đ«¶â„ïž
[Apol]Tatlong araw na silang nagpapabalik-balik pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nila matagpuan ang singsing. Wala na siyang maidadahilan sa kanyang asawa para magtungo sa natupok na lugar. âAno kaya kung humanap tayo ng kapareho nang singsing habang hindi pa natin ito nahahanap?â Suhestiyon ni Cherry. âAno sa palagay mo?ââTama si Ate. Pansamantala mo lang naman gagamitin habang hindi pa natin nahahanap ang singsing mo.â Segunda naman ni Charlotte.Sandali siyang natigilan sa sinabi ng dalawa. âHindi ba parang sobra na kung gagawin ko iyan? Hindi lang ako magsisinungaling sa kanya, lolokohin ko pa siya.â Nakokonsensya talaga siya. Kung naging maingat lang sana siya ay hindi ito mawawala.âTama ka, kailangan mo talagang lokohin muna si Kuya habang hindi pa natin nakikita ang singsing. Wala ka naman choice kundi ang gawin iyon. Sa tingin mo ba hindi siya magagalit sa oras na malaman niyang nawala mo âyon? Alam mo ba na isa rin sa family heirloom ang singsing na âyon? At noon pa ma
[Apol]Walang pagsidlan ang tuwa niya habanh nakatingin sa singsing na nakasuot sa daliri niya. Hanggang ngayon ay nagagawa pa rin siyang gulatin ng asawa niya sa pagpapakita ng pagmamahal sa kanya.Muntik na siyang mapabunghalit ng tawa nang makita ang nakasimangot na mukha ni Johnson. Binasted kasi ito ni Charlotte kanina lang. Ito rin kasing kapatid niya ay nanligaw agad sa dalaga. Kakikilala pa lang pero nanligaw agad. Ayun, binasted tuloy.Magkasama na sila ni Xerxes na inaasikaso ang nalalapit nilang kasal. Hindi talaga ito pumayag na umalis siya sa tabi nito. Gusto nito maniguro na hindi siya mapapahamak.Siniko siya ni Cherry sabay nguso sa asawa niya na nakikipag usap sa mga chef at mga baker, ang mga ito ang mag aasikaso ng pagkain para sa kanilang kasal. Binanggit niya kanina sa asawa na nasusuka siya sa lasa ng white chocolate cake kaya agad nitong pinabago ang recipe ng cake nila para kasal.âHindi talaga ako makapaniwala na magbabago si Kuya Xerxes. Look at him, he looked
Ni minsan hindi sumagi ni Xerxes na magpapakasal siya sa isang babae dahil sa pagmamahal. Simula ng mamatay ang magulang tanging paghihiganti na lang ang nasa isip niya. Kaya naman naisipan ng kanyang Lolo Axel na magpadala ng mga babae. Naisip nang matanda na baka sakali ay mayroân siyang magustuhan sa mga ito. Subalit walang nakabihag sa kanyang puso.Nalaman niyang niyang buhay ang anak ni Marjo. Nagplano sila ni Kairo na gumanti at gamitin ang anak ng matanda. Subalit hindi niya akalain na sa kauna-unahang pagkakakilala nila ng babae ay makukuha nito ang atensyon niya. Hindi ito katulad ng ibang babae na handang lumuhod para lang magustuhan niya.Damn. Natakot pa nga ito sa kanya. Sabagay, sino ang hindi matatakot sa isang Xerxes Helger? Nilabanan niya ang sariling nararamdaman. Pinangako na hindi siya bibigay at uunahin ang paghihiganti niya. Nagbitiw pa siya ng salitang hindi niya ito muling pakakasalan subalit kinain niya lahat ng mga sinabi niya. Sa sobrang pagmamahal niya kay
