Thank you sa support, guys!!!
[Apol]Para siyang prinsesa na nagpaikot-ikot sa harapan ng malaking salamin habang suot ang puting wedding dress na susuotin niya sa nalalapit nilang kasal ni Xerxes.“Napakaganda mo, anak. Siguradong matutuwa ang ate Alena mong makita ka kung nabubuhay lamang siya.” Medyo emosyonal na wika nang nanay niya na naluluha.“Tama ka, nay. Siguradong matutuwa siya para sa akin.” Bigla tuloy siyang nakaramdam ng lungkot nang maalala ang ate niya. Hanggang ngayon ay hindi parin sila sanay na wala na ito. Parang kailan lang ay masaya pa silang nagpa-plano para sa paglabas ng anak nito. Madalas nilang dalawin si baby Adius sa bahay ni Kairo, ang matalik na kaibigan ng asawa niya. Ito pala ang ama ni Adius at hindi ang ex ng ate niya na nang iwan rito. Hindi niya alam kung paano nangyari iyon dahil hindi naman nilinaw ng ate niya kung sino ang ama ng anak nito. Wala naman itong naging nobyo maliban sa mayamang panget na ex nito. Kaya ayon akala niya ay ito ang ama ni Adius.“Ate, mukha ka nang
Kinuha ni Xerxes ang kulay rosas na nakalagay sa ibabaw ng kanyang mesa. Nakuha niya ito sa ibabaw ng kama nilang mag asawa sa bahay ng nanay ng kanyang asawa. Nakiusap kasi ito na dito muna sila manirahan hangga’t hindi pa sila ikinakasal ulit. Gusto ng asawa niya na sulitin na makasama si Johnson at ang nanay nito bago sila bumalik ng isla.“Damnit!” Sunod-sunod siyang napamura nang mapagtanto na tama ang hinala niya. Hindi ito rosas na pula, kundi kulay puti na nababalutan lamang ng dugo.“Mr. X, sigurado ako na nagbabanta ang nagpadala niyan.” Wika ni Lomer. “Pero nakapagtataka dahil rosas ito at sa’yong asawa pa ipinadala… hindi kaya ang target niya ay si Mrs. Helger?”“That’s imposible.” Nilabas ni Xerxes ang isang maliit na kahon sa drawer at inihagis sa mesa. Nang buksan ito ni Lomer ay halatang nagulat ito nang makita ang putol na daliri sa loob nito. “Nagbigay din sa akin ang taong ‘yan ng death threat… ang hindi ko maintindihan bakit kailangan niyang bigyan ang asawa ko?!” H
[Apol]“Ma’am, pinapasabi ho ni Sir Axel na ubusin niyo daw ho lahat nang ‘yan!” Bilin ng pahinante na naghatid ng truck bago umalis.“Si Lolo talaga! Paano naman natin mabuubos ‘to?” Napapailing nalang na wika niya habang nakatingin sa isang truck na herbal tea. Pinadala ito ni lolo Axel para sa kanilang mag asawa.Nang bumaling siya kay Xerxes ay natigilan siya. Nakakunot lang ang noo nito, halatang mayro’n itong malalim na iniisip. Tatlong araw na niyang napapansin na may kakaiba sa ikinikilos nito. Hindi kaya dahil sa business nito? Kung may maitutulong lang sana siya. Di bale, kapag nakapagtapos siya ng pag aaral ay makakatulong na siya rito. Iyon kasi ang napagpasyahan niya, na mag aaral siya pagbalik nila sa isla. Pumayag naman ang asawa niya na magpatuloy siya sa pag aaral pagkatapos ng kanilang kasal. Nagdesisyon sila pareho na mag-homeschool nalang siya. Para iyon sa ikakapanatag ng loob nilang dalawa. “Hubby, may problema ba?” Tanong niya rito habang sakay sila ng kotse. Pu
“Mr. X, ang mga taong ‘yan ang kasali sa death battle.” Kinuha ni Lomer ang isang files kung nasaan ang nakamaskarang lalaki nang kulay pula. “Lahat sa kanila ay may nakakilala at nakakita maliban sa lalaking ito. Ni isa ay walang makapagsabi kung sino ito. Hindi daw tinanggal ng lalaki kahit isang beses ang suot nitong maskara at tanging code name lang ang ibinigay niya.”Hindi pwede magkamali si Xerxes. Ito ang lalaking kumaway sa asawa niya pagkatapos nitong lumaban.“Mr. X, nagpadala na ng mga tauhan ang PDA at nakapwesto na sila mula sa kalayuan para magbantay. Mayro’n tatlo na sasama sa mga personal bodyguards ninyong mag asawa. Ang kailangan nalang natin hintayin ay ang kumilos na ang taong ‘yan. Malalaman natin kung ano ba talaga ang pakay niya sa inyong mag asawa.” Tumango si Xerxes kay Lomer. Narito sila ngayon sa library ng mansion ng kanyang Lolo Axel. Iniwan niya muna habang natutulog ang asawa niya.Pareho ang dalawa napatingin sa humahangos na dumating, si Empong. “M-Mr
[Apol]“Gusto kong magpasalamat sa inyong lahat dahil ginawa niyo nang maayos ang trabaho niyo at pinili ninyong manatili rito. Dahil di’yan, bibigyan kayo ng malaking bonus ni Lolo Axel! Yehey!” Aniya na parang bata na tatalon-talon pa. Narito silang lahat ngayon bulwagan ng mansion para lipunin lahat ng tauhan ni Lolo Axel. Ayon kasi sa asawa niya ay nag aalisan na ang mga tauhan ng matanda kaya kinakailangan nilang magsagawa ng ganitong event. Natuwa ang mga tauhan ni Lolo Axel, maging si Butler Cholo ay napapalakpak. “Mrs. Helger, kasama naman ako sa tataasan ang sahod, diba?” Pabiro nitong tanong.“Siyempre, ikaw pa!” Nagkaro’n ng raffle. Ang mapipili ay mag uuwi nang malaking halaga. Gulat na gulat siya nang malaman ang basic salary ng mga tauhan— Tinalo pa ang nag oopisina. Nasa kwarenta pa ang bilang ng mga tauhan sa mansion. Pero dahil sa napakalaki at lawak ng mansion ay nagmistula iyong kakaunti. “Maraming salamat po, Mrs. Helger!” Maluha-luhang pasasalamat ng isang matan
Binuksan ni Johnson ang kwarto at naunang pumasok. “Bukod sa kwartong ‘to wala na akong nakitang kahina-hinalang mga bagay sa loob ng mansion. Gano’n din ang sinabi ng mga kasama kong nag inspeksyon.” Imporma ni Johnson kay Xerxes. Ito ang inutos ni Xerxes kay Johnson— Ang mag inspeksyon sa buong mansion at maghanap ng kahina-hinalang bagay nang hindi nalalaman ng lahat ng tauhan nang hindi mabahala ang taong hinahanap nila. Ito ang dahilan kaya inutusan ni Xerxes ang asawa na mag organized ng event para sa lahat ng manggagawa ng mansion.Kumunot ang noo ni Xerxes nang makita ang mga nagkalat na bulaklak sa paligid ng kwarto. Ito ang kwarto ng dating hardinero sa mansion ng kanyang lolo. Ang sabi ni Butler Cholo ay hindi ito kasama sa pinaalis ng kanyang abuelo. Nagpasya daw itong umalis dahil sa katandaan.Niluhod ni Xerxes ang isang tuhod para tingnan ang mga bulaklak kung nababalot ba ito ng dugo. Kapareho ito nang pinapadala kay Apol. Puting rosas na nababalot ng dugo.“Wala ka na
[Apol]Dahil hindi makatulog si Apol ay pinuntahan niya muna si lolo Axel sa kwarto nito. Nakitang niyang bukas ang pintuan ng kwarto nito at nasa loob si Butler Cholo.“Huwag kang mag alala dahil malapit ng matapos ang paghihirap mo.” Napakaseryoso nito habang nakatayo at nakatingin sa matandang natutulog.Ang ibig bang sabihin nito ay gagaling na si lolo sa paghihirap nito sa sakit?Nang itulak niya ang pinto ay awtomatikong lumingon ito sa kanya nang walang kahit anong bahid ng emosyon ang mukha.“Hello, Butler Cholo!” Bati niya rito. Nakakabilib naman ito. Alas tres na nang madaling araw pero gising parin ito para imonitor ang lagay ni lolo Axel. “Alam mo ang swerte ni lolo Axel dahil may taong kagaya mo na tapat at tunay na nag aalala sa kanya.” Hindi man lang niya nakitang nagpahinga ito simula nang magkasakit si lolo. Sa tuwing inaalagaan niya ang matanda ay palagi niya itong kaagapay. “Kailangan, Mrs. Helger. Gusto ko kasing nasa tabi niya ako sa oras na… gumaling.” May kakaib
[Apol]Nagugulumihan na sinundan ito nang tingin ni Apol. Ano kaya ang problema ni Butler Cholo? Nitong nakaraan ay napansin niya na madalas itong seryoso at madalas na parang seryoso. May problema nga siguro ito.“Ano ang ginagawa niyo ni Cholo dito nang dis oras nang madaling araw?!”Muntik na siyang mapatalon sa gulat nang biglang sumulpot si Charlotte. “Pwede ba? Huwag ka naman manggulat.” Nakakatakot naman ang babaeng ‘to, bigla nalang sumusulpot.“Nagulat ka kasi may ginagawa kang kababalaghan kasama si Cholo?” Humalukipkip ito habang nakatingin sa kanya nang masama. “Apol, asawa mo na ang kuya Xerxes ko. Tanggap ko na ang isang basurang gaya mo ang napangasawa niya. Pero ang landiin mo si Cholo— Oh my god!” Napasinghap ito nang itapon niya sa mukha nito ang natitirang gatas na laman ng baso niya. “What do you think are you doing?!” “Opps, sorry ha. Dumulas kasi ang kamay ko.” Ayos lang sa kanya na tawagin siya nitong basura. Pero ang pagbintangan siyang nakikipaglandian sa iba
Nanghihinayang na napailing nalang si Skye. Nakakapanghinayang naman kasi talaga kung magiging ‘baklush’ si Adius. Bukod sa ubod ito ng yaman, ubod din ito ng gwapo, tapos gifted pa sa laki ng batútá—tapos lalaki din ang hanap. Kawawa naman si Tita Alena. Umaasa na magkakaapo kay Adius. Naghintay pa siya ng bente minuto bago umakyat sa kwarto nila. Pagdating niya sa kwarto ay nakita niya si Adius na nakahiga na. Mukhang tulog na yata. Pagkatapos niyang maligo ay lumabas siya ng nakaroba. Sinilip niya pa ang binata para siguraduhin na tulog na nga ito. Nang matapos siya mag-blower ay saka siya pumasok sa walking closet. Napansin niya agad na may nagbago. Bukod sa napalitan ang kulay ng mga cabinet, kapansin-pansin din ang dim red, blue and green light na ilaw sa loob. Patay sindi pa ito kaya naman feeling niya nasa loob siya ng club. Akala niya ay maghahatid lang ng mga pinamili sila tita Alena, pero mukhang pinapalitan nito ang lahat ng mga designs at ilaw dito. Kumu
Nag-isang linya ang kilay ni Adius. “You grabbed my crotch first —“ “So, kasalanan ko pa?! Saan ka nakakita ng minamasahe na hindi hinahawakan at pinipisil-pisil?!” Napatingala si Skye sa sobrang inis, “imamasahe na nga ang batútà mo, nagagalit ka pa?! Tinanong kita at sinagot mo pa nga ako na ULO ang unahin ko! Gagawin ko na nga ang gusto mo, balak mo pa akong balian ng braso!” Pinakita niya ang braso na may pasa. “Nakita mo na ang ginawa mo?! Sinaktan mo na nga ang braso ko, nakitaan mo pa ako! Sumusobra ka na!!!!” “Wait…” tinaas ng binata ang kamay upang patigilin si Skye sa walang tigil na pagsasalita. “Do you even listen to me while we’re in the kitchen?” Taas-noong sinagot ito ng dalaga. “Oo! Binibiro nga lang kita eh… kaso sineryoso mo ang biro ko—“ “After that, did you heard what I said?” Natigilan si Skye. Sa pagkakatanda niya… may sinasabi pa ito sa kanya pero nagmamadali siyang umalis ng kusina. “Ang sabi ko, imasahe mo ang ulo at likod ko, hindi ko sinab
“Tingnan mo ito, ate. Sigurado ako na bagay na bagay kay Skye ang roba na ‘to!” Lumapit si Apol kay Alena dala ang isang kulay pulang roba. “Hmm… tama ka.” Kinuha ito ni Alena at sinipat, “hindi ba masyado naman yata itong maiksi?” “Akala ko ba gusto mong magka-apo agad?” Sabat ni Charlotte na abala sa pagpili naman ng mga nighties. “Paano ka magkaka-apo agad kung hindi mo bibilhan ng revealing clothes ang future manugang mo. Saka basta si Ate Apol ang nagrekomenda, siguradong walang palpak!” “Sabagay… tama ka.” Narito ngayon ang tatlong ginang sa isang Mall. Tinawagan ni Alena ang dalawa upang magpasama at magpatulong na bilhan ng mga bagong gamit si Skye. “Ate!!!” Nagmamadaling lumapit muli si Apol kay Alena bitbit ang isang manipis at maliit na tela. “Mas maganda kung ito nalang ang bibilhin natin para kay Skye… sigurado na maglalaway si Adius sa kanya kapag nakitanh suot ito!” Sabay-sabay na bumaba sa kani-kanilang sasakyan ang tatlong ginang. Nang makita sila ng mga s
Kilala niya si Adius, hindi ito marunong magbiro. Ayaw niyang isipin na totoo ang sinabi nito. Pero paano kung totoo nga? Pagkatapos maghugas ng pinakainan, hindi muna siya umakyat ng kwarto. Katulad nitong nakaraan, inubos niya ng oras sa panonood ng tv. Bahala ng magka-eyebag, wag lang makasama si Adius ng gising sa kwart nila. Humikab siya… inaantok na siya. Pero dahil masyado pang maaga, nanood muna siya ng mga drama sa cellphone niya. At mayamaya ay inisa-isa niyang tingnan ang mg pictures ng kuya Jhake niya sa cellphone niya. Sakto naman na nakita niya ang mga pictures nila ni Adius noong engagement party nilang dalawa. Hindi niya maiwasan na mapangiti ng makita ang ramdom pictures nilang lahat, kasama ang pamilya nito. Habang tumatagal, lalo niyang nakikilala ang mommy ni Adius at mga tita nito. Mabubuti silang tao. Hindi niya kasi alam kung mabuti bang tao ang mga lalaki sa pamilya ni Adius. Karamihan kasi sa kanila ay mukhang hindi alam ang saling NGITI. Mukhang m
Dinala ni Skye ang lahat ng wedding dress na magustuhan niya sa fitting room. Mabuti nalang at hindi ito katulad ng fitting room sa mall na masisikip. Ang fitting room sa store na ito ay halos kasing laki ng kwarto nila ni Adius. Dahil kailangan ingatan ang mga wedding dress ay may dalawang babae na nag-assist sa kanya bukod pa kay Aimee. “Look at this wedding dress, Skye. Sa palagay ko bagay ito sayo.” Umiling siya. “Ayoko nito, maiipit ang boobs ko. Gusto ko ‘yung lalabas ang kasexyhan ko.” Pinakita niya kay Aimee ang gusto niyang isukat. Isang v-neck wedding dress. Sa baba at haba ng neck line, sigurado na lilitaw ang dibdib niya. Katamtaman lang ang laki ng dibdib niya. Hindi malaki, hindi rin naman maliit. Kumbaga, may ibubuga din naman ito kahit paano. Pagkatapos isukat, parehong napaawang ang labi ni Aimee at ng dalawang babae. Kuminang ang mata niya ng makita ang sariling repleksyon sa salamin. “A-ang ganda ko! Wahhh! Ang sexy ko din dito!” Nagmamadaling hinil
“You disappeared last night. Why?” Napalunok siya ng laway. “A-ah, ano kasi… b-biglang tumawag ang kaibigan ko, ang sabi nila, hinahanap daw ako ng kuya ko. T-tama nga, yun nga!” Nauutal na dahilan niya habang hindi makatingin ng diretso dito. “W-wag kang mag alala, nagpaalam naman ako kila tita,” “Exactly, Skye. Nagpaalam ka sa kanila, pero sa akin ‘hindi.” Turan ni Adius na ikinangiwi ng dalaga. “After you eat, prepare yourself. May pupuntahan tayo.” “Ha? Akala ko ba walang pasok ngayon sa office? Teka, sandali naman!” Nakangusong sinundan ng tingin ni Skye ang binata. “Tingnan mo ‘to, parang hindi nilapa ang labi ko kagabi ah. Bumalik na naman sa pagiging masungit.” Dahil wala siyang ganang kumain ay nagligpit na siya at naghugas. Pagkatapos maghugas ay naligo siya at nagbihis. Mukhang kailangan talaga na kasama siya sa lakad ni Adius dahil hindi siya iniwan nito. “Saan ba tayo pupunta?” Imbes sagutin ang tanong ni Skye, kinuha ni Adius ang earbuds at sinagot ang tum
“Kuya!!!” Parang bata na tumakbo siya palapit sa kuya niya ng makita ito. “Kuya, namiss kita ng sobra!” “N-n-namiss din ni Jhake si ate!” Parang bata na sinubsob niya ang mukha sa dibdib nito. Simula ng magtrabaho siya bilang secretary ni Adius ay dalawang beses nalang niya ito nadadalaw sa loob ng isang linggo. Hindi naman siya nag aalala masyado dahil may mga private nurse na inupahan ang binata para bantayan ang kapatid niya. Natransfer narin ito sa maganda at mas maayos na hospital kaya naman kampante siya na magagamot ito ng mas maayos. Kinuha niya ang maraming ubas na dala at mga bagong laruan. Masayang-masaya na yumakap ito sa kanya. “A-ang sabi ni Jhake s-salamat daw! T-the best talaga ang ate niya!” Ani nito sabay halik sa pisngi niya. Kinagat niya ang labi, sinubukan na hindi umiyak pero hindi niya nagawa. Kapag kaharap niya ito at kasama ay nagiging iyakin siya. Agad na binaling niya sa iba ang mukha para hindi nito makita ang luhaan niyang mukha. Sigurado kasi
“F-fiance mo si Miss Malason?” Nangatog si Jillian sa takot katulad ng kanyang ama. Nabigla si Skye ng lumuhod sa harapan nila ang mag ama. Wala na ang kanina na mapagmataas na awra ng dalawa, nasa mukha ng mga ito ang magkahalong pagkabigla, takot at pagmamakaawa. “H-humihingi kami ng tawad sa aming kapangahasan at kamangmangan. H-hindi namin alam na fiance mo pala siya!” “T-tama si daddy, Sir! Pa-patawarin mo sana kami!” Tumingala si Jillian at tumingin kay Skye ng nagmamakaawa. “Please, Miss Malason, pakiusap, patawarin mo kami!” Nang subukan na lumapit ni Jillian sa dalaga ay humarang si Adius sa kanya. “Don’t try to lay your dirty hand again on her skin. Baka mapatay kita!” Napasinghap si Skye ng tutukan ito ng baril ng binata sa ulo, maging ang mga bisitang naroon ay napasinghap sa gulat, maliban sa pamilya ng binata na hindi na nabigla sa ginawa nito. “A-adius…” kahit siya ay natakot, hindi man niya nakita ang mukha nito dahil nakatalikod ito at nakaharang sa kany
“Sigurado ka ba na peke ‘yan? May ebidensya ka?” Napaawang ang labi niya sa sinabi nito. “Ano? Pero humiram ka sa akin, sapat ng ebidensya ‘yon.” “Sa palagay mo maniniwala sila na humiram ako?” Mayabang na ngumisi ito at tiningnan siya mula ulo hanggang paa. “Alam ko ang background mo kaya imposibleng makabili ka ng mamahaling kwintas na katulad no’n. Isang limited edition na APL necklace na nagkakahalaga ng 65 Million? Sabihin mo nga sa akin, saan mo napulot ‘yon? Ninakaw mo? O baka naman may sugar daddy kang nagregalo sayo?” Alam ni Skye na masama ang ugali ng babaeng ito. Pero hindi niya inasahan na ganito katindi. “Ibalik mo nalang ang kwintas para matapos na ang usapang ito,” 65 million? Nanuyo ang lalamunan niya sa takot. Ngayon palang ay natatakot na siya kapag nalaman ni Adius na nawawala ang kwintas. Ngumisi lamang ito. “Hindi mo ako masagot? Siguro nga ay ninakaw mo! Magpasalamat ka nalang dahil binenta ko bago ka pa mahuli ng ninakawan mo! Subukan mo pang habulin