindi ito kulay pula! Kundi nababalot ito nang dugo.Sobrang lakas ng tibok ng dibdib niya dahil sa kaba. Kung gano’n ay pwedeng si Butler Cholo ang lalaking lumaban noon sa death battle match? Pero bakit binigyan siya nito ng rosas na binalot sa dugo? Kaya pala malansa ang bulaklak na binibigay nito dahil sa dugo.“Apol!” Pangungulit sa kanya ni Cherry. Natigil ito sa pag alog sa balikat niya nang tumunog ang cellphone nito. “Hello, doc. Ano ang resulta nang pinasuri ko sa’yo?”Napatingin siya kay Cherry nang mabitawan nito ang hawak na cellphone.“B-bakit, Cherry?” Kung kanina ay kinakabahan siya, ngayon ay natatakot na siya sa nakikita niyang re
[Apol]Hindi siya makapaniwala sa mga nalaman niya. Si Butler Cholo na inakala niya na isang mabuting kaibigan ay hindi pala. Ito pala ang dahilan kung bakit naghihirap si Lolo Axel.“Hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niya kay Lolo! Magbabayad siya!” Galit at lumuluhang saad ni Cherry. Hindi niya ito masisisi. Dahil katulad nito ay nakaramdam siya ng galit kay Cholo. Pinagkatiwalaan ito ni Lolo Axel pero nagawa nitong magtraydor sa matanda. “Kailangan natin itong ipaalam sa kanila, Cherry. Kailangan managot ni Cholo sa mga ginawa niya.” Inalalayan niyang tuwayo ang dalawa. Pero hindi pa sila nakakarating nang pinto nang biglaa itong bumukas.Napaatras sila sa magkahalong gulat at takot nang makita si Cholo na nakasandal sa pintuan.“B-Butler Cholo…” Ang palakaibigan na ngiti ng lalaki noon ay wala na. Lumabas na ang totoong kulay nito ngayon… nakakatakot ang ngiting nakapaskil sa labi nito. “Magaling!” Pumalakpak ito. “Hindi ko inaasahan na malalaman niyo ang sikreto ko.”Niyakap
[Apol]“Pero ayoko pang mamatay.” Natigilan si Cholo sa narinig. “Patawad, Cholo. Alam ko kung ano ang nararamdaman mo pero hindi pa ako handang mamatay.” Pinahid niya ang luha sa mata. “May karapatan kang magalit, mamuhi, at maghiganti… Pero hindi kami ang may kasalanan sa’yo… oo, kasapi kami ng pamilya pero hindi ibig sabihin no’n ay dapat na rin kaming mamatay!” “Tumahimik ka—““Ikaw ang tumahimik!” Dahan-dahan niyang dinukot ang maliit na bagay na kinuha niya kanina sa kabilang kwarto. “Hindi ako papayag na namatay dito dahil bubuo pa kami ng pamilya ng asawa ko! Magkakaanak pa kami ng marami at mabubuhay ng masaya! Wala kang karapatan kunin lahat ng ‘yon dahil lang sa gusto mo akong idamay sa paghihiganti mo!” Hindi siya papayag na magbayad sa kasalanan ng iba!Nanlaki ang mata ni Cholo nang mabilis niyang inangat ang kamay at binaril ito gamit ang maliit na baril na kinuha niya sa kabilang kwarto.Namutla siya siya nang hindi ito pumutok ang baril. Malakas na humalakhak si Cholo
[Apol]Tama ang asawa niya, kailangan na nilang makaalis sa lugar na ito. Pareho silang natigilan nang makarinig ng kalabog sa gitnang kwarto, ang hindi pa nila napapasok ni Cherry. Malakas na sinipa ni Xerxes ang pintuan. “Mmmp! Mmmp!” Si Charlotte! Mayro’n itong busal sa bibig at tali sa kamay at paa. Nanlaki ang mata nila ni Cherry nang makitang dumudugo ang ulo nito. Agad na inalalayan ni Cherry ang kapatid nito. Maluha-luhang yumakap ito kay Cherry matapos makawala sa pagkakatali. “B-buti nalang dumating kayo. S-si Cholo, siya ang may gawa nito sa akin— ate! M-may tama ka!” Nag aalalang wika nito nang makita ang tama ni Cherry sa hita. “W-walanghiyang Cholo ‘yan! M-magbabayad siya!”“Wala na tayong oras para magalit sa kanya. Kailangan natin makaalis bago pa sumagog ang lugar na ito!” Aniya rito. “S-si lolo! Kailangan natin siyang mailabas ng mansion!” Kahit na may nagawa itong kasalanan ay hindi parin niya gusto itong iwanan. Nagdurusa na ito ngayon at wala nang lunas ang saki