Naghiyawan ang lahat ng buhatin ni Xerxes si Apol. Nang makarating sila sa reception ay marami ang bumati sa kanila.âA-apol, gusto ko lang magpasalamat sa binigay mo sa akin na pagkakataon. S-salamat dahil pinatawad mo ako sa kabila ng pagtatangka koâââDaniella, wag mo nang banggitin ang tungkol sa bagay na âyan. Sapat na sa akin ang isang beses na paghingi mo ng tawad. Aba, wag ka naman araw-araw magpunta sa bahay para patawarin ko.â Araw-araw kasi itong nagpupunta sa bahay nila para humingi ng tawad. Hindi niya kasi ito pinakulong katulad ni Gervin na ngayon ay nakakulong at naghihirap. Si Daniella ay pinatawad niya. Nalaman niya rin ang dahilan nito kung bakit kailangan nito ng maraming pera.âCongratulations sa inyo, Apol! Masaya ako na nagkaayos na kayo.â Bati ni Peter, na asawa na ngayon ni Daniella. Ikinasal ito dalawang linggo na ang nakararaan. Imbitado pa nga siya.âPedro, este, Peter, congratulations din sa inyo, ha. Masaya din ako para inyo.â Nabibilib siya kay Peter dahi
Pinaningkitan ni Apol ang dalawang bata nasa kanyang harapan. Palakad-lakad siya sa harapan ng mga ito habang hawak ang isang patpat. Napalunok ang dalawang bata. Sa murang edad ay may mataas na ang paggalang nila sa kanilang mommy. Takot nga ang kanilang daddy rito, sila pa kaya? âSino ang nagtago ng panty ni yaya?!â Malakas ang boses na tanong ng kanilang ina. âSi Xian po, mommy!â Agad na sagot ni Ax, ang tatlong taon at pangatlo sa magkakapatid. âXian!â Bumaling si Apol sa pangalawang anak na apat na taong gulang.âAnong kalokohan itong ginawa mo? Bakit ba palagi niyo na lang tinago ang panty ni yaya? Hindi baât sinabi ko na sa inyo na hindi dapat kayo nangingialam ng gamit ng iba?â âMommy,â singit ni Ax, âKuya Xian didnât hide ito, he threw it! Butas naman po kasi ang panty ni yaya.â Nagmamalaking tumango si Xian. âYes, i threw it. Donât worry, mommy, I already gave yayaâs money to buy a new one. Iâm so kind, right?â Natampal ni Apol ang noo. Kung sa panganay niya
Lilinawin ko lang. Ang panahon na ito ay 4 years ago mahigit pagkatapos ng kasal nila Xerxes at Apol. Hindi ko binangggit Special chapter nila Xerxes at Apol ang tungkol kina Kairo at Alena dahil siyempre iba na ang story nilang dalawaâ„ïž ***** Tandaan niyo po na ang STORY na ito ay kwento na ni KAIRO at ALENAâ„ïžâïž [Kairo] âDad, what if mommy is alive?â Iyon ang tanong ng limang taon niyang anak na si Adius habang kumakain silang dalawa. Maingat niyang ibinaba ang utensils saka marahan na pinahid ng napkin ang gilid ng labi. âStop asking nonsense things, Adius. Hindi na babalik pa ang mommy mo. S-sheâs⊠dead and thereâs nothing we can do about it.â Basag ang boses na wika niya. Mag-aanim na taon na buhat nang mawala ito. Pero hanggang ngayon ay dama niya ang sakit, pagsisisi at pangungulila sa kanyang dibdib. Nahulog sa malalim na pag-iisip si Adius, ilang sandali pa ay muli itong nagtanong. âWhat if I saw someone who looked exactly like me and sheâs with a woman exactly
[Alena] âAray ko, Bryle, nasasaktan ako!â Reklamo niya ng hawakan siya nito ng mahigpit sa braso. Nang makita ng lalaki na nakatingin sa kanila si Aimee ay nakangiting binitiwan siya nito bago bumaling sa kanyang anak. âAimee, pumasok ka muna sa kwarto mo dahil may pag uusapan kami ng mommy mo.â Malambing nitong kausap sa bata. Bumaling ito sa nanny. âKunin niyo si Aimee at dalhin sa kwarto niya.â âOpo, Sir.â Bumalik si Bryle sa kanya. âHindi baât nag usap na tayo na hindi ka pwedeng lumabas, Amber? Makinig ka naman dahil para saâyo din ang sinasabi ko! Gusto mo bang mapahamak kayo ng anak mo?â Nagpipigil nang galit na lumapit si Bryle at humawak sa balikat niya ng may diin. âAlam mo naman na hindi para sa akin ang sinasabi ko hindi ba?â Nang makita nito ang pagdaan ng sakit sa mata niya dahil sa madiin na pagkakahawak nito ay bumitiw ang lalaki. âIâm sorry. Ayoko lang naman na masaktan kayo dahil mahalaga kayo sa akin ni Aimee. Masyado na yata ako nanghihimasok sa buhay niyo.â
