Lahat ng Kabanata ng MAFIA BOSS SERIES: THE FIFTH WIFE [Mr. X]: Kabanata 71 - Kabanata 80

334 Kabanata

71.

[Apol]Napaawang ang labi niya nang makarating sila sa kwarto ng kanilang ama. Narito pala ang elevator papunta sa underground facility nito.“Wait,” pigil ni Johnson sa kanya ng akmang sasakay na siya. “Sa secret passage tayo dadaan.” Napanguso siya. “Ha, bakit naman? Mas madali kung sasakay na tayo ngayon dito.” Aniya habang manghang nakatingin sa elevator. Kung titingnan ay para lang kasi itong closet, pero hindi pala ito isang simpleng closet lang.Napailing-iling siya. Ngayon naniniwala na siya na hindi pala basta-bastang tao lamang ang kanilang ama. Napakayaman din pala nito.“Sa secret passage tayo dadaan para sigurado na ligtas. Baka sa ibaba ay may mga tauhan si dad na nakaabang sa mga trespasser at paulanan tayo ng bala. Gusto mo bang magkalasug-lasug ang katawan natin?”Mabilis na uling siya. “H-hehe, syempre ayoko, no.” Hindi siya pwedeng mamatay. Mag aanak pa sila ng marami ng hubby niya.Sa maid quarters pala ang secret passage papunta sa underground. Emergency exit pala
last updateHuling Na-update : 2024-03-30
Magbasa pa

72.

[Apol]Napailing-iling siya habang nakatingin kay Bogard na parang batang umaatungal ng iyak habang nakaupo. Hindi na nito magawang tumayo, hindi na rin nito kayang humawak pa ng baril dahil sugatan ang dalawa nitong kamay. Hindi pa sila nakakalayo sa kinaroroonan ni Bogard ng makarinig sila ng pamilyar na boses.“Ano ang pakiramdam na unti-unti nang nawawala ang mga bagay na pinaghirapan mong nakawin sa iba, Marjo? Nakaramdam ka na ba nang takot dahil malapit ka nang bumagsak at pulutin sa kangkungan?” Boses iyon ng kanyang ina.“Tumahimik ka, Erza! Kung may babagsak man dito ay ang sinisiguro kong si Xerxes iyon at hindi ako!”Gano’n nalang ang panlalaki ng mata niya nang makita ang nanay niya kasama si Marjo, at sa harapan ng mga ito ay nakatayo ang asawa niya!‘Xerxes…” Piping bulong ng puso niya. Naalala niya ang sinabi niya rito. Hindi na niya mababawi ang sinabi niya pero ngayon ay sigurado na siya sa isang bagay.Handa siyang samahan ito habangbuhay.“Hands her to me, Marjo. M
last updateHuling Na-update : 2024-03-30
Magbasa pa

73.

Kaya pala kamukha ito ni Kokey… dahil sa nangyari dito noon. Pero sapat ba ‘yon para patayin nito ang sarili niyang kaibigan?“D-dad, please top this. Wag mo na idamay si tita Erza.” Pakiusap ni Johnson para sa babaeng naging mabuti sa kanya. “Tumahimik kang traydor ka! Kung alam ko lang na ta-traydurin mo ako ay pinapatay na rin sana kita katulad ang iyong ina!” Napasinghap si Apol, habang si Johnson naman ay nanlaki ang mata sa gulat. Halo-halo ang nararamdaman niyang. Galit, at sakit. Hindi pala namatay sa aksidente ang mama niya, kundi pinapatay ito ng sarili niyang ama!“Tama ka nang narinig, Johnson, ako nga nag utos para ipapatay ang iyong ina!”Awang-awa na Apol na tumingin sa kapatid. Nakakuyom ang kamao nito, para itong batang tumatangis sa labis na galit.Inalis ni Marjo ang tape sa bibig ni Erza. “Erza, paano ba ‘yan, mukhang hindi ikaw ang pipiliin ng anak natin—““Masaya ako kung iyon ang desisyon ng anak ko, Marjo. Sawa na akong magtiis at makasama ka! Araw-araw ay imp
last updateHuling Na-update : 2024-03-30
Magbasa pa

74.

