āļøItuloy niyo lang pagbabasa āļøAng susunod na chapter ay kwento na nila: Kairo and Alenaās storyā„ļø Lilinawin ko lang po. Hindi po sad story ang story ni Kairo at Alenaš hehe. Ang kanilang mga anakā„ļø Axel: Xian: Ax: Xio: Xavi:
Lilinawin ko lang. Ang panahon na ito ay 4 years ago mahigit pagkatapos ng kasal nila Xerxes at Apol. Hindi ko binangggit Special chapter nila Xerxes at Apol ang tungkol kina Kairo at Alena dahil siyempre iba na ang story nilang dalawaā„ļø ***** Tandaan niyo po na ang STORY na ito ay kwento na ni KAIRO at ALENAā„ļøāļø [Kairo] āDad, what if mommy is alive?ā Iyon ang tanong ng limang taon niyang anak na si Adius habang kumakain silang dalawa. Maingat niyang ibinaba ang utensils saka marahan na pinahid ng napkin ang gilid ng labi. āStop asking nonsense things, Adius. Hindi na babalik pa ang mommy mo. S-sheāsā¦ dead and thereās nothing we can do about it.ā Basag ang boses na wika niya. Mag-aanim na taon na buhat nang mawala ito. Pero hanggang ngayon ay dama niya ang sakit, pagsisisi at pangungulila sa kanyang dibdib. Nahulog sa malalim na pag-iisip si Adius, ilang sandali pa ay muli itong nagtanong. āWhat if I saw someone who looked exactly like me and sheās with a woman exactly
[Alena] āAray ko, Bryle, nasasaktan ako!ā Reklamo niya ng hawakan siya nito ng mahigpit sa braso. Nang makita ng lalaki na nakatingin sa kanila si Aimee ay nakangiting binitiwan siya nito bago bumaling sa kanyang anak. āAimee, pumasok ka muna sa kwarto mo dahil may pag uusapan kami ng mommy mo.ā Malambing nitong kausap sa bata. Bumaling ito sa nanny. āKunin niyo si Aimee at dalhin sa kwarto niya.ā āOpo, Sir.ā Bumalik si Bryle sa kanya. āHindi baāt nag usap na tayo na hindi ka pwedeng lumabas, Amber? Makinig ka naman dahil para saāyo din ang sinasabi ko! Gusto mo bang mapahamak kayo ng anak mo?ā Nagpipigil nang galit na lumapit si Bryle at humawak sa balikat niya ng may diin. āAlam mo naman na hindi para sa akin ang sinasabi ko hindi ba?ā Nang makita nito ang pagdaan ng sakit sa mata niya dahil sa madiin na pagkakahawak nito ay bumitiw ang lalaki. āIām sorry. Ayoko lang naman na masaktan kayo dahil mahalaga kayo sa akin ni Aimee. Masyado na yata ako nanghihimasok sa buhay niyo.ā
[Alena] āMaāam, hindi po talaga pwede. Ang bilin po kasi ni Sir Bryle ay huwag kayong payagan o hayaan na lumabas.ā Napakamot ang matandang kasambahay sa ulo. āSigurado na kami ho ang mapapagalitan sa gusto mo.ā Malungkot na bumuntong hininga siya. Gusto lang sana niyang lumabas para mamalengke at mamili ng mga pagkain na gusto ni Aimee. Bibili na rin sana siya ng cotton candy dahil iyon ang request ng anak niya. āMaāam Amber, ilista mo na lang ang mga gusto mong ipabili. Wag kang mag alala, maāam, dahil wala akong kakalimutan maski isa.ā Hinanap ng mata nito ang anak niya. āPara ba lahat āto kay Aimee, maāam? Naku, mas lalo kong hindi dapat kalimutan ang lahat ng āto.ā Apo na ang turing ng matanda kai Aimee, hindi lang ito kundi lahat ng mga tauhan ni Bryle. Mabait kasi at sweet ang anak niya. āSalamat ho, manang ha.ā May lungkot sa boses na wika niya. āMaāam, hindi ko maintindihan kung bakit iyon ang bilin ni Sir. Pero hindi ba napakahigpit naman yata niya? Wala naman masama