[Alena] âMaâam, hindi po talaga pwede. Ang bilin po kasi ni Sir Bryle ay huwag kayong payagan o hayaan na lumabas.â Napakamot ang matandang kasambahay sa ulo. âSigurado na kami ho ang mapapagalitan sa gusto mo.â Malungkot na bumuntong hininga siya. Gusto lang sana niyang lumabas para mamalengke at mamili ng mga pagkain na gusto ni Aimee. Bibili na rin sana siya ng cotton candy dahil iyon ang request ng anak niya. âMaâam Amber, ilista mo na lang ang mga gusto mong ipabili. Wag kang mag alala, maâam, dahil wala akong kakalimutan maski isa.â Hinanap ng mata nito ang anak niya. âPara ba lahat âto kay Aimee, maâam? Naku, mas lalo kong hindi dapat kalimutan ang lahat ng âto.â Apo na ang turing ng matanda kai Aimee, hindi lang ito kundi lahat ng mga tauhan ni Bryle. Mabait kasi at sweet ang anak niya. âSalamat ho, manang ha.â May lungkot sa boses na wika niya. âMaâam, hindi ko maintindihan kung bakit iyon ang bilin ni Sir. Pero hindi ba napakahigpit naman yata niya? Wala naman masama
Nanghihinayang na napailing nalang si Skye. Nakakapanghinayang naman kasi talaga kung magiging âbaklushâ si Adius. Bukod sa ubod ito ng yaman, ubod din ito ng gwapo, tapos gifted pa sa laki ng batĂștĂĄâtapos lalaki din ang hanap. Kawawa naman si Tita Alena. Umaasa na magkakaapo kay Adius. Naghintay pa siya ng bente minuto bago umakyat sa kwarto nila. Pagdating niya sa kwarto ay nakita niya si Adius na nakahiga na. Mukhang tulog na yata. Pagkatapos niyang maligo ay lumabas siya ng nakaroba. Sinilip niya pa ang binata para siguraduhin na tulog na nga ito. Nang matapos siya mag-blower ay saka siya pumasok sa walking closet. Napansin niya agad na may nagbago. Bukod sa napalitan ang kulay ng mga cabinet, kapansin-pansin din ang dim red, blue and green light na ilaw sa loob. Patay sindi pa ito kaya naman feeling niya nasa loob siya ng club. Akala niya ay maghahatid lang ng mga pinamili sila tita Alena, pero mukhang pinapalitan nito ang lahat ng mga designs at ilaw dito. Kumu
Nag-isang linya ang kilay ni Adius. âYou grabbed my crotch first ââ âSo, kasalanan ko pa?! Saan ka nakakita ng minamasahe na hindi hinahawakan at pinipisil-pisil?!â Napatingala si Skye sa sobrang inis, âimamasahe na nga ang batĂștĂ mo, nagagalit ka pa?! Tinanong kita at sinagot mo pa nga ako na ULO ang unahin ko! Gagawin ko na nga ang gusto mo, balak mo pa akong balian ng braso!â Pinakita niya ang braso na may pasa. âNakita mo na ang ginawa mo?! Sinaktan mo na nga ang braso ko, nakitaan mo pa ako! Sumusobra ka na!!!!â âWaitâŠâ tinaas ng binata ang kamay upang patigilin si Skye sa walang tigil na pagsasalita. âDo you even listen to me while weâre in the kitchen?â Taas-noong sinagot ito ng dalaga. âOo! Binibiro nga lang kita eh⊠kaso sineryoso mo ang biro koââ âAfter that, did you heard what I said?â Natigilan si Skye. Sa pagkakatanda niya⊠may sinasabi pa ito sa kanya pero nagmamadali siyang umalis ng kusina. âAng sabi ko, imasahe mo ang ulo at likod ko, hindi ko sinab