[Apol]Malakas siyang napasinghap. Hays salamat naman at ligtas na sila. Sa panaginip niya kasi ay nag iisa siya sa dilim at walang kasama.“Mabuti at gising ka na, anak. Heto nagtimpla ako ng gatas para sa’yo.” Wika ng nanay niya na kararating lang.Nagtatakang nilibot niya nang tingin ang paligid. Hindi ito ang kwarto nila ni Xerxes, hindi rin ito ang kwartong tinutuluyan niya sa mansion ng kanyang ama. “Nay, nasaan po tayo? Nasaan na ang asawa ko?” Ang huli niyang natatandaan ay pagkatapos iyong sabihin sa kanya ng asawa niya ay yumakap ito nang mahigpit sa kanya… na para bang ito ay nagpapaalam na. Biglang binundol ng kaba ang dibdib niya ng mapansin na lumungkot ang ekspresyon nang kanyang ina. “Apol anak, nagdesisyon si Mr. X na makipaghiwalay na sa’yo. Nari’yan sa mesa ang annulment paper na kailangan mong pirmahan.”“N-nay, hindi ko ho kaya!” Nag unahan sa pagtulo ang luha niya. Kaya pala iba ang dating nang mga sinabi nito at pagyapos nito sa kanya, nagpapahiwatig na pala ito
last updateHuling Na-update : 2024-03-31
Magbasa pa

75.

[Apol]Daig pa niya ang zombie na naglalakad, wala siya sa sarili at talaga namang napakabigat ng dibdib niya. Tama nga si Johnson, wala nang Pilipinas si Xerxes, nasa ibang bansa ito kasama si Lolo Axel, iyon ang sabi ng isa sa tauhan nang asawa niya.Matulin na dalawang linggo ang lumipas. Nag aalala na ang nanay niya sa kanya dahil hindi na siya halos natutulog at kumakain. Madalas siyang maabutan nitong umiiyak. Sinubukan naman niya na maging matatag, sinubukan niya na kalimutan si Xerxes pero hindi niya magawa. Hinahanap-hanap ito ng puso at isip niya.Siya si Apol Lanchester! Kahit na masaktan siya ng paulit-ulit at itulak palayo ni Xerxes ay hindi siya magpapatinag! Kung inaakala nitonna bibigay siya nang gano’n gano’n lang, pwes mali ito.Nginitian niya nang matamis ang lalaking kaharap. “Pedro, nakakahiya naman at nag abala ka pa. Pero salamat dito sa mga bulaklak ha. Ang generous mo naman!” “Para sa’yo kahit bulaklak sa buong mundo kaya kong ibigay sa’yo!” Iminuwestra pa nit
last updateHuling Na-update : 2024-03-31
Magbasa pa

76.

[Apol]Soon to be ex-wife? Ibig sabihin ay hihiwalayan na talaga siya nito?Pinahid niya ang luha sa mata at matapang na tumingin rito. “Ang paghihiwalay ay parehong pinagdi-desisyunan ng dalawang tao. At sa kaso nating ito ay wala akong balak makipaghiwalay sa’yo. Kahit na padalhan mo pa ako ng sandamakmak na annulment paper hinding-hindi ako bibitaw sa pagsasama nating ito!”Tinaas niya ang kamay kung nasaan nakasuot ang singsing ng ikasal sila, maging ang kwintas na nasa leeg niya ay itinuro niya.“Mahal mo ako, di’ba? K-Kasi kung hindi bakit hindi mo ito kinuha? S-Saka kung hindi dapat ay wala ka nang pakialam pa sa akin… hindi mo na dapat ako pinababantayan pa!” Gusto niyang yakapin si Xerxes pero marami pa siyang gustong sabihin. “Alam ko naman na nasaktan ka ng sobra sa sinabi ko… sorry na, okay? I-Intindihin mo naman ako… hindi ko iyon nasabi dahil hindi kita mahal, nasabi ko ‘yon dala ng takot ko…”“Naiintindihan kita kaya nga ginagawa ko ang lahat ng ‘to.” Mariing wika nito.
last updateHuling Na-update : 2024-04-01
Magbasa pa

77.

[Apol]Puno ng tensyon ang paligid dahil seryosong tinginan ng kanyang ina at ng kanyang asawa. Hindi nila magawang magsalita ni Johnson dahil para silang nasa gitna ng dalawang mabangis na leon. Dapat siya ang dapat kumumpronta sa nanay niya pero parang sila pa ang nalagay sa hot seat. Sinamaan niya ng tingin si Johnson ng mapatingin ito sa gawi niya. ‘Loko-loko ka! Mamaya ka talaga sa akin!’ Nagulat siya ng tumayo si Xerxes sa harapan ng kanyang ina. “I know that you didn’t want your daughter to live in my dark world because you’re afraid that she might get hurt. Bilang kanyang ina ay naiintindihan ko ang nararamdaman mo.” Yumukod ito sa harapan ng kanyang ina at taos pusong nakiusap na ikinamaang nila ni Johnson pareho. “Alam kong hindi ako perpekto, na isa akong delikadong tao, na maaari akong magdala ng panganib sa kanya. But believe me, Mrs. Darmilton, I will do everything to protect her… kaya nakikiusap ako, pagkatiwalaan mo ako para alagaan ay mahalin ang iyong anak.” Mahaban
last updateHuling Na-update : 2024-04-01
Magbasa pa

78.