[Apol]Palakad-lakad siya sa harapan ng isang kwarto rito sa Villa habang naghihintay ng balita kung ano ang lagay ng kanyang asawa.Nasa hospital na sina Charlotte at Cherry at do’n ginagamot. Samantalang ang kanyang asawa ay narito sa Villa. Ang nag oopera rito ngayon ay ang bagong doktor na pumalit kay Gervin. May sariling clinic sa lahat ng mga Mansion, Villa, penthouse ang mga Helger. Hindi kasi maaari na magpunta ng hospital ang mga katulad ng asawa niya dahil lubhang delikado. “Anak, mabuti pa ay maupo ka, nahihilo ako sa ginagawa mo.” Wika ng nanay niya. “Huwag kang mag alala dahil sa balikat lang naman ang tama ni Xerxes. Para sa mga katulad niya ay daplis lamang ang gano’ng sugat.” Umupo siya. “Tama ka, nay. Pero hindi kasi maaalis ang pag aalala sa dibdib ko. Kahit daplis lang para sa kanya ang sugat niya para sa akin ay sugat pa rin iyon. Saka natetetano ang sugat, nay,” Nakaingos niyang sagot.Nang makita ng nanay niya ang hawak niyang baril ay napailing-iling ito. Nagda
[Apol]Binisita niya sina Cherry at Charlotte sa hospital. Hindi niya pinayagan na sumama si Xerxes pero mapilit ito. Hindi daw siya pwedeng umalis ng hindi ito kasama. Baka mapahamak na naman daw siya.Pagdating sa hospital ay naabutan niya sa kwarto ni Charlotte. Bakas ang pagluluksa at lungkot sa mukha nito. Mukhang sinabi na lahat rito ni Charlotte ang lahat. Naiintindihan niya ang nararamdaman nito. Si Lolo Axel kasi ang dahilan kung bakit nakapuslit ang kapatid niya sa kanilang ama para makapag aral. Ang matanda mismo ang nagtuturo rito at nagsilbi nitong guro.Umupo siya sa tabi nito at tinapik ito sa balikat. Pareho silang malungkot para sa sinapit ng matandang naging malapit sa buhay nila. Pero katulad nga nang sinabi ng asawa niya ay parang obligasyon ang pagbabayad ng kasalanan. At iyon ang ginawa ni Lolo Axel.Parang bata na umiyak si Johnson, mayamaya ay narinig na rin nilang umiiyak si Charlotte. Na-ikwento ng asawa niya na malapit talaga ito sa magkapatid kaya talagang m
[Apol]Tatlong araw na silang nagpapabalik-balik pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nila matagpuan ang singsing. Wala na siyang maidadahilan sa kanyang asawa para magtungo sa natupok na lugar. “Ano kaya kung humanap tayo ng kapareho nang singsing habang hindi pa natin ito nahahanap?” Suhestiyon ni Cherry. “Ano sa palagay mo?”“Tama si Ate. Pansamantala mo lang naman gagamitin habang hindi pa natin nahahanap ang singsing mo.” Segunda naman ni Charlotte.Sandali siyang natigilan sa sinabi ng dalawa. “Hindi ba parang sobra na kung gagawin ko iyan? Hindi lang ako magsisinungaling sa kanya, lolokohin ko pa siya.” Nakokonsensya talaga siya. Kung naging maingat lang sana siya ay hindi ito mawawala.“Tama ka, kailangan mo talagang lokohin muna si Kuya habang hindi pa natin nakikita ang singsing. Wala ka naman choice kundi ang gawin iyon. Sa tingin mo ba hindi siya magagalit sa oras na malaman niyang nawala mo ‘yon? Alam mo ba na isa rin sa family heirloom ang singsing na ‘yon? At noon pa ma
[Apol]Walang pagsidlan ang tuwa niya habanh nakatingin sa singsing na nakasuot sa daliri niya. Hanggang ngayon ay nagagawa pa rin siyang gulatin ng asawa niya sa pagpapakita ng pagmamahal sa kanya.Muntik na siyang mapabunghalit ng tawa nang makita ang nakasimangot na mukha ni Johnson. Binasted kasi ito ni Charlotte kanina lang. Ito rin kasing kapatid niya ay nanligaw agad sa dalaga. Kakikilala pa lang pero nanligaw agad. Ayun, binasted tuloy.Magkasama na sila ni Xerxes na inaasikaso ang nalalapit nilang kasal. Hindi talaga ito pumayag na umalis siya sa tabi nito. Gusto nito maniguro na hindi siya mapapahamak.Siniko siya ni Cherry sabay nguso sa asawa niya na nakikipag usap sa mga chef at mga baker, ang mga ito ang mag aasikaso ng pagkain para sa kanilang kasal. Binanggit niya kanina sa asawa na nasusuka siya sa lasa ng white chocolate cake kaya agad nitong pinabago ang recipe ng cake nila para kasal.“Hindi talaga ako makapaniwala na magbabago si Kuya Xerxes. Look at him, he looked