âTingnan mo ito, ate. Sigurado ako na bagay na bagay kay Skye ang roba na âto!â Lumapit si Apol kay Alena dala ang isang kulay pulang roba. âHmm⊠tama ka.â Kinuha ito ni Alena at sinipat, âhindi ba masyado naman yata itong maiksi?â âAkala ko ba gusto mong magka-apo agad?â Sabat ni Charlotte na abala sa pagpili naman ng mga nighties. âPaano ka magkaka-apo agad kung hindi mo bibilhan ng revealing clothes ang future manugang mo. Saka basta si Ate Apol ang nagrekomenda, siguradong walang palpak!â âSabagay⊠tama ka.â Narito ngayon ang tatlong ginang sa isang Mall. Tinawagan ni Alena ang dalawa upang magpasama at magpatulong na bilhan ng mga bagong gamit si Skye. âAte!!!â Nagmamadaling lumapit muli si Apol kay Alena bitbit ang isang manipis at maliit na tela. âMas maganda kung ito nalang ang bibilhin natin para kay Skye⊠sigurado na maglalaway si Adius sa kanya kapag nakitanh suot ito!â Sabay-sabay na bumaba sa kani-kanilang sasakyan ang tatlong ginang. Nang makita sila ng mga s
Kilala niya si Adius, hindi ito marunong magbiro. Ayaw niyang isipin na totoo ang sinabi nito. Pero paano kung totoo nga? Pagkatapos maghugas ng pinakainan, hindi muna siya umakyat ng kwarto. Katulad nitong nakaraan, inubos niya ng oras sa panonood ng tv. Bahala ng magka-eyebag, wag lang makasama si Adius ng gising sa kwart nila. Humikab siya⊠inaantok na siya. Pero dahil masyado pang maaga, nanood muna siya ng mga drama sa cellphone niya. At mayamaya ay inisa-isa niyang tingnan ang mg pictures ng kuya Jhake niya sa cellphone niya. Sakto naman na nakita niya ang mga pictures nila ni Adius noong engagement party nilang dalawa. Hindi niya maiwasan na mapangiti ng makita ang ramdom pictures nilang lahat, kasama ang pamilya nito. Habang tumatagal, lalo niyang nakikilala ang mommy ni Adius at mga tita nito. Mabubuti silang tao. Hindi niya kasi alam kung mabuti bang tao ang mga lalaki sa pamilya ni Adius. Karamihan kasi sa kanila ay mukhang hindi alam ang saling NGITI. Mukhang m
Dinala ni Skye ang lahat ng wedding dress na magustuhan niya sa fitting room. Mabuti nalang at hindi ito katulad ng fitting room sa mall na masisikip. Ang fitting room sa store na ito ay halos kasing laki ng kwarto nila ni Adius. Dahil kailangan ingatan ang mga wedding dress ay may dalawang babae na nag-assist sa kanya bukod pa kay Aimee. âLook at this wedding dress, Skye. Sa palagay ko bagay ito sayo.â Umiling siya. âAyoko nito, maiipit ang boobs ko. Gusto ko âyung lalabas ang kasexyhan ko.â Pinakita niya kay Aimee ang gusto niyang isukat. Isang v-neck wedding dress. Sa baba at haba ng neck line, sigurado na lilitaw ang dibdib niya. Katamtaman lang ang laki ng dibdib niya. Hindi malaki, hindi rin naman maliit. Kumbaga, may ibubuga din naman ito kahit paano. Pagkatapos isukat, parehong napaawang ang labi ni Aimee at ng dalawang babae. Kuminang ang mata niya ng makita ang sariling repleksyon sa salamin. âA-ang ganda ko! Wahhh! Ang sexy ko din dito!â Nagmamadaling hinil
âYou disappeared last night. Why?â Napalunok siya ng laway. âA-ah, ano kasi⊠b-biglang tumawag ang kaibigan ko, ang sabi nila, hinahanap daw ako ng kuya ko. T-tama nga, yun nga!â Nauutal na dahilan niya habang hindi makatingin ng diretso dito. âW-wag kang mag alala, nagpaalam naman ako kila tita,â âExactly, Skye. Nagpaalam ka sa kanila, pero sa akin âhindi.â Turan ni Adius na ikinangiwi ng dalaga. âAfter you eat, prepare yourself. May pupuntahan tayo.â âHa? Akala ko ba walang pasok ngayon sa office? Teka, sandali naman!â Nakangusong sinundan ng tingin ni Skye ang binata. âTingnan mo âto, parang hindi nilapa ang labi ko kagabi ah. Bumalik na naman sa pagiging masungit.â Dahil wala siyang ganang kumain ay nagligpit na siya at naghugas. Pagkatapos maghugas ay naligo siya at nagbihis. Mukhang kailangan talaga na kasama siya sa lakad ni Adius dahil hindi siya iniwan nito. âSaan ba tayo pupunta?â Imbes sagutin ang tanong ni Skye, kinuha ni Adius ang earbuds at sinagot ang tum