[Apol]Para siyang prinsesa na nagpaikot-ikot sa harapan ng malaking salamin habang suot ang puting wedding dress na susuotin niya sa nalalapit nilang kasal ni Xerxes.“Napakaganda mo, anak. Siguradong matutuwa ang ate Alena mong makita ka kung nabubuhay lamang siya.” Medyo emosyonal na wika nang nanay niya na naluluha.“Tama ka, nay. Siguradong matutuwa siya para sa akin.” Bigla tuloy siyang nakaramdam ng lungkot nang maalala ang ate niya. Hanggang ngayon ay hindi parin sila sanay na wala na ito. Parang kailan lang ay masaya pa silang nagpa-plano para sa paglabas ng anak nito. Madalas nilang dalawin si baby Adius sa bahay ni Kairo, ang matalik na kaibigan ng asawa niya. Ito pala ang ama ni Adius at hindi ang ex ng ate niya na nang iwan rito. Hindi niya alam kung paano nangyari iyon dahil hindi naman nilinaw ng ate niya kung sino ang ama ng anak nito. Wala naman itong naging nobyo maliban sa mayamang panget na ex nito. Kaya ayon akala niya ay ito ang ama ni Adius.“Ate, mukha ka nang
last updateHuling Na-update : 2024-04-02
Magbasa pa

79.

Kinuha ni Xerxes ang kulay rosas na nakalagay sa ibabaw ng kanyang mesa. Nakuha niya ito sa ibabaw ng kama nilang mag asawa sa bahay ng nanay ng kanyang asawa. Nakiusap kasi ito na dito muna sila manirahan hangga’t hindi pa sila ikinakasal ulit. Gusto ng asawa niya na sulitin na makasama si Johnson at ang nanay nito bago sila bumalik ng isla.“Damnit!” Sunod-sunod siyang napamura nang mapagtanto na tama ang hinala niya. Hindi ito rosas na pula, kundi kulay puti na nababalutan lamang ng dugo.“Mr. X, sigurado ako na nagbabanta ang nagpadala niyan.” Wika ni Lomer. “Pero nakapagtataka dahil rosas ito at sa’yong asawa pa ipinadala… hindi kaya ang target niya ay si Mrs. Helger?”“That’s imposible.” Nilabas ni Xerxes ang isang maliit na kahon sa drawer at inihagis sa mesa. Nang buksan ito ni Lomer ay halatang nagulat ito nang makita ang putol na daliri sa loob nito. “Nagbigay din sa akin ang taong ‘yan ng death threat… ang hindi ko maintindihan bakit kailangan niyang bigyan ang asawa ko?!” H
last updateHuling Na-update : 2024-04-02
Magbasa pa

80.

[Apol]“Ma’am, pinapasabi ho ni Sir Axel na ubusin niyo daw ho lahat nang ‘yan!” Bilin ng pahinante na naghatid ng truck bago umalis.“Si Lolo talaga! Paano naman natin mabuubos ‘to?” Napapailing nalang na wika niya habang nakatingin sa isang truck na herbal tea. Pinadala ito ni lolo Axel para sa kanilang mag asawa.Nang bumaling siya kay Xerxes ay natigilan siya. Nakakunot lang ang noo nito, halatang mayro’n itong malalim na iniisip. Tatlong araw na niyang napapansin na may kakaiba sa ikinikilos nito. Hindi kaya dahil sa business nito? Kung may maitutulong lang sana siya. Di bale, kapag nakapagtapos siya ng pag aaral ay makakatulong na siya rito. Iyon kasi ang napagpasyahan niya, na mag aaral siya pagbalik nila sa isla. Pumayag naman ang asawa niya na magpatuloy siya sa pag aaral pagkatapos ng kanilang kasal. Nagdesisyon sila pareho na mag-homeschool nalang siya. Para iyon sa ikakapanatag ng loob nilang dalawa. “Hubby, may problema ba?” Tanong niya rito habang sakay sila ng kotse. Pu
last updateHuling Na-update : 2024-04-03
Magbasa pa
PREV
1
...
678910
...
34
DMCA.com Protection Status