[Kairo]āAre you ready, Adius?ā Tanong ni Kairo sa anak.Nakangising tumango ito. āYes, dad, ready na ready na po!ā Nakuha pa nilang mag ama na mag-high five. Humawak siya sa balikat nito.āBe good on acting, Adius. Kailangan natin malaman kung ano pa ang plano ng lalaking āyon sa mommy mo. Hindi natin siya pwedeng biglain nang ganoān lang. Kailangan natin unti-unting bistuhin siya sa mismong harapan ng mommy mo.ā Biglaan lang ang plano nilang ito ng anak niya. Nagngingitngit ang dibdib nila sa galit sa lalaking nag iwan sa anak niya habang natutulog ito sa pinakadulo at madilim na bahagi ng subdivision.Pinatahimik niya ang apat na lalaki na kukuha sana sa anak niya. Umamin agad ang mga ito ng tutukan niya ng baril sa ulo.Utos daw ito ng amo nilang si Bryle. Binalak nitong ipatapon sa ampunan ang kanilang anak ni Alena. Gusto nitong mawala na sa landas ang bata dahil ito nakatulong na makuha ang puso ni Alena, o mas kilala ngayon bilang si Amber.Kumuyom ang kamao niya. Katulad niy
[Bryle] Kanina pa palakad-lakad si Bryle, hindi ito mapakali habang hinihintay nila ni Amber na magising si Aimee. Paano nakabalik ang batang iyon dito?! Wala itong malay ng dalhin at itapon ang bata. Sigurado si Bryle sa bagay na iyon. Nagngingitngit ang kanyang dibdib sa galit. Mga walang silbing mga tauhan! Malinaw ang instruction niya sa mga ito subalit hindi pa rin nagawa ng tama ang mga trabaho. Sigurado na masisira ang ilang taon niyang pinaghirapan para makuha si Alena. Lumabas ng kwarto si Amber. āN-nagising na ba si Aimee?ā Kinakabahang tanong ni Bryle kay Amber. Ang akala ng babae ay nag aalala ito pero ang totoo ay kinakabahan ang lalaki dahil anumang sandali ay pwede itong ibuko ng bata. Siya ang kumuha rito ng sapilitan. Pinatulog niya ang bata para hindi ito makalikha ng anumang ingay, dahil alam niya na maririnig sila ng nanny nito at ni manang, sigurado si Bryle na magsusumbong ito kay Amber. Malapit kasi ang tatlo sa isaāt isa. Pinahid ni Amber ang luha sa mata
Kinuha ni Bryle ang pagkakataon na kausapin si Aimee ng umalis si Amber ng kwarto. Nang masiguro ng lalaki na walang makakakita ay hinaklit agad niya ang braso ng bata. āBakit bumalik ka pa ha? Hindi baāt sinabi ko saāyo na hindi ka na kailangan rito?ā Galit na tanong ni Bryle, nagpipigil lamang ito na huwag magtaas ng boses. āSino ka po? Hindi po kasi kita maalala? Saka ano po ang ibig mong sabihin?ā Inosenteng tanong ni Aimee. Kumunot ang noo ni Bryle kaya naman lihim na napangisi ang bata. āSorry po ha, pero ang sabi po sa akin ni mommy ay ikaw po ang daddy ko. Totoo po ba?ā Nagulat si Bryle. Kailanman ay alam niyang hindi iyon sinabi ni Alena sa anak nito na siya ang ama nito dahil hindi nito gusto na magsinungaling. Pero ngayon ay mukhang naiba na ang takbo ng utak ni Alena. Bakit bigla nitong sinabi sa anak nito na siya ang ama nito? Napangiti si Bryle. Mukhang natatanggap na siya ni Alena para sa kanilang mag ina. Mabuti naman dahil inip na inip na siya. Walang naaalala si
āSir, tinakot mo naman kasi. Ayan tuloy akala ni Maāam multo ka.ā Tumatawang sabi ni Bene pagkatapos makita na mabilis na kumaripas ng takbo si Alena kasama ang kanilang anak nang makita siya. Sumisigaw pa nang multo si Alena. āDamn! Kasalanan ito nang gag0ng āyon!ā Pababagsakin niya talaga ang negosyo ng pamilya ng hay0p na iyon dahil sa paglalayo nito sa kanila nang mag ina niya. āNakausap mo na ba si Mr. Song?ā āYes, Sir. Ibebenta na rin niya ang shares niya sa atin. Lahat ng boto ay nasa atin kaya pwedeng-pwede mo nang ipatapon sa kangkungan ang pamilya ni Bill.ā Nagkamali ka ng kinalaban, Bill. Si Sir Kairo pa talaga ang napili mong gag0hin. Iiling-iling na isip-isip ni Bene. Magpasalamat ang pamilya ni Bill dahil ang pakiusap ni Aimee sa kanyang ama ay huwag saktan si Bill. Mabuting bata talaga si Aimee. Sa kabila ng ginawa ni Bill, o mas kilala nitong Bryle ay hindi pa rin nito gustong masaktan ang lalaki. āSir, saan ka pupunta?!ā Tanong ni Bene ng tumalon sa kabilang bak
[Alena]Multo! Iyon agad ang pumasok sa isip niya nang magising siya. āAmber, mabuti at gising ka na. Ano ba ang nangyari at bigla ka na lang nawalan ng malay?ā Tanong ni Bryle. Bakas ang pag aalala sa mukha ng binata para sa kanya.Kinapa ni Alena ang labi. Hanggang ngayon ay dama niya ang mainit na labi na lumapat sa labi niya. Panaginip ba iyon o hindi? Hindi! Sigurado siya na hindi iyon panaginip.āNakita ka nila Pina na walang malay sa kusina. Is there anything wrong about your body? Namumutla ka pa rin hanggang ngayon. Mabuti pa ay magpa-check up tayo.āAgad na umiling siya. āHindi na, ayos na ako, Bryle. M-may nakita lang ako na hindi kapani-paniwala.ā Nag iwas siya nang tingin.Marahil ay panaginip nga iyon. Imposible naman na totoong nakita niya ang kapatid ni Bryle. Kung sasabihin niya rito ang nakita niya ay baka pagtawanan siya nito at isipin na nababaliw na.āIkaw?!ā Hindi makapaniwalang bulalas niya nang makita ang lalaking naghatid sa anak niya. Ito pala ang magiging h
Gusto ko po magpasalamat sa lahat ng readers ko na sumubaybay dito hanggang sa dulo. Thank you po sa old at new readers ko. Hindi ko man kayo ma-mention lahat, kilala ko kayoāØ sa mga nagpadala ng GEMS š at mga nagbigay ng FEEDBACK ā„ļø Grabe ang layo ng stories na narating nating lahat. Xerxes and Apol š Kairo and Alena š Johnson and Charlotte š Axel and Serena š and lastly ay sina Adius at Skyeš Wag po sana kayo magsawa na sumuporta sa mga stories ko. Ang trapped series ko ay hindi ko pa sure kung kailan ko sisimulan. Pero may soon na stories akong ipa-publish soon. Sana po ay magustuhan at suportahan ninyo. May bago po pala akong story, ito po ang title: MAFIA BOSS SERIES2: THE PRETENDING WIFE [MR. KING] Salamat po ulit sa supportā By author: Seenie ā„ļø
Pagkatapos ng dinner at pagsapit ng alas otso ay pinaakyat na sila ni Serena para makapag pahinga. Maaga kasi ang kasal nila ni Adius bukas. At si Serena naman ay kapapanganak lang. pagdating sa kwarto niya ay kumunot ang kanyang noo. May nakita kasi siyang bulaklak sa ibabaw ng kama niya. Balak sana niya na balewalain ito pero biglang sumulpot si Queenie sa gilid ng kama niya. āTita Skye, hindi mo pa ba pupuntahan si tito Adius?ā Napabangon siya bigla. āHa? Nandito ang tito mo?ā āOpo, titaā¦ nasa garden po siya! Bigay niya nga po itong rose ehā¦ para daw po sa magandang future misis niya hehe!ā Nakabungisngis na sagot pa nito sa kanya. āShhh lang daw po, tita, baka daw po malaman nila lola na nandito siya.ā Bilin pa nito. Halos isang linggo din silang hindi nagkita kaya excited na pumunta siya sa garden para makita ito. Napasimangot siya ng makita na si Kiro ang naroon. Natawa naman ito ng makitang nakasimangot siya. āBakit parang nalugi ka, Skye. Dati naman ay masaya ka kapa
āDude, are you okay?ā Tanong ni Xian sa kanya. Kumunot ang noo nito ng hindi siya sumagot. āAdius, may problema ba?ā āH-ha? Wala.. walaā¦ā sagot niya sabay talikod sa kanyang pinsan. Nagkatinginan sila Jansen, Xian at Ax. Lumapit si Xio na kadarating lang at umakbay sa kanya. āAdius, napansin namin na noong nakaraan ka pa wala sa sarili. Sigurado ka ba na wala kang problema? Wag mong sabihin na gusto mong umatras sa kasal niyo ni Skye bukas?ā āW-what?! Of course not! Bakit naman ako aatras sa kasa naming dalawa gayong matagal din akong naghintay na ikasal kami?!ā Inalis ni Adius ang kamay ni Xio sa kanyang balikat at tumingin sa labas ng bintana kung saang hotel naroon sila. āKung ganon ano ang problema? Nag-aalala na sila tito Kairo sayo. Tsk. Iniisip tuloy nila na baka napipilitan ka lang na pakasalan si Skye dahil sa bata.ā Komento naman ni Axel. Bumuga si Adius ng hangin at seryosong tumingin sa mga ito. Nahihiya manā¦ hindi na siya nakapag pigil. Tumikhim muna siya. āU
Dahan-dahan niyang dinilat ang kanyang mga mata. Ang una niyang nakita ay puting kisame ng silid na kinaroroonan niya. Nauuhaw siyaā¦ nanunuyo ang kanyang lalamunan. āA-adiusā¦ā paos niyang tawag sa nobyo. Umiiyak na hinawakan niya ang kanyang tiyanā¦ āAdius, ang baby natin!ā āShhh, babeā¦ itās fine. Wag kang mag-alala ligtas ang anak natin.ā Sabi ni Adius habang hawak ang isa niyang kamay. Naluha siya sa sinabi nito. Nang yakapin siya nito ay sinubsob niya ang mukha sa dibdib nito. āB-babeā¦ akala ko hindi ka na daratingā¦ akala ko mapapahamak kami ni babyā¦ā nang panahon na hilahin siya nila Hersheys ay napuno na ng takot ang dibdib niya. Inisip niya na hindi na ito darating para iligtas sila. Humagulhol siya ng maalala ang maraming dugo sa pagitan ng mga hita niya. āA-akala ko mawawala na ang baby natin, babeā¦ so-sobra akong natakotā¦ akala ko mapapahamak siyaā¦ā Niyakap ni Adius ng mahigpit si Skye. Dama niya takot at ang panginginig nito. āIām sorry, babe kung nahuli ako.
Pagdating ni Adius sa basement ay sumalubong sa kanya si Xio na may hawak na baseball bat. āMabuti naman at dumating ka na. Parating na ang mga tauhan ni Axel kasama sila. Magsisimula pa lang ako pero may nag-eenjoy na sa loob.ā Sabi nito. āWhere is she?ā Tanong niya. āNasa dulo, kasama si Aimee.ā Sagot ni Xio, Kumunot ang noo ni Adius. Akala niya ay nasa hospital din ito ngayon kasama sila Axel. Pagdating niya sa pinakadulong kwarto ay nadatnan niya ang kakambal na nakaupo sa couch at nanlilisik ang mga mata na nakatingin kay Hersheys. Nakatali ang dalawang kamay ni Hersheys pataas, sabog ang buhok nito at putok ang labi at duguan ang mukha. Ayon kay Xio ay may nag-eenjoy na dito. Mukhang ang kakambal niya ang tinutukoy nito. Tumayo si Aimee at galit na dinuro si Hersheys. āAdius, hindi ko mapapatawad ang ginawa niya kay Skye at sa pamangkin koā¦ please, let me kill her now!ā Nanlilisik sa galit ang mga mata na sabi ni Aimee. Nanlaki ang mata ni Hersheys sa takot. āPa-paran
Binalibag ng malakas ni Adius si Hersheys sa sahig bago niya nilapitan ang nobya. āDamn!ā Malakas niyang mura ng makita ang nakakaawang kalagayan nito. āB-babeā¦ hold on.ā Pinangko niya ito. Kanina ay walang nanaig sa kanya kundi matinding galit. Ang tanging nasa isip niya ay kitilin ang buhay ni Hersheys dahil sa ginawa nito kay Skye. Ngunit ng makita niya ngayon ang kalagayan ng nobya na duguan ay kinain ng takot ang kanyang puso. Nanlalamig ang kanyang katawan sa takot na baka mawala ito o ang kanilang anak. Hindi niya mapapatawad ang kanyang sarili kapag may nangyaring masama sa kanyang mag-ina. āB-babe, come on.. wake up. Donāt fall asleep in my arms, babeā¦ā pakiusap niya sa nobya habang buhat ang walang malay na katawan nito. Tuluyan na itong nawalan ng malay sa kanyang bisig. Malaki ang sugat sa noo ng nobya. Walang patid ang pag-agos ng dugo dito, maging sa pagitan ng hita nito. āBabe, o-open your eyes, pleaseā¦ nandito na ako. U-uuwi na tayoā¦ā Garalgal ang boses na p
āH-hindi totoo ang mga sinasabi moā¦ ako ang mahal ni Adiusā¦ā nitong nakaraan ay sigurado siya na mahal siya ni Adius. Ngunit ngayon ay nabasag ang kumpiyansa niya. Natatakot siya na baka totoo ang sinabi nito. Maisip palang niya na tama ito ay parang dinudurog na ang puso niya sa sakit. Nahihirapan siyang huminga at parang kinakapos siya sa hangin. āKung mahal ka niya ay hindi niya ibibigay sa akin ang kontratang ito, Miss Malason, at hindi niya sasabihin sa akin ang tungkol sa panibagong kontratang ito. Gumising ka na sa kahibangan mo at matauhan. Hindi ang katulad mo ang mamahalin ni Adius. Malayong-malayo ka sa babaeng nababagay sa kanya. Kaya nga gumawa siya ng kontrata kagaya ng ganito dahil alam niya na aabot sa ganito. Look at you, nag-aassume ka at nangangarap na papatusin ka talaga niyaā¦ gold digger bitch!ā Dagdag pa ng babae. Dumaloy ang masaganang luha niya sa kanyang mata. Gold digger naman talaga siya. Pera lang ang mahalaga sa kanya. Tama si Hersheysā¦ kaya gumawa
Dinala si Skye ng mga lalaki sa isang abondonadong resort. Kusang-loob siyang nagpa-akay sa mga ito hanggang sa makarinig siya ng pagbukas ng pinto. āItali ninyo ang babaeng iyan. Hintayin natin si madam. Mamaya ay darating na iyon,ā rinig ni Skye na bilin ng isang lalaki. Kahit wala siyang makita dahil sa kanyang piring sa mata ay alam niya na inupo siya ng mga ito sa isang upuan. Naramdaman niya na tinali siya ng mga ito sa kamay at paa. Ang higpit ng pagkakatali sa kanya, ramdam niya ang hapdi ng paglapat ng lubid sa kanyang balat. āNakatali na si miss. Hindi na makakatakas ito sa higpit ng pagkakatali ko!ā Sabi ng isang lalaki. āMabuti naman. Sa labas na tayo maghintay. Kakatext lang ni madam, malapit na daw siya. Hoy, ikaw, Esko, lumabas ka! Wala akong tiwala saāyo!ā Narinig niya ang paglabas ng mga ito habang nagrereklamo ang lalaki na tinawag nitong Esko. āDiyos ko, wag mo kaming pabayaan ng anak ko!ā Hindi niya mabilang kung ilang beses siyang nagdasal na sana a
Habang lulan ng sasakyan ay napansin niya na panay ang tingin sa kanya ng mga katabi niya. Bigla siyang kinabahan sa klase ng tingin nito. Tinakpan niya ang kanyang leeg gamit ang kamay at umusod palayo. Pero may isa pang lalaki sa kanyang tabi kaya wala na siyang mausuran. āAng ganda mo pala, miss. Kaya pala pinatulan ka ng mayaman ehā¦ amoy baby ka pa at mukhang mabango!ā Kahit hindi nakatingin si Skye sa lalaki ay ramdam niya ang malaswang tingin nito sa kanya. āHoy, Esko! Wag kang magkakamali na galawin ito, baka mamaya ay hindi tayo makatanggap ng bayad at bonus kay madam! Kung ako saāyo ay manahimik ka!ā Sita ng katabi ng driver. Kinurot ni Skye ang hita. Kung kanina ay kalmado siya at hindi natatakot, ngayon ay nagsimula na siyang makaramdam ng kaba. Mukhang hindi lamang kidnaper ang mga dumukot sa kanya. Mukhang mga manyakis pa at talagang halang ang mga kaluluwa. Napapitlag siya ng biglang umakbay sa kanya ang isang lalaki na katabi niya. āMukhang hindi natatakot si