âKuya!!!â Parang bata na tumakbo siya palapit sa kuya niya ng makita ito. âKuya, namiss kita ng sobra!â âN-n-namiss din ni Jhake si ate!â Parang bata na sinubsob niya ang mukha sa dibdib nito. Simula ng magtrabaho siya bilang secretary ni Adius ay dalawang beses nalang niya ito nadadalaw sa loob ng isang linggo. Hindi naman siya nag aalala masyado dahil may mga private nurse na inupahan ang binata para bantayan ang kapatid niya. Natransfer narin ito sa maganda at mas maayos na hospital kaya naman kampante siya na magagamot ito ng mas maayos. Kinuha niya ang maraming ubas na dala at mga bagong laruan. Masayang-masaya na yumakap ito sa kanya. âA-ang sabi ni Jhake s-salamat daw! T-the best talaga ang ate niya!â Ani nito sabay halik sa pisngi niya. Kinagat niya ang labi, sinubukan na hindi umiyak pero hindi niya nagawa. Kapag kaharap niya ito at kasama ay nagiging iyakin siya. Agad na binaling niya sa iba ang mukha para hindi nito makita ang luhaan niyang mukha. Sigurado kasi
âF-fiance mo si Miss Malason?â Nangatog si Jillian sa takot katulad ng kanyang ama. Nabigla si Skye ng lumuhod sa harapan nila ang mag ama. Wala na ang kanina na mapagmataas na awra ng dalawa, nasa mukha ng mga ito ang magkahalong pagkabigla, takot at pagmamakaawa. âH-humihingi kami ng tawad sa aming kapangahasan at kamangmangan. H-hindi namin alam na fiance mo pala siya!â âT-tama si daddy, Sir! Pa-patawarin mo sana kami!â Tumingala si Jillian at tumingin kay Skye ng nagmamakaawa. âPlease, Miss Malason, pakiusap, patawarin mo kami!â Nang subukan na lumapit ni Jillian sa dalaga ay humarang si Adius sa kanya. âDonât try to lay your dirty hand again on her skin. Baka mapatay kita!â Napasinghap si Skye ng tutukan ito ng baril ng binata sa ulo, maging ang mga bisitang naroon ay napasinghap sa gulat, maliban sa pamilya ng binata na hindi na nabigla sa ginawa nito. âA-adiusâŠâ kahit siya ay natakot, hindi man niya nakita ang mukha nito dahil nakatalikod ito at nakaharang sa kany
âSigurado ka ba na peke âyan? May ebidensya ka?â Napaawang ang labi niya sa sinabi nito. âAno? Pero humiram ka sa akin, sapat ng ebidensya âyon.â âSa palagay mo maniniwala sila na humiram ako?â Mayabang na ngumisi ito at tiningnan siya mula ulo hanggang paa. âAlam ko ang background mo kaya imposibleng makabili ka ng mamahaling kwintas na katulad noân. Isang limited edition na APL necklace na nagkakahalaga ng 65 Million? Sabihin mo nga sa akin, saan mo napulot âyon? Ninakaw mo? O baka naman may sugar daddy kang nagregalo sayo?â Alam ni Skye na masama ang ugali ng babaeng ito. Pero hindi niya inasahan na ganito katindi. âIbalik mo nalang ang kwintas para matapos na ang usapang ito,â 65 million? Nanuyo ang lalamunan niya sa takot. Ngayon palang ay natatakot na siya kapag nalaman ni Adius na nawawala ang kwintas. Ngumisi lamang ito. âHindi mo ako masagot? Siguro nga ay ninakaw mo! Magpasalamat ka nalang dahil binenta ko bago ka pa mahuli ng ninakawan mo! Subukan mo pang